CHAPTER 89
Ilang sandali pa ang lumipas at narinig na namin ang iyak ng isang sanggol. At alam kong iyon na ang anak kong kasisilang pa lang. Ilang sandali lang din ay lumabas na sa loob ng delivery room ang doktor na nagpaanak kay Annie.
"Okay naman na sila, pwede niyo nang makita mamaya sa recovery room," mahinahong sabi ng doctor sa akin. At lahat nga kami ay nakahinga nang maluwag.
Six months later:
Annie's pov:
Ang lahat ay masaya sa bagong dating naming sanggol na pinangalanan naming Davenlyn at ang nick name nito at Aven. Si baby Aven na ngayon ay palaging kasama ng kanyang Papa. Sobrang bumawi si Dave sa kanyang ikalawang anak dahil sa pangyayari noon na hindi niya manlang nahawakan ang kanyang anak noong itoy sanggol pa lamang.
Kasalukuyan kaming narito sa Batanggas nagbabakasyon. May tatlong buwan na kami sa bahay bakasyunan naming ito kung saan kami na-engaged at nag-honeymoon. Si Dave ay kasalukuyang nilalaro ang mga anak niya sa tabing dagat. At ako naman ay masayang nakatingin sa kanila. Masaya na ako kahit na maraming tao ang nawala sa buhay ko. Tutal marami ring ipinalit ang Diyos na mga taong muling nagmamahal sa akin.
Bagamat alam kong kailan man ay hindi mapapalitan sa puso ko ang kabutihan ni Shiela. Na naging karamay ko sa gitna ng karamdaman at kagalingan ko. Sa kaligayahan at kalungkutan. Tumingala ako sa langit at dinama ang magandang kalangitan na pilit ko ring inaaninaw sa mga ula Ang masayang mukha ng aking mga mahal sa buhay na pumanaw na.
"Sweetie! Came here! Join us, were playing the sand..." narinig kong sigaw ni Dave sa akin. Kasama niya si Daniel at ang baby naming si Aven. Bagamat mag-aanim na buwan pa lang ito ay pilit nang nakikisali sa laro ng kanyang papa at kuya Daniel.
"Wait, I'm coming!" sigaw ko rin sa mga ito at sinabayan ko pa ng tayo upang lapitan ang aking mag-aama. Alam kong kung nasaan man sila ay masaya na sila at masayang makita kami na masaya na rin.
-------------------
Matapos ang tatlong buwang pagbabakasyon ay bumalik na kami ng Manila. Para naman makipagtulungan sa mga kuya ko na nagmamadali na ring magpakasal sa mga kaibigan kong sina Joan at Carol. At natatawa pa akong gusto rin yatang humabol ni Alvin, kaya lang ay umayaw naman si Mica dahil hindi pa raw siya sigurado kung lalaki raw talaga ang gusto niya. Nagkatawanan naman kami, kasalukuyan kasi kaming narito sa aming bahay dito sa Santivaniez subdivision sa Cavite.
Dahil kinuha naming brides made si Mica, at best man naman si Alvin. At Simon, kimuha rin ni kuya Shimen, si Leo na secretary ni Dave ay kinuha rin ni kuya Salmon. Ang kukulit talaga nila habang nag-uusap-usap at nagpaplano sa triple wedding na gaganapin.
"Ano ba yan Sir, eto kasing si Mica ayaw pa sumabay sa kasalan," nagsisimangot na sabi ni Alvin kay Dave. At nagtawanan na naman kami.
"Bakit ba kasi namimilit magpakasal to! Hindi pa nga kita formal na sinasagot! Hindi ko pa alam kung lalaki ang gusto ko!" Pasinghal na sagot naman ni Mica. Habang nag mi-meeting kami ay may nakahain nang inumin para sa mga lalaki at mga pulutan na rin. Naguguluhan ang wedding planner sa kanila. Kaibigan naman iyon ni Mica na ini-refer niya sa amin. Si Angel.
"Ay nako, ‘wag munang pilitin yan, duda pa siya sa pagkatao niya," sabi nito sa kanila.
"Ano? Baka kasi Alvin ang bagal mo eh, dapat move ka kaagad, hindi mo gayahin ang amo mo, ang tagal mo na kasama hindi mo pa rin matutunan ang mga ninja move niyan," pabirong sabi nina kuya Salmon at Dhino.
Tumawa muna ito ng malakas Bago nagsalita, "Dapat ba patikimin ko na nang halik 'yan, para makapagdesisyon na siya sa akin..." sabi ni Alvin. At umaktong ilalapit ang kanyang mukha kay Mica, na inambahan naman nito ng kanyang kamao.
"Subukan mo!" mahina ngunit mariing sagot ni Mica at sinabayan ng irap ang pagbabanta.
"Oo, kung ayaw sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan." Sabay tawanan na naman ang lahat. Napapakamot na lang si Dave sa sinasabi ng mga bayaw niya.
"Hoy! Hindi ko moves yan ha, ang tagal ko kayang naghintay...." napapabiting salita ni Dave. Napatingin kasi siya sa akin at medyo pinamulahan pa ng pisngi.
"Uy! Si Tito, nagba-blush pa oh..." Sinundan pa nang turo ni Carol ang Tito niya na talaga namang namumula. Iyon kasi ang unang pagkakataon na nakipagbiruan ito sa amin na para talagang normal na lalaki lamang.
Parang kailan lang ay tila isa itong bayaning nakikipag laban sa mga masasamang tao, at nagliligtas pa ng buhay. Ngunit matapos nga ang lahat ay nakatakda pa siyang parangalan ng pamahalaan dahil sa napakalaki nang naitulon niya upang masawata ang isang napakalaking sindikato. Hindi lamang sa bansang ito kundi sa lahat ng bansang may kinalaman si Don Fabian. Sa dami ng mga negosyong naitayo nito sa iba't ibang bansa, na pawang mga ilegal. Kaya naman nagpadala ng mensahe ang pinuno ng Europa, isa sa mga bansang napuntahan ni Dave doon, at iba pang bansa. Mensahe ng pasasalamat sa aking asawa.
Sa dinami-dami ng pinagdaanan kong hirap at mga taong nagbuwis ng buhay sa mga pangyayaring ito ay lubos akong masaya dahil nakikita ko na ngayon ang ngiti ng taong akala ko ay hindi ko na makakasama. Nagpapasalamat ako sa Maykapal na nasa kalangitan dahil pinahintulutan niya akong maging maligaya sa buhay kong napuno ng lungkot, noong mga nakaraang taon sa buhay ko na wala si Dave. Ang lalaking pinaka mamahal ko.
"Annie! Annie!" narinig kong tawag sa akin nila kuya.
"Oh... bakit?" natanong ko naman sa kanila. Habang hawak ko ang isang tasa na may lamang pulutan at inilapag ko sa harap ng lamesa. Si Daniel ay masayang nilalaro ang kapatid niyang nasa crib. Sina Mama at Tatay Arnold naman ay masaya naman sa kusina habang nagluluto ng iba pang pagkain para sa aming lahat.
"Ma, yung masarap na adobo ha!" Sigaw pa ni Salmon kay Mama.
"Uy! Ang taba mo na... Ma bawal na po," sigaw naman ni Joan kay Mama. Tawanan lamang ang isinagot ng lahat. Lahat kami ay masaya nang araw na iyon dahil kaming lahat ay naroon sa sa aking bahay na pinapangarap. Isang simpleng bahay na maaring naming pagsamahan kung may ganoong okasyon.