CHAPTER 86
Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. At nakita ko ngang nasa malayo na ang mga pulis at ang lahat ng mga kasama ko kanina sa loob ng mansion. Nakita ko rin na kinukuha na rin ng rescuers si Don Fabian na noo'y wala pa ring malay. Mas gusto ko sanang siya na lang ang naiwan doon at hindi si Charles. Ngunit naunawaan kong tama siya, mawawalan ng saysay ang lahat kung hindi niya pagdurusahan ang kanyang mga kasalanan sa batas.
"Sir Dave, may tama ka!" sabi ni Alvin at simon na sumalubong sa akin. Napasampay naman ang braso ko kay Alvin.
"Simon, siguruhin mong mga pulis at NBI ang makakakuha kay Don Fabian." Tumango naman ito at agad na sumunod sa inutos ko. Pinuntahan niya si Don Fabian na kasalukuyang nakagapos na. Nang naroon na sila sa campo na medyo malayo na sa mansiyon ngunit tanaw pa rin namin ito. Hanggang sa naubos ang oras at tuluyang sumabog ang buong mansion. Hindi gumana ang planong naisip ko. Nakita naming tinupok ng malaking pagsabog ang buong mansiyong iyon ni Don Fabian. At kung sakaling hindi kami nakalabas ay tiyak na mamatay kaming lahat sa lugar na iyon.
Napaluhod ako dahil sa panghihinayang ko sa aking kaibigang si Churles.
"Churles!"
Halos mapatid ang mga ugat sa leeg ko sa malakas kong pagtawag sa pangalan niya. Hindi ko akalaing isa pala siya sa magliligtas ng aking buhay. Na siya pala ang aking tunay na kaibigang nagmamalasakit sa akin.
"Salamat... Charls..." sabi ko. Naitukod ko pa ang aking mga kamay sa lupa.
"Papa!" sigaw ng maliit na tinig sa aking likuran. At nakita ko nga aking anak nang lingunin ko ito. Tumayo ako ng maayos at hinarap siya. Muli akong napaluhod at inilahad ang aking mga to kamay.
"Anak!" sigaw ko rin habang patuloy nang dumadaloy ang aking mga luha. Sa wakas ay nahagkan at nayakap ko rin ang aking anak na matagal ko nang kinapanabikan. Ang akala ko noon ay hindi na mangyayari.
Samantalang kitang-kita at saksi ang buong bayan sa mga naganap na pangayayari. At lahat sila ay naantig sa pagkikita naming mag-ama.
Lahat kami ay isinakay na sa eroplanong pagmamay-ari ko. Si Don Fabian ay kasalukuyan nang hawak ng mga NBI. At siya ‘y nahaharap sa napakaraming kaso dito sa buong bansa. Dumeretso kaming sa ospital ng Benguet kung saan naka-confine si Annie, at naroon din ang kanilang ina.
_______________________________
Madaling araw na ng makarating kami sa ospital ng Benguet. Agad kaming sinalubong ng medical care nila upang matingnan ang lahat at magamot. Karamihan kasi sa amin ay puno nang galos dahil sa pag lusot namin sa napaka kapal na pader na iyon ng mansiyon.
Agad kong nakita si Annie, na bumababa ng hagdan at halos patakbong sinasalubong kami. Nasa likod niya ang kanyang mama na nakasunod sa kanya.
"Daniel, anak!" sigaw nito habang bumababa sa hagdan upang salubungin ang anak. Ako naman ay hindi na muna nagpilit na mapansin ng aking mahal na asawa. Pina asikaso ko na rin ang lahat sa mga doctor at bukas ay ililipat na sila sa Santivaniez hospital. At ang lahat ay manunuluyan muna sa Santivaniez hotel. Iyon ang tanging ibinilin ko sa kanila. Ako ay umalis na muna kasama ng aking mga tauhan upang balikan ang pinangyarihan ng pagsabog. Alam kong okay na sila. Binabantayan pa rin naman ng mga bodyguards ko at ng mga pulis ang buong ospital. Tinungo ko ang pinangyarihan ng pagsabog, sa pag-asang naroon pa ang aking kaibigan, at kasama ang media team, upang makuhanan nila ng video footage ang pinangyarihan ng insidente. Hindi ko binitiwan ang kaso hanggat hindi ko nasisiguro na hindi masasayang ang pagbubuwis ng buhay ng mga taong mahal ko at may kinalaman sa mga pangyayari. Mahal ko sila at hindi ko sila malilimutan. Sa storyang ito sila ang nagbigay ng kulay at magagandang bahagi sa aking buhay.
Agad akong bumaba ng makarating kaming muli sa mansiong sumabog. Pinasok namin muli iyon at nakita ko roon ang dalawang bangkay ng mga taong naiwan. At ang bangkay ng mga tauhan ni Don Fabian. Nakita naming sabog na sabog at abo ang lahat ng mga ari-arian ni Don Fabian. Liban sa nag-iisang baul na nakita nina Simon at Alvin.
"Sir Dave, tingnan mo!"gulat na sambit ni Alvin.
Nakita nga namin ang baul na puno ng napakaraming gold bar. Na tinago ni Don Fabian. "Kunin niyo yan, at ipapamigay nating sa mahihirap na tao,"sabi ko. Nararapat lamang na ayusin niyan ang buhay ng mga tao na sinira niya. Samantalang pinuntahan ko ang bangkay ni Churls na sunog na sunog pinabalot ko iyon sa mga kasama ko. Maging si Edmond din na naroon ay lasug-lasug at halos maabo na rin sa lakas ng pagsabog na naganap. Bagamat sa kanya nagsimula ang lahat ngunit kahit paano ay may ginawa pa rin siyang tama sa buhay niya. Iyon ay ang iligtas ang dalawang pinaka mahalaga sa buhay ko. Kaya lihim na rin akong nagpasalamat. Lahat pa ng ibang bangkay roon ay pinakuha ko upang madala na sa morge at masaayos na rin ang pag-iimbistiga sa mga ito. Umalis kaming muli at ipinagawa ko na sa mga tao ko ang pagsasaayos sa lahat.
Saka lamang ako nakapagpahinga. Sa Santivaniez hospital na ako tumuloy at doon nag pahinga sa pribadong kwarto doon na para sa akin. Dahil alam kong darating ang lahat sa ospital na iyon. Alam kong kailangan nilang masuri ng mga spesialista. Dahil maaring na trouma ang mga bata. At kailangan ng mga ito ng ibayong panggagamot.
"Bro, long time no see...." bati ni Raymond sa akin. Ang headdoctor ng buong ospital.
"I'm okay," tipid kong ganti sa kanya.
"Where's the others?"tanong nitong muli na hinanap ang aking mga kasama at pamilya.
"Nasa Benguet pa sila, and I need to take a rest." Lumakad na akong palayo sa kanya. Halos lahat naman ng madaan kong mga nurse at doctor ay binabati ako at kino-congradulate. Ako naman ay panay tango lamang sa lahat ng bumabati sa akin. Naiwan naman si Raymond na nagkibit-balikat na lamang. Naisip nitong pagod talaga ako.
Malungkot ako dahil kinailangan pang magbuwis ng buhay ng ilang tao para lang mailantad ko ang kasamaan ni Don Fabian. Pero ganon pa man ay nagkaroon naman ng malaking parte na ginampanan ang mga taong ito sa ikaaayos ng buong mundo. Dahil din sa mga sakripisyo nila ay maraming buhay ang maayos at maliligtas.