CHAPTER 85

Nang makapag labas nang ilang baul ang tauhan ni Don Fabian, ay pinagtulungan naming mga kalalakihan ang pagbuhat sa malaking aparato kung saan naroon ang bomba. Maliban kay Charles na kinuha ang mga lubid na kanina ay nakatali sa mga bihag at siya niyang itinali kay Don Fabian na wala pa ring malay.

"Isa... dalawa... tatlo...." bilang namin habang sabay-sabay na binubuhat ang aparato. Hanggang sa naipasok namin ang aparato sa loob ng silid at saka namin iyon muling isinara. May tatlong oras na nalalabi upang makatakas kami bago sumabog ang bomba.

Samantalang naririnig na namin ang mga paghuhukay na ginagawa nila sa labas para mailigtas lamang kami sa nalalapit na pagsabog. Nakita nila ni Dhino at Shiemen ang kaunting lamat sa pader na nalikha ng mga tao sa labas. Habang pilit nilang hinuhukay at tinitibag ang pader sa labas. Sinikap nilang mabasag ang mga salamin sa bintana ngunit napakatibay ng mga salamin dahil sa sobrang kapal at gawa sa mamahaling materyales.

"Boss traydor ka pala kay Don Fabian!" sabi ng isa sa mga tapat na tauhan ni Don Fabian. Hawak na nito ang isang baril. Nakatutok sa akin.

"Gusto mo bang mamatay dito!?" sabi ng pinuno nilang si Badong. Tinuro ang kasama at tinangkang paliwanagan.

"Ah! Tama siya! Magsama-sama na lang tayong mamatay at mapunta sa impiyerno!" wika nito na umaktong tila nababaliw. At napatingin sa mga sa magkakasamang mga bihag. At si Daniel na umiiyak ang naisipan nitong tutukan ng baril. At nang kakalabitin nito ang baril ay mabilis akong tumakbo upang mapagtakpan ang anak ko laban sa balang pinakawalan ng baril na hawak ng nasisiraang lalaki.

"Anak!" malakas kong sigaw. Napadapa ako sa pagtakbo at nahuli, ngunit narinig ko pa ang sigaw at iyak ng aking anak. At nang tingnan ko siya ay buhay pa nga. Hindi ko na inisip pa. Binaril ko na ang lalaking iyon, bago pa ito makapanakit ng iba. Mabilis din palang nayakap ni Edmond si Daniel at ito ang tinaan ng baril. Agad akong lumapit sa kanila.

"Anak! Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong naitanong sa kanya. At mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. Samantalag si Edmond ay naghihingalo na pala. Mahinang- mahina na rin kasi ito dulot ng pagpapahirap ni Don Fabian sa kanya.

"Edmon, kaya mo yan! Huwag kang bibitiw!" sabi ko, dahil nagpapasalamat ako sa ginawa niya.

"H-huwag na Dave! G... ginawa ko 'yon para kay A-Annie... Pa... pangalagaan mo siya, k-kapatid ko...." At iyon ang huling salita na narinig naming lahat at tuluyan na siyang binawian ng buhay. Samantalang nakalikha na ang mga nasa labas ng maliit na butas at maari nang makalabas ang lahat ng paisa-isa.

"Sir Dave! Maari na ninyong mailabas ang bata!" Narinig kong sigaw ni Alvin.

"Sige paki abangan sila isa-isa kaming lalabas. Kung maari malakihan pa ang butas. Pakibilisan niyo dahil malapit sumabog ang bomba!" sagot ko sa kanya. Alam kong ginagawa nila ang lahat. Bagamat may ilang oras nang tumatagal ang live telecast. Lahat ng mga tao ay nakatutok sa amin sa lahat ng mga nangyayari.

Ngunit hindi na nila mapalakihan ang butas, ngunit napagkakasya naman ang isang tao. Paubos na ang oras namin. Nakalabas na ang mga bata at natitira na lamang ay ako, si Shiemen, si Salmon si Dhino at ang mga babaeng sina Carol, Joan, Luisa. Si Charls at si Brando at si Don Fabian.

"Sige na Joan, lumabas kana, baka pa tayo abutan ng pagsabog!" sabi ni Mang Arnold. Pagkalabas ni Joan ay pinasunod na si Carol at si Luisa. Halos ilang minuto na lang ang natitirang oras, ngunit maroon pa rin kami sa loob.

"Mang Arnold, lumabas na ho kayo rito, kailangan kayo ng mga anak niyo," sabi ko. Ang bawat isa ay inaabot ng tatlong minuto bago tuluyang makuha sa labas. Sa kapal ng pader tanging mga bata lamang talaga ang mabilis na makalalabas. Nang makalabas na ang matanda ay pinasunod ko si Dhino, tapos ay si Shiemen at Salmon.

"Dave mauna kana kaya?" nag-aalangang sabi ni Salmon.

"Sige na, hindi na dapat nating pagtalunan ito," sabi ko. Sinenyasan ko naman si Badong ang tauhan ni Don Fabian.

"Badong at Charles, mauna na kayo sa akin," tawag ko pa sa kanila. Noon ay mayroon na lang kaming sampung minuto. Nang makalabas na si Salmon ay si Badong naman ang sumunod.

"Churles pwede ka nang lumusot, sa tingin ko ay nakalabas na yung huli." Sinisilip ko pa ang butas kung maari nang makalabas ang isa pa. Ngunit nang humarap na ako sa kanya ay nagulat ako nang nakatutok na sa akin ang baril niya.

" Anong ibig sabihin niyang Charls?" Napataas ang kamay ko. Bumuntong hininga na muna ito bago sumagot sa akin.

"Lumabas ka na, bago pa kita barilin, pag katapos mo, kukunin ko yung matandang baliw na iyon. Ilabas mo rin siya, tapos ipangako mo sa akin na bubuhayin mo siya at mabubulok siya sa bilangguan. Dapat lang sa kanya iyan, dahil nabaliw siya sa kayaman. Iyang pera niya, walang silbe na ngayon," sabi pa rin nito na nakatutok pa rin ang baril.

"Pero bakit kailangang itutok mo pa sa akin yang baril na hawak mo?" Tinangka kong lumapit sa kanya.

"Diyan ka lang Dave! Kaya ko ito ginagawa para hindi ka mahirapan. Gusto kong isipin mong masama ako, para hindi ka na makunsensiya! Alam ko kung gaano kalambot ang puso mo! Trinaydor kita, dahil doon hindi na ako karapatdapat na maging kaibigan mo!"sabi pa niyang itinutok pang maigi ang baril. Pero nais ko paring lapitan siya. Itinutok nito sa sariling sintido ang baril, "kapag lumapit kapa babarilin ko na ang sarili ko," mariin nitong wika sa akin.

"Patawarin mo ako Charles, ngayon alam ko nang ako ang tunay na tumalikod sa pagkakaibigan natin," malungkot niyang sabi.

"Umalis ka na! Wala nang oras, para sa pamilya mo, sila naman ang unahin mo! Paalam Sir Dave! Paalam aking kaibigan!" sigaw ni Churles. At nagsalute pa ito sa akin. Nakataas ang isang kamay sa nakalagay ang dalawang daliri sa Isang bahagi ng kanyang kilay. Nakangiti habang nakatingin sa ‘kin. Ako naman ay tumalikod at mabilis nang tumakbo upang makalusot sa butas, bagamat labag sa kalooban kong iwan si siya roon. Dahil sampung minuto na lang at sasabog na ang bomba. At walang kasiguruhan kung hindi nga tatablan ang buong silid. Ngunit dinarasal kong gumana ang planong kong iyon upang makaligtas pa rin si Charls.