CHAPTER 84
Habang nag-iiyakan ang lahat ay nagising si Don Fabian. Tumawa na naman ng malakas. "Ano natatakot na ba Kayo?" sabay tawa nang napakalakas. "Ano ngayon ang gagawin niyong lahat?" Napahawak pa ito sa kanyang ulo, at parang nawala na sa sarili na humalakhak.
"Hayup ka!" sa sobrang galit ni Charles ay nasapak na niya ito at sinundan pa ng napakarami pang suntok. Natigilan na lamang siya ng makita niyang wala na naman itong malay.
Samantalang kausap ko ang mga ka-team ko na kasalukuyan nang gumagawa ng paraan para maaccess nila ang security system ng buong mansion ni Do Fabian. Lahat ng data ay na sa computer na nila. At malaki ang tiwala ko na maha-huck nila ito.
Habang ginagawa nila iyon ay chineck ko ang bomba, meron na lamang kaming apat at kalahating oras para maka alis sa mansiong iyon.
"Hello Chip! Gumawa kayo ng paraan upang makaligtas kami, magpadala kayo ng mga buldoser para magiba ang mga pader!" sabi ko sa kausap ko. May nakakabit na earpiece sa tainga ko. At dahil doon ay nakakausap ko ang mga nasa labas. Kasalukuyan na din daw silang gumagawa ng paraan. Nagpatawag pa sila ng bomb squad para makatulong na patayin ang bomba.
"Ate ano na bang gagawin natin? Mamatay na ba tayo rito?" umiiyak na tanong ng isa sa mga kapatid ni Joan. Niyakap ni Joan ang mga ito dahil sa hindi niya alam ang isasagot sa mga kapatid. Nag-iiyakan ang mga ito. Si Mang Arnold naman na ama ng mga ito ay nagsalita,"mga anak lakasan lang natin ang loob natin at magtiwal tayo sa Diyos, na tutulungan niya tayo sa ganitong sitwasyon." At niyakap ang mga anak.
"Tama 'yan tanda, magdasal na kayo! Baka tanggapin pa kayo sa langit kung mamatay na kayo sa lugar na ito." Natawa ng mapakla ang lalaking pinuno ng tauhan ni Don Fabian. Tila ba siya nawalan na ng pag-asa.
"Bakit ikaw Boy? Wala ka na bang pagnanais na mabuhay?" tanong ni Mang Arnold. Bagamat alam ng matanda na kalaban ang kinakausap. Ngunit ngumiti lamang ang lalaki. Samantalang patuloy naman na na naghahanap ng paraan sina Shiemen, Salmon, at Dhino. Ang mga bata, babae ay iniwan nila sa tabi ni Mang Arnold na nasa malapit sa pintuan. Upang kung sakaling mabukasan iyon ay agad silang makalabas.
"Hindi baleng makulong kami, basta makalabas na kayo," sabi ni Dhino sa pamilya. Si Luisa naman ay tahimik lang at pilit na nagpapakatatag para sa mga anak.
"Dhino, mahal na mahal kita, kayo ng mga anak ko." Niyakap nito si Dhino at hinagkan sa labi. Sa puntong iyon ay isa-isa na silang nawawalan ng pag-asa. Kaya naman inihahanda na nila ang mga sarili sa maaring mangyari. Alam nila na maliit lamang ang tiyansang makaligtas sila. Si Shiemen ay nilapitan din si Carol na matagal na niyang kasintahan. At hinagkan ito sa labi. Dahil na rin matinding pag-aalala.
"Carol, alam mo kung gaano kita kamahal, kung makakaligtas tayo dito, pakakasal ka ba sa akin?" Hinawakan ang kamay ni Carol ng mahigpit. Naluluha namang itong tumango ng ilang ulit.
At puntong iyon din nagkatapatan ng pag-ibig sina Joan at Salmon. Na matagal na rin palang may pagtingin sa isa't isa. Nang dahil sa hindi nila alam kung makakaligtas pa sila ay nagtapat na rin. Samantalang natatawa si Charls. Malakas siyang tumawa bago nagsalita sa mga kasama.
"Mabuti pa kayo papanaw na kasama ang mga mahal niyo." Bumuntong hininga ito. At nagulat ang lahat nang itutok niya ang baril sa sintido. At tangkang magpapatiwakal.
Ngunit na maagap ko siyang nahawakan, " Churles huwag mong gawin iyan," sabi ko na ngumiti sa kanya. " nandito pa ako, makakaligatas pa tayo." sabi ko na may malaking paniniwala. Tumingin ako sa kanilang lahat.
"Makinig kayo ang pintuan lang naman na iyan at lahat ng lagusan palabas ang na-lock ng computer system, kung magtutulong-tulong tayong madala doon sa silid na iyon ni Don Fabian ang bomba, tiyak na hindi tayo masasama sa pagsabog." Itinuro niya ang silid ni Don Fabian kung saan nasa loob nito ang lahat ng kayaman nito. At alam niyang maganda ang pagkakagawa ng mga pader non. At merong iyong fire resistance. Hindi tatablan ng anumanga pagsabog ang pader ng loob ng silid. Doon niya balak magtago kapag pinasabog niya ang buong mansion.
"Paano mo mabubukasan ang silid na iyan, may pin code din iyan,"sabi ng tauhan ni Don Fabian.
"Madali lang naman susubukan kong makuha ang kombinasyon ng mga numero." sagot ko naman. Ang lalaking kaninay kalaban ngayon ay kakampi na nila.
"Kung sakali aabot pa ba ang oras?" tanong na naman nitong muli. Kasalukuyan pa ring walang malay ang matanda.
"Mabubuhay o mamatay? Kaya kung may alam ka, sabihin mo na," tanong ko sa lalaki. Dahil sa mga oras na iyon, na buhay namin ang nakataya, wala na sigurong kaaway at kakampi.
Tumayo ako at nilapitan ang nakapinid na pintuan. Pinagbabaril ko iyon ngunit hindi ko nagawang bukasan. Hindi umubra. Kinakabahan na rin ako. Nagsalita ang mga nasa labas at sinabing naroon na ang buldoser. Susubukan dawn nilang gibain ang kabilang gilid ng pader. Sobrang tibay kasi nang materyales ginamit. Ganon pa man ay hindi sila sumuko. Unti-unti pa rin nilang giniba ang mga pader. Samantalang kami ng mga kalalakihan ay humanap sa buong mansion ng mga bagay na magagamit namin para mabukasan ang pintuan. Kung ano-ano nang numero ang ginamit naming kumbinasyon upang mabuksan ang silid ni Don Fabian. At dahil isa naman iyon sa mga forte ko ay nagawa kong mabukasan ang silid.
"Bukas na!" malakas kong sabi. Lahat kami ay namangha sa lamang ng silid dahil halos kuminang ang lahat ng mga kagamitang naroon. Sandamakmak na salapi rin ang mga nakalagay sa napakaraming baul nito napupuno rin ng mga ginto ang ilang pang mga baul.
"Makinig kayo kinakailangan nating mailabas ang ilang mga baul at mailipat ang malaking aparato na may bomba sa loob nito," sabi ko sa kanila.
"Kunin mo na ang nais mo bago pa sumabog iyan," sabi ko sa pinuno ng mga tauhan ni Don Fabian.
"Talagang kukunin ko ang ilang baul diyan...." Pumasok ito upang maglabas ng ilang baul. Hinayaan ko naman siyang gawin iyon.