CHAPTER 83
"Ano! Huwag kayong kikilos ng hindi ko gusto! Subukan niyong galawin ang mga bihag niyo, siguradong mamatay 'tong amo niyo!" sigaw ni Charls na idiniin pa ang bisig niya sa leeg ng matanda. Nakatutok sa sintido nito ang forty-five caliber na baril na hawak nito.
"Sige na Dave! Lapitan mo na sila!" baling sa akin ni Charls. Mabilis naman akong nakalapit sa mga bihag. Mabilis kong kinalagan si Shimen, at Salmon upang matulungan nila akong kalagan ang iba.
"Salamat Dave,"sabi ni Shiemen na agad namang kinalagan si Carol, at ang iba pang naabot niya. Nakatali ang mga kamay at paa nila. Sinunod ko naman si Salmon, at si Dhino, at nang makalagan ko na sila ay pinalabas ko na sila upang makalapit sa mga pulis.
"Bilisan niyo lumabas na kayo, Dhino kayo nang bahala sa anak ko," sabi ko dahil nilapitan ko naman si Edmond, na noon ay nakahandusay at halos hindi na makakilos.
"Edmon kaya mo pa ba?" tanong ko. Ngunit sinigawan ako nina Shimen at Salmon.
"Dave! 'Wag mo nang unahin ang hayop na 'yan!" sabi nila. Ngunit hindi ko sila pinansin, nagpatuloy ako sa pag buhat sa kanya. Dahil doon ay nagkaroon ng pagkakataon muli ang isa sa tauhan ni Don Fabian na nasa likod ni Charles na pukpukin ng baril sa batok si Churles. Nawalan ng malay si Churles. Agad naman dinampot nito ng baril at tinutok sa amin.
"Anong akala niyo matatakasan niyo pa kami?!" galit na tanong ng lalaki. Kami naman ay nagsitaasan ng kamay. Isang tauhan pa ni Don Fabian ang lumapit sa akin. Hinila niya ako habang tinututukan ng baril. Nabitiwan ko si Edmond at pahatak akong sumusunod sa kanya. Nakataas ang dalawang kamay ko tanda na hindi ako manlalaban. Habang naglalakad paatras at palayo sa mga kasama ko. Samantang napatigil din sila.
"Kayo! Baka balak niyong tumakas, hindi kayo makakatakas!" Sabay tutok din ng mga baril sa mga bihag. Nang lumihis ang pagkatutok nito ay saka ko ito binira sa kamay nito at sabay hablot sa braso nito at balibag sa sahig. Malakas kong sinipa ang baril palapit kina Shimen at Salmon. Agad iyong dinampot ni Salmon at itinutok sa isa pang tauhan ni Don Fabian.
"Taas mo kamay mo kundi babarilin kita," sabi ni Salmon na diniinan ang pagkakahawak sa baril. Saka niya sinenyasan ang mga kasama na lumakad dahan-dahan papalapit sa pintuan.
Samantalang ang pintuang nakabukas ay bigla na lang sumara. Na ikinagulat naming lahat. Malakas na narinig sa buong bulwagan ang tinig ni Don Fabian.
Malakas itong tumawa bago nagsalita," anong akala niyo makakatakas kayo rito! Lahat tayo mamamatay na rito! Nakita niyo iyon!" Sabay turo nito sa isang malaking bulto na natatakpan ng malaking tela. Agad ko iyong nilapitan at hinila pababa.
Lumantad sa amin ang isang napakalaking aparato at nakita ko mismo ang digital number na nagka-countdown. Nanlaki ang mata kong napatingin sa matandang na babaliw na yata. Patakbo akong lumapit sa kanya ngunit binaril ako ng tauhan niya. Mabuti na lang at nailagan ko nang kaunti at sa balikat lang ako tinamaan. Binaril naman ito ni Salmon, at tinamaam ang kamay nito na may hawak na baril, tumalsik ang baril nito pababa sa sahig.
"Don Fabian! H-hayup ka! Huwag mo nang idamay pa ang mga bata! Hindi mo ba alam na naka-live ang mga pangyayaring ito! Humarap ka sa taong bayan at pagsisihan mo ang mga kasalanan mo sa batas!"sabi ko sa kanya habang hawak ko ang balikat kong tinamaan ng bala.
Nang mga sandaling iyon ay nakikita ng buong bansa ang mga eksenang iyon, dahil may nakakabit ma hidden camera sa salaming suot ko. Kaya naman alam na ng mga alagad ng batas at mga mamamayan ang kasamaan nito.
Malakas na namang tumawa si Don Fabian, "Napaka laki mong tanga! Dave, alam mo bang hindi mo kayang maging isang super hero! Kung paanong hindi ako maaring maging isang hari!" malakas nitong sambit sa akin.
"Don Fabian! Kahit kailan hindi ko hinangad na maging super hero! Kung iyan ang iniisip mo! Totoo ang hangarin kong makatulong sa bayan, at higit sa lahat ay mailigtas ang anak ko!" sagot niya sa matanda. Tumingin ako sa aking anak na si Daniel na noon ay yakap-yakap ni Carol. Umiiyak ito at nakatingin sa akin.
"Pa-papa...." sambit ng batang si Daniel.
Lalong umigting ang kagustuhan kong mailigatas ang lahat. At kung makaliligtas din ako ay isa nang malaking pasasalamat para sa akin. Bilang may humampas sa batok ni Don Fabian, dahilan para mawalan ito ng malay. Si Charls pala na kanina ay nawalan ng malay. Tinapakan pa niyang lalo ang kamay na nabaril na tauhan ni Don Fabian.
"Makinig kayo! Kayo na mga tauhan ni Don Fabian! Ang bomba na iyan! Nakikita niyo!?" tanong ko sa mga ito sabay turo sa napakalaking aparato. Akala nila ay kung ano lang ang iyon pero isa pa lang bomba.
"Sa loob ng limang oras ay maari yang sumabog. Nakita ko meron pa tayong kulang-kulang sa limang oras, para makatakas sa lugar na ito at mailigtas ang sarili natin."paliwanag pa niya.
"Sinong niloko mo!" Sabat ng pinuno ng mga tauhan ni Don Fanbian.
"Kung ayaw mong maniwala bahala ka!" sigaw ko. Tumakbo ako palapit sa malaking pintuan. At pinilit kong bukasa ang napakalaking pintuan ng mansion na iyon.
"Wala ring magagawa iyan. Sa oras na isinara na ang main security system ng bahay hindi na ito mabubukasan!" sigaw ni Tulfo. Ang pinuno ng mga tahan.
"Anong ibig mong sabihin Boss?" tanong ng isa pa sa mga tauhan nito.
"Oo totoo ang sinasabi ko. Itinakda na ni Don Fabian iyan. Dahil balak niyang dito patayin si Dave at buong pamilya niya. Hindi naman niya alam na ganito ang mangyayari." Bumuntong hiningang sabi nito. Lahat sila ay napatulala sa sinabi ng lalaking ngayon lang ay nagsasalita sa amin.
"Ngayon alam mo na na pati kayo na tauhan niya ay kaya niyang idamay." Lumakad ako at naglilibot-libot sa buong bulwagan. Alam kong may paraan pa para makaligtas sila. Sumilip si Joan sa bintana at nagsisigaw.
"Tulong tulungan niyo kami!" malakas niyang sigaw. At sinaway siya ng kanyan ama at mga kapatid dahil sa takot nilang barilin sila ng mga kalaban.
"Joan! Tumigil ka!" nahihintakutang sigaw ni Mang Arnold sa anak. Maging ang mga kapatid nito ay nag-iiyak. Hanggang sa nag-iyakan na ang mga ito. Maging si Daniel.
"Hayaan niyo na lang sila! Hindi rin kayo maririnig sa labas, dahil sa sobrang kapal ng mga salamin. Sa pagkakakulong pa lang natin, pwede na tayong mamatay kapag naubusa na tayo ng hangin dito." Umupo na lang sa sahig ang lalaki at sumandal sa pader.