CHAPTER 82
Si Don Fabian ay nakaupo sa upuang napaka maringal, tila siya ay umaastang hari. Naisip kong maaaring nababaliw na ito. Sa sobrang dami ng pera niya ay hindi na niya alam kung saan niya ilalagak at gagamitin kaya kung ano-ano na lang ang naiisip nito.
"Ano Don Fabian? Inaakala mo na bang hari ka kung nakaupo ka na sa mamahaling upuan mo? Ang mabuti pa ay tapusin na natin ang usapang ito!" sabi ko sa kanya na malakas na sumisigaw.
"Kalma ka lang Dave! Darating din tayo sa gusto mong mangyari!" At sinabayan pa nito ng malakas na tawa.
"Sige lang tumawa ka! Pwede ba? Ilabas mo na ang pamilya ko! Pakawalan mo na sila!" sigaw kong muli sa baliw na matanda.
Tumayo muna ito sa kinauupuan into at lumakad ng bahagya papunta sa amin. "Ano Dave, ang hari pa ang lalapit sa'yo?" seryoso nitong sabi sa kanya nang makalapit sa amin ni Charls. Si Charls naman ay bahagyang niluwagan ang pagkakatali sa mga kamay ko sa aking likod. Nang hindi napapansin ng matanda. Hindi na rin ako nagpahalata.
"Boss saan ko ba dadali n 'tong bihag mo?" kunwaring tanong ni Charles kay Don Fabian.
"Charls! Charls! Sa tingin mo ba dinala kita dito para lang sa wala, kaya kita dinala rito dahil meron kang malaking misyon," ngumingising sabi nito kay Charls. Kinabahan naman ako sa sinabi nito. Ano naman kaya ang ipapagawa niya kay Charls? Anong kademonyohan iyon?
"Charls, kunin mo ang baril at patayin mo si Dave sa harap ko! Kung talagang totoo ang pagtalikod mo sa kanya ay kaya mong patayin siya!" sabi ni Don. Fabian.
"Pe-pero Don Fabian," nasambit na lamang nito. Ang kawawang si Charles. Bakit hindi pa kasi siya nagpakalayo na lang. Bakit pa siya sumama sa mga ito?
"Ano Charls, patunayan mo sa amin na tinalikuran mo na siya, nadala na rin kasi kami kay Edmond eh," wika naman ng isa sa mga tauhan ni Don Fabian na noo'y kapapasok lamang sa loob ng bulwagan.
Masamang nakatingin sa aming dalawa mga ito. Ako ay humanda sa anumang mangyayari. Ang hangarin ko pagpunta roon ay mailigtas ang aking pamilya.
"Sandali lang! Don Fabian, diba ang sabi mo kapag nagpunta ako rito ng walang sinumang kasama ay pakakawalan mo ang binihag mo?" tanong ko sa kanya na sinusubukang ibahin ang usapan.
"O ngayon? Sapalagay mo may balak pa akong buhayin ang lahat ng bihag ko ngayon? Nang nagpasya kang kalabanin ako, para mo na ring pinatay ang buo mong pamilya. At iyong sarili siyempre!" At sinundan into muli ng napakalakas na tawa ang mga sinabi.
"Wala ka pa lang isang salita! Diba sa mga negosyanteng tulad natin dapat merong tayong palabra de honor? Anong nangyari Don Fabian?" tanong ko sa kanya na sinusubukang kantiin ang pride nito.
Bumuntong hininga muna ang matanda bago ito nagsalita," O sige! Bilang nangako naman ako sa'yo," sabi pa nitong itinuro ako. Napangisi naman ako dahil nakikita kong naagaw ko ang atensiyon niya Mula kay Churles, at iyon na ang hinihintay kong pagkakataon. Ang akala niya ay nagtungo ako sa lugar na iyon nang walang dalang alas. Pwes nagkakamali siya!
"Sige! Mga kawal ilabas ang mga bihag!" sigaw pa nito sa mga tauhan niyang para bang hari talaga siya sa isang pelikula. Napagtanto ko na ang matandang ito ay gumagawa ng isang kwentong pang fairytale sa kanyang utak! Nakakaawa!
Sumunod naman ang tauhan niyang tila mga asong ulol na nagsisiatungal. Ang sandata nila ang siyang pinag-aalala ko. Hindi ko alam kung saan hahantong ang mga pangayayaring ito. Pero isa lang ang sinisiguro ko, dito na magtatapos ang kasamaan nila.
"Oh hayan, baka magreklamo ka pa." Tinuro pa nito ang lahat ng bihag niya. Nakita ko room sina Shiemen, Salmon, Dhino at buong pamilya nito. Si Joan ang ama niya at mga kapatid, ang anak ko at si Carol, at si Edmond na nakahandusay at halos mawalan nang malay. Kahabag-habag ang dinanas nito. Ang anak ko na walang kamalay-malay nakatingin lang siya at napupuno nang takot ang kanyang mga mata. Bakit? Bakit kailangang madamay pa siya sa mga kalokohan ng matandang ito. Bakit?! Binalingan ko ang matandang nababaliw na yata dahil sa mga gamot na pinaggagawa niya. Kaya hindi ako nagsisisi na sinunog ko ang pataniman niya ng mga ipinagbabawal na halaman. Wala kang kaluluwa, Don Fabian!
"Bakit hindi mo pa sila pakawalan lahat? Nandito na ako!" Nakataas ang dalawa kong kamay at mas nilakihan ko pa ang mga buka ng mga bisig ko sa pagkakalahad ng mga ito. At malakas na sumisigaw sa baliw na matanda!
"Sandali lang masyado kang mainit, Dave Santivaniez!" tumawa na naman ito ng ubod lakas.
"Dave, hindi pa tapos ang palabas na ito! Kung akala mo makakatakas pa kayo hindi na! Dito na kayong lahat mabubulok! May inihanda nakong libingan niyo!" Nanlalaki ang mga mata nitong sabi. At sa isang iglap ang kaninay nagkukunwaring hari ay bigla na lamang naging nauulol na halimaw. Na sa isang iglap ay gagawa ng masamang bagay.
"Don Fabian, hindi ba, k isa kang pilantropo na tumutulong sa iyong kapwa? Sino pang maniniwala sa'yo niyan? Kung makikita ng buong bayan na ang respetadong pilantropo na iginagalang ng lahat ay bumihag ng mga inosenteng tao, at isang bata? Pakawalan niyo na sila para mabawasan ang pagbabayaran mo sa batas!" malakas ko pa ring sinisigaw. Maya maya ay may nagsalita na buhat sa labas ng mansion.
"Don Fabian! Pakawalan mo na ang mga bihag mo! Napalilibutan na namin kayo! Ang buong mansion mo napalibutan na namin!" Tinig na nagmumula sa labas ng mansion, gamit ng chiep of NBI ang megaphone upang umalingawngaw ang tinig nito mula sa labas patungo rito sa loob ng mansion.
"Hindi pwede!" napasigaw ito at dumampot ng baril mula sa kanyang alalay.
"Ano to Dave Santivaniez!" Tinutukan niya ako ng baril.
"Oops! Don Fabian! Pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mo! Nakikita mo ba yang malaking t. v mo! Bakit hindi mo bukasan? Bakit, para malaman mo kung sino ang nanonood sa napakagandang palabas na ginagawa mo?" malakas ang loob kong sabi sa kanya. Itinaas ko pang lalo ang kamay ko. Samantalang hindi nila namamalayan si Charls na nakalapit na banda sa kinatatayuan ng alalay ni Don Fabian. Binikwasan niya ito at sinipa, at nawalan ito ng malay. Nakuha niya ang baril nito at nagawang mabihag si Don Fabian.