CHAPTER 81

Isang tawag ang natanggap ko mula kay Don Fabian. "Gusto kong pumunta ka rito sa lugar kung saan ko dinala ang buong pamilya mo, ano nagustuhan mo ba kung kaninong buhay ang kinuha ko bilang kapalit ng pataniman ko," humalakhak ito matapos sabihin ang mga salitang iyon.

"Don Fabian, demonyo ka tagalga! Tumigil ka na sa pandadamay mo sa mga inosenteng tao!"sigaw ko sa kanya.

Malakas na tumawa si Don Fabian, "Oo naman dahil hindi ako magtatagal sa mundong ito kung hindi ako ganito kasama, aminin na nating walang magagawa ang yaman at katanyagan kung mabuti ka, dahil lalamunin ka ng mga masasama. Ayokong matulad sa'yo na sa sobrang kabutihan mo ano? Nasaan ka? Nagdurusa ka dahil sa pagkawala ng mga mahal mo sa buhay. Ano ngayon ang gagawin mo kung mawala ang nag-iisa mong anak! Walang asawa! Walang anak! Ngayon naman pati ang nag-iisang ampon mo ay wala na rin, pati kaibigan mo mawawalang lahat. Si Charls nga pala ay isa na sa mga tauhan ko ngayon. Alam mo nang ahas binuhay mo pa rin!"

"Don Fabian ibahin mo ko sa'yo, alam kong marami na ang nagbuwis ng buhay, pero ginawa nila iyon dahil sa pagmamahal sa ‘min! Ikaw meron kayang magbubuwis ng buhay para sa'yo? Meron kayang tunay na nagmamahal sa'yo? Baka kahit alaga mong hayup, hindi ka kayang ipagtanggol dahil sa kaitiman ng budhi mo!" sigaw ko sa kanya.

"Tumahimik ka! Pumunta ka rito ng mag-isa kung ayaw mong patayin ko silang lahat dito!" Pagkasabi ay pinatay na niya ang linya ng telepono.

--------------

"Sir, hindi po kayo pwedeng pumunta ng mag-isa ro'n!" protesta ni Leo.

"Leo, alam mo na ang gagawin diba? Sa sandaling hindi na ako makabalik ng buhay kinakailangan maparusahan pa rin si Don Fabian. Kung maari ngang kamatayan o habang buhay na pagkabilanggo ang maging parusa niya dahil sa mga kasalanang ginawa niya! 'Yon sana ang maging parusa niya dahil sa dami ng taong sinira niya at kinitil ang buhay. Kulang pa ang buhay niya bilang kabayaran!" Tumingin ako sa mga kasamahan kong nag-iiyakan. Ang buong I. T team. At ang mga bodyguards ko, lahat sila nag-aalala sa lahat ng mga mangyayari.

"Alam niyo na guys..." nakangiti akong tumingin sa kanila ng makahulugan.

"Alvin, ikaw na ang bahala sa lahat," bilin kong maigi kay Alvin.

"Leo ang lahat ng mga dokumento ay naka ayos na sa aking abogado. Alam mo na rin ang gagawin." Si Leo naman ang binalingan ko. Tumango lamang ito sa akin.

Sadyang napaka halaga ng mga gagawin ko. Isusuong ko ang aking buhay, sapat na ang pagbubuwis ng buhay nina Marvin at Shiela, pati na rin ni Don Ramon. Kailangan ko nang gawin ang lahat ng ito, sa pakikipagtulungan ko kay Bong ang kaibigan kong NBI ay alam kong matatapos din ang lahat. Nanghihinayang lamang ako kay Charls sa pagiging magkaibigan namin. Sana ay hindi niya pinagsisihan ang landas na pinili niya.

Si Annie ang nasa isip ko ng mga sandaling naglalakbay na ako patungo sa lugar na pinadala ni Don Fabian. Nag-aalala ako sa kalagayan niya. Pansamantala akong yumuko at humingi ng gabay sa Diyos. Na sana ay ingatan niya ako at ang buo kong pamilya na sana ay wala nang mamatay pa sa labanang iyon. Kahit na sinong inosenteng tao, sana wala nang madamay.

A few moments later:

Isang napakalaking mansion sa bayan ng Laguna ako nakarating.

Nakita kong napaliligiran iyon ng manapakaraming mga lalaki na mga pawang armado. Hindi ko maintindihan ngunit wala ang kaba sa dibdib ko bagamat gano'n ang bumungad sa akin. Dahil alam ko namang hindi papatayin kaagad ni Don Fabian ang buong pamilya namin dahil ako ang hinahangad niya. Nilapitan kaagad ako ng mga armadong lalaki. May mga bitbit itong mahahabang baril, at ang isa sa mga lumapit sa akin na siya kong ikinagulat, si Charls.

"Kumusta? Maayos ba ang biyahe mo?" nakangiti itong nagtanong sa akin. Ngising aso at napaka sarkastiko ng pananalita.

"Ako nang bahalang maghatid sa kanya," sabi nito sa mga kasama.

"Charls, huwag kang magkakamaling gawin ang ginawa mo sa kanya kay Amo," ngumisi din ang isang tauhan ni Don Fabian, na alam ang ginawa niyang ka-traydoran.

Napangiti ako ng mapakla, "Mukhang walang tiwala sa'yo ang mga bago mong kaibigan," sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay, at kinakapkapan pa niya ako bago tuluyang isama sa loob ng mansion.

"Huwag kang madada! Isang beses lang ako mag ta-trydor sa amo," wika pa ni Charls na tumingin sa akin ng masama. Tumitig at ipinakita ang makahulugan niyang galit sa akin.

"Talaga palang ipinagpalit mo ako sa pera! Magkano ba Charls, limang milyon? Sampung milyon? Wala kang pinagkaiba kay Edmond, magnanakaw galit sa kapuwa magnanakaw, traydor galit sa kapwa traydor! Pwe!" Sinabayan ko pa ng dura nang walang laway sa mukha niya. Ngunit ngisi lang ang iginanti niya sa akin.

"Good luck to your new journey!" sabi niyang tinulak akong patalikod sa kanya. At ang mga kasamahan niya ay nagsihalakhakan. Halakhak na gaya ng sa mga demonyo. Lumakad ako papasok sa bumukas nang napakalaking pintuan ng mansiyon.

Nakikita kong ibinuhos na ni Don Fabian ang lahat ng kanyang makakaya upang mapalaki ang mansiyong iyon. Halos lahat ng muebles ay gawa sa mamahaling materyales. Kulang na lang maging gawa sa ginto ang mansyiong iyon.

Habang naglalakad kami sa gitna ng mahabang pasilyo. Nakita ko sa gitna noon ang isang malatronong upuan sa sentro ng daang nilalakaran namin.

"Anong klaseng tahanan to?" Naibulalas ko. Nahahawig sa loob ng isang palasyo. At naroon ang isang upuang may lalaking nakaupo, si Don Fabian. Nakaupong parang hari sa sentro.

"Isa 'tong palasyo nang nagpapanggap na hari," mahinang sagot ni Churles. Nang tingnan ko si Churles ay nakita ko ang maamong mga mata nito. At tila may pumasok na ideya sa isipan ko. Tiningnan ako ni Charls. Tingin na may sinasabi. Sa tagal na naming magkasama ni Charls ay kilala na namin at basa na namin ang bawat isa.

"Kamusta ang paglalakbay ng hari ng Santivaniez Hotel?" malakas na sabi ni Don Fabian.

Sabay naman kaming napatingin sa kanya.