CHAPTER 80

Agad akong pumunta sa condominium building na pagmamay-ari ni Marvin. Upang iligtas pa sana ang buong pamilya ko. Ngunit tila na huli na ako ng dating ang mga gwardiya doon ay pawang mga wala nang malay may mga tama sila ng baril sa kanilang mga katawan. Mabilis akong sumakay sa elevator at tinungo ang mismong unit na tinitirhan nila at nang makapasok ako ay nakita ko ngang wala nang tao. Ngunit may isang kamay na nakalitaw sa likod ng sopa. Nakahandusay ang katawan nito doon, medyo gumalaw iyon kaya nilapitan ko upang malaman kung sino siya. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko ng sobra dahil sa nakilala ko ang lalaki. Si Marvin!

"Marvin! Anak!" agad ko siyang kinalong sa aking mga bisig at niyakap.

"P-Papa... s-sorry... pinilit… kong... protektahan sila... p-pero w-wla akong nagawa.…" Duguan ang buong katawan ni Marvin dahil sa dami ng tama ng baril na tinamo niya.

"Sir okay lang po ba kayo?" tanong nila Alvin ng makasunod sila. Nakita nilang lumuluha ako.

"Don't say anything Marvin! Dadalin kita sa ospital," sabi ko na tinangka ko siyang buhatin.

Ngunit hinawakan nito ang braso ko at pinigilan, "Huwag na Papa, sapat na sa ‘kin na makita kitang ligtas, p-pakiusap i-ikaw na ang bahala k-kay S-shiela, pa-pakisabing mahal na mahal ko siya, Papa.…" pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.

"Marvin!" napakalakas kong nasambit.

Hindi ko akalaing magbubuwis nang buhay si Marvin, hindi ko akalaing madadamay pa siya sa lahat ng gulong pinasok ko. Sa mga bagay na napagdesisyunan ko noon pa man. Napakasakit para sa akin na makita siyang mawala sa buhay ko. Siya na hindi ko halos pinayagang makapasok sa buhay ko. Pinigilan kong tawagin akong Papa. At halos ipagtabuyan.

"Patawarin mo ako Marvin! At maraming salamat sa ginawa mong pagliligtas sa kanila. Hindi ko kalilinutan ang lahat." Tumayo ako at binuhat ang bangkay ni Marvin. Nais ko siyang bigyan ng maayos na libing. Nais ko na maging makahulugan ang kanyang pagkamatay. Ngunit bago ako umalis ay ipinakuha ko kay Alvin, ang memory card ng CCTV footage ng lahat ng nangyari sa loob at labas ng building na iyon. Umalis akong nahihirapan ang kalooban, wala akong magawa kindi ang dalhin sa ospital ang bangkay ni Marvin, upang ipa-freezer ito at ipa-inbalsamo. Nais kong sa pagtatapos ng problemang ito ay mabigyan ng maayos na burol ang itinuring kong anak, at kaibigan. Nang makarating kami sa ospital ay agad na kinuha ang bangkay ni Marvin at dinala sa dapat pagdalhan. Ako naman ay muling pumunta sa kinaroroonan nina Annie at Shiela.

Nang makarating ako roon ay Nakita kong maraming tao, si Annie na nagkamalay na pala at ang kanyang ina na magkayakap at umiiyak. Tila may kaganapan na naman sa loob naman ng silid ni Shiela.

"Shiela! Lumaban ka, please lumaban ka. Kailangan ka namin!" narinig kong sabi ni Annie habang malakas na umiiyak at nakayakap sa kanyang Mama.

"Annie! Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya.

Lumapit sa akin si Annie ay yumakap. Ako naman ay hinimas ang likod at ang ulo niya.

"Dave si Shiela bigla nalang siyang inatake kanina lang," umiiyak na sabi ni Annie.

Hinawakan ko siya sa mga balikat niya at hinarap ng maayos, "Annie, makinig ka, you need to be strong! Kailangan mong gawin 'yon, para hindi mawalan ng kabuluhan ang mga buhay nila, ang pagsasakripisyo nila, marami pang magaganap."

"What do you mean? Mayroon na naman bang nagbuwis ng buhay?"tanong niya sa akin. Nakatingin sa mga mata ko ng deretso.

"Listen, Marvin was die to protect our son and family," seryoso kong sabi sa kanya.

"Ha!" gulat na napahakbang si Annie at napatingin siya sa silid ni Shiela, na kasalukuyang nire-revibe ng mga doktor. Ngunit narinig niyang malakas na tumunog ang life monitor tanda nang tuluyang pagkawala ni Shiela.

"Shiela!"

Napaupo si Annie sa sahig at malakas na nasambit ang pangalan ng kanyang kaibigan. Si Shiela at Marvin mga tauahan sa kwentong ito na kusang loob na nagbuwis ng buhay para sa mga taong itinuring nilang mahalaga sa kanilang buhay.

Walang tigil si Annie, sa kahihiyaw ng pangalan ng kaibigan. Ako naman ay pilit siyang niyakap. Para aluin siya bigyang ng lakas. Alam kong ito ang isa sa pinakaahirap na sitwasyon sa buhay niya. Ang pagkawala ni Shiela, ang isa sa pinaka matalik niyang kaibigan. Umibig at nagmahal ngunit hindi piniling maging masaya dahil sa naging malungkot na sitwasyon namin. Alam kong mabigat na dalahin ito para kay Annie, pero kailangan naming tanggapin na naganap ito dahil ginusto nilang gawin ang mga bagay na iyon.

"Annie! Calmdown! Please makakasama sa kalagayan mo yan! Maselan ang kalagayan mo, hindi ka--" Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko, mula sa palad ni Annie.

"How? How could you say that? Paano ko maiisip ang sarili ko!" Pinagsusuntok na niya ang dibdib ko at hinayaan ko naman siyang gawin iyon sa akin upang mabawasan ang mga sakit na kanyang nararamdaman.

Patuloy ko lang siyang niyayakap hanggang sa mawalan siya ng malay. Dinala ko muna siya sa kanyang silid sa ospital na iyon.

Samantlang dinaluhan ng kanyang Mama mga doctor sa silid ni Shiela. Pagkalipas ng ilang sandali ay sinabi ko sa pamunuan ng ospital na dalawang bangkay ang mapi-freez sa kanilang hospital. Nais kong mabigayan ng marangal na burol at libing sina Shiela at Marvin. Sa ngayon tama na sana ang pagbubuwis ng buhay sa kwentong ito. Ayoko nang madagdagan pa ang mga taong madadamay sa gulong ito. Ngayon ay hindi ako titigil na tapusin ang mga nasimulan ko. Kailangang wala nang mamatay pa sa kanila. Kailangang buhay ko silang mabawi sa mga sindikatong iyon, sa mga kamay ni Don Fabian.

"Mama, kayo na pong bahala kay Annie. Magpapadagdag ako ng mga body guards, pulis sa buong hospital.

"Dave, aalis ka na na ngayon?" malungkot na tanong ni Mama Anna.

"Opo, kailangan kong iligtas ang anak ko, Sina kuya Salmon, Si Dhino, ang buo niyang pamilya, lahat sila Mama." Nakayuko ako at hindi makatingin ng harapan sa Mama ng babaeng minamahal ko. Dahil ang pangako kong magandang buhay kay Annie ay hindi ko napanindigan.

"Dave, mag-iingat ka sana, sapat na ito para sa pagkadurog ng puso ng anak ko. Alam kong makakabawi pa siya sa tulong mo, pero kapag ikaw rin, kayo ng anak niya baka bumigay na siya ng tuluyan," mahinahon at naluluhang sabi ni Mama Anna.

"Ma, please take care of them, sisikapin ko pong maibalik ang lahat sa abot nang aking makakaya," pagkasabi ko ay tuluyan na akong lumakad. Nakatanaw na lamang si Mama sa akin. Hindi ko alam na nagawa palang makabangon ni Annie at mula sa pintuan ng kanyang silid ay tinatanaw niya akong papalayo.