CHAPTER 69

Nang gabing iyon ay hindi ako nakatulog sa pag-iisip. Kahit pa nga alam kong kailangan kong umalis ng maaga dahil maaga ang lakad ng bus patungong maynila. Mayroon namang sariling sasakyan kaya hindi na hussle para sa amin ang bumiyahe patungong Maynila.

Hindi ko gustong masamain ang nais sabihin ni Mama, kaya lang hindi kaya nang sikmura ko na marinig ang gano'ng bagay. Wala ni katiting manlang sa hinagap ko ang gustong niyang mangyari. Naaalala ko pa nang minsan niyang imungkahi ang bagay na iyon sa akin.

Alaala:

"Anak, kung sakaling mabatid mo na baka hindi na nga magbalik si Dave, bakit hindi ka na magpakasal muli, kay Marvin?" Muntik na akong maduwal sa tinurang iyon ni Mama.

"Ma! Ano bang pinagsasabi mo? Anak ni Dave 'yun ah..." Napapailing akong tumayo sa pagkakaupo ko. Maging si Shiela na naroon ay napalaglag panga rin sa sinabi ni Mama.

"Anak lang naman sa turing... Ikaw na nga may sabi na ayaw ni Dave na magpatawag ng papa kay Marvin. At isa pa, alam naman nating lahat na ampon lang siya ni Dave," wika pa nito.

"Mama, hindi po ba kayo nahihiya? Nandito si Shiela sa harap natin, at ang anak ko, ta's parang sinasabi niyong patay na ang ama niya." Malakas na buntong hininga ang pinawalan ko. Talaga yatang walang pinagbago ang Mama ko. Lagi pa rin itong playing safe!

Umiiling akong kinuha si Baby Daniel na noo'y kakain lang sa lamesa. Dinala ko siya sa kwarto. At ang aking Mama naman ay sinundan kami sa aming silid.

________________________

Nakatulog na pala ako sa ganoong pag-iisip. At muling nagising ng tumunog ng alas-tress ng umaga ang aking cellphone. Ilang sandali pa at nasa venue na ako. Nagulat pa ako nang pag-akyat ko sa loob ng bus ay sinalubung ako ni Nurse Joy.

"Annie, mabuti nalang nakasama kami!" masaya nilang bati sa'kin.

"Oo nga, akala ko ba hindi kayo pwede?" napamaang ko namang tanong din sa kanila?

"E, kasi etong babaeng 'to, kung todo-todo pakiusap kay Doc." Sabay kurot sa tagilira ni Joy si Mica.

"Bakit ba! Gusto ko nga makita si Dave e! Hoy Annie! Akin na si Dave ha…’wag mong aagawin," sabi na naman ni Joy. Parang muntik na naman siyang mahirinan dahil sa sinabi nito.

"Oh bakit Annie? Okay ka lang ba?" tanong naman agad ni Mica.

"O-oo ayos lang ako. May nakaalala lang siguro..." pakunwari kong sabi.

"Naku, tara na nga. 'Wag mo na ngang kulitin si Annie, baka mainis pa sayo 'yan!" Pahila niyang tinangay si Joy papunta sa upuan nila.

Pasado alas-sais nang umaga ay nakaalis na ang bus na sinasakyan namin. Puro professional kasi ang lahat pagdating sa oras kaya hindi naghintay ng matagal ang sasakyan. Habang nasa byahe kami ay nagkataong inatake ng rayuma ang kapalitang driver, ng driver nang bus. Kaya naman sinabi ng driver na kung mayroong marunong magdrive sa kanila ng bus ay pinakikiusapang tumulong na pumalit sa kanya dahil medyo inaantok raw siya natakot na makatulog.

"Inihinto ko muna, pasensiya na kayo. Eto namang kasama ko ay biglang intake ng rayuma," wika ng driver.

"O kayong mga lalaki d’yan hindi ba kayo pwedeng pumalit dito kay Manong?" Entrang tanong ni Joy na ang mga kalalakihan ang pinapatungkulan.

"Alam mo Joy, Nurse kami, hindi bus driver..." Natatawang sabi ni Nelson. Isa sa mga lalaking Nurse naroon. Totoo nga naman iyon. Ngunit nakita kong nahihirapan na ang driver. "Hindi tayo aabot sa conference kung magtatagal tayo dito," sabi naman ni Sir. Adrian ang head Nurse na kasama namin at tumatayong team leader namin.

"Eh paano nga Sir?" sabat naman ni Joy uli.

"Manong... Kaya niyo pa po bang hindi makatulog?" tanong ni Sir Adrian.

"Naku, kagabi pa kasi ako bumyabyahe... Eto kasi si Badong e, sabi niya palitan daw kami," naiiling na sagot nito.

"E, malay ko bang susumpungin ako ng rayuma, eto nga't kay sakit-sakit," daing pa ng isang driver.

May sampung minuto na kaming nakahinto sa gilid ng daan. Malayo-layo pa ang babagtasin namin pa-maynila. Ang bawat isa ay kinakabahan, mayroon namang walang paki alam o nagpapanggap lang na okay.

Hindi nako nakatiis at tumayo ako. Binabalak ko nang ako na ang magmaneho. Tutal ay nakapagmaneho na ako ng bus noon, sa dami ng mga sasakyang pagmamay-ari ni Dave noon, lahat ay sinubukan kong sakyan at paandarin. Kahit nga helicopter ay naranasan kong paliparin. Malayo na para bumalik at malayo pa para makapaghintay. Isapa umaatake rin ang pagka-inip ko sa mga pangyayari. Nais ko nang makaalis upang matapos na ang conference na pupuntahan namin at makabalik na ako. Isapa natatakot akong madaanan kami ng masasamang loob. Mukhang walang marunong lumaban sa mga lalaki rito.

"Kuya, eto po ang menthol pain reliever, makakatulong po iyan sa rayuma niyo," sabi ko sabay abot sa Manong na nirarayuma.

"Ako na ho diyan," sabi ko naman sa driver na nakaupo sa pwesto ng manibela.

"Ha? E, ikaw ba ineng ay marunong nito?" hindi makapaniwalang tanong ng driver.

"Opo," sagot ko kaagad sa kanya. Marahan namang tumayo ang matanda kahit na parang nag-aalanganin ito.

"Umidlip po muna kayo ng isang oras... pwede na po ba iyon?" tanong ko sa matandang driver.

"Ha... ah.. eh... oo..." nauutal pa nitong sagot sa akin.

"Wow! Ang cool ni Annie oh! Dinaig pa ang mga boys..." narinig kong sigaw sa akin ni Joy, at sinigundahan na ng iba pang naroon.

"Okay... Go, go, go na tayo ha..." pagkasabi ko ay pinaandar ko na ang makina ng bus. Ilang minuto pa at umaandar na kami uli. Nagmaneho ako na parang UB express lang ang minamaneho ko. Ang lahat ay namangha sa akin, at nagtatanong ang mga isip nila kung saan ako natutong magmaneho ng bus. Si Mica ay umupo pa sa tabi ko upang kwentuhan at tanongin ako. Nag-alala naman ako na baka kung ano-ano ang tanungin niya kaya hindi ko siya masyadong pinapansin. Nag-focus lang ako sa pagmamaneho.