CHAPTER 68

Annie's POV:

Sa isang pang publikong health center ako nagdesisyong magtrabaho bilang isang nurse. Alam kong marami ang nag-iisip bakit dito ko piniling gamitin ang propesyon ko. Dahil alam kong maaari akong matunton ng mga kalaban na gustong manakit sa amin kung sa malaking ospital ako magtatrabaho.

At isa pa nais ko ring makatulong sa mga kapwa ko tagarito, na kumalinga sa amin no'ng bago pa lamang kami sa lugar na ito. Bagama't noon pa man ay may malaki nang naitutulong ang mga bukirin, na tinatamnan ng mga strawberry dito, na pagmamay-ari ni Dave, sa mga taong naging mangagawa sa farm na iyon. Kaya naman lubos akong nagpapasalamat kay Dave, na dito niya kami dinala. Sa isa sa pinakamalayong lugar sa Baguio. Sa pinakadulo na kami na sakop ng Benguet.

Matagal na rin buhat ng makapagtrabaho ako sa isa sa mga ospital sa America. At nang makauwi nga ako rito sa bansa ay hindi na 'ko muli pang nakapagtrabaho. Halos tuluyan ko nang makalimutan ang mga pinag-aralan ko sa dami ng mga problemang pinag daanan. Natutuwa naman ang brgy. health center namin sa pasya ko na doon na magtrabaho. Doon ay maraming nangangailangan ng kalinga. May mga taong kapos sa pananalapi at hindi na makakaya pang lumuwas sa kabihasnan upang makapagpagamot.

Salamat din sa mga boluntaryong manggagamot na pumupunta ro'n bukod pa kay Dr. Sevaldez na dati nang naka-asign sa lugar na iyon.

"Kumusta ka naman Nurse Annie? Ayus na ba ang kalagayan mo? Nabalitaan kong madalas daw sumama ang pakiramdam mo nitong mga nakaraaang araw?" tanong ng Sr. Doctor namin sa nasabing health center. Tipid akong ngumiti bago sumagot, "ayos lang po ako. Salamat po sa malasakit Doc."

"Ah walang anuman iyon Nurse Annie. Siya nga pala at may mga parating tayong bagong mga nurse at manggagamot, pinadala sila rito ng pangunahing pampublikong hospital sa kabisera."

"Ah... Mabuti naman po at marami pala tayo ngayon dito Doc." Ngumiti ako at dinampot na ang ilang kagamitang pang medikal na gagamitin ko.

"Sige po, Doc. titingnan ko lang po ang isang pasyente natin si Aling Maria. Kahapon po siya dinala rito," magalang kong pagpapaalam sa doktor.

Lumabas na ako ng quarters namin. Ang health center namin ay medyo malaki rin naman, sa itaas ay may anim na kwarto. Ang tatlo ro'n ay para sa mga pasyenteng paminsan-minsan ay nako-confine roon. Pinuntahan ko si Aling Maria at tiningnan ang kalagayan nito kung gumaling na ito buhat sa mataas na lagnat nito.

"Aling Maria kumusta na po kayo?" tanong ko sa matandang babae. Inilagay ko ang thermometer sa kanyang katawan upang malaman ko kung normal na ba ang kanyang temperatura. Matapos kong gawin iyon ay inayos ko pa ang ilang kagamitan sa kanyang higaan. Ang dextrose stand niya na nasa may gilid ng higaan. "Mabuti naman ako Nurse Annie. Salamat sa tulad mong nag-aalaga sa akin," wika ng matanda sa akin.

"Wala pong anuman iyon, trabaho ko po ito." Kinuha ko ang thermometer sa kanyang kilikili at saka tiningnan iyon. Ngumiti ako nang makita kong normal na ang temperature nito.

"Okay na po kayu," sabi ko. At ngumiti na rin ito sa akin.

-----------------------

Kinabukasan pagpasok ko muli sa trabaho ay masaya silang sinalubong ako. Sina Nurse Mica, at Nurse Joy. "Hay! Ang swerte mo," sabi nito na maykasama pang mahinang tapik sa balikat ko. Napangiti lang ako na may kasamang pagtataka.

"Bakit naman?" tanong ko sa kanila.

"Naku, ikaw kasi napili ni Doc. Na ipadala sa conference sa maynila," sabat naman ni Nurse Joy. Tila may kilig pa itong nadarama sa katawan. Luwang na luwang ang mga labi nito sa sayang nararamdaman.

"E bakit ikaw diyan ang kinikilig?" tanong naman ni Nures Mica, na naniningkit ang mga mata sa kaibigan.

"Bakit ba! E sa inggit ako dahil may chance na siyang makita si Dave Santivaniez, kahit sa poster lang!" Pasinghal na sabi ni Nurse Joy.

Parang nabulunan naman ako nang marinig ko ang pangalang binanggit nito sa amin. Habang kinikilig siya ako naman ay todong nasamid at napa ubo. Shock na shock ako na nabanggit ng mga ito ang pangalan ng aking asawa. Na hindi nila alam na ako ay asawa ng lalaking kinakikiligan nila.

"Anong nangyayari sa'yo?" taka nilang tanong sa akin.

"Ha! Ah... w-wala... Ah. Nangati lang bigla ang lalamunan ko," sabi ko na lang upang hindi nila pagtakhan.

"Hay, ewan ko ba kasi sayo! 2018 na ini-stalk mo pa rin sa social media ‘yon?" napamaang na sabi ni Nurse Mica kay Nurse Joy. Alam kong tomboy ito at matagal nang may gusto kay Nurse Joy. Kaso nga iba pala ang type nito.

"Bakit ba! Kaysa naman ikaw ang pansinin ko! 'Di tayo talo no." Pagkatapos ay tumalikod na ito at lumakad papasok sa lucker room namin. Ako naman ay nanahimik na lang sa kanilang bangayan. Hindi kasi nila alam na ako ang asawa ni Dave dahil hindi ko ginagamit ang apelido nitong SANTIVANIEZ. Isa rin kasi iyon sa mga paraan para hindi kami matagpuan ng mga sindikatong nagnanais na pumatay sa amin. Makuha lang nila si Dave.

Kaya naman minabuti ko nang 'wag magpalit ng apelido. Hindi ko na rin pinaalam sa kanila kung sino ang asawa ko. Bagamat mahigit sa isang na akong nakakapasok doon ay hindi ko sila dinadala sa aking tinitirhan. Tanging si Mama lang ang kilala nila. Liban doon ay wala na. May mga panahong nais nilang pumunta sa bahay ngunit panay naman ang tanggi ko sa mga ito.

"Ah, Nurse Annie, kumusta ka na, alam mo na ba ang pasya ko?" mahinahong tanong sa akin ng Head doctor namin.

"Po? " medyo nagulat ko tanong.

"Oo ikaw ang ipapadala sa Manila. Sa makalawa na ang alis niyo. Sumabay kana kina Doc. Alonzo at ibapang mga kasama."

"Ho! E, Sir bakit ho ba ako ang ipapadala niyo? E marami namang pwede, si Nurse Joy po kaya? O kaya si Nurse Mica?" sabi ko na may himig pagpoprotesta.

"Ha, alam naman nila ang patakaran ko dito sa health center, kung sino ang bagong nurse ay siya ang ipapadala sa conference. Taon-taon yan," wika pa ng doktor sa akin.

Wala naman akong magawa kundi ang punayag na lang sa kagustunan nito kahit na nag-aalangan akong gawin iyon. Para sa akin ay hindi dapat ako magtungo sa maynila dahil baka manganib lang ako doon. Pero naisip ko naman na baka magduda ang mga ito sa akin. Hindi pa ako handang malaman nila na ako ang asawa ni Dave Santivanez, na matagal na nilang kilala.

Dahil nga isa pala si Dave, sa mga kilalang pilantropo rito sa baryo namin sa Sta. Ynez dito sa Baguio. Kaya naman kami nang pamilya ko ay todo-todo ang pag-iingat na hindi nila malaman ang kaugnayan namin kay Dave. Dahil lubos iyong magiging mapanganib.

Sinabi na lang ni Marvin, na matagal nang naipagbili sa kanya iyong farm at katabing mga lugar upang hindi na magtanong pa ang ibang mga tao. Sa ganoong paraan hindi na madadamay ang iba.

---------------

Nang hapon ding iyon ay kinailangan kong ipaliwanag sa buong pamilya ko ang gagawin kong pagluwas sa Maynila. "Anak hindi ka kaya mapaano do'n?" nag-aalang tanong ni Mama. Si Mama na naging karamay ko sa lahat ng lunggkot ko sa pagkawala ng dalawang mahalagang tao sa buhay ko.

"Ma, don't worry about me, I'm still okay. Basta po pakialagaan na muna si Daniel ha." Yumakap ako sa kanya at siya naman ay hinimas-himas ang likod ko.

Ang dating mahabang buhok ko, ngayon ay napaka iksi na. Kinailangan ko na ring baguhin ang style ko. Para hindi na ako masyadong mamukaan ng mga masasamang tao na nais kumuha sa amin. Kung noon ay lampas baywang ang buhok ko, ngayon ay halos gupit lalaki na ako. O yung tinatawag nilang pixie cut hair style. Hindi ko sana yun gustong gawin kaya lang ay tawag ng pangangailangan.

Biglang pumasok si Kuya Shimen at Kuya Salmon. "Aalis ka raw?" sabay pa nilang nabigkas.

"Oo mga kuya," sabi ko na tumango-tango pa ako sa kanila.

"P-pero diba sabi ni Marvin.…" sabi ni Kuya Shiemen na hindi natapos ang sasabihin.

"Annie, bakit kapa aalis? Alam mo namang delikado?" si Kuya Salmon naman ang nagtanong.

"Mga Kuya, parte ito nang trabaho ko. Hindi ko naman pwedeng ipaalam sa kanila ang totoo. Kung tatanggihan ko sila; magpapaliwanag pa ako." Tumalikod ako at binuksan ang sporty bag na balak kong dalhin bukas pa-maynila.

"Eh ipapaalam mo ba 'yan kay Marvin, anak?" tanong naman ni Mama.

"Ha!? Bakit pa?" parang nagulat kong sagot kay Mama na patanong rin.

"Siyempre naman siya na ang nangangalaga sa inyong mag-ina. At kung sakaling…."

"Mama! Ayan na naman kayo! 'Wag niyo ngang maituloy-tuloy yang napakasamang sumasagi sa isipan ninyo!" napapalakas kong sambit sa aking Mama. Hindi pa man niya nasasabi ay alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya.

"Annie! Bakit ka ganyan kay Mama!?" galit namang singhal ni Kuya Salmon.

"Kuya! Si Mama kasi, kung ano-ano naman ang gustong sabihin."

"Nakaka-disapoint ka naman Annie, nagmamalasakit lang naman sayo si Mama, at sa anak mo. Walang masama sa sinasabi ni Mama,"tugon muli ni Kuya Salmon na humawak pa sa balikat ni Mama.

"I'm sorry kung nasigawan ko si Mama, oo tama ka, walang masama. Pero sana nga, sana wag na wag niyong kalilimutan na kaya tayo buhay lahat ngayon dahil sa pagliligtas sa atin ni Dave. He sucrifice me and his son. And even his own life!" Pagkasabi ko ay agad na akong tumalikod at pumasok sa banyo. Napahalukipkip ako sa tuhod ko habang nakaupong pasandal sa likod ng pintuan.