Harmino, Kabanata 16
I looked at Nirca with tears in my eyes as we stared at the charity home she created for me. I have never thought she would still remember my dreams before and even did every piece of it.
Umakbay siya sa akin. "Do you like it, tangi? Ako gumawa niyan. . ."
I nodded, unable to speak properly. "T-Thank you. . ."
Pumasok kami sa loob. Binati agad si Nirca ng mga nakatatanda na nag-aalaga sa mga bata. Pati ang mga bata ay tuwang-tuwa na makita si Nirca. Halatang laging pinupuntahan ni Nirca dahil may mga sinasabi ang mga bata sa kanya na natapos na raw nila ang pinagawa ni Nirca.
"Ate Nirca, iyan na ba ang girlfriend mo? Gawin na ba natin ang surprise?" tanong ng isang batang babae na kulay blue ang mga mata.
Nirca shushed her. "Don't tell her yet, Inoue. You will spoil our surprise!" she chuckled and looked at me. "They love you, tangi,"
"No, baby, they love you." diniin ko ang huling salita. "You took care of it well. I'm so proud of you."
Nakipaglaro kami sa mga bata at tumulong sa pagluluto ng pagkain. Mas lalo lang gumaling si Nirca sa pagluluto kesa noong huli kaming nagkita. Habang ginagawa niya iyon ay may ngiti siya sa labi, tanda ng saya sa kanyang ginagawa.
"You're going to be a great mom someday," I whispered as I stared at her face while she's busy cooking food.
Looking at her, I see stars and evergreen. It's pure. The stars never lie. . . Like her genuine smile while helping people like me who grew up without a biological mom. We stayed in New Jersey when I was a kid without anyone helping us, not even an orphanage. But with what she did, she healed my soul and inner child, and even the children without parents here.
Ginabi na kami roon kaya roon din kami natulog. Kinabukasan na kami nakauwi dahil gustong-gusto kami kalaro ng mga bata.
That time, I made up my mind. I will not wait anymore! I want to tell everyone that I'm going to marry this girl. I will plan everything. I will do things first this time. I have to make it up.
"What's that, Malax?" my brows furrowed as I watched my pregnant sister walk around with an envelope.
Tiningnan niya iyon pati sa likod. Kumunot din ang noo niya. "A mail. From Winter."
Napatayo ako at agad na inagaw iyon. Pupunitin ko na sana pero may nakita akong pamilyar na sulat-kamay.
Sumilip si Malax, "Kamukha ng handwriting ni Mama Claire." aniya.
Mas lalo akong nagtaka. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang isang letter.
'Para sa mga minamahal kong anak,
Gusto kong humingi ng tawad sa inyo dahil sa maaga kong paglisan. Hindi ko gustong iwanan kayo, pero dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko ngayon ay sa tingin ko, hindi ko na kakayanin. Simula nang dumating kayong lima sa buhay ko ay kayo na ang nagbigay sa akin ng inaasam kong kaligayahan. Nakakapagtaka ngayon dahil parang hindi pa rin sapat ito para takpan ang butas ng puso ko na sobrang sakit at kumikirot gabi-gabi kapag tulog na ang lahat.
Sana maintindihan niyo ako sa aking ginawa. At sa mga responsibilidad na iniwan ko sa inyong lima. Pero huwag kayong mag-alala, hindi ko hahayaang malugmok kayo kagaya ko. Dahil nakikita ko ngayon pa lang ang maliwanag niyong kinabukasan. Malaki ang tiwala ko sa inyo, mga anak. Miraya, Mnemosyne, Mason, Maxea at Malax. Mahal na mahal ko kayong lima.
Walang may kasalan sa mangyayari sa akin. Hindi ang dating kasintahan ko o kung sino man ang maidamay ko sa iniisip ko ngayon. Tanging ako lang ang dapat niyong sisihin sa mangyayari sa akin. Dahil pagod na pagod na ako at gusto ko nang magpahinga.
Huwag na huwag niyong kakalimutan na alagaan ang sarili niyo dahil ang kalusugan at mental health ang pinaka malaking biyaya. Kapag ito ay nasira, tuloy tuloy na masisira ang sistema ng isang tao. Sana balang araw ay hindi kayo magaya sa akin. Sana makahanap kayo ng taong magmamahal sa inyo at hindi lang kayo nilapitan para sa materyal na bagay na pagmamay-ari niyo o sa mga bagay na kaya niyong gawin. Mga taong mamahalin kayo kahit hindi kayo perpekto, yayakapin kayo sa bawat selebresyon ng saya o sa bawat bagyo ng inyong luha.
Naniniwala akong makikita niyo ang mga taong para sa inyo balang araw. At nandito ako mula sa kung saan para panoorin kayo at suportahan sa mga pangarap niyo sa buhay. Sana ay makita niyo ang mensaheng ito at huwag niyo akong kalimutan agad.
Kayong lima, nakatatak kayo sa puso't isip pati na sa kaluluwa ko. Maya sigurado akong sa susunod na buhay ko ay mahahanap at mahahanap ko kayong lima. Sa ngayon, kailangan ko nang umalis. Maraming salamat sa mga ala-ala at sa pagpapasaya niyo sa maikli kong buhay. Hanggang sa susunod nating pagkikita!
Nagmamahal sa inyo,
Demi Claire Meadow Crosette'
Nabitawan ko iyon. Sinalo naman ni Malax dahil hindi niya mabasa nang maayos.
"Anong meron? Galaw ka nang galaw, hindi ko mabasa nang maayos." sinimulan niya itong basahin.
Napahawak ako sa ulo ko. Hindi pala ito aksidente, pinlano pala ito ni Mama. Nakakainis at ngayon lang namin nakita. Sana, hindi nasayang ang labing dalawang taon na paghihiwalay namin ni Nirca.
"Hi po," bati ni Nirca kay Mama Claire noong bisitahin namin ang kanyang puntod. "Siguro po pamilyar na ako sa inyo. Hindi ko man po gusto na ganoon ang huling makita niyo, na iniwan ko kayo, sana po kaya ko iyon baguhin ngayon."
"Marami po akong pagkakamali sa buhay at patuloy pa rin akong magkakamali. Pero sana po, mahanap niyo po sa bukal niyong puso na mapatawad ako. Hindi ko po gustong iwan kayo, pero gusto ko rin pong manatili dahil takot po akong maiwan ang mommy ko."
I told Nirca everything, but now, she's still apologizing to mom.
"I hope someday, you will choose me as the one for your daughter even if I'm not the society's standard for loving another woman romantically. But the only thing I can promise you is that I would always stay by her side even in our lowest of the lows and highest of the high. I will help her take care of herself and walk with her as we go on with our lives." she added.
I smiled.
My heart screams that she was never wrong for choosing this girl for her. Because this woman brings her comfort, thrill, excitement, happiness, vulnerability, everything. . . at the same time. And that heart will never get tired of choosing her.
"I'm going to propose to Nirca," anunsyo ko sa family table.
Dortan blinked confusedly. "You're a girl, why are you going to propose to a boy, auntie?"
I smiled at my nephew. "It's never wrong to do the first move, dear. Being a woman doesn't mean you should just wait for someone to do it first before you. And I'm not going to propose to a boy, my love. She's a girl."
Dortan's jaw dropped. He was about to ask something when Conan covered his mouth and embarrassingly smiled at me.
"Good to know that, Mnemosyne. Congratulations in advance." Thea smiled at me.
"Congratulations, Syne. You deserve this. You deserve each other. Twelve years is long. I'm glad you're finally here." si Maxea naman. "Now we're finally complete, everyone has their own family now. We did a good job finding the one, girls. . ."
"Cheers for Mnemosyne and Nirca's engagement!" Thunder raised his glass.
I raised my glass with a smile on my face. I'm so excited.
"What?! You're going to marry a woman?!" bulaslas ng biyolohikal kong ina. "That's not going to happen!"
"Why not, Roe? It's my life." I asked nonchalantly while looking at my nails with her on the other side of the phone. "I just called because my sisters thought you should know about this."
"How about the company--"
"Fuck the company. I'm tired of it. Nirca and I will handle it, don't worry."
"What about me? I'm still strong, I'm your mom and I was always there by your side during these past twelve years--"
"Just now, I called you by your name, Roe. Since we're no longer living there but you let us live there for twelve years, I'm going to save you the gratitude money. But starting now, we're not going back there and you're no longer our mom, you never were. You never acted like one. I know you see us as money, but we're your biological children. I hope you'll do fine. Goodbye."
I ended the call with a heavy sigh.
Napangiti naman agad ako nang lumapit sa gilid na pinupwestuhan ko si Nirca para tulungan akong pumasok sa loob ng kotse niya. May pupuntahan kami ngayon.
Halos mapatalon ako sa gulat nang matanaw ko si Laurel na sobrang laki na ng pinagbago sa aming likuran. She waved at me with a smile on her face. "Hi there, dear Mnemosyne."
"Stop calling my girlfriend 'dear', Laurel," ma-awtoridad na banta ni Nirca.
Humalakhak si Laurel. "Sige na nga, Boss Praning."
Nirca glared at her best friend before starting the engine.
Dumiretso kami sa isang bar na malapit sa University namin dati. Malapit din ang bar sa club na laging tinatambayan noon ni Nirca.
"Congratulations on wrecking miss promiscuous, Mnemosyne. Nirca changed a lot after you guys met each other. I'm happy for both of you." Laurel smiled genuinely with a slight tear on her eyes. "Tara na?"
Unang pumasok sa loob si Laurel. Hawak ni Nirca ang kamay ko nang pumasok kami sa loob. Madilim doon. Tanging ang ilaw lang sa maliit na stage ang natatanaw ko.
Walang ibang tao sa loob. Did they rent the whole space?
"Seat here," tinuro ni Nirca ang isang pulang upuan sa dulo na nakaharap sa stage.
"What is this, Nirca?" I curiously asked, not knowing what's going on.
"Just wait and you'll see." pinatakan niya ako ng halik sa noo nang nakangiti bago siya patakbong umakyat sa stage.
Suot ni Nirca ang strap ng gitara. Tumapat siya sa mic. Si Laurel ang gumalaw sa piano.
"I wanna be your vacuum cleaner, breathing in your dust. . . I wanna be your Ford Cortina, I will never rust. . . If you like your coffee hot, let me be your coffee pot, you call the shots, babe. I just wanna be yours. . ." pagkanta ni Nirca sa sikat na song ng Arctic Monkeys. "Secrets I have held in my heart are harder to hide than I thought, maybe I just wanna be yours, I wanna be yours, I wanna be yours. . . Wanna be yours, wanna be yours, wanna be yours. . ." she started singing without the instruments but when he sang that part, Laurel slowly played piano while she slowly strummed her guitar.
"I wanna be your setting lotion, hold your hair in deep devotion. . . At least as deep as the Pacific Ocean, now I wanna be yours. . ." Her soft voice suits the soft rock love song. I didn't know she was good at this.
Even at the end of the song, nakatunganga lang ako sa kanya. Manghang mangha sa mala-anghel niyang boses. Sa totoo lang, noong una ko pa lang na narinig ang boses niya sa likod ko noong ibigay niya sa akin ang wallet ay nagandahan na ako sa kanya at sa boses niya. Mas nadagdagan ang ganda non ngayong kumakanta siya sa harap ko.
"Mnemosyne, Zcimin, Crosette, tangi, Syne, whatever your name is. . . I wanna be yours. I want to be fully yours, lady. If you'd allow me in your life again, can we stay with each forever and ever?" Nirca asked on the mic with a spark in her eyes. Her short black dress made her look like a femme fatale that will eat my soul. "Marry me, tangi, please. . ."
Unti-unti siyang lumapit sa akin. My tears formed in my eyes. Naunahan niya ako roon, ah?
Isa-isang bumukas ang ilaw. Noong malinaw na, nagsilabasan ang mga kaibigan niya at mga kapatid ko, mga partner nila. Nandoon din sina Charles at Eva.
Napatakip ako sa aking bibig gamit ang dalawa kong kamay. Gulat akong tumingin kay Nirca. Talagang sinigurado niyang hindi na ako hihindi ngayon.
Katulad dati noong sinurprise niya ako sa birthday ko at natapunan ko siya ng cake sa puting damit, saksi ang mga kaibigan niya roon. Kaya alam ni Nirca na pwede siyang mapahiya rito pero sinubukan niya pa rin.
Walang tigil ang pagtigil ng luha ko. Inabot ako ni Nirca at pinunasan ang luha ko bago hapitin ang aking bewang para halikan sa noo.
"Hindi na ako nagdala ng cake ngayon, pero sana huwag ka nang tumakbo ulit. . ." she nervously chuckled. "What do you say about me being your permanent sleep partner?"
Mahina ko siyang tinulak bago ako tumawa habang lumuluha. "Loka loka ka. . . Inunahan mo ako."
Niyakap niya ako nang mahigpit. "Sa susunod magpaparaya na ako para ikaw palagi ang nauuna, tangi."
"E-Edi sige. Magpakasal na tayo." ngumiti ako sa kanya. "I wanna be yours, too, Nirca. I love you. . ."