Harmino, Kabanata 15
"How many times do I have to tell you, Charlotte? I will never attend your wedding because I might burst out crying like I'm your mother. Leave me alone."
Bumuntong hininga si Charles sa kabilang linya. Rinig ko ang tawa ni Eva na paniguradong nasa tabi niya.
"Okay fine, I'll do your condition! I'll take you to my club. Huwag mo lang talagang pag-interesan na bilhin iyon ha! Lalo na't bigatin ka."
"Nasaan ka ngayon, Cubao?" tanong ko at tumingin kay Malax na nakiki-usyoso sa usapan namin ng best friend ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Sabihin mo buntis si Malax," she mouthed.
"Wala siyang paki," I mouthed back at her.
She rolled her eyes and walked out. Ang weird talaga ng mga buntis.
"Cavite. Lumipat kami dahil malapit 'to sa pinagt-trabahuhan ni Eva. Nasa mansion ka ba? kami na ang susundo sa 'yo."
"Hindi ako makakasama, Charles. Magbabantay ako ng club sa araw na 'yon, sa club na lang tayo magkita-kita." singit ni Eva. "Pasensya na, mare. Sa susunod magkita tayo ulit ha!"
"Oo, sige." sabi ko naman. "Sigurado ka, Charles. Alam mo na ang daan papunta sa mansion?"
"Aba syempre! Hindi ako katulad niyo na mabilis makalimot after 12 years. Matagal pa bago ako maging ganap na gurang." humalakhak ang Hudas. "Sige, papatayin ko na. Bebe time ako."
"Oo na, hayop ka!" humalakhak ako bago pinatay ang tawag.
"Paano si Nirca? Parehas na araw ang meet niyo ni Charles at Nirca, hindi ba?" tanong sa akin ni Maxea habang kumakain kami sa mahabang table.
Nandito lahat. Si Maxea at Thea ang magkatabi, ang tanyag na manunulat na si Thunder na nakabuntis kay Malax, si Mason at ang mag-ama niya at ako. Nakatayo ang mga kasambahay sa likuran nila para kung sakaling may kailangan sila ay agad na makukuha.
"I'll tell her about it. My best friend's wedding is more important. Because after this, Nirca wil have all of my time. Baka magtampo si Charles." kumagat ako sa ham.
"Ang pangit ng lasa, leche!" napatayo si Malax nang matikman ang favorite niyang hotdog. Tumakbo siya para makaduwal. Sumunod sa kanya si Thunder na natataranta pa.
"Normal ba 'yun?" takang tanong ni Maxea sa asawa.
"Normal iyon, nangyari iyon sa akin noong pinagbubuntis ko si Dortan. Hindi mo maalala?" si Mason ang sumagot.
"Oo nga pala. Nakakatakot talaga magbuntis. Kahit favorite food ay maduduwal ka." tumango-tango si Maxea. "Buti na lang at ligtas tayo sa pagbubuntis, Syne," ngumisi siya sa akin.
Tiningnan ko si Dortan na agad na nagtaas ng tingin sa amin dahil doon. Baka maintindihan niya pa ang kalokohan ng tita niya!
Pinanlakihan ko ng mata ang aking kapatid at inambahan na tutuhugin ko siya ng tinidor.
"Tutal kumpleto na tayong lahat, halos lahat tayo may kanya-kanya nang pamilya. Si Syne na lang ang hinihintay natin pero mukhang malapit na rin. So why don't we visit Miraya with them?" tanong ni Maxea.
"Boba, nasa America iyon. Kalilipad lang namin dito ay pababalikan mo na kami." stress na stress na hinilot ni Mason ang sintido niya. "Baby, eat slowly." pinunasan niya ang labi ni Dortan na may kanin pa sa gilid ng bibig.
That time, I felt like. I'm not by myself anymore. Because Nirca is finally back.
Pagkatapos kong gumayak ay nagtipa agad ako ng mensahe para kay Nirca dahil pupunta kami ni Charles ngayon sa sarili niyang club. Ito ang business ng mokong kasama ang amazonang misis niya. Dahil nagtext na rin sa akin si Charles nandito na siya.
Ako:
Nirca, huwag ka muna pumunta sa mansion. Hindi ako makakasama sa 'yo ngayon eh. May lakad pala ako. Hope you understand, tangi. I love you.
Nagreply naman agad si Nirca.
Nirca:
Too late, woman. I'm already here. Why is your best friend here?
Nirca:
Siya ba ang kasama mo? Aalis kayo? Pwede ba akong sumama?
Napangiti ako roon sa mga tanong niya.
Ako:
Oo. Oo. Hindi.
Nirca:
Aray naman. :( Ok.
Ako:
Don't tell me nagseselos ka pa sa kanya?
Nirca:
Hindi na hahaha! :D
Bumaba na ako. Tiningnan ko ang dalawang kotse sa tapat ng mansion sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pamatay na tingin ni Nirca kay Charles na tila ba may ginagawa itong masama.
Namulsa si Nirca sa kanyang black pants. Ibinaba niya ang cat-eye shades niya. Naka-varsity jacket pa siyang itim at puting panloob. Si Charles na nakabeach fashion palagi ay nag-iwas ng tingin sa girlfriend ko.
Nirca rode her red sports car. Agad siyang umalis. Nakahinga nang maluwag si Charles at nagtipa sa cellphone niya pero nang mapansin niyang may nakasilip sa taas at nakumpirmang ako 'yon ay tinaasan niya ako ng middle finger niya.
Pagkababa ko ay nakangiwi siya. "Kayo na ba ulit non? Napakaselosa." he commented.
Sumakay ako sa kotse niya. Nasa shogun seat ako kaya puro silip lang sa rear view mirror ang ginagawa ko.
Hindi pa kami nakakalayo ay natanaw ko na ang pulang kotse na kamukhang-kamukha noong kay Nirca. Napausod pa ako para makita ko iyon nang maayos dahil baka namamalikmata lang ako at kamukha lang ito noong kay Nirca. Baka naman parehas lang sila ng model?
Sinusundan kami nung kotse hanggang sa makalabas na kami.
"Is it far?" tanong ko sa kaibigan, nakatingin pa rin sa salamin.
"Quite far, yes," Charles answered. "What are you looking at?" lumingon din siya sa tinitingnan ko.
"Nothing. Focus on driving. Baka maaksidente pa tayo sa ginagawa mo. Gusto ko pang ikasal." dinaan ko na lang ito sa tawa. Nag-ayos ako ng upo. Now, I only glance at it so my best friend won't notice.
"How's your left back there, anyway? Since you left we barely talk or text each other. I want to catch up." kumuha siya ng shawarma. Inalok niya ako pero tinanggihan ko agad.
"Nothing's new, Charles," I sighed. "My biological parents still push me to focus on the company. Plano 'ata nilang doon ako magfocus hanggang sa mamatay ako. I know they want the money. Meron naman ako kaya wala akong masabi. Pero dahil ayaw kong maging selfish katulad ng nangyari kay Miraya noon na pagdadamot namin sa katotohanan. Baka gusto rin ng mga kapatid ko na nandoon ang mga magulang namin. But I don't know, I feel empty."
"That's bad. . . What about the time Nirca came back to your life? I just know that woman is hella rich. She's a registered architect, and even a board exam topnotcher. I heard she had a lot of projects before and it was all successful. But now she's focusing on her public acting career."
"Nirca is my life, Charles. You don't have to ask me what I felt when she came back to my life. Having her is the best feeling in the world." tumingin ako sa labas. "Akala ko nga tatagal pa ang galit niya sa akin. I expected that if she forgives me fast, it'll take at least a month. But it took only a day."
"She must love you so much to forgive you after everything you did and said to her, Mnemosyne. . ."
"Trust me, Charles. It may not seem like it but I love her more. I don't know how to express it. But I would give her all of my time, do her laundry everyday and fix her things. That's how I express my love for that woman."
He smiled. "I'll be waiting for your day, bro."
"Okay, bro," sinakyan ko ang pang-aasar niya. Tumawa ako.
Pagkapasok namin sa loob ay bumalik ako sa isang eksaktong scenario 12 years ago.
When Nirca took me home when I was drunk.
"Party girl ka na ba ngayon?" tanong sa akin ni Charles.
Kahit hindi naman ganoong nakakatawa iyon ay napahalakhak ako sa tanong niya. Pero imbes na sumagot ay napunta ang tingin ko sa piraso ng gulay na sure akong mula sa shawarma. Dahil madilim at hapon na, puro ilaw na hindi naman steady ang tanging liwanag kaya 'di ko iyon makita nang maayos.
Lumapit ako sa kanya para makita ko iyon nang maayos pero nagulat ako nang may humigit sa akin palayo kay Charles.
"Magki-kiss kayo? Akala ko ba tayo pa rin?" tanong sa akin ni Nirca. Galit niyang hinubad ang jacket niya, revealing her white backless top.
"Hala, si Nirca Harmino ba 'yan? Iyong artista?" nagkagulo na sa loob.
"Oo nga 'no! Pa-picture tayo!"
"May tattoo siya sa likuran! Les Tendres ang nakalagay! Picturan niyo!"
"N-Nirca, anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong sa kanya.
May kumislap na flash ng camera kaya napatalikod siya sa akin. That made her reveal the big tribal tattoo on the middle of her back, near her shoulders. There's a word 'Les Tendres'. And a big wing tattoo.
Niyakap ko si Nirca, sinenyasan ko si Eva na kararating lang sa pwesto namin at walang ideya na ihanap namin si Nirca ng pagtataguan dahil baka dumugin siya ng obsessed fans niya na puros lasing pa.
Si Charles ang humarang sa lahat dahil siya ang pinakamalaki at matangkad sa amin.
"Bakit ka pumunta rito?" tanong ko sa kanya nang makalayo na kami.
Nasa isang itim na kwarto kami. May aircon kaya ibinigay ni Eva ang suot niyang jacket kay Nirca pero hindi niya iyon tinanggap.
"Bakit ayaw mo? Magkakasakit ka!" pilit kong isinuot iyon sa kanya.
"Hindi ka magseselos?" tinantsa niya ang reaksyon ko.
"Oo naman! Aba!" pumayag na siya agad dahil doon.
"Magki-kiss kayo as a friend?" she pouted.
Marahas akong bumuntong hininga at umupo sa dulo ng kama para matabihan siya. I held her hand
"Ikaw lang iki-kiss ko, kahit as a friend pa." sabi ko na ikinangiti niya.
Nasamid si Eva sa sarili niyang laway dahil doon. "Lason!"
Nagpaalam siyang lalabas muna kaya tinanguan ko na rin. Mag-uusap pa kami ni Nirca. Siya nga talaga ang sumusunod sa kotse namin kanina pa. Paniguradong nagseselos talaga 'to, halatang halata na.
Hinalikan ko ang pisngi niya at ngumiti. "I just went closer to him because I wanted to remove something on his face. I will not kiss him, okay?"
"I'm sorry, I was just jealous. Sorry for the reckless deed, tangi ko. . ." She hugged me as an apology. Nang tingnan ko ang pulsuhan niya ay nabasa ko ang calligraphy tattoo ng pangalan ko. "Are you going to scold me for getting a tattoo?"
"Yes." pag-amin ko.
She chuckled softly. "That's what I thought, baby. . ."
"What does 'Les Tendres' mean?" I asked her.
"It's french that means 'The Tender Ones' because I feel very tender and soft whenever I'm with you. All of my boy best friends have this tattoo too, different parts of our body. Brelenn, Darell, David, Laurel, Dylan, Armenia, Jarell has the same tattoo. We have the same feeling when we're with our partners so. . ."
"Where are you going to take me if I chose to go with you?"
"Just some place I created specially for you. . ."
She showed me a picture from her gallery. My eyes widened when I saw what it was.
"Do you like it?" she asked and kissed my eyes.
I almost teared up, I hugged her tight.