Harmino, Kabanata 10
Mason helped me pack my things. Nirca is silently observing us, leaning back on the doorway. She has no reaction in her face. Namamaga pa ang kanyang mga mata. My sister looked more worried to her than me.
Mag-iisang linggo na matapos ang birthday ko.
Turns out she's Kahel's friend and Kahel ended up sharing what happened to her.
"Syne, hindi mo manlang kakausapin?" malungkot na tanong sa akin ni Mason.
I glanced at Nirca but she avoided my gaze. I looked back at my sister and gave her a small smile before shaking my head a bit.
Naunang lumabas si Mason, marahil gusto niyang mag-usap muna kaming dalawa ni Nirca bago ako magpaalam sa kanya. Tutal may kaya ang pamilya namin, nakapagbook agad kami ng flight. Matagal na ring ready ang passport namin dahil palagi kaming lumilipad sa ibang bansa nila Mama Claire.
Tumingin ako kay Nirca na nakatingin lang sa sahig. Pinaglalaruan niya ang paa niya para roon mapunta ang kanyang atensyon.
"Wala manlang advance happy birthday, tangi?" her voice broke as she looked up to me.
I gritted my teeth to stop myself from crying. I can't be vulnerable to her this time. She really needs to choose another pathway, different from mine. She needs this. We need this. We have to.
"Advance happy birthday, Nirca," I greeted, not looking at her.
"Yakap?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. My tears are forming in my eyes and it feels like it wouldn't fall unless they're too much. I tried to hold it in, even if it meant my vision would be blurred. Because I can't. I just can't be vulnerable.
"Nirca aalis na ako," paalam ko sa kanya.
"Yakapin mo muna ako," kumawala ang hikbi niya.
Unti-unti akong lumapit para yakapin siya. Parehas kaming mahinang humihikbi habang yakap ang isa't isa.
Nang makawala kami sa isa't isa ay nginitian niya ako. "Ingat kayo, ah."
"Salamat. Kayo rin ng mommy mo. . ."
Tumalikod na ako, dala ang backpack ko na natira sa kwarto namin.
"Buh-bye, tangi,"
I stopped walking, my tears fell. I wanted to reply back but I'm unable to. It felt like my voice won't come out no matter how hard I try.
Nang magsimula akong maglakad palayo ay narinig ko ang pagbagsak ng katawan niya. Alam ko ang pakiramdam na iyon. Na sa sobrang sakit ay nanghihina ang tuhod mo at mamaupo ka na lang sa sahig.
Doon siya umiyak nang umiyak. Hindi na pinigilan ang hikbi niya kaya mas lalo lang akong nasaktan.
"Buh-bye, tangi," I whispered and smiled.
We stayed at Miraya's place for a day before the flight.
Napapatingin sa akin kahit na si Auntie Wendy dahil sa pag-aalala dahil tahimik akong umiiyak sa loob ng kotse. Sinabi naman ni Mason ang dahilan kaya hindi na siya nagsalita pa. Tanging yakap lang ang binibigay sa akin ng mga kapatid ko dahil hindi rin nila alam ang sasabihin.
Nang makarating kami sa airport ay naunang bumaba si Malax. Sa likuran ng kotseng sinasakyan namin ay ang namumutlang si Miraya na may kasamang nurse para alalayan siya. Sumunod si Mason at Maxea, ako ang pinakahuling bababa.
"Pasensya ka na, nak," malungkot na sabi sa akin ni Auntie Wendy.
Tumango ako at nagpilit ng ngiti. Pinalis ko ang luha ko bago ko napagdesisyonang bumaba.
Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay may yumakap na sa akin mula sa aking likuran. Akala ko kapatid ko lang. Pero nang makita ko ang kamay at brasong balot ng gray na jacket ay sigurado na akong si Nirca iyon. Sumunod siya rito.
Umiiyak siya sa likuran ko. Nanigas naman ako mula sa aking kinatatayuan dahil sa magkahalong gulat at lungkot.
"H-Huwag mo akong ipagpapalit, please," she pleaded.
"Nirca, bitaw." utos ko.
Umiling siya sa aking likuran. "I-promise mo muna."
Hindi! Hindi pwede! Kailangan mo ring mabuhay ng masaya dahil walang katiyakan na babalik ako rito pag nawala si Miraya dahil mas lalo lang akong masasaktan pag naalala ko ang ala-ala naming dalawa! Dapat makakilala ka ng iba, huwag mo akong hintayin.
"Bitawan mo ako!" tumaas ang boses ko. Buong pwersa kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin. "Ano bang ginagawa mo rito? Umalis ka na!" my eyes were bloodshot while glaring at her.
Gulat na gulat siya sa ginawa ko na para bang hindi Niya ine-expect na kaya ko iyong gawin. Tumango siya ng unti-unti at binigyan ako ng isang sobre. Sigurado akong naglalaman iyon ng mensahe. Pag tinanggap ko iyan, mas lalo akong masasaktan.
Pero siguro, ito talaga ang kailangan kong gawin para i-give up niya ang pagmamahal niya sa akin?
Kinuha ko ang sobre. May kaunting ngiting sumilay sa pagod niyang mukha dahil sa pag-asa. Pero nang makita niya ang mabilis kong pagpunit doon ay agad na nawala ang munting ngiti niya.
"Mnemosyne, ano ba!" pinigilan ni Maxea ang kamay ko sa pagpunit pero inilayo ko iyon sa kanya para mas pino ang pagpunit ko habang nakatingin ako sa mga mata ni Nirca. "Tama na, Syne! Akin na 'yan!" pinagpupulot niya ang pira-pirasong papel sa sahig.
"Umalis ka na," mahinang utos ko sa kanya.
Nanginginig ang labi ni Nirca habang umiiyak na nakatingin sa akin. "A-Ang gara gara mo naman."
Naglakad ako papunta sa loob ng airport. Dahil gawa sa glass ang pintuan non ay nakita ko ang repleksyon ng pagbagsak ni Nirca sa sahig ng kotse namin. Napaupo siya sa sahig habang nakatingin sa baba. She was crying. Pinapatahan siya ni Malax, si Mason naman ay tinutulungan siyang tumayo.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Tumakbo ako papasok sa loob dahil hindi ko na siya kayang saktan.
Pagdating namin sa New Jersey ay puro saway ni Maxea ang unang nagpapagising sa akin bawat araw.
"Hindi ka manlang naawa? Pinunit mo pa talaga sa harap niya!" sigaw niya sa akin.
"Anong gusto mong gawin ko, paasahin ko siya?" sigaw ko pabalik. "Bakit ba ang big deal para sa 'yo? Ako 'yung nakipagbreak, ah!"
"Kasi ikaw pinaglaban ka niya! Pinaglaban sa parents niya, lumayas pa siya sa bahay nila dahil ayaw niyang mag-isa ka! Sinundan ka pa rito kahit nasasaktan na siya! Nag-effort pang gawan ka ng letter, nakita mo ba 'yung ngiti niya nang kunin mo ang letter niya? Tapos pinunit mo lang!" sabi niya na nagpatahimik sa akin. "Kasi ako, nararamdaman ko siya. Kasi alam ko iyong feeling na palagi na lang ikaw iyong nagbibigay, lumalaban para sa tao pero kahit kaunti hindi ka manlang kayang ipaglaban! Ubos na ubos na siya pero ginusto ka pa niyang kitain!"
Ilang araw kaming ganoon. Wala kaming pansinan. Kahit ang mga kapatid namin ay nasasaktan sa ginagawa namin.
Isang gabi, tulog na ang lahat pero alam kong gising pa siya. She's a writer, I know this time is the best time for her to write because we're studying in the morning. We're always busy. Alam kong magpupuyat siya.
She's sitting on her swivel chair. I thought she's typing something but I was wrong. Sarado ang computer niya. Akala ko rin sa notebook siya o papel nagsusulat pero habang papalapit ako nang papalapit ay nakumpirma ko na hindi iyon ang pinagpupuyatan niya.
Idinidikit niya pala ang punit-punit na letrang ibinigay sa akin ni Nirca. Isang parte na lang ay tapos na iyon. Sa sobrang pino ng pagkakapunit ko, sigurado akong inabot pa siya ng ilang araw para lang madikit iyon.
Seryoso siyang humarap sa akin sabay bigay ng sobre. "Kapag pinunit mo 'yan ulit, baka pati puso mo mapunit din. Basahin mo. Kahit isang beses lang. Inabot ako ng dalawang gabi para lang madikit ko iyan."
Bago ko pa man maabot ang sobre ay niyakap ko na siya ng mahigpit.
"Aray gago, bitawan mo 'ko! Hindi ako makahinga!" pilit niyang inaalis ang mahigpit kong yakap sa kanya.
"Thank you! Thank you talaga! And I'm sorry. . ."
Hinagod niya ang likuran ko. Nang maghiwalay kami ay nakangiti na siya.
"Tinulungan kita ryan, ah? Sa susunod ako naman ang tulungan mo kay Thea." ang tinutukoy niyang Thea ay ang ex-girlfriend niya.
Tumango ako at ngumiti. Pumasok ako sa kwarto ko at doon ko binasa ang letter. Walang ibang disenyo iyon, plain na rose-white colored paper ang ginamit. May dalawang maliit na drawing lang ng red ribbon sa kaliwang taas at kanang baba ng letter.
Dear tangi,
Sa oras na ibigay ko sa 'yo ang letter na 'to ay eighteen na ako. Pwede na akong makulong katulad mo! Gusto ko sanang batiin mo ng 'happy birthday' with kiss ang babaeng yumakap sa 'yo ngayon sa airport habang binabasa mo ang letrang kabibigay lang niya sa 'yo na binabasa mo ngayon.
Marami akong tinatago sa 'yo, isa na roon ang red ribbon na ibinigay mo sa akin noong bata tayo. You probably don't remember anymore but you gave me your red ribbon when we were kids. I hope you still remember me, your superhero who saved you from your ugly bullies (naknamputa, pag nakita 'to ni mommy sasabihin non kumekereng-keng na naman ako).
Sayang, first day ko ng eighteen year old wala ka na. Sayang, ang dami nating plans for each other. But it's okay because it will still happen. I will wait for you. Nagkamali ako nung sinabi ko na magrisk ka para sa atin, kasi hindi mo naman na kailangan pa. Huwag ka nang maghintay, tangi ko. Ako na ang maghihintay para sa tamang oras nating dalawa balang araw.
Sana lang mag-ingat ka palagi. Tapos 'wag mo akong ipagpapalit (pag pinagpalit mo ako, downgrade 'yon. Masyado akong maganda plus pogi pa kaya walang papantay sa akin. It's your loss if you find someone. No one is better than me). Sana humaba pa ang buhay ni Miraya. Alagaan niyo ang mga sarili niyo.
Mag-aral tayo ng mabuti, ha? Mahal na mahal kita! Ako ang sasalubong sa 'yo sa airport pagbalik mo. With a flying kick (kiss)! Love na love ka nitong poging 'to, alagaan mo ang sarili mo at huwag kang bibigay sa 'komaen kah nAh Bah? Kaenin keta' ng mga jejemon na manliligaw sa internet. Masyado kang maganda para sa mga gagong 'yun. Hindi ako papayag na iyon lang ang itatapat sa akin.
Papa-summa ako para sa 'yo. Pag talaga nagtop ako sa board exam, hihiling ako sa school namin ng ticket papuntang New Jersey, haha.
Sa susunod, hindi ka na mapapalayas ulit. Kasi titira ka na sa bahay nating dalawa. I'll be waiting for our turn. But for now, let's take care of ourselves. Give me a virtual hug and a virtual kiss. I love you so much.
See you later, Synemin!
Mula sa po-gandang sexy na nagmamahal sa 'yo,
Nirca Elaine 'Maganda' Harmino.
Napatawa niya ako sa huling message. Niyakap ko ang letter na iyon habang inaalala ang sinasabi niyang interaction namin nung bata kami pero wala akong maalala. Maybe I'm too small at that time, that's why I can't remember. But I do remember myself getting bullied.
Kinabukasan ay dinala ko ang letrang iyon sa Ospital para ipagmayabang kay Miraya.
Halos pumikit na ang talukap ng mga mata niya sa pagod. Kumikirot ang puso ko para sa kanya.
"H-Hi," bati niya. "Mason?" she guessed because she can't even recognize someone now because her eyes are almost closing.
"Syne," ngumiti ako at umupo sa tabi niya. "Laban lang, Miraya. Kakayanin mo 'to . . ." hinawakan ko ang kamay niya.
She chuckled and shook her head. "H-Hindi na siguro. . ."
"Ang nega mo naman, kapatid!" sabi ko nang may palabirong tono.
"Mawawala na naman ako, tutuparin mo ba ang wish ko, S-Syne?" she asked.
"Ano bang wish mo?" I questioned with a delicate tone and smile on my face as I caressed her hair.
"I-I want a happy ending for you and Nirca," she says. "I'm the reason why you needed to b-break up, it's my fault, I'm so sorry,"
Umiling ako at pinunasan ang luha niyang naglalandas sa kanyang pisngi. Hindi na siya makaupo ngayon. It was like she's paralyzed.
"It's not your fault, my love," I kissed her hand. "It's my decision to break up with her."
"H-Hanggang sa dead end ko, nagsisinungaling ka pa rin sa akin," malungkot niyang sabi.
I sighed. "She can function without me, my lovely angel. Tsaka kahit sino ipagpapalit ko para sa 'yo. Magkapatid tayo eh, sabay tayong nabuhay, lumaki, nangarap kaya dapat lagi tayong magkasama!"
"Nirca is kind to me," she says. "She kissed my forehead and prayed for me secretly the night you broke up. She was crying by my side begging me to stay in this world with her. Because she said she'll be sad just like you."
Natigilan ako roon. "Really?"
"Before I-I die, I want you to promise me that you will be back together no matter what." aniya. "So when I'm gone and the right time for both of you comes, I will watch you get together again happily from heaven with a smile on my face."
With a smile on my face, my tears rolled down to my cheeks. "Promise."
I hugged her.
"Let's sleep, sister,"
She tried her best to smile at me. "Okay, let's sleep. Goodnight, my love. . ."
"See you later, ate,"
"Ate? 1 minute lang ang pagitan natin." I chuckled and fixed her bed so she could feel more comfortable.
"You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky. . . With you, I'm alive . . . Like all the missing pieces of my heart, they finally collide, so s-stop time right here in the moonlight, 'cause I don't ever wanna close my eyes. . ." she started singing 'Sad Song' by We The Kings.
"With you, I fall, It's like I'm leaving all my past in silhouettes up on the wall with you, I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edge. . ." my voice broke in the end when I saw her tears flowing non-stop. "So stop time right here in the moonlight, 'cause I don't ever wanna close my eyes. . ."
"Thank you, ate," she smiled at me, opening her eyes a bit.
"Hindi pa tayo tapos, ah. . ."
"Y-your promise, I love you . . ." she slowly closed her eyes.
Nataranta agad ako roon. Tatawag na sana ako ng doktor nang pigilan niya ako. Umiling siya.
"Finish the song for me,"
"Miraya--"
"I'm so tired, ate," she whispered.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Pakiramdam ko ay malapit na iyon maubos kakaiyak ko.
Tumango ako at niyakap siya.
"W-Without you, I feel broke, like I'm half of a whole. . . Without you, I've got no hand to hold. . . Without you, I feel torn, like a sail in a storm. . . Without you, I'm just a sad song. . ." Before I could even finish the song I heard the flat line beep. Mariin akong napapikit at tahimik na humikbi.
"Sleep well, Miraya . . . Tell me about your dreams later," I kissed her forehead.