Harmino, Kabanata 9

"Mnemosyne, I-I'm your mom,"

I swallowed hard after hearing the blonde woman say that. Next to her is her husband, who is my father, on a wheelchair. Nirca then looked at me with worried eyes before she excused herself.

"What are you doing here?" I asked her. "How did you know that I live here?" 

"I got your address from Mason---"

"What do you want?" iritado kong tanong. "We already told you last week, the last time we met that we're not going there with you! We don't consider you as our parents anymore! Please leave us alone! And don't you ever show yourself to my sick sister Miraya!"

"S-Sweetie, we can--" the guy tried to talk to me.

"Leave us alone, please!"

"I-I'm dying, this is my only wish." My so -called father looked at me with tears in his eyes. "This is my only wish. To see you again. . ."

"I told you, you can't! If Miraya finds out about you, she will only be stressed! If you really wish us the best then you shouldn't have bothered seeing us at all! Because when you left us, you already neglected your responsibility to us, your own children!" 

Tumingin sa akin ang babae na para bang gusto niya akong sigawan pabalik pero pinigilan niya ang sarili niya. Mas lalo akong naiinis dahil magkamukhang magkamukha kami. Halos kulay lang ng buhok ang pinagkaiba naming dalawa.

"I-If you really want that, we will leave. I wish you the best, Mnemosyne," nagpilit ng ngiti ang babae sa akin.

Bumuntong hininga ako. Pinanood ko siyang itulak ang wheelchair ng asawa niyang may sakit. Pagkaalis nila ay hinagis ko agad ang bag ko dahil sa inis. Kadarating ko lang galing school ay ito ang dadatnan ko. Kaya pala hindi ako nasundo ni Nirca agad dahil ito ang tinutukoy niyang bisita na pinaghandaan niya pa ng pagkain.

Dinaluhan ako ni Nirca nang mapaupo ako sa sahig. Niyakap ko ang aking tuhod habang umiiyak. Nang yakapin niya ako ay niyakap ko rin siya pabalik.

"Shh. . . It's okay, they're gone now. . ." 

That is not my only problem here. After that day, I noticed Nirca becoming more silent each day. It's like she's hiding something from me that she couldn't say. I just really hope it's not that bad or it doesn't have any connections to my parents.

Noong minsan ay sinundo niya ako sa room namin ay halos hindi siya makatingin sa akin. I gaslighted myself thinking that she's just tired or she feels sick. But deep down I know she's not. Because she's hiding something.

"Nirca, have you seen my--"

"Okay okay, I'll call you back," she was facing the window. All I can see is her back while saying that to someone she's talking to on the phone. "W-What is it?" She faced me.

"Ayos ka lang ba, Nirca?" kalmado akong umupo sa dulo ng kama para tabihan siya. "You don't look well these days. Is something bothering you? Tell me about it."

Umiling siya at ngumiti sa akin. "Wala, 'no! Nakaka-stress lang. Mid term na naman!" 

I looked at her with disbelief. She avoided my gaze instantly.

"Are you hungry? Let's eat?"

"Hinahanap ko ang ballpen ko. Nawawala." seryoso kong sabi sa kanya. May tinatago nga siya sa akin.

"G-Ganon ba? Bibili na lang tayo." tumayo siya.

Binisita namin si Miraya sa Ospital. Isang linggo na siya rito kaya wala manlang siyang kaalam-alam na pumunta rito ang biological parents namin. 

Sa aming lahat, si Miraya ang pinaka may gustong makita ang biological parents namin dahil lagi siyang nananaginip tungkol sa kanila. Kaya siya na-attach sa ideya na balang araw ay babalik ang mga magulang namin na siyang nagkatotoo na ngayon.

She's pale. I smiled at her but she didn't smile back at me this time. Sinalubong niya ako ng kanyang masamang tingin. 

"May problema ba?" kalmadong tanong ko sa kanya at inilagay sa tabi niya ang isang basket ng prutas.

"Hanggang kailan niyo balak itago sa 'kin ang totoo, ha?" galit na tanong niya sa akin.

Napatingin ako kay Nirca na nasa likuran ko. Namumutla rin si Nirca at halatang pagod. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa midterms o sa iba pang dahilan. She gave me a small smile before exiting herself to the room.

"What do you mean?" I tried to smile at my sister.

Sunod na pumasok si Maxea sa loob na mukhang pagod din. Kaka-break lang nila ng girlfriend niya dahil hindi pumayag ang magulang nito sa relasyon nila. Si Malax naman na nasa likuran niya ay seryoso ang mukha at halatang may alam sa nangyayari.

"Hanggang kailan niyo itatago sa akin na nandito na ang mga magulang natin, ha?!" Naiiyak na sigaw ni Miraya sa amin.

Pinilit ko siyang pakalmahin at ihiga dahil baka mapasama pa siya pero tinulak niya lang ako. Saktong iyon ang nangyari nang pumasok sa loob ng kwarto niya si Mason na agad naman akong dinaluhan.

"Miraya! Ano bang ginagawa mo?!" Mason's voice thundered.

"Why didn't you tell me! Pinagtutulungan n'yo ako! Ginagawa n'yo 'kong tanga!" galit na tumingin sa aming lahat si Miraya. "Alam n'yo naman na gustong-gusto ko silang makita, 'di ba? I even hired someone to find them years ago and told you about it just to find out now that you're hiding them from me after meeting them? Ang selfish n'yo!" Sigaw niya.

"Miraya, that's not it," Malax tried to calm herself down by sighing. "Look, we can talk about this once you're out of here. So it wouldn't stress you out--"

"Cut the crap, Malax! You know damn well that they'll be leaving next week!" sigaw niya rito. "Ang gagaling n'yo naman! Kayo, nakita n'yo na sila, eh ako? Paano ako? Dahil ba 'to sa pagka-inggit n'yo dahil ako ang magmamana ng kumpanya, ha?!"

"Fuck the company, Miraya!" sumabog na si Maxea. "No one here wants it! In fact, we're even worried about you because you might get more pressure!"

"Talaga ba, Maxea? Eh tinago niyo rin sa akin na ako ang magmamana ng kumpanya! Kung hindi pa sinabi sa akin sa bahay ng pamilyang tinitirhan ko, hindi ko pa malalaman! Mga sinungaling kayo!"

Mariin akong napapikit. A tear fell from my eyes.

"Miraya, calm down--"

"Fuck off, Mnemosyne--"

"Miraya!" sabay na saway sa kanya ni Maxea at Mason.

Marahas na bumuntong hininga si Miraya at pinunasan ang luha. 

"I want to see them." kalmadong sabi niya.

"Miraya, hindi pwede---"

She stopped me. "I said I want to see them!"

Nagkatinginan kami lahat nina Malax, Maxea at Mason. Galit ang mga mata ni Maxea habang tumutulo ang luha bago padabog na umalis sa kwarto. Tiningnan muna kami ni Mason bago niya sundan ito.

"Miraya, pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon. . ."

She looked at me with fire in her eyes. "I can't believe you, Mnemosyne,"

"They're only coming after us because they found out you're inheriting the company and we're getting a part of the money, Miraya," Malax said while looking down. "They didn't just come here because our biological father is dying and he wants to see us. They came here to take us back to New Jersey."

Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Miraya. Matapos non ay narinig ko na humikbi siya.

Niyakap ko ang kapatid ko. Yumakap din si Malax sa kanya.

"I-I heard something," Miraya sobbed.

"What is it?" inayos ko ang buhok niya dahil dumidikit ang buhok niya sa kanyang balat dahil sa kanyang luha't pawis. 

"I-It's getting worse, I heard the doctor and Auntie Wendy talking about it."

Auntie Wendy is the one who took care of her after Mama Claire passed away. 

"Anong meron, Miraya? Magsabi ka sa amin, huwag mong sasarilihin." nag-aalala kong tanong.

"Mnemosyne, Malax. . . I-I think I'm dying," mas lumakas ang paghikbi niya. Napatakip siya sa kanyang mukha dahil doon. "They are just hiding the truth because there's a lot of Mama Claire's company acquaintances who want my place. And she wants to protect it by keeping my condition a secret even to you. . ."

Nagkatinginan kami ni Malax. Namumula na ang mata niya dahil sa pagod at pag-iyak. Mukhang alam niya na ang tungkol doon pero nahirapan siyang sabihin sa amin.

We talked about it after confirming that Miraya's condition is getting worse day by day. She always vomits, sometimes even with a lot of blood.

"L-Let's do it," hirap kong usal.

Napatingin silang lahat sa akin. Alam kong ako ang isa sa dahilan kung bakit nahihirapan silang magdesisyon. Alam nilang mahal ko si Nirca at mahihirapan ako pag iiwan ko siya. Lalo na't umalis si Nirca sa bahay nila ng ina niya para lang sa akin. 

Pero kung hindi ko ito gagawin, malamang, malalaman na ng mga kasosyo ng kumpanya na kritikal ang kalagayan ng tagapagmana ng pwestong iyon. Besides that, Miraya wants to spend her remaining days with our biological parents, especially with our dying father.

Because she knows. She knows what's about to happen.

"Paano si Nirca, Syne? Siguradong sasama iyon sa 'yo." Maxea asked.

"She needs to go back to her mom. Mrs. Harmino is also sick right now." napatakip ako ng mukha, hinilot ko ang aking sintido dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Parang nagpatong-patong lahat.

Pagkabalik ko sa bahay ay wala pa si Nirca. Marahil nasa klase pa niya siya ngayon. Sinamantala ko ang oras para mag-impake ng gamit ko. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko dahil hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko.

Tama naman ito, 'di ba? Para ito sa kapatid ko!

Bakit ba ako umiiyak? Dahil ba nakita ko na ang pinaka kinamumuhian kong mga magulang na inabandona kami ilang taon na ang nakakalipas? Dahil ba iiwan ko si Nirca? Dahil ba may chance na hindi kayanin ng kapatid ko at iwan niya kami nang maaga? O lahat?

Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko dahil doon.

Dahil iiwan ko na si Nirca. Isang buwan pa lang kami pero iiwan ko na siya agad. Ang dami pa naman naming pangarap sa isa't isa para sa kinabukasan pero ako lang pala ang puputol sa mga iyon dahil sa ngayong araw.

Dahil ngayong araw, makikipagbreak na ako sa kanya.

Habang nag-iimpake ay namatay ang ilaw. Hapon na at kulay ube ang kalangitan kaya medyo madilim na. Nawalan 'ata ng kuryente?

Bumaba ako para kunin ang cellphone ko para sa flashlight. Mas madilim sa baba kaya kailangan kong mas mag-ingat.

Pero pagkakuha ko sa cellphone ko ay biglang may umilaw na kulay dilaw na liwanag.

Nang tiningnan ko ay isa-isang bumukas ang ilaw ng bahay. Tumapon ang kakasabog lang na confetti sa aking katawan, bahagya akong napaatras sa gulat.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday. . . Happy birthday! Happy birthday to you!" kanta ng lahat.

Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang mga kaibigan ni Nirca at si Charles na kumakanta sa akin. 

Nginitian ako ni Erin, Renice, Jarell, David, Laurel, Kahel, Brelenn, Darell, Monica, Hannari at Nirca. Nang aasar pa ang ngiti sa akin ni Charles dahil hindi ako nakangiti. Akala niya siguro ay dahil lang iyon sa gulat ko. Pero dahil iyon sa plano ko ngayong araw.

Napatingin ako sa t-shirt nilang puti na may mga letter pa na pagpinagdugtong-dugtong ay buong pangalan ko ang mababasa. Sa baba ng putol-putol na letra ng bawat t-shirt ay may maliit na 'happy birthday' sa baba.

Nagbadya ang luha ko.

"Blow your candle!" Nirca happily approached me with a chocolate cake in her hands.

Napayuko ako dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil hindi ko na alam kung paano ko sasabihin sa kanya ngayon, lalo na't nagplano pa siya kasama ang mga kaibigan niya.

Nang sinubukan niya pang lumapit sa akin ay natulak ko siya dahil sa gulat. Tumapon sa kanya ang cake dahil doon. Hindi ko na mapigilang mapahikbi dahil sa ginawa ko.

Napatingin ako sa gulat na reaksyon ng lahat sa pagtapon ng chocolate cake kay Nirca. I suddenly felt guilty.

"I-I'm sorry. . . I'm sorry!" I apologized and ran away.

"Syne, wait!" hindi manlang pinansin ni Nirca ang tumapon na chocolate cake sa puti niyang t-shirt. Sinundan niya agad ako.

"Leave me alone, Nirca!" mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo habang pinupunasan ang luha ko.

"A-Anong meron, Syne? May nangyari ba? Sorry. . ." kinakabahang tanong niya sa akin.

Napatigil ako sa pagtakbo. Marahas akong bumuntong hininga at buong tapang siyang hinarap. 

"Nirca, magbreak na tayo."

"Huh?" napuno ng takot ang mga mata niya. 

"Maghiwalay na tayo." ulit ko.

"Bakit? Hindi pwede!" tumaas ang boses niya. Naglakad siya palapit sa akin sabay yakap pero tinulak ko siya agad. "A-Anong problema natin ngayon, tangi? Birthday na birthday mo oh, 'wag tayong mag-away." she tried to laugh it out but when she finally saw my eyes, she looked down.

"Bakit?" she asked, almost a whisper. "Anong nalaman mo?"

"Anong nalaman ko?" Clueless kong tanong sa kanya. "Wala akong nalaman, Nirca. Gusto ko lang makipagbreak sa 'yo."

"Sasama ka sa mga kapatid mo papuntang New Jersey?" nag-angat siya ng tingin sa akin. "Hindi mo na kailangan makipagbreak sa akin dahil kung ayaw mo sa long distance relationship, sasama ako sa 'yo--"

"Nirca, may sakit ang mama mo! Wala ka bang paki sa kanya?" sigaw ko sa kanya.

Natahimik siya, pagkatapos ay marahas siyang napahilamos sa kanyang mukha. 

"Ayaw mo akong kasama?" she asked me with a look of pain in her eyes.

"Hindi ka ba nakakaintindi, Nirca? Sabi ko, aalis na ako at kailangan mong balikan ang ina mo! Paano kung mas lalo pa siyang mapasama pag wala ka? Walang mag-aalaga sa kanya, Nirca!"

"Naiintindihan ko. . . Naintindihan ko!" She started crying.

"No you don't! You don't understand at all. Because if you do, you shouldn't just wait for me to tell you about this! Dapat ginawa mo na, pagkatapos mong malaman ang lahat!"

"Naiintindihan ko, Syne!" her eyes were bloodshot as she looked at me helplessly. "I understand that you care about her, me, for your sister! Pero ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan nating maghiwalay? Pwede naman nating hintayin ang isa't isa, hindi mo ba kaya 'yon?"

"Hindi ko nga kaya! Nakakainis na! Sasabog na ang utak ko kaka-overthink gabi-gabi kahit na kasama kita! Kasi may tinatago ka! Wala kang balak sabihin sa akin! Kaya paano pa kung magkalayo tayo, ha?!"

Natahimik siya roon. "Sigurado ka? Iiwan mo na ako?"

"Oo!"

"Pag nakipag break ka sa akin, hinding-hindi na ako babalik sa 'yo, Mnemosyne!" tumaas ang boses niya.

I glared at her. 

"Hihiwalayan mo talaga ako?" ulit niya, may kaunting pag-asa sa tono. "Hindi talaga kayang maghintay para sa 'kin? Kahit konting tiwala lang na kakayanin natin, ha?"

I gulped and looked at her with pain. "Mapapagod lang tayo pareho!"

"Normal lang na mapagod, Syne! Pero worth it 'yung pagod ko kung ikaw ang dahilan! Bakit ang unfair mo, hindi mo manlang kayang magsakripisyo ng kaunti sa akin? I gave up my home for you!"

"No one asked you to! Bakit mo sinusumbat?" sigaw ko. Another drop of tear fell.

"Wala akong sinusumbat sa 'yo, Syne. Ang ibig ko lang sabihin, sana naman, magrisk ka this time sa akin. Just this time, risk something for us. Then I'll carry the rest." kalmado niyang sabi. "Pag-usapan natin 'to pag kalmado ka na," tumalikod siya at nagpunas ng luha.

"T-Tapusin na natin, Nirca," I said, making her stop.

"Happy 18th birthday, tangi," she greeted, then walked out.

Napaupo ako sa sahig dahil nanghihina ang buong katawan ko. Nasa labas na kami ng bahay at marami pang sasakyan na dumadaan.

Nakakahiya, lalo na sa mga kaibigan niya na nag-effort pang pumunta rito.

Marahas kong pinunasan ang luha ko at yumakap sa aking tuhod. Tahimik akong humikbi.