Chapter Twenty Four
Malalakas na putok ng baril, nakakarinding mga sigaw, pag-iyak ng mga natamaan at pagbagsak ng mga katawan ang mga ingay na naririnig ngayon sa grounds. Nakapalibot sa akin ang pitong lalaking may hawak ding mga armas. Sa tuwing may lalapit samin ay agad nila itong pinapaputukan.
"Kailangan nating makaalis dito." bulong ni Polo sa amin.
"Pero paano?" tanong ni Joaquin sa kanya. Natigilan naman ang isa na tila wala ring ideya kung paano makakaalis sa lugar na iyon.
"Hindi pwede. Kailangan nating mapatumba yang mga yan." tutol ni Robie sa binabalak ng dalawa. Siguro nga'y wala nang pag-asa para makalabas kami roon.
Medyo malayo na kami sa grounds ngunit dinig pa rin ang mga pagsigaw ng ilang tao mula roon. Isa ito sa plano ni Robie, ang makarating sa mapunong bahagi ng campus kung saan mas magiging ligtas kami. Ngunit taliwas doon ang nangyayari ngayon dahil marami-rami rin ang sumusunod sa amin. Nasa likuran na ako ngayon.
Paatras ang hakbang ko upang makita ko pa rin ang mga nasa harapan ko. Hindi naman siguro ako mababangga sa mga punong nagkalat doon. Lilingunin ko na sana ang likuran ko nang makaramdam ako ng paghawak sa aking braso, nang lingunin ay nakita ko ang pamilyar na itim na cloak at huli na para sumigaw dahil agad nitong natakpan ang aking bibig, di kalauna'y binalot na ng kadiliman ang aking paningin.
—
Nagising ako dahil sa hapdi na naramdaman ko sa aking pisngi. Inilibot ko ang aking paningin at napansing nasa gubat pa rin ako, at kasama ko pa rin ang pitong lalaking kasama ko kanina.
"Ayos ka lang?" tanong ng isang lumapit sakin at dinampian ng basang panyo ang pisngi ko.
"Anong nangyari?" tanong ko kay Saige. Tumigil ito sa kanyang ginagawa at tumitig sakin. Halata ang pag-aalangan sa kanyang mukha.
"Ah—"
"Bigla ka na lang nawalan ng malay eh, ikaw dapat tanungin namin." putol ni Lux sa sasabihin ni Saige. Bumuntong hininga naman ang isa.
"Oo nga, ano bang nangyari?" tanong ni Saige. Naalala ko kung ano ang nakita ko kanina bago ako nawalan ng malay. Kinwento ko iyon sa kanilang dalawa at agad nilang tinawag si Robie na abala sa paggagawa ng apoy.
Lumapit ito samin at kinwento rin ng dalawa ang sinabi ko sa kanila. Natigilan ito saglit bago umupo sa tabi namin.
"Nakita mo ba yung mu-" naputol ng isang malakas na pagsabog ang dapat niyang sasabihin. Nagtalsikan ang mga lupa sa amin, kasabay ng pagsigaw ng isa sa mga kasamahan namin.
"Ahhh! Tu-tulungan niyo ko!" nang mahanap ng mga mata ko kung sino iyon ay napatakip na lang ako sa aking bibig.
"Polo!" sigaw ng isa at nagsitakbuhan ang lahat palapit sa kanya. Sa lakas ng pagsabog ay tumilapon ito sa isang punong may nakausling sangay at bumaon ito sa kanya.
"Ahhhh!" sigaw nito nang subukan ng ilan na galawin siya. Tumalikod na ako at lumayo sa kanila, nakita naman ako ni Nyx at sumunod sa akin.
"Baka mahimatay ka na naman, mahirap na." bulong nito sa akin. Pakinig ko pa rin ang pagsigaw ni Polo kahit na may kalayuan na kami sa kanila. Isang mahabang sigaw ang narinig namin bago tuluyang tumahimik ang paligid, ngunit kasabay niyon ang pag-ultaw ng mga tao sa mga matataas na damo. Mabilis kaming tumayo ni Nyx at tumakbo papunta sa iba. Nang makarating doon ay nakita ko ang katawan ni Polo na nasa puno pa rin, ngunit wala na itong buhay. Pabagsak na umupo ang mga kasama namin, ngunit nang ibalita namin ang nakita namin kanina ay agad silang tumayo at kumuha ng armas, tamang tama dahil sa oras na yon ay nakapalibot na sa amin ang mga tauhan ng Grifhorst.
"Kurt." dinig naming banggit ng isang babae sa pangalan ni Robie ngunit tanging mga nakaitim na lalaki lang ang aming nakikita.
"You should have been more careful. Akala mo ba'y hindi ko mapapansin na nasa loob ka ng GU?" sabi pa ng babaeng siguro'y nasa likuran ng mga nakaitim na lalaki. Napalingon ako kay Robie na seryosong nakatitig sa mga lalaki at mahigpit ang hawak sa kanyang baril.
Saglit na binalot ng katahimikan ang paligid. Tanging mabibigat na hininga lang ang maririnig. Ngunit binasag ito ng isang putok ng baril kasabay ng pagbagsak ng isa sa mga kasama namin. Xander.
"Wala sa usapan natin yan." kalmadong sabi ni Robie. Usapan?
"Wala rin sa usapang tutulong ka para makaligtas sila." sagot ng babae na ngayon ay unti-unti naming nakikilala.
"Robie?" si Joaquin iyon habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Nilingon siya nito, walang emosyon ang mukha, at sa isang iglap lang isang putok ng baril na naman ang umalingawngaw at bumagsak sa lupa ang katawan ni Joaquin.
"Enough." bulong ni Robie sa kanyang sarili. Mahinang tumawa ang babae.
"That's what you get for being too brave." sagot ng babae bago umalis, kasabay niyon ang pag-atake ng mga lalaking nakaitim.
Marami sila. Ngunit hindi nila ginagamit ang kanilang mga baril. Ilan sa kanila ang napatumba ng mga kasama ko. Ilan din sa kanila ang nagtagumpay na masugatan ang mga kasama ko.
Ilang sandali pa'y umalingawngaw ang sirena sa buong campus. Tumigil ang mga lalaking nakaitim sa pag-atake at ganun din ang mga kasama ko. Tuluyan silang umalis at naiwan kami sa kakahuyan.
Si Nyx, Saige, Lux at Vryll ay sugatan samantalang si Robie ay hindi man lang nagasgasan.
"Do you mind explaining what happened, Robie?" iritadong tanong ni Vryll kay Robie na malayo sa aming nakaupo sa isang nakatumbang puno. Hindi man lang ito lumingon sa amin, kaya walang anu-ano'y tumayo si Vryll sa kanyang kinauupuan at sinugod ito. Kinwelyuhan niya ito at diretso lang itong nakatingin sa kanya na ani mo'y wala sa sarili.
"Just kill me already." tanging nabanggit nito.
"Gustuhin ko man ay hindi pwede." sagot ni Vryll sa sinabi niya bago binitawan ang kwelyo ni Robie.
"Just, just tell us what the actual fuck happened!" galit na galit nitong sabi habang nagpapauli-uli na di man lang iniinda ang mga sugat na natamo sa laban kanina.
Inayos ni Robie ang kanyang damit, tumayo ng ayos at lumapit sa amin. Naupo ito sa tabi ko ngunit mabilis na pumagitan sa amin si Lux na matalim ang titig sa kanya.
"Miss Rivera, the Head of this campus-"
"Alam namin." sabat ni Saige. Tumikhim naman si Robie.
"She's your aunt, remember? Meaning, I also work for her-" hindi pa ito nakakatapos nang bigla siyang tutukan ng baril ni Saige.
"Hey, calm down dude." awat ni Lux. Binaba naman nito ang baril.
"That's why you're here, in Grifhorst. She's planning to kill you too." sabi nito habang nakatingin sa akin. "That 'was' the plan. But, as I was the one your father assigned to take care of you, I planned to have these men," tumingin naman ito kina Lux, Vryll at Saige.
"To take care of you inside this campus, in disguise. But that failed, she found out." yumuko ito at nilaro-laro ang baril na hawak niya.
"I failed. I'm sorry I can't keep you safe." bulong nito bago tumingin sa akin at nilipat ang tingin kay Nyx.
"Keep the promise you made." dagdag pa nito bago itinapat ang baril sa kanyang sintido, pipigilan pa sana siya nina Lux ngunit huli na nang marinig namin ang putok niyon.
He killed himself, because he failed, and he thought that he must die because of what he has done. Kurt Robie Morevillano, a brave man.
Nanatili kaming tahimik. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Isa-isa na silang nawawala at nararamdaman ko na ako ang dahilan ng mga iyon. I am the reason why they're here, and I am also the reason why they're suffering.
Malalim na ang gabi, tanging mga kuliglig ang naririnig ko. Nakatitig lang ako sa mga bituing nasa langit. Tila napakapayapa ng gabi.
"Ash," tawag sakin ng isa. Nilingon ko kung saan iyon nanggaling at nakita ko si Nyx na nakaupo sa harap ng apoy.
"What if I fail too?" tanong nito sakin. Bumangon ako at lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong na iyon kaya niyakap ko na lamang siya. Tila gumaan naman ang pakiramdam niya dahil sa ginawa ko.
"I'm so jealous." napabalikwas ako nang marinig yon at makita si Lux sa likuran namin. Tumawa ito bago umupo sa tabi ko. Yayakapin na din sana niya ko nang may kamay na humadlang sa kanyang braso, at nang iangat ko ang tingin ko, andon si Saige, matalim na nakatitig kay Lux.
"Aish, kahit kelan talaga 'to oh." reklamo ni Lux. Tumawa naman si Saige, wait, tumawa si Saige?
Nanatili kami sa ganong posisyon, si Nyx, ako, si Saige at si Lux habang si Vryll ay tahimik na natutulog sa isang tabi malapit sa amin. Di kalauna'y nakaramdam na rin sila ng antok, tumayo si Nyx at Lux at humanap ng mahihigaan. Naiwan kami ni Saige sa harap ng apoy. Ilang minuto kaming nakatitig lang sa apoy nang may ilabas ito mula sa kanyang bulsa, isa yong litrato.
"Gusto mo bang malaman kung ba't ko ginagawa 'to?" abala ako sa pagtingin sa litrato na yon ng mapabalikwas ako sa tanong niya sakin.
"Hmm?" tangi kong sagot dahil di ko pa rin maaninaw yung litrato na hawak niya.
"Dahil sa kanya." at sa wakas hinarap niya sakin yung litrato at nakita ko ang isang batang babae doon. Nasa edad na 4 siguro siya, ang ganda ng ngiti, parang masaya. Napangiti ako ngunit napawi yon nang may mapansin ako sa batang babae na naroon.
"Saige?"
Tumingin lang siya sakin bago inilipat ang tingin sa litrato.
"She was my friend, was, isang araw nawala na lang siya bigla, but now I have you, and I'm not letting myself to lose you." walang pag-aalinlangan na sabi nito. I'm shook besh.
"Again." dugtong pa nito, and now I'm shooker.
"She is you. You're my childhood friend, you can't remember, I know. Kaya ninakaw ko 'tong picture mo noon para sana isang araw, mapaniwala kita. Like now." and this is where I am shookest. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko, wala akong maisagot sa kanya.
"Alam kong hindi mo naiintindihan, gusto ko sanang ikwento sayo lahat but this is not the right time to do that." sabi pa niya, then he flashed his loveliest smile. This Saige beside me, I swear this is a different man.