Chapter Twenty Five

"Harley, Harley, Harley, lovely Harley, why are you so hard to kill? Haha!" ang sabi ng isang lalaking kanina pa paikot-ikot sa loob ng madilim na silid. Tila nawawala na ito sa kanyang sarili, tatawa, titigil tapos tatawa ulit.

"Pero ngayon, madali ka nang patayin, wala na si Robie na magliligtas sayo! Hahaha!"

Ang malakas na halakhak ng lalaki ay dumadagundong sa bawat sulok ng kwarto. Lumakad ito palapit sa lamesa sa harap ng malaking bintana at may kinuhang kutsilyo sa drawer. Masigla niya itong iwinawasiwas sa ere habang kumikislap ang dulo niyon na may disenyong ahas. Maya-maya pa'y walang anu-ano'y inihagis niya ang kutsilyo, deretsong tumarak sa pader kung saan nakadikit ang larawan ni Ash.

"Mapapasakin din ang lahat, pag wala ka na." sambit nito sa kanyang sarili bago hinubad ang itim na cloak na bumabalot sa kanya. Naiwan naman ang uniporme ng Grifhorst na suot niya. May bahid pa ito ng dugo na nanggaling sa hiwang nagawa niya sa pisngi ni Ash.

—

Nagising ako nang dumampi ang sikat ng araw sa balat ko. Bahagya kong iminulat ang aking mata at iginala ang aking paningin. Nakita ko naman agad si Lux na nagluluto sa di kalayuan habang si Vryll ay nag-aayos ng gamit. Nang tuluyan ko nang maimulat ang mata ko ay hindi ko nakita si Nyx. Bumangon ako para tanungin sana si Vryll pero umiwas ito agad, nang balakin ko namang lumapit kay Lux ay ngumiti lang ito at inalok akong maupo.

"Si Nyx?" tanong ko rito bago pa ako makaupo. Payapa ang mukha niya, ani mo'y walang pinoproblema na taliwas naman sa nangyayari samin ngayon.

"Di ko rin alam kung nasan, paggising ko wala na dyan eh." sagot din nito. Ngumiti pa ito ng bahagya na parang hindi nag-aalala kung nasan si Nyx, na parang walang dapat isipin.

"Tanong mo rin kay Vryll, nauna yan magising sakin." dagdag pa ni Lux. Lumingon ako ulit kay Vryll na ngayon ay nakaupo sa ilalim ng isang puno, malayo ang tingin.

Nang lumingon ako ulit kay Lux ay nakatitig ito sakin. Seryoso ang mukha nito na parang may gustong sabihin. Deretso ang tingin nito sa mga mata ko, hindi ako makaiwas ng tingin dahil hindi ko rin alam.

"If I die tonight, please remember me." seryosong sabi nito. Tagos sa buong sistema ko ang sinabi niya. Naalala ko lahat ng nangyari, naalala ko kung paanong isa-isa silang nawala, dahil sakin.

"Never blame yourself, this is our choice." dagdag pa niya na mas lalong bumulabog sa isipan ko. Nakatitig pa rin ito sa mga mata ko.

"I may be the naughtiest man at night, but I can be your knight, remember that." hindi ko na gusto ang mga sinasabi niya. Para kasi siyang namaalam.

"Huwag ka ngang ganyan, di ka naman mamamata-"

"Di ka sure." sabat nito na lalong nagpainit sa bungo ko.

"Baki-"

"Hmm? Ayaw mo ba kong mawala?"

"H-ha?!"

Ngumisi ito sa naging reaksyon ko sa tanong niya.

"Pano kung hindi nga ko mamatay?" tanong nito. Napaisip tuloy ako.

"What if we survive?" tanong pa nito bago tumayo at kinuha ang kung ano mang niluluto niya kanina. Nilapag naman niya iyon sa di kalayuan, bago ito muling lumingon sakin. Pano nga ba?

"I don't know." sagot ng isang lalaki mula sa likod ko.

Saige.

Hindi ko pala napansin na wala siya kanina. Saang lupalop naman kaya 'to nagsuot?

"Where were you?" tanong ni Lux. Malamlam ang mata nitong tumitig sa isa. Umiling lang ito bago umupo sa tabi ko.

Nanatili kaming walang imikan. Naalala ko tuloy ang mga sinabi niya sakin kagabi.

"Ash-"

"Get down!" halos pasigaw na bulong ni Vryll. Mabilis kaming dumapa at hinila naman ako kaagad ni Saige papunta sa matataas na damo, sumunod naman samin ang dalawa.

"Hindi pa sila nakakalayo, may apoy pa 'to." dinig kong sigaw ng isang lalaki. Malamang ay naghahanap na naman sila ng maa-assassinate.

"Oh, poor Robie." nang marinig ko iyon ay naikuyom ko na lang ang mga kamao ko.

"Mauna na kayo, ako na bahala magsearch dito." sigaw ng isa pa bago kami nakarinig ng sunod sunod na yapak na ani mo'y tumatakbo.

Tahimik pa rin kaming nakatago sa damuhan nang may humatak sa braso ko.

"Aaaah-" naputol ang pagsigaw ko nang may kamay na tumakip sa aking bibig.

"Shh, maririnig ka nila." sabi ni Vryll na nasa unahan ko. Nakita ko din si Lux na katabi ni Vryll.

"Saige.." paglingon ko sa likod ko ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki, tinapik nito ang balikat ni Saige at ganon din naman ang ginawa ng huli.

"Niccoli?" kung hindi ako nagkakamali ay siya nga yon, at kung siya nga yon, hindi ba't siya ang Vice President ng council? Pero bakit-

"I know a place you can hide, pero temporary lang dahil hindi magtatagal ay makikita rin nila ang lugar na yon." sambit nito at inayos ang kanyang salamin. Napanganga na lang ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko.

"Oh, and by the way, it's an honor for me to be recognized by you, Ms. Monteliola." sabi pa nito at inabot sa akin ang kanyang kamay. We shook hands, then he stepped backward.

"You may misunderstood, yes I am a part of the council, and I play the role of the spy in this game." dagdag pa nito, ah, gets ko na. Shookt na naman si aqouh.

"Saige, ikaw na bahala." sabi nito kay Saige at mabilis itong tumakbo habang hawak ang braso ko.

Nang medyo makalayo kami ay narinig namin ang sigaw ni Niccoli.

"Clear, Sir! I guess they went North." matapos niyon ay dinig namin ang sunod-sunod na yabag na papalapit.

Makulimlim ang langit, tila may nagbabadyang malakas na ulan. Hawak pa rin ako ni Saige sa aking braso samantalang nakasunod naman sa amin sina Vryll at Lux. Nang lingunin ko ang dalawa'y halatang pagod na ang mga ito. Maging ako'y napapagod na at parang gusto na lamang humiga.

"We can't rest yet. Kailangan muna natin makarating sa tinuro ni Niccoli." ang sabi ni Saige habang nagpapalinga-linga sa kakahuyan. May ilang lubid ang nakasabit sa mga puno, malamang ay mga traps iyon.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na kaming naglalakad at mas lalong dumidilim ang kalangitan, lumalakas na rin ang ihip ng hangin. Maya-maya siguro ay bubuhos na ang malakas na ulan. Kailangan na naming makahanap ng sisilungan.

"We're almost there." saad nito. Natuwa naman ako sa narinig ko at medyo nakampante na makakapagpahinga na kami kahit kaunti. May mahihinang kulog na rin kaming naririnig.

Ilang hakbang pa ay natatanaw ko na ang isang lumang cabin. Hindi ito sira-sira ngunit nababalot na ng lumot ang bawat parte niyon. Ang mga bintana ay halos kulay berde na rin dahil sa kapal ng lumot samantalang ang pintuan ay bahagyang nakaawang at mukhang isang galaw na lang doon ay babagsak na ito. Ngunit nang itulak pa ni Saige ng kaunti ang pinto ay tahimik itong bumukas.

Bumungad sa amin ang isang malinis na sala, ibang iba sa itsura ng exterior ng cabin na iyon. May isang sofa sa tapat ng fireplace, may dalawang pintuan sa kanan, kwarto siguro iyon, at sa kaliwa ay nandoon ang kusina at isa pang pintuan.

Nang tuluyan kaming makapasok ay isinara na namin ang pinto at saka ko lang napagtantong semento pala ang sahig.

"More silent." bulong sakin ni Lux. Naramdaman ko ang mainit nitong hininga sa aking tenga. Oh, this is not good.

Nilibot namin ang cabin, sinilip ang bawat kwarto, wala namang kakaiba roon. Maayos din ang kusina, nang suriin ang bawat cabinet ay kumpleto ang laman niyon, mapa-gamit sa pagluluto o mga pagkain man.

Madilim sa loob. Tanging mga kandila lamang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Nakaupo kami ngayon sa mga sofa sa sala, tahimik, para bang walang gustong umimik. Lahat ay nakatungo lamang na ani mo'y may kung anong iniisip.

Nanatili kami sa ganoong sitwasyon nang makarinig kami ng kaluskos mula sa labas. Alerto kaming yumuko at dahan-dahang gumapang papunta sa isang kwarto nang unti-unting bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang isang babae.

"Nicks?" bulong ni Vryll na nasa tabihan ko. Tumayo na kami matapos niyang maisara ang pinto.

"Nicco told me." saad ng babae habang palapit sa amin. Yumakap ito sa akin bago tinapik ang aking balikat saka may ibinulong.

"We're sorry."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya tumango na lamang ako. Nang lingunin ko ang mga kasama ko'y nakaupo na ulit sila kaya naman nakiupo na rin ako.

Pagkaupo ni Nicks ay may hinugot ito sa kanyang belt bag, makinang iyon, katulad ng mga kutsilyong binigay ni Robie sa mga lalaking kasama ko. Kutsilyo din ito, ngunit iba ang disenyo ng hawakan nito. May kulay pulang bato sa hawakan niyon, kung hindi ako nagkakamali ay Ruby yon.

Iniabot niya sakin ang kutsilyo, nagtataka man ay kinuha ko ito. Ngumiti pa siya bago tumayo at lumapit kay Lux at may iniabot dito. Pagtapos niyon ay lumabas na siya ng cabin. Naiwan kaming nakatunganga, hindi alam kung ano ang nangyari at kung gaano kabilis iyon.

※

Lahat kami ay nasa kusina, nakaabang sa kung anong niluluto ni Lux, hindi pa nga pala kami nag-uumagahan.

"Gutom na ko." dinig kong sabi ng katabi ko. May paghawak pa ito sa kanyang tiyan. Natawa na lang ako.

"Malapit na 'to matapos, Vryll." sagot ni Lux sa kanya. Bigla namang kuminang ang mata ng isa, di naman halatang gutom na gutom.

Napawi ang ngiti saking labi nang maalalang hindi namin kasama si Nyx. Hindi ko pa din alam kung nasaan siya at kung bakit bigla na lang itong nawala. Kagabi lang ay nakausap ko pa ito tungkol sa huling sinabi ng kuya niya, kinakabahan pa ito kung paano kapag hindi niya kinaya at ngayo'y wala siya, paano nga kaya niya magagawa iyon? Tinanong ko sila kanina kung alam nila kung nasaan si Nyx pero wala namang sumasagot sakin.

Nang ilapag ni Lux ang maliit na kaserolang may lamang soup ay muli akong nagtanong, "Nasan si Nyx?"

Natigilan sila sa pagkuha ng kani-kanilang mangkok at kutsara. Nanatili silang nakatingin sa akin, parang hindi alam kung anong dapat sabihin.

"Ash, sa totoo lang hindi namin alam." saad ni Vryll.

"Paggising ko wala na siya ron." si Lux naman.

"Sinubukan naming hanapin ni Vryll pero wala kaming nakitang bakas niya." dagdag pa ni Saige.

Dahan-dahan akong tumango, bago ako nagyayang kumain na muna.

※

"May balita na ba?" tanong ko sa mga tauhan ni Rivera. Yumuko lamang ang mga ito kaya naman naihagis ko sa lamesa ang hawak kong kutsilyo.

"Mga wala kayong kwenta!" sigaw ko sa kanila. Iyon lang ang trabaho nila at hindi pa nila magawa. Hindi naman ganoon kalaki ang Grifhorst para mahirapan sila sa paghahanap sa mga taong yon.

"Enough, Axel. Walang magagawa ang pagwawala mo para mahanap sina Harley." saway sa akin ni Rivera. Ngumisi ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang magaspang na baba.

"I hate when my plans are ruined. Before midnight, I want her head hanging on my ceiling." ang sabi ko habang naglalakad pabalik sa aking lamesa at naupo sa swivel chair doon.

Mabilis na tumakbo palabas ang mga tauhan ni Rivera at umalingawngaw ang tawa ko sa buong silid.

※

"I know it will be too risky but trust me, this is for your own good." ang sabi sa akin ng matandang nasa harap ko.

Nagising na lang ako kaninang umaga na nakasakay sa van. I don't know how I got there, ni hindi ko namalayan na may nagbuhat na sakin palabas ng gubat na yon.

"Kailangan mo nang bumalik, malamang na nag-aalala na sila sayo." tugon pa nito bago inilahad sakin ang isang mahabang itim na box. Nang buksan ko iyon ay naroon ang isang baril, makinang, at isang puting rosas.

"Robie should've told you about that." tumango na lamang ako at tumayo na sa napakalambot na sofa.

#### Epilogue

Pasado alas-siyete lang ng gabi, tahimik naming nililigpit ang mga kinainan namin kanina. Pagkatapos ng isang tanong na iyon ay hindi na ako muli pang nagkaroon ng lakas para umimik.

Nyx. Where are you?

"Ash.." nilingon ko si Saige at kita ko sa kanyang mapungaw na mata ang pagod. Oh, trust me this will end soon.

"I can't afford to lose you... again." sambit nito bago kinuha sa akin ang mga platong bitbit ko. I'll be lying when I say I ain't got hurt when he said those words. Kababata ko siya, hindi ko man maalala, pero naniniwala akong totoo ang mga kinwento niya sakin no'ng gabing yon.

"Hey.."

"Uh-"

"Tulala ka na naman." it's Vryll. Masigla itong nakatingin sa akin habang nakangiti, his dimples... aw.

"Okay ka lang? Masama ba pakiramdam mo?" he asked while checking on me. I smiled, tears beginning to form beneath my eyes.

"O-okay lang ako, strong ako diba?" biro ko sa kanya at hinampas pa ng bahagya ang kanyang braso. Tumawa naman ito ng kaunti bago tumitig sa mga mata ko. His eyes, just like Saige's, is tired.

"Pahinga ka muna." huling sambit nito at ginulo pa ang buhok ko bago lumayo at nagtungo sa sala.

Natigilan na lang ako.

I stood there, for about a minute or two, not knowing what to do... anymore. I wish Robie's here, maybe he could make me feel brave enough to face these sh*ts.

"You don't look well." isang malamig na boses ang narinig ko sa bandang likod ko. It can't be..

Nang lingunin ko kung saan nanggaling ang boses na yon ay sumalubong sa akin ang malamlam niyang mga mata.

"Nyx!" napalakas na sigaw ko bago ako lumapit sa kanya upang yakapin ito. Maya-maya pa'y nakita ko na ring dumating ang tatlo ko pang kasama na nabigla rin tulad ko.

"I thought we lost you.." bulong ni Lux. "... too."

Ngumiti lang siya nang marinig iyon at iginiya kami papunta sa sala. Nang makaupo kami sa sofa ay kinwento niya ang tungkol sa isang matandang nagligtas sa kanya. Pinakita pa nito ang isang mahabang itim na box na galing daw doon.

Nasa kalagitnaan pa siya ng pagkukwento nang makarinig kami ng mga papalapit na yabag mula sa labas. Isa-isa naming pinatay ang mga kandila sa loob ng cabin at nagtungo sa isang kwarto.

Puro yabag lamang ang naririnig namin, walang nagsasalita, ngunit alam naming marami sila.

Maya-maya'y nakarinig kami ng pag-beep at sinundan iyon ng malabong mga salita na parang nanggaling sa tv na walang signal.

"Copy."

Nang marinig namin na may magsalita sa di kalayuan sa kwartong tinataguan namin ay hindi na ako mapakali. Alam kong anytime, susugod sila sa loob at hindi ko alam kung makakatakas kami.

"Sir, no sign of them."

"Pinasok niyo na ba?"

"Not yet, Sir."

"PAANO NIYO NALAMANG WALANG SIGN NILA?!?!"

Halos mangatog ang tuhod ko nang marinig ang pagsigaw ng isang lalaki sa labas. Malapit lang ito sa bintana ng kwartong iyon.

"Shh, I'm here." bulong ng katabi ko at tinakpan ang tenga ko. "Kuya said I should protect you."

Nanatili kaming tahimik, naghihintay ng senyales kung nakaalis na ba sila o kung nasa paligid pa din ba sila. Ngunit hindi kalauna'y narinig namin ang pwersahang pagbukas sa pintuan sa labas kasunod ng sunod-sunod na mga yabag na ani mo'y iniikot ang buong cabin. Palakas ng palakas ang mga yabag na iyon, kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko, ilang sandali lang ay alam kong mawawalan ako ng malay ngunit kailangan kong maging matapang. Ayaw kong mahirapan ang mga kasama ko, ayaw kong dahil sakin, may mawawala na namang isa sa kanila.

Nakaupo kaming lahat sa sahig, naghihintay, nag-aabang sa sunod na mangyayari. We aren't prepared for this. Ni hindi pa namin napag-uusapan kung anong plano ang gagawin namin kapag nakasagupaan ulit namin ang mga ito.

Ngunit nang sandaling iyon, unti-unti kumakawang ang pintuan ng kwartong yon. Ang tunog ng dahan-dahang pagbubukas niyon ang siyang nagpapatigil ng paghinga naming lahat. Ano mang oras ay--

"Si--!" hindi nakatapos sa pagsigaw ang armadong lalaki nang pwersahang takpan ni Vryll ng unan ang mukha niyon. Nagpumiglas ito dahilan para malaglag ang baril na hawak nito na nagdulot ng ingay, agad itong kinuha ni Saige. Maya-maya'y isa-isa nang lumalapit ang ilang mga armadong lalaki sa bukas na kwarto. Matapang na tumayo ang mga kasama ko habang naiwan akong nakalugmok sa sahig na ani mo'y tutang takot sa paputok.

Hindi pa ganoong karami ang mga armadong lalaking nakakasagupa ng mga kasama ko, habang nakikipagbarilan sila'y unti-unti kaming lumalabas sa kwartong iyon at makitang unti-unti na ring dumarami ang mga armadong lalaking pumapasok sa cabin.

Ngunit...

"Enough!" sigaw ng isang lalaki na nagpatigil sa mga armadong lalaki. Agad silang lumayo sa amin at humawan ang paligid dahilan para maaninaw namin kung sino ang lalaking yon... and he's wearing a black cloak.

"Is he familiar to you?" tanong nito sa nakakairitang tono bago tumawa ng bahagya. Matapos niyon ay iniangat niya ang ulo ng isang lalaking nakaluhod sa tabi niya.

Niccoli...

"Hmm? Oh, bakit parang gulat na gulat kayo? Hahaha!"

Tiim-bagang na nakatitig sa kanya ang mga kasama ko, lalo na si Saige. May kumikirot na naman sa dibdib ko, no, I won't let another man lose his life because of me.

Humakbang ako paunahan upang lapitan sana si Niccoli ngunit hinila ako kaagad ni Saige sa aking braso.

"Ash-" hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin nang magsalitang muli ang lalaki sa cloak.

"Oh, hello Harley. Nice to meet you... again? Hahaha! Do you recall this... this cloak?" ganoon pa rin ang tono ng boses niya, nakakairita.

"Hey, man. Any last words?" tanong nito kay Niccoli. Oh, sh*t.

"Nyx... you--" hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin nang umalingawngaw ang putok ng baril sa sala. Ngunit hindi ito nanggaling sa baril ng lalaki sa cloak at nang lingunin ko si Nyx..

"Nyx.."

Nilingon lang ako nito habang ibinababa ang baril na hawak niya. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari at nang lingunin ko muli ang kinatatayuan ni Niccoli ay umulan na naman ng bala sa paligid, mabilis akong nakatakbo papunta sa kusina kung saan ko itinago ang kutsilyong ibinigay sa akin ni Nicks kamakailan.

I need to fight.

Nang sumilip ako sa sala ay natanaw kong marami ang kalaban. Hindi kakayaning kutsilyo lang ang gamit ko, baka hindi pa ko nakakalapit sa sasaksakin ko'y patay na ko.

"Catch!" sigaw ni Lux sa di kalayuan at ibinato sa akin ang isang pistol. Good, now I stood a chance.

Aim.

Shoot.

Aim.

Shoot.

"Oh, dear how I miss shooting a gun-- oh wait, what?" miski ako'y natigilan din sa sinabi ko. Wild.

"Bad." bulong naman ng nasa kaliwa ko at nang sulyapan ko ito ay nakangisi itong bumabaril din sa mga papalapit na armadong lalaki. Damn you, Luxan Salazar.

Napatanga lang ako saglit ay may kaunti nang nakalapit sa amin and I took the chance para gamitin ang kutsilyong galing kay Nicks.

Mabuti na lamang at wala silang mga kutsilyo, tanging pagsuntok lamang ang nagagawa nila, and I can say, hindi sila trained, nadododge ko ang bawat suntok na binabato nila sa akin.

"B*tch, you better be trained before going to wars like this!" sigaw ko bago itinarak ang kutsilyo sa leeg ng huling lalaking malapit sa akin.

"Not bad."

"Tsh. Kasalanan mo yon kaya sila nakalapit."

"Oh? Anong ginawa ko?"

"Pokpok ka kasi!"

"Mamaya na landian, please?!" sigaw ni Vryll sa kabilang side ng sala na abala pa rin sa pagbaril.

Di kalauna'y naubos din ang mga armadong lalaki, no, not all of them are dead, but they're badly wounded.

Nilapitan ko ang isa sa kanila at nagulat na lang ako nang may umultaw na patch sa kanilang mga itim na damit.

"Oh, no."

"What?" tanong ni Lux na nasa tabi ko na pala. Itinuro ko sa kanya ang patch at agad naman niyang tinawag ang iba pa naming kasama.

"So, they're students here too? Poor things." 'twas Nyx. Teka nga lang, bakit nagiging wild at aggressive mga tao ngayon? May drugs kaya yung niluto ni Lux kanina? And then I remembered Niccoli. Hinanap ko kung nasaan ang katawan niya at nakita ko namang naitabi pala ito nina Saige kanina habang nakikipagsagupaan kami. Naalala ko ang ginawa ni Nyx, I want to ask him why pero hindi pa siguro ito ang tamang oras para maging chismosa.

"We need to go." sambit ko at isa-isa na silang tumayo at lumapit sakin. Nang lumabas kami sa cabin ay tahimik na ulit ang paligid ngunit sa di kalayuan ay natatanaw namin ang mangilan-ngilang ilaw na papalapit. Now, we really need to go.

Tumakbo kami palayo sa cabin nang hindi man lang iniisip kung saan patungo. Basta makalayo lamang kami roon sa ngayon, bago kami magplano sa susunod naming hakbang.

Ilang minuto rin kaming tumakbo bago kami nagdesisyon na tumigil na at magpahinga saglit. Kampante naman kaming malayo-layo na kami sa cabin.

"Nyx.." tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya at naupo sa tabi ko.

"I know you would ask, but I can't tell you now." malamig na sabi nito. Sabi ko nga, huwag muna chismosa. Napatungo na lang ako.

"Okay lang ba kayong lahat?" tanong ni Saige sa amin. Sumagot naman kaming lahat na wala namang malubhang nasugatan sa amin.

"Mabuti naman kung gano--" natigilan ito nang may lalaking sumulpot sa kanyang likuran at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

"Reminiscing?" sambit nito sa malalim na boses. Hindi ko siya gaanong maaninag dahil sa madilim ang lugar kung nasaan kami. Hindi rin pamilyar sa akin ang boses niya.

"Kamusta ka na, Saige? Buhay ka pa pala." dagdag pa nito at lalong nagpumiglas ang isa.

"Hi, Ash. Balita ko, mamamatay ka raw ngayong gabi? Is it true?" tanong nito na nagpintig sa tenga ko. Hindi ko alam kung maiinis o matatakot ako sa sinabi niya ngunit maagap si Nyx na humarang sa unahan ko para protektahan ako. Nanatili namang nakaalerto sina Vryll at Lux sa maaaring gawin ng lalaki kay Saige.

"You got that little puppy of yours, huh?" sambit pa ng lalaki na ang tinutukoy ay si Nyx. Kita ko naman ang pagkuyom ng kamao nito. Nakatitig lamang ang lalaki sa akin, gayun din naman ang ginawa ko, kahit nanlalambot na ang tuhod ko.

Habang nakatitig ito sa akin ay marahang lumalapit sa kanyang bandang tagiliran si Lux na may hawak ding kutsilyo at di kalauna'y nasaksak nito ang hita ng lalaki dahilan para mabitawan nito si Saige. Napasigaw naman ang nahuli nang bahagyang malaslasan ang leeg niya dahil sa talas ng kutsilyo ng lalaki. Habang iniinda ng lalaki ang sakit ay tumayo pa rin ito at kinuha ang kutsilyo niya, tumakbo naman si Lux palapit kay Saige na namimilipit sa sakit. Napansin ko namang ikinakasa na ni Nyx ang kanyang baril.

"Haha.. Ha.. Haha.. you want to be a hero?" malokong tanong ng lalaki habang pinipilit na makatayo. Nakahanda na si Nyx na barilin ang lalaki, at nang kakalabitin na nito ang trigger ng baril ay siyang kasabay ng paghagis ng lalaki ng kanyang kutsilyo at tumarak iyon sa likuran ni Lux. Kasabay ng pagbagsak ng lalaki ay siya ring pagbagsak ni Lux kay Saige.

Dali-dali kaming lumapit sa dalawang sugatan ngunit mas malubha ang dinanas ni Lux. Nang tangkain ni Vryll tanggalin ang kutsilyong nakatarak sa likod niya'y pinigilan siya nito.

"D-dude, masa-masakit." sabi nito na may kaunting luhang pumatak mula sa mata. Maingat na itinayo siya ni Vryll habang itinatayo rin naman ni Nyx si Saige na sapo pa rin ang leeg.

Iniupo siya ni Vryll nang makalayo ng kaunti si Saige. Maraming dugo ang umaagos sa likuran niya dahil sa malalim na pagkakatarak ng kutsilyo roon.

"Kailangan natin makalayo rito." saad ni Nyx. Oo nga pala, nagpaputok siya ng baril, malamang ay natunugan na kami.

"Kaya mo ba?" tanong ni Vryll kay Lux. Pansin ko ang pagbagal ng kanyang paghinga.

"No, I d-don't think I c-can.." nauutal na nitong sagot.

Napaluhod ako sa harapan niya at sinapo ang kanyang mukha para iharap sa akin.

"You can, please, hindi pwedeng hindi." nagmamakaawa kong sambit. Hindi namin siya pwedeng iwan lang basta rito kahit na malubha ang kalagayan niya. No, we can't. I can't.

Akma ko na siyang aalalayan patayo nang makarinig kami ng mga taong nagsasalita di kalayuan.

"Kailangan niyo nang umalis."

"No.." matigas na pagtutol ko sa kanya.

"Please, I don't want you to get hurt." kahit nahihirapan na itong magsalita ay pinipilit pa rin niya. Hagya niyang iniangat ang kanyang kamay para hawakan ang pisngi ko ngunit di niya magawa kaya kinuha ko ito at inilapat doon.

"Please, Ash. I'll be fine."

"Of course you won't be fine!"

Tumawa pa ito ng bahagya na para bang biro pa rin sa kanya ang lahat ng 'to, and a tear fell down on my cheeks.

"Hush. Don't cry. I won't be gone for so long. After a long time, we will meet again, Ash. I promise we will. I promise." then tears kept falling and a hand pulled me away from him.

I was weak.

"Ash, tara na malapit na sila." bulong ni Nyx. Tumango na lang ako at nilingon ulit si Lux na ngayo'y nakapikit na. No, I won't think he's dead, he can't be.

Palinaw na ng palinaw ang mga boses na naririnig namin kaya naman dahan-dahan na kaming tumakbo para makalayo roon.

"Hey.."

"Our next stop is the main building." mariin kong sabi.

"Yes. Bakit mo ko inunahan?"

"Tsh."

"Of course you want revenge, not only because of him."

Yes, Nyx was right. Hindi lang dahil sa nangyari kay Lux, kay Niccoli, kay Robie, kay Joaquin, kay Jin, kay Polo o kay Xander man, kundi dahil sa ginawa nila sa pamilya ko. Gusto ko siyang patayin. Shan Rivera, you better prepare for what awaits this night.

Ako na ang naunang tumayo, at sumunod naman sakin ang tatlo kong kasama. Nalagyan na rin ng tela ang sugat ni Saige, mahirap na.

Nagsimula na ulit kaming maglakad at tumakbo pabalik sa campus ground at papunta sa main building. Hindi naman kami gaanong nahirapan sa pagpasok sa building dahil kakaunti ang nakabantay doon. Malamang ay inutusan nila ang lahat para hanapin kami sa gubat. Too bad, we're already here.

Nasa hallway kami nang mapansin ko ang malaking painting sa pader, mukha ito ni Shan, that old b*tch. Lalo akong nanggigil sa galit nang makita ko ang pagmumukha niya.

Sa kanan, naroon ang isang malaking pinto at nang tumingala kami ay nakasulat doon na iyon ang office ni Shan. Kaya't dahan-dahan namin itong binuksan, not knowing kung naroon nga siya. Ngunit nang mabuksan iyon ay...

"Oh, you're here! Finally! I've been waiting for you the whole night!" matinis ang boses nitong bati sa amin na ani mo'y inaasahan ang aming pagdating.

"Of course, inaasahan kong darating kayo rito. Grim's blood is running through your veins, what could I expect? Hahaha!" sambit pa nito na lalong pinapaalala sa aking kadugo ko siya. Nagtiim ang aking bagang nang sandaling yon, ngayon pa't unti-unti ko nang nasisilayan ang mukha niya dahil ng liwanag na nanggagaling sa buwan.

"Hamith!" sigaw niya at bigla na lamang natumba ang isa kong kasama.

"Vryll!"

"I didn't expect you to have many acquaintances after all you've gone through. Sorry, but there's not enough room for you. Hahaha!"

Kasabay ng pagtawa niya ang pagbagsak ng isa ko pang kasama.

"Saige!"

Nakahandusay na silang dalawa sa sahig, balot ng dugo ang katawan, ako at si Nyx na lang ang natitirang nakatayo.

"Now--"

"Stop! Just stop! Pwede bang ako na lang ang patayin mo?!" pagpigil ko sa sasabihin niya.

"Oh, dear why so excited? We'll get there, okay? Now, where were we? Oh, Axel!"

Isang lalaki ang lumabas mula sa isa pang pintuan sa isang gilid. Nakasuot ito ng itim a cloak. Napaatras ako, kasabay naman niyon ang paghawak ni Nyx sa braso ko para paatrasin ako sa kanyang likuran. Mahigpit ang pagkakahawak niya na para bang nagtitimpi ng galit sa isang bagay.

Dahan-dahang naglalakad ang lalaki at nang makarating ito sa tabi ni Shan ay hinubad nito ang itim na cloak at tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha. He is the president of The Council, Axel Carilles.

"Hi, we meet again." bati nito nang nakangisi sa amin. Lalong humigpit ang hawak ni Nyx sa aking braso.

"Guarding that girl is like committing suicide, you know?"

Walang imik na nakatitig lamang si Nyx sa babaeng nasa harapan namin. Nanatili namang nakangisi si Axel na lalong nagpapainit ng dugo ko.

"Uhm, can we just sit first? Yeah?" suhestyon ng babae. Hindi naman kami kumibo ngunit sumunod naman sa kanya si Axel. Ngunit nang makaupo ito'y mabilis na tinali ito ng dalawang lalaki sa kanyang kinauupuan. What is happening?!

"Haha! Well, well.. don't think that I'm your hero." sambit ng babae matapos maitali ng dalawang lalaki si Axel sa upuan.

"Why are you doing this to me?! You can't do this to me!" sigaw nito habang nagpupumiglas sa kanyang kinauupuan. Habang nagpupumiglas si Axel ay dahan-dahan itong lumayo roon.

"Nyx?" tawag nito sa kasama ko kaya kumunot ang noo ko.

"What are you waiting for? This is your chance." dagdag pa nito na lalong nagpakunot ng noo ko.

"Oh, our dear Harley don't know. Poor thing. So, let me tell you a story, okay?" story? What story?

Umupo ito sa isang couch malapit kay Axel. She's in her vulnerable state, why isn't Nyx attacking her?!

Nilingon ko si Nyx, nakatitig lang ito kay Axel. Ani mo'y asong gusto siyang lapain.

"Once upon a time..." pag-uumpisa niya sa story kuno niya. "There was a boy who named Axel. Hmm? Familiar? Haha!"

"He's very very spoiled, gusto niya sa kanya lahat. He's also a student here in Grifhorst, just like this Axel here, he was an official. He ruled his orgs! Competing and winning here and there, then this new kid came, and his name was Nyx, ooh familiar too? Hahaha!" tumigil pa ito saglit at pumalakpak na parang timang.

"This kid stole the attention Axel had, how? 'Cause he's a very good student. Matalino. Sobrang talino!" she emphasizes the word 'sobrang'.

"Nagselos tuloy si baby Axel, aww." ugh, she even made her voice sounds like a cute child, ew.

"One night, when little Nyx was on his dorm, Axel came and guess what?" tumingin ito sa akin.

"Would you want to guess? Oh! No? Too bad. Okay, I'll just go on." ugh, I'm cringing already that I want to slit her throat anytime.

"He banged poor Nyx's head on the wall! Hahaha! How cool, is it?"

What the--

"Oh not just that, he repeatedly banged him until he's unconscious! Hahaha so great!"

What the f--

"Then great Axel flew away and a hero came! Guess who? It's a boy named Robie!"

Then it hit me. This isn't just her story kuno. Napatingin ako kay Nyx, his glare's sharper than earlier.

"He saved poor Nyx, took him away, outside the university, that's why he's been expelled, not being able to enter again!"

Yun, yun ang dahilan kung bakit sinabi ni Robie na hindi siya pwedeng pumasok sa GU.

"He took care of him, and then here's the best part, revelations! Hahaha! I love this!" pumalakpak pa ito na feel na feel ang pagstory telling.

"Poor Nyx was great Axel's younger brother, isn't it cool? Hahaha!"

OH WAIT, WHAT?!

Lalong humigpit ang kapit ni Nyx sa braso ko matapos sabihin yon ni Shan. Nang tignan ko naman ang reaksyon ni Axel ay tila natataranta ito, naguguluhan, natatakot sa kung anong maaaring mangyari.

"So what now? You know na the story. Go on poor Nyx, have revenge!" utos nito kay Nyx. Bahagya namang umangat ang kabila nitong kamay kung saan hawak nito ang kanyang baril.

Itinutok niya ito sa kanyang kapatid na ngayo'y walang takas na nakatali sa isang upuan. Malaya niya itong mababaril ng walang kahirap-hirap.

Umurong paatras ang dalawang lalaking nasa gilid ni Axel na nagtali sa kanya. Maya-maya pa'y umalingawngaw ang putok ng baril sa silid kasabay niyon ang pagbagsak ni Axel, at.. at ni Shan? Nang lumingon ako sa kanyang kinauupuan ay nakatumba rin siya.

Nang ibaba ni Nyx ang kanyang kamay ay tinanggal na rin niya ang pagkakakapit sa akin saka halos matumba nang harapin niya ako't hinawakan ang magkabilang balikat ko. Kumikislap ang kanyang mata, kita ko rin ang ngiti sa kanyang labi kahit nangangatal pa ito.

"It's over, Ash. We made it."

"Pero si Shan, paanong--"

"Thanks to me."

Napalingon ako sa likod ko at hayun si Saige, may hawak na makinang na baril sa kanyang kamay. Pero akala ko-- mabilis ko siyang nilapitan at kinapkapan kung may sugat ba siya pero hindi siya umaray.

"Hey, I'm fine. Di mo na ko kailangan hipuan." sabi pa nito nang patuloy pa rin ako sa pagkapkap sa katawan niya kaya nahampas ko ang kanyang dibdib.

"Paano?!" naguguluhang tanong ko pa rin.

"Hi, Ash." bati ng isang pamilyar na boses sa likuran ko. Paglingon ko..

"NICKS?!"

Si Nicks yon, naglalakad galing sa sa likod ni Axel. So, so.. did they planned this?!

"Did you--"

"Hush hush, no more questions. Ang mahalaga tapos na ang lahat, okay? Pasikat na ang araw, let's get you home." putol nito sa akin. Aish.

Then I saw Nyx put a white rose beside Axel.

Nang makalabas kami ng main building ay nagkalat ang mga katawan doon. Mga katawan ng mga estudyanteng inosente na nabuhay sa takot sa loob ng GU.

Isinakay kami ni Nicks sa isang kotse. Turned out, driver pala niya yung isa pang nagtali kay Axel sa upuan. Pinapasakit nila ang utak ko. Hindi ko pa rin ma-process ang mga pangyayari.

Inihatid nila kami ni Nyx sa bahay, naiwan naman sa kotse sina Saige at Vryll na uuwi na raw sa kanila.

"Hey! Let's go out sometimes!" sigaw ni Saige nang umandar na palayo ang kotse. Pumasok na naman kami ni Nyx sa loob. Binati kami ni Tita Linda na para bang inaasahan ang aming pag-uwi. Pinaghanda raw niya kami ng umagahan. Tumango na lamang ako at umalis na uli siya at bumalik sa kusina.

Nilingon ko naman si Nyx na kanina pa walang imik simula nang lumabas kami sa GU. Napatingin naman ito sa akin saka ngumiti ng mapait kaya ngumiti din ako.

"It's okay, you still have me though." sambit niya. Hindi ba dapat ako ang magsabi non sa kanya?

*

Nasa labas ako ngayon ng isang university na saksi sa madugo at walang awang patayan para lamang mabuhay. Ngayong alam ko nang patay na si Shan na nagpapatakbo niyon, nakahinga na ako ng maluwag.

"My little Harley will never be in danger again, she's safe now, Hon, I made it."