Chapter Twenty
Matiim akong nakatitig sa itim na bag na naglalaman ng katawan ng lalaking nahuli ni Saige kagabi sa loob ng hostel. Buhat ito ng dalawang lalaking kasama ko pabalik sa mansyon upang inspeksyunin ang katawan. Patungo kami sa hideout dahil nandoon ang van na maglalabas sa amin sa Grifhorst.
Ngayong may nangyari nang ganito, alam kong nagsimula na rin ang assassination sa loob ng university. Hindi na ligtas doon kung tutuusin. Pero panatag naman ang loob ko dahil may walo naman siyang kasama sa loob. Kung hindi man ito maging sapat, sisisihin ko ang sarili ko.
"Sir," tawag sa akin ng isa sa mga kasama ko. Nilingon ko ito at ibinigay ang susi ng garahe. Pagkabukas niyon ay agad na kaming sumakay sa van para makalabas at mainspeksyon agad ang katawan ng lalaking iyon.
Nasa mansyon ang mga gamit ko kaya hindi ko magagawang inspeksyunin iyon sa hideout. Hindi rin magiging ligtas doon dahil baka may makatunog kahit alam ko namang imposibleng may makakita sa cabin na yon. Mabuti nang sigurado.
Tagumpay kaming nakalabas ng university at ngayon ay nasa daan na pabalik sa mansyon. Muli akong napatitig sa itim na bag na nasa likod. Hindi na ako mapakali. Gusto ko nang suysuyin ang katawan na yon. Alam kong hindi lang yon basta estudyante sa loob.
"Sir, may tawag kayo." ang sabi ng isa sa mga kasama kong nakaupo sa harapan. Iniabot nito ang isang telepono bago ko sinagot iyon.
"Robie," bungad ng nasa kabilang linya. Malalim ang boses nito. "Anong nangyari?" habol nitong tanong. Alam ko namang imposibleng hindi niya malaman ang nangyari. Napasinghap na lang ako bago ikinwento ang nangyari kagabi.
"Nasaan ka ngayon?" tanong nito sa seryosong tono. Wala namang bahid ng galit o pagkaiyamot.
"I'm on my way back to the mansion. Kailangan kong inspeksyunin ang katawan ng lalaking yon." sagot ko sa kanya. Ngayon ko lamang siya nakausap ng ganito.
"Good. Keep me updated, Robie." huling sabi nito bago naputol ang tawag, nakahinga naman ako ng maluwag. Malamig sa loob ng van, idagdag pa na alas dos pa lang ng madaling araw, at tumawag pa siya. Lalo lang akong nanlamig.
Ilang oras lang ay nakarating kami sa mansyon. Dumiretso kami sa isang maliit na bodegang nakahiwalay sa mismong bahay. Ang loob niyon ay simple lang kung titignan. Ngunit hindi. Looks can be deceiving, eh? Sa isang sulok ay may daanan, nasa sahig ito. Hindi ito mukhang pinto dahil wala ito ni hawakan. Tanging remote lang ang makakapagpabukas niyon, at ako lang ang may kapit non. Ang passage na yon ay papunta sa isang underground laboratory. Dito makikita ang mga kagamitan na mismong ako ang gumawa. Meron din ditong mga kasangkapan na ginagamit sa forensic activities. At yon ang kailangan ko ngayon.
Inilapag ng dalawa kong kasama ang itim na bag sa isang mahabang steel table na katulad ng mga nasa morgue. Umalis din sila agad at ipinaubaya na sa akin ang pagbubukas niyon na ginawa ko naman agad pagkaalis na pagkaalis nila.
Sumalubong sa akin ang mulat nitong mata at ang madugo pa nitong ulo. Amoy na amoy ko rin ang dugo nitong medyo natuyo na. Hindi pa gaanong kasangsang dahil bago pa lang naman. Tumambad sa akin ang buo niyang katawan. Hindi ko na siya inilabas sa bag dahil kaunting tingin lang ang kailangan ko. Hindi ko naman kailangan halwatin pa ang mga lamang loob niya. Dipende.
Saglit akong lumayo at kumuha ng surgical mask at gloves. Kinuha ko rin ang isang maliit na flashlight sa drawer bago lumapit ulit sa lalaki. Una kong ininspeksyon ang kanyang mata, wala namang kakaiba. Sunod ay ang kanyang bibig na bahagyang nakaawang, wala rin naman akong nakita. Tinignan ko rin ang iba pang butas sa kanyang mukha ngunit wala rin akong nakita.
Kumuha ako ng sample ng kanyang dugo at inilagay sa isang glass plate at inilagay sa loob ng isang machine. Hinayaan ko muna iyon at bumalik muli sa lalaki. Sinimulan ko nang gupitin ang damit nito, nagbabaka-sakaling may makikitang kakaiba sa katawan nito. At hindi naman ako nagkamali.
Mayroon itong tattoo sa kaliwang bahagi ng tadyang. Isa iyong ahas na may rosas. Hindi ko kilala ang tattoo'ng iyon, at hindi ko rin alam kung ano ang ibig sabihin non. Kinuhanan ko ito ng litrato na baka magagamit ko sa pag-iimbestiga. Nang kumislap ang flash ng camera ay nakuha ng isang kumikinang na bagay ang aking atensyon. Ang bagay na yon ay nasa likod ng tenga ng lalaki.
"Shit." tanging nabanggit ko habang nakatitig sa isang balang nakatarak sa likod ng tenga nito. Hindi ito basta bala lang. Isa iyong chip, capsul-type chip. Isang uri ng tracking device.
Agad kong tinanggal iyon. Kailangan kong ma-disable agad iyon. Kung sino man ang nag-utos sa lalaking iyon ay malamang na nakasubaybay sa kanya. Muli akong napatingin sa lalaki, wala naman itong suot na salamin o ear piece.
Mabilis na tumipa sa keyboard ang kamay ko. Mabuti na lang at may device akong kayang mag-encrypt ng laman ng kahit anong chip. Sinuri ko ang codes na laman non at tuluyang binura ang mga nai-save na coordinates. Mahirap na, baka masundan pa ko. Sana lang ay walang nakasubaybay sa kanya noong paalis palang kami ng GU.
※
~ Ash
Maghapon akong nasa kwarto. Walang ganap ngayong araw. Hindi kami pinalabas sa ground at wala ring announcements. Nakatengga kaming lahat ngayon at sa mga oras na ito, malamang ay may dalawang nakabantay sa pinto ko. Pano ko nalaman? Kanina pa ko nakakarinig ng bulungan sa labas eh.
"Meow" napabalikwas ako nang marinig yon. Napatayo ako at hinanap kung saan nanggaling ang tunog na yon. Ilang araw na rin simula nung bigla na lang siyang nawala rito sa kwarto ko.
Nakita ko naman agad siya sa labas ng bintana. Binuksan ko iyon at agad namang tumalon papasok ang itim na pusa.
"Oh saan ka galing? Bakit bigla kang nawala?" bulong ko sa kanya. Hindi ko pwedeng laksan dahil baka marinig ng dalawang lalaki sa labas. Baka hindi pwedeng magpapasok ng hayop dito.
Sumiksik lang siya sa akin. Bigla ko namang naalala na hindi ko pa siya napapangalanan. Ano bang maganda? Bukod sakin.
"Anong gusto mong pangalan?" tanong ko sa kanya. Ngiyaw lang naman ang isinagot niya sakin.
"Panget naman ng Ngiyaw. Chaka!" sagot ko sa kanya. Naalala ko naman noong gabi na nakita ko siya. Kumikislap siya sa liwanag ng buwan. Ah, alam ko na. JK kaya? Kaso hindi naman dilaw yung buwan noon. Buwan? Ah, buwan.
"Luna." banggit ko nang maisip ang salitang iyon. Hinagod ko ang itim na itim niyang balahibo. Tila nagugustuhan naman niya ang ginagawa ko dahil lalo pa itong sumiksik sa akin.
"Babae ka naman di ba? Kasi kung lalaki ka panget naman kung gawin kong Luno." sabi ko pa. Panget naman talaga eh. Bigla naman itong humiga sa aking hita. Ay, babae nga, kita ko eh.
Hinagod ko na lang ulit ang kanyang ulo. Naka-lock naman ang pinto kaya wala namang makakapasok at makakaki--
"Ang cute naman nyan."
Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pano siya nakapasok?! Napalingon ako sa kanya na nasa likod ko at tumingin sa pintong nakasara. Ngumiti lang ito na halos mawala na ang mata. Matapos non ay may kinuha ito sa kanyang bulsa, isang pin. Ah, oo nga pala.
"Matagal na ba siya rito?" tanong nito. Nakatitig lang ako sa kanya. Wala akong balak sumagot. Baka maisumbong pa ko kay Robie.
"Hindi naman kita isusumbong kay Kuya." dagdag nito na nagpagaan ng loob ko at nakahinga ako ng maluwag.
"Weh?"
"Oo nga." sagot ni Nyx nang hindi ako maniwala sa kanya. Siguro naman hindi niya ko isusumbong kaya kinwento ko na sa kanya kung pano ko nakilala si Luna.
"Ah, Luna pala pangalan niya. Pahawak?" pagpapaalam nito na parang ngayon lang nagkita ng pusa. Ba't parang ibang Nyx 'tong kausap ko ngayon? Damn, hindi ko maramdaman yung coldness niya. Para talagang hindi si Nyx.
"Ngayon ka lang ba nagkita ng pusa?" tanong ko habang nakatitig sa kanya na hinihimas-himas si Luna na gustong-gusto naman ng nahuli. Malanding pusa.
"Kind of. Bawal kasi hayop sa bahay namin. May allergy si Robie." sagot niya. Kaya naman pala. Soooo, kung malalaman nga ni Robie na may pusa dito-- ma-eevict si Luna sa bahay!
"Kaya di kita isusumbong don." sabi pa nito na busy pa din sa paghimas kay Luna. "Promise." dagdag pa niya bago ngumiti at nawala na naman ang mata. Ba't mukha din siyang pusa?
※
Gabi na at wala talagang naganap ngayong araw. Alas-otso na pero wala pa ring balita kung anong nangyayari sa labas. Ngayon naman ay nasa kusina kaming lahat, kumakain habang naiwan sa kwarto ko si Luna. Dadalhan ko na lang siya mamaya ng pagkain.
"Nga pala, Ash. Sabi ni Robie," napatigil ako sa pagnguya nang marinig ang sinasabi ni Lux. Medyo kinabahan din ako. "Dun ka na matutulog sa kwarto sa dulo." dagdag nito na nagpagaan ng loob ko. Kala ko sinumbong na ko ni Nyx. Tumango na lang ako.
"Kasama kami." at doon tumigil ang mundo ko. Halos mabilaukan ako nang banggitin yon ni Lux. May kung ano pa sa tono ng pagkakasabi niya na lalong nagpalamig sa buong katawan ko.
"Lahat naman kami, huwag ka mag-alala. Hindi ka mare-rape ni Lux." sabat naman ni Vryll.
Yun na nga eh, kasama kayong 'lahat'. Pano ako makakatulog? Eh sa panonood nga ng tv di na ko makapag-focus dahil sa kanila. Matulog pa kaya.
Saglit akong natameme. Iniisip pa rin ang darating na bangungot sa akin. Hindi na ba ko pwede mabuhay ng matiwasay?
"Ey," Saige snapped. "Babantayan kita, di ka magagapang nito." sabi nito sabay turo kay Lux. Natawa naman ang iba habang tinitigan lang siya ng masama ni Lux. Natawa na lang din ako kahit sa isip-isip ko ay namomroblema ako kung pano ako makakatulog ng matiwasay mamaya.
Nabulabog ng isang malakas na pagsabog ang aming pagkain. Halos mabasag din ang mga bintana sa sala dahil sa lakas niyon. Kita rin ang malakas na apoy sa katapat naming hostel. Shit!
Napatayo ang mga kasama ko at isa sa kanila ay hinila ako papunta sa kwartong tutulugan namin. Si Vryll yon, sumunod naman sa amin ang apat, si Xander, Polo, Joaquin at Nyx habang naiwan sa kusina sina Lux, Saige at Jin. Habang palapit kami sa kwarto ay may naririnig pa rin akong pagsabog sa di kalayuan, may mga putok din akong naririnig.
Nang makalapit sa pinto ay itinipa agad nila ang pass code doon. Nilagyan ito ng lock ni Robie kung sakali daw na kailanganin namin. Nang mabuksan, una kaming pumasok ni Vryll at sumunod sila. Habang pumapasok sila'y nakikita ko pa rin ang malaking apoy sa labas. Nakikita ko rin ang tatlong lalaking nagmamasid sa sala. Nang makapasok si Joaquin ay tinawag na nila ang tatlo. Lumingon naman agad sila at mabilis na tumakbo habang nakatakip ng tenga dahil sa malalakas na putok na naririnig sa labas. Si Saige ang nasa unahan at siya lang ang kita namin, natatabunan ang dalawang tumatakbo rin sa likod niya. Sunod-sunod na putok ang narinig namin. Hindi ganon kalakas na tila malayo ito sa hostel namin. Nang makalapit si Saige ay nakita na namin ang dalawa pa, si Jin naman ang nakikita namin. Maya-maya pa'y nagsabay na rin sila sa pagtakbo kahit masikip sa hallway. Ilang hakbang na lang ang layo nila nang makarinig kami ng pagkabasag kung kaya't napatigil ang dalawa sa kanilang pagtakbo at tinignan kung anong nangyari. Nang lingunin ay nakita rin namin ang isang malaking sasakyan sa labas na ani mo'y isang army jeep. Sakay niyon ang nasa limang taong nakaitim at may hawak na mahahabang baril.
Tahimik kaming lumuhod upang hindi mapansin. Ganon din ang ginawa nina Lux. Ngunit hindi pa man tuluyang nakakaluhod ay may kung anong natabig si Lux sa gilid niya na gumawa ng malakas na ingay. Nakita namin ang paglingon ng isa sa mga lalaki sa direksyon namin. Agad na tumayo ang dalawa para makapasok sa kwarto ngunit hindi sapat para hindi tutukan ng lalaking may baril.
Tila bumagal ang takbo ng mundo. Kitang kita ng mata ko ang takot sa mukha ng dalawa naming kasama habang pilit na tumatakbo papasok sa kwarto ngunit hindi sila kasya sa masikip na hallway kaya't pinauna ni Lux si Jin. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw at mabilis na tumigil si Jin sa pagtakbo bago itinulak si Lux sa loob ng bukas na kwarto.
Sa isang iglap lang ay tumalsik ang malapot na dugo sa pader, maging sa mga mukha namin. Agad nilang isinara ang makapal na pinto ngunit kitang kita ko ang unti-unting pagbagsak ni Jin sa sahig.
Jin Hernandez, signifying the deadly sin Greed, saved one of his colleague.