Chapter Twenty One

"Shh, everything will be alright, okay?" ang sabi ng tinig ng isang babae sa aking isip. Sapo ko pa rin ang aking ulo dulot ng malakas at sunod-sunod na putok ng baril.

"Saige, anak, kailangan mong maging matapang." dagdag pa nito. Nanatili pa rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyang humina ang putukang nagaganap sa labas. Napalitan naman ito ng mga hikbi at mahihinang sigaw. May naririnig pa ring mga dagundong at ramdam iyon sa silid na yon.

Kahit mahina na ang putukan ay nanatili ako sa sulok, nakatakip ang mga tenga. Ramdam kong ilang putok na lang ng baril ay mawawalan na ako ng malay. Sumasakit na rin ang ulo ko dulot ng ingay na yon. Nanginginig din ang aking mga kamay at halos mapiga na ang mga mata ko sa sobrang pagkakapikit.

Napapitlag ako nang may humawak sa aking balikat. Nang tignan ko kung kaninong kamay iyon ay nakita ko ang abo niyang buhok. Ang mapanglaw niyang mga mata ay nakatitig sa akin. Bahagya akong nakahinga ng maluwag at napatingin sa paligid. Nasa isang kulong na kwarto kami. Walang bintana, tanging ang pinto lang na gawa sa makapal na bakal at ang tatlong kamang nakahilera. Ilan sa aming mga kasama'y nakatitig pa rin sa pinto habang ang ilan ay napayuko na lamang sa gilid. Tumayo ako upang lapitan sila, ganoon din ang ginawa ni Nyx. Habang papalapit ay naabutan ko pang nakasubsob ang mukha ni Ash sa dibdib ni Lux, muli akong napatingin sa pinto. May nadidinig pang mga putukan at pagsabog sa kabilang bahagi niyon.

"Wala na si Jin." dinig kong sabi ni Polo sa likod ko. Hindi ko na namalayan ang nangyari nang makapasok ako sa kwarto. Napaupo na lang din ako sa tabi, kaharap nina Lux.

"Shh, nandito pa kami." pagpapatahan niya kay Ash. May bahid pa ng dugo ang mga damit nila, at ng iba pa naming kasama.

Nanatiling tahimik sa buong kwarto. Tanging paghikbi lang ni Ash ang maririnig. Hindi na rin gaanong pakinig sa loob ang mga nangyayari sa labas. Walang umiimik. Lahat ay tulala at nakatitig lamang sa kisame, sa sahig at sa pader. Ilang minutong ganoon nang basagin ng pag-ring ng telepono ang katahimikan.

Si Xander ang sumagot ng tawag dahil malapit sa kanya ang telepono. Nang sagutin ay bakas pa ang gulat sa kanyang mukha bago tumingin sa akin at iniabot ito.

Walang imik kong inilapit sa aking tenga ang telepono, naghihintay ng magsasalita sa kabilang linya. Di naman nagtagal ay may umimik doon.

"Saige," pagbanggit nito sa aking pangalan. "You should have been terrified." dugtong nito. Nakaramdam ako ng panlalamig at parang naputol din ang dila ko. Hindi ako makagalaw at hindi rin ako makaimik. Hawak ko lang ang telepono, hinihintay kung may sunod pang sasabihin ang nasa kabilang linya.

"Prove it to me that you're worthy enough to be alive." iyon ang huli niyang sinabi bago naputol ang tawag ngunit hindi ko pa rin matanggal ang telepono sa aking tenga.

"Sino yon?" tanong ni Polo. Noon ko lang naibaba ang telepono. Napatingin ako sa kanya at sinabi kung sino ang tumawag.

"Grim? Di ba yun yung sinasabi ni Robie?"

"Oo, siya nga yon." sagot ko kay Joaquin. Inilapag ko na ang telepono sa lamesa bago bumalik sa pwesto ko kanina. Ngunit hindi pa ako nakakaupo nang tumunog ulit yon.

"Si Robie," balita sa amin ni Xander nang sagutin ang tawag. "Umalis na raw tayo rito." dagdag pa nito habang nakalapat sa kanyang tenga ang telepono.

Halos magkakasabay kaming napatingin sa kamang nasa dulo sa kaliwang bahagi ng kwarto. Sunod-sunod din kaming tumayo maliban kina Lux.

"Kailangan na nating umalis." bulong nito kay Ash na nanatili sa kanyang pwesto. Lumapit na ako para tulungan itong patayuin si Ash.

"Tara na." bulong ko sa kanya at marahang hinila ito patayo. Umiiyak pa rin ito at tila hinang-hina. Naka-alalay kaming dalawa sa kanya habang palapit sa kamang iyon.

Itinuro sa amin ni Robie ang isang emergency exit sa ilalim non. Ginawa niya ito kung sakali na kailangan naming makaalis sa hostel nang hindi napapansin. Isa iyong underground tunnel papunta sa hideout.

Itinaas ni Vryll at ni Polo ang kamang iyon bago binuksan ang pinto sa sahig. Unang bumaba si Lux bago pinasunod si Ash at ako. Sumunod naman ang iba bago may pinindot sa gilid para bumaba ng kanya ang kama at maisara ang pinto. Madilim sa baba nang isara ang pinto, buti na lamang at dala namin ang mga cellphone namin para gawing ilaw.

Tahimik naming tinahak ang daan hanggang sa makita namin ang dulo ng tunnel na iyon. Hagdan iyon na gawa sa kahoy, tila isa itong simpleng hagdan paakyat mula sa basement. Nang akyatin iyon ay nasa loob na kami ng isang kwartong may isang pinto.

"Teka, hindi naman ganito yung hideout ah?" komento ni Vryll nang makalabas kami sa kwartong iyon. Ganon din ang napansin namin. Ibang-iba ang itsura nito sa cabin na pinagtaguan namin noon. Bakante lang ito, walang laman, wala ni mga bintana, wala ring ilaw. Tanging ilaw lang mula sa mga cellphone namin ang nagbibigay liwanag sa amin.

Nang itapat namin ang ilaw sa paligid ay wala pa rin kaming makita. Madilim pa rin. Mukhang malawak ang silid na yon dahil wala kaming nahahagip na pader maliban sa nasa likod namin.

"Para tayong nasa warehouse." sabi ni Vryll. "Baka kuta 'to ng serial killer." dagdag pa nito. Binatukan naman siya ni Xander dahil sa sinabi niya. Hindi naman malabong mangyari iyon dahil sa underground tunnel kami dumaan papunta dito.

Unti-unti kaming lumayo mula sa nilabasang kwarto habang iniilawan ang daan namin. Bakal ang sahig, madilim ang paligid, mukha nga kaming nasa warehouse. Tanging paghinga at mga yabag namin ang naririnig. Wala pa rin kaming nahahagip na pader o haligi man lang. Nang subukan naming ilawan ang kisame ay wala rin kaming nahagip.

"Guys, narinig niyo ba yon?" putol ni Vryll sa katahimikan. Tumigil pa ito sa paglalakad na parang nakikiramdam. Napahinto rin naman kami sa paglalakad dahil sa kanya.

"Gago, wag kang manakot baka mabasag ko bungo mo." halos pasigaw na sabi ni Lux. Tumawa naman ang iba ngunit nanatili sa ganoong posisyon si Vryll. Tumuloy na ng lakad ang iba maliban sa akin at kay Ash na nasa tabi ko pa rin at nakakapit sa braso ko.

"May narinig din ako." bulong ni Ash na nagpapitlag sa akin. Kung ganon, hindi nagbibiro si Vryll?

"Guys, sagli--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang nakakabulag na ilaw. Nang maimulat ko ang mata ay nakita ko na ang halos kabuuan ng paligid. Madilim pa rin ang ibang bahagi nito. Nasa isang warehouse nga kami, isang malawak na warehouse. Bakal ang pader at kisame nito.

"Hi!" masiglang bati ng tinig ng isang babae. Nang ilibot ko ang aking tingin ay hindi ko siya makita. Ganoon din ang mga kasama ko.

"Oh, here!" sigaw ng tinig. Nang sundan kung saan nanggaling ang boses na iyon ay nakita namin ang isang babaeng naglalakad pababa ng hagdang gawa sa bakal. Nakasuot ito ng itim na dress. Fitted ito kaya kita ang maganda nitong hubog. Nakasuot din ito ng itim na stilleto na gumagawa ng ingay sa kada hakbang.

"Ooh," nang marinig ko iyon ay alam ko na agad kung sino ang nagsabi non at hindi naman ako nagkamali. Tinapik ko ang braso ni Lux at napatingin naman ito sakin.

"Bakit?" inosente nitong tanong. Napailing na lang ako.

"Bakit nga?" tanong pa nito na parang iritado. Inilayo ko na lang ang tingin sa kanya at bahagya ring naglakad palayo.

Nang makababa ang babae ay nagtungo ito sa direksyon namin. Nakangiti ito habang naglalakad palapit sa amin. Nang makalapit ay saglit nitong kinilatis ang mga mukha namin bago ito tumingin kay Ash na nakakapit pa rin sa akin.

"You must be Harley." sabi nito nang nakangiti pa rin at lumapit pa lalo kay Ash. Bahagya namang napahigpit ang kapit nito sa aking braso. Malamang ay nababahala ito sa babaeng nasa harapan niya.

"I'm a friend of Robie. Oh, and not just him, I'm also acquainted to Mr. Grim himself." dagdag nito bago lumayo ng kaunti sa amin. Naglakad ito palikod habang diretsong nakatitig kay Ash na ngayon ay mas mahigpit ang kapit sa braso ko.

"Huwag kang matakot sakin, hindi ako nangangain." sabi pa nito na mas lumawak ang ngiti bago tumitig sa isa naming kasama. "Minsan." dugtong nito at kinagat pa ang ibabang bahagi ng kanyang labi.

"Shit." bulong ni Lux na napakamot sa kanyang batok at pilit na iniiwas ang tingin sa babaeng nakatitig sa kanya.

Ilang saglit pa ay may narinig kaming tunog ng motor. Bumukas ang isang malaking bakal na pinto at iniluwa niyon ang isang lalaking sakay sa isang itim na Ducati Diavel. Tumigil ito sa harap namin bago tinanggal ang helmet nito.

"Glad you managed to come here." sabi ni Robie nang makababa sa kanyang motor. Lumapit ito kay Ash at inilabas ang isang puting panyo. Pinunasan nito ang mga dugong nasa mukha ni Ash.

"Glad you're safe." dinig kong bulong niya sa katabi ko matapos niyang punasan ang mukha nito. Lumuwag naman ang kapit nito sa aking braso. Naglakad palayo si Robie at palapit sa babaeng nakaitim. Nginitian pa siya nito at bumeso.

"This is Nicks. She's also working for Grim." pakilala niya sa babae.

"Nicks Durante." banggit nito sa buo niyang pangalan bago yumuko sa harap ni Ash. Ginaya naman nito ang tinuran ng babae.

"Ash--"

"Yes, I know." putol nito sa dapat niyang sasabihin. Nakangiti pa rin ito sa kanya. Ngunit ngayo'y hindi na ito mukhang nakakapanindig balahibo.

"Where are we?" tanong ni Xander na naguguluhan pa rin. Maging ako'y naguguluhan, hindi ko alam kung nasaang lupalop na kami ng mundo.

"Nasa labas na tayo ng GU pero hindi naman ganoon kalayo. This is Mr. Grim's warehouse where he hides those." sabi nito bago itinuro ang isang bahagi ng warehouse. Naroon ang apat na kotse. This Grim guy is damn rich.

"And this, thanks to Nicks, by the way, this is hers." dagdag pa ni Robie at nang makita kung nasaan ito ay nasa dulo na ito ng warehouse, sa harap ng isang malaking bagay na nakatakip ng kulay itim na tela. Hinila niya ito pababa at tumambad sa amin ang makintab at mukhang bago pang chopper.

"Hermès EC 135, shit." bulong ni Vryll. Iyon siguro ang tawag sa chopper na nasa harap namin. Sigurado na kong mahal iyon, pangalan palang.

"Pangarap ko yan!" halos pasigaw pa nitong bulong na narinig din ng iba naming kasama.

"Now, you know where to go if you have to escape fast." sabi ni Robie habang palapit na ulit sa amin.

"Dito na kayo magpalipas ng gabi. Bukas, kailangan niyo na ulit bumalik sa loob." dagdag nito nang bahagyang makalapit sa amin.

"Sumunod kayo kay Nicks, I have something to do." sabi nito bago sumakay sa kanyang motor at binuhay iyon. "Keep her safe." huli nitong sabi bago pinaharurot palabas ng warehouse ang sinasakyan.

Sumunod naman kami kay Nicks paakyat sa hagdan. Nagpahuli si Lux dahil ayaw daw niyang mauna kaya si Ash ang sumunod sa babae. Alam ko na siguro kung bakit.

Nang pihitin ang seradura ng pintong nasa ika-huling baitang ng hagdan ay bumungad sa amin ang isang maliwanag na sala. Para itong sala ng isang mansyon, simple pero elegante ang dating. Dumiretso kami sa isa pang pinto sa kanang bahagi ng sala. Nang buksan iyon ay isa iyong malaking kwartong may apat na kama.

"Dito kayo," sabi nito at binuksan pa lalo ang pinto. Pumasok naman kaming lahat ngunit hinarang nito si Ash. "Doon tayo sa kabila." sabi nito at tumango naman ang isa. Nang makapasok kaming lahat ay napansin namin ang isa pang pinto sa dulo, cr siguro yon.

"Sleep tight." huling saad ng babae bago isinara ang pinto ng kwartong iyon.