Chapter Nineteen

It's already 11 in the evening, still awake. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makatulog. Ramdam kong bumibigat na ang mga talukap ng mata ko ngunit hindi pa rin ako makatulog.

Nakatitig lamang ako sa kisame ng kwarto namin, hindi alam kung anong gagawin. Knowing there might be another tragic day tomorrow, hindi ko alam kung dapat bang hindi na ko matulog. Kailangan ko ng lakas, kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Lalo na ngayong alam naming maaaring mapahamak si Ash ano mang oras.

"Lux," napabaling ako sa kabilang kama. Kita kong papikit-pikit na nakatingin sa akin si Nyx.

"Oh?"

"Ba't gising ka pa?" tanong nito bago bumangon at naupo sa kanyang kama. Walang emosyon niya akong tinitigan muli.

"Can't sleep." sagot ko at naupo rin. Napalingon ako sa isa pang kama sa kaliwa ko at nakitang mahimbing na natutulog si Joaquin. Sana all.

"Insomnia? Subukan mo inumin yung gamot na binigay sakin ni Ro--" hindi niya natapos ang sasabihin nang makarinig kami ng kalabog sa labas. Sabay kaming napalingon sa pinto at walang pag-aalinlangang lumabas sa kwarto at hinanap kung saan nanggaling ang tunog na iyon.

Dahan-dahan akong naglalakad, ganon din si Nyx na nasa likod ko at may hawak na baseball bat na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Tanging liwanag na nanggagaling sa bintana sa sala ang nagsilbing ilaw namin. Wala akong nakikitang kung ano o sino. Tumigil ako nang nasa harap na kami ng pinto ng kwarto ni Ash. Akmang hahawakan ko na ang seradura ng pinto nang marinig muli ang kalabog. Nanggaling iyon sa kusina kaya dahan-dahan akong naglakad papunta roon. Sinenyasan ko naman si Nyx na manatili roon para masigurong walang papasok sa kwarto ni Ash.

Nang nasa arko na ako ng kusina ay natigilan ako nang may makitang taong nakaluhod sa sahig. Hindi ko gaanong makita ang mukha nito dahil madilim sa parteng iyon at nahaharangan din ng counter.

Tahimik akong lumapit at kinuha ang vase malapit sa akin. Naririnig ko ang mabibigat nitong paghinga na ani mo'y kinakapos na.

Natigil ako sa paglalakad nang makilala kung sino ang taong iyon. Ibinaba ko ang hawak kong vase at lumapit sa kanya. Akmang hahawakan ko ang kanyang magkabilang balikat nang mapagtanto kung anong ginagawa niya.

"What the fuck?!" halos pasigaw na bulong ko at lumayo ng kaunti sa kanya. Hindi ito lumingon sa akin at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Napansin nito ang vase na ibinaba ko di kalayuan at kinuha iyon bago inihampas sa taong nasa ilalim niya.

"This man tried to steal a knife and maybe kill someone here." saad ni Saige nang makatayo at makalayo ng kaunti sa lalaking nakahandusay sa sahig.

"Lumabas ako para sana uminom nang mapansin kong may tao rito sa kusina." kwento niya. Nakatitig pa rin ako sa lalaki. May dugo ang mukha nito dahil sa nabasag na vase.

"Ano yung nabasag?" dinig kong tanong ni Nyx na kakapasok lang sa kusina. Nilingon naman siya ni Saige. Natigil siya sa paglalakad nang makita ang lalaki sa sahig ngunit walang bahid ng gulat sa mukha niya.

"Nakita ko ngang bukas yung isang bintana sa sala." saad nito. "Kaya dumiretso ako rito nung narinig kong may nabasag." dagdag pa niya.

"Kung ano mang pinaplano ng lalaking ito ay buti na lang hindi natuloy." sabat ko. Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Ilang minuto nang mangyari iyon ay dumating si Robie. Tinawag ito ng kapatid niya, ginising na rin namin ang iba pa naming kasama. Maliban kay Ash.

"Akala ko nga si Ash lang yon, nahulog sa kama." ang sabi ni Nyx na seryoso ang mukha. Hindi ko alam kung nagloloko siya o ano.

"That's brave of you, Saige." puri sa kanya ni Robie. Nilingon lang siya nito at tumango.

Nalinis na nila ang kalat kanina at nailagay na sa isang itim na bag ang bangkay ng lalaki. Si Robie na raw ang bahala roon. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin siya at naiwan na ulit kami. Isa-isa nang pumasok ang lahat sa kani-kanilang kwarto.

Kasabay ko si Saige na naglalakad papunta sa mga kwarto nang mapatigil ako at mapansing nakaawang ang pinto ni Ash. Sa pagkakaalam ko ay nakasarado iyon kanina.

"Lux?" tawag nito sa aking atensyon. Nilingon ko siya bago isinara ang pinto ng kwartong iyon.

"Baka binuksan ni Nyx kanina." sabi ko na lang bago naglakad muli. Hindi na naman ito sumagot at pumasok na sa kwartong katapat ng kwarto ng kay Ash.

"Binuksan mo ba yung pinto ng kwarto ni Ash?" tanong ko kay Nyx nang makapasok ako sa kwarto namin.

Naglakad na ako palapit sa kama ko at inayos ang latag, humiga at nilingon ulit si Nyx na hihiga pa lang.

"Nope. Nakalock yon e."

And that made me froze.

※

Nagising ako nang makaamoy ng masarap. Ang aga naman magluto ng kusinero namin.

Bumangon ako at niligpit ang higaan. Nagmumog at naghilamos bago lumabas ng kwarto habang sinusuklay ang nagulong buhok.

"Morning, Ash." bati sakin ng inaantok pa na si Saige na kakalabas lang din ng kwarto niya kaya binati ko rin siya.

Sabay kaming naglakad papunta sa kusina at lalo kong nalalanghap ang masarap na niluluto. Nang makarating ay nakita ko ang limang lalaking nakaupo sa lamesa at nag-iintay ng biyaya habang ang isa naman ay nagluluto sa harap nila.

"Good morning." bati ko sa kanila nang makaupo sa isa sa mga upuan. Walang lumingon sa akin. Walang bumati pabalik. Napansin ko namang mga inaantok pa rin ang mga iyon.

"Good morning din, Babe." dinig kong sabi ni Lux na hindi man lang lumilingon.

"Babe." dinig ko namang bulong ni Saige, nang lingunin ko siya'y nakanguso ito at mariing nakatitig sa lalaking nagluluto.

Muli ko na lang tinitigan ang iba, antok na antok pa talaga sila. Napansin ko naman na kulang na naman sila ng isa. Na naman.

"Where's Nyx?" tanong ko. Bakit ba lagi na lang si Nyx ang nawawala? Saan bang lupalop nagpupupunta ang lalaking yon?

"Tulog pa." tamad na sagot sakin ni Joaquin. Sa wakas naman at may nagsalita ring isa sa kanila. Tulog pa? Ba't ba parang puyat na puyat 'tong mga 'to?

"Anong ginawa niyo kagabi?" tanong ko ulit. Malamang nagpuyat sila kaya sila ganyan ngayon.

"Wala." tamad ding sagot ni Vryll. Nahawa na kay Joaquin.

"Eh ba't para kayong mga zombie?" tanong ko ulit.

"May pumasok kasi na lala-- aah!" hindi na natapos sa pagsasalita si Jin nang sikuhin siya ni Xander.

Naguguluhan akong tumingin sa bawat isa sa kanila. Mariin ko silang tinititigan diretso sa mata. Wala namang makatingin sakin.

"May pumasok kasi na lamok sa kwarto namin. Ang ingay pumupunta sa tenga tapos nangangagat pa!" iritadong pagpapaliwanag ni Polo. Ahh, nilamok naman pala sila.

"Kayo rin?" tanong ko kay Joaquin na nasa tabi ko. Hindi naman kasi sila magkakasama sa iisang kwarto.

"Hindi." tipid na sagot nito. Magtatanong pa sana ako nang sinundan pa niya ito. "Nanonood kasi ng ano yang si Lux kagabi, hindi man lang nag-earphone. Napuyat tuloy kami ni Nyx." dagdag pa niya na na-gets ko naman agad. Hays. Lux talaga.

Kita ko namang mabilis na lumingon sa amin si Lux. Naniningkit ang mata nito habang inilalagay sa plato ang niluto.

"Huwag kang kakain." banta nito sa katabi kong wala namang pakialam sa sinabi niya. Tumikhim lang ito bago humigop ng kape.

Nang ilapag na ang biyaya sa aming harapan ay nagsimula nang mabuhay ang mga kasama kong zombie. Kanya-kanyang kuha ng sinangag na kanin at ulam na niluto ni Lux kanina.