Chapter Eighteen
~ Ash
Isang araw na rin simula noong magsimula ang tinatawag nilang 'Battle of the Confréries', isang araw na rin mula noong masaksihan ng buong university ang pagbaril kay Chelsea.
"You ready?" bungad na tanong sakin ni Robie nang makapasok siya sa kwarto na iyon. Pinagbihis na niya ako dahil babalik na kami sa hostel ngayong araw. Namiss ko rin kahit papano yung mga ugok.
Isang plain na puting sando na hindi ganoon ka-fit at itim na jeans ang pinasuot niya sakin, samantalang sinuot ko ulit ang mala-Indiana Jones na boots na kasama sa gear kuno na binigay samin ng GU.
Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong. Ngumiti naman ito at kinuha ang mga gamit, isang bag at ang kulay itim na kahon na naglaman ng mga kutsilyo kahapon.
Inusisa muna niya ang paligid kung may taong naliligaw, nang masigurong wala ay lumabas na kami roon. Maingat kaming naglakad palayo sa hideout. Napansin ko naman ang baril sa tagiliran niya, nakalitaw iyon. Hindi ko na lamang pinansin dahil alam kong kailangan niya yong gamitin kung may mangyaring masama kung sakali.
Nakalabas kami sa magubat na parteng iyon ng univeristy, natatanaw ko na rin ang arena, pati na ang main building ng GU. Magulo pa rin ang paligid, may mga telang nagkalat sa lupa, at kung anu-ano pa. Kakaunti ang tao sa labas, halos puro naka-itim lang ang mga yon, malamang ay mga guwardya na itinalaga ng council sa ground. May iilan namang mga estudyante ang naglalakad din, mga galing sa convenience store di kalayuan sa hostel. Sumabay kami sa kanila upang hindi mapansin na sa ibang direksyon kami nanggaling, at nagtagumpay naman kaming makarating sa hostel namin nang di napapansin.
"Ash!"
Halos lahat sa kanila ay bumati sa akin na parang ang tagal kong nawala. Dalawa sa kanila ang lumapit pa sakin para tignan kung ayos na nga ako, si Saige at si Lux. Nang makasiguro naman ay bumalik sila sa kani-kanilang pwesto. Nakaupo silang lahat sa sofa, at naupo naman ako sa isang couch habang nanatiling nakatayo si Robie na ani mo'y pinagmamasdan ang bawat isa.
"Oh, andito na pala ang prinsesa." dinig kong sabi ng kakapasok lang na si Jin. Napatingin ang lahat sa kanya. Nakangiti itong nakatingin sakin, ngunit hindi ngiti na nakakatuwa, tila sarkastiko ito. Nginitian ko na lang din siya, saka naman siya naglakad papunta sa kusina.
"Jin." tawag sa kanya ni Robie. Natigilan naman ito sa paglalakad at napalingon paharap sa lalaki.
Walang umiimik sa kanila. Pawang nagtititigan lang na parang sa isip sila nag-uusap. Seryoso lang ang titig niya kay Robie habang makahulugan naman ang sa nahuli.
Maya-maya pa'y lumapit sa kanya si Robie at sa isang iglap ay dumampi ang kamao ni Robie sa kanyang pisngi. Natigilan ang lahat, lalo na ako. Walang anu-ano'y tumayo ako para paghiwalayin ang dalawa ngunit pinigilan ako ni Saige. Muli akong napaupo sa paghigit na ginawa niya sa akin.
"Wag ka na lang lumapit." bulong niya sakin nang hindi ako nililingon. Hawak pa rin niya ang braso ko.
"He deserved it." bulong naman ng isa pang nasa gilid ko na rin, si Lux. Pareho lang silang nakatitig sa dalawa, ganon din ang iba pang kasama namin sa sala.
Nasa sahig si Jin samantalang deretsong nakatitig sa kanya si Robie na nakakuyom pa rin ang kamao.
Narinig kong tumawa si Jin. Pinunasan nito ang dumugong labi gamit ang kanyang kamay habang tumatayo.
"Bakit? Hindi ba siya prinse--"
Muli, nagtagpo ang pisngi niya at ang kamao ni Robie. Mas malakas ang suntok na tinamo niya ngayon, pero hindi iyon sapat para muli siyang matumba.
"Don't dare." nagbababalang sabi ni Robie. Tawa lang ang isinagot ng isa sa kanya na lalong nagpakuyom sa kanyang kamao. Noon lang tumayo ang dalawa sa mga kasama namin para ilayo si Robie kay Jin.
Nang mailayo ay inupo nila ito sa isa pang couch na may kalayuan na sa amin. Nakatitig pa rin siya kay Jin na ngayon ay seryoso na rin ang itsura.
"Do you all doubt why you're here? Why all of the people in this world, you're chosen?" may galit na tanong ni Robie sa mga kasama ko. Isa-isa naman silang tumingin sa kanya.
"Gusto niyong malaman?" dagdag pa niyang tanong nang walang sumagot sa tanong niya kanina. Napayuko naman ang ilan sa mga lalaki samantalang ako ay hindi na maintindihan kung ano na ang nangyayari.
Tumayo ito at lumapit sa amin habang nakapamulsa ang parehong kamay na ani mo'y nangangati na namang manuntok. Nang makalapit sa amin, huminto ito at isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga lalaking kasama ko. No'n lang tinanggal ni Saige ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"This isn't a story telling but I want all of you to listen to me." simula nito, tumigil ang tingin niya kay Jin. "You were once a deprived child growing up in the slums."
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jin sa sinabi ni Robie. Ganon din ang iba pa.
"Naiwan kang mag-isa, walang kumakalinga." dagdag pa niya bago nilingon ang iba pa naming kasama. "Ganon din kayo, hindi ba?"
Napayuko silang lahat, at naiwan akong naguguluhan.
"Pare-pareho tayong nanggaling sa wala, we were just like strays begging for food. Ilan sa inyo ang nawalan ng magulang, ng kasama sa buhay, ilan din sa inyo ang may pamilya pa rin, ngunit baon din sa hirap."
Hindi ko alam kung belong pa rin ako sa usapang 'to dahil hindi ko na naiintindihan, pero isa rin naman ako roon sa mga wala nang magulang at kasama sa buhay, siguro belong pa rin ako sa usapan.
Tumawa ito ng mahina, "Nagulat siguro kayo isang araw bigla kayong nakaangat sa buhay." sabi nito. Ha?
Nag-angat silang lahat ng tingin. Halata ang gulat at pagtataka sa mga mukha nila. Maging ako'y nagtataka na rin. Hindi ko na alam kung san patungo ang usapang ito.
"Yesterday, I told you that Grim, himself, chose you. Hindi lang iyon, siya rin ang nagbigay ng lahat ng pangangailangan niyo sa buhay noong mga panahong hirap kayo."
At doon na nga ako lalong naguluhan.
"Just like you, Jin, nawalan ka ng magulang, napilitan kang mamuhay sa tabing kalsada. Pero sa isang iglap, nagising kang nasa isang magandang bahay. Oh, and not just that, bigla ka ring yumaman, nagkaroon ng sariling kompanya, and that's how you thank the man who gave you another chance to live?" natameme si Jin sa sinabi ni Robie, ganon din ako.
Ang yaman siguro nung Grim na yon, no? Kung sino sino pinupulot sa kalsada tapos bibigyan ng bahay at kompanya. Sana all.
"Xander." tawag ni Robie sa kanyang pangalan. Mukhang story telling nga ang nagaganap ngayon. Okay, enlighten me please.
"Sa ilalim ng tulay kayo nakatira noon, tama ba? At isang araw, nag-impake kayo ng pamilya niyo at lumipat sa isang malaking bahay. Nagkaroon din kayo ng isang negosyo na nagpayaman sa inyo." kwento ni Robie. Ah, hindi pala sila lahat mayaman dati. Tapos ang yayabang kung makababa sa mga kotse nila nung first day, hmm.
"Ganon din kayo dati. Except for Saige and Lux, you're already wealthy when the man met your families." lumapit naman ito sa aming tatlo, at tumigil sa harap namin. Una nitong tinignan si Lux.
"Nagpadala siya ng mga tauhan niya nang masunog ang bahay niyo kaya nailigtas kayo bago pa iyon lumaki."
Matapos niyon ay kay Saige naman siya tumingin.
"Siya ang kumupkop sayo nang mawalan ka ng kasama sa buhay. Siya ang--"
"Yes. He helped me get through shits that happened to me." pagpapatuloy ni Saige sa dapat na sasabihin ni Robie. Tumango naman ito at bahagyang napangiti.
"I can tell that you're thinking about howcome the seven deadly sins perfectly fit those seven kids he saved." simula nito ulit sa panibagong kwento. Bakit may seven deadly sins na?
"Grim, himself, watched over you since the day he met all of you, always. He assured that you will all grow up according to his plan. He once believed that the deadly sins when merged is the most powerful thing that can exist." putol nito saglit bago naglakad palapit sa arko ng kusina.
"Ginawa niya ang lahat, na umabot sa point na pati pamilya niyo ay kinausap niya, and it was worth it. You all grew up characterizing each of the deadly sins."
"Mind blown." putol ko sa tahimik na atmosphere. Nagtinginan naman silang lahat sa akin. Narinig ko pang nagmura si Polo bago tumawa.
"Ash." tawag sa akin ni Robie. Nanlamig bigla ang buo kong katawan, baka kasi hindi ako dapat magsalita kanina.
Nang tumingin ako sa kanya ay itinuro niya ang daan papunta sa kwarto ko. Nagets ko naman agad yon kaya tumayo na ako at nagtungo na roon. Sabi na e, hindi talaga ako belong doon.
"Now that you knew why,"
Iyon ang huli kong narinig bago ko maisara ang pinto ng kwarto ko. Matapos niyon ay wala na kong marinig na ingay mula sa labas. Dumiretso ako sa kama ko, naupo roon at iginala ang mata sa buong kwarto. Ganoon pa rin naman, walang pinagbago, hanggang sa napadako ang tingin ko sa cabinet. Nakaawang iyon ng kaunti ngunit sapat na para mapansin ang kumikislap sa loob. Tumayo ako para tignan kung ano iyon. Nang makalapit ay nagdalawang isip pa akong buksan ang cabinet, ngunit sa huli ay binuksan ko din iyon. Tumambad sa akin ang isang singsing na may munting dyamanteng nakakabit.
Sinubukan kong isuot sa aking daliri at sakto lang iyon. Hindi ko matandaang may singsing ako pero baka nga sakin yon hindi ko lang matandaan. O baka naman kasama iyon sa mga pamana chuchu sakin? Ah, ewan.
Hinubad ko rin yon at nagtungo sa drawer malapit sa kama ko. Hinalwat ko doon ang kwintas ko, simple lang iyon, tanging ang maliit na hugis pakpak lang ang nakasabit doon kaya doon ko na lang nilagay ang singsing.
※
~ Robie
Nang masiguro kong nakapasok na si Ash sa kwarto niya ay lumapit na ulit ako sa pitong lalaking kasama namin.
"Now that you knew why, is there any reasons why not risk your own lives just to save her?" tanong ko sa kanila. Ilan sa kanila ang umiling. Ilan naman ay hindi umimik.
"Ash is the most precious stone for now. We must make sure she's safe. No matter what circumstances." dagdag ko pa dahil parang wala naman silang balak magsalita.
"Her safety is what I desire for now." seryosong sabi ni Lux nang hindi tumitingin sakin. 'For now.'
"Even if it means risking my own life, I will keep her safe." and there goes Saige. Ngayon, alam kong kahit wala ako, walang mangyayaring masama sa kanya. Knowing Saige and Lux are there.