CHAPTER 8

Ruth's POV

Dahil wala pang inuutos saakin ang lalaking iyon naisipan ko munang mag ikot uli, sa lawak ng lugar na 'to alam kong madami pa 'kong di nakikita dito.

Naninibago pa ako saaking suot dahil hindi ito tela at gawa sa dahon.

May nakita akong isang falls na hindi kataasan, agad akong lumapit dito at sobrang peaceful ng tunong at galaw ng tubig.

Idinampi ko ang aking paa at sobrang lamig ng tubig. Pero sobrang linis din.

"Dahan dahan ka iha, baka mahulog ka nanaman at hindi kana iligtas ng Amo mo."

Nagulat ako ng bahagya at napatingin saaking likuran.

Isang matandang lalaki na butas butas ang damit at may tungkod.

Napaatras ako ng bahagya. Hindi ko alam kung anong klase ang mga nilalang dito.

"Ako nga pala ang nag aalaga sa taga alaga niyo dito."

Napakunot ang aking noo, "H-ho..?"

"Ako ang gabay ni Darius, tawagin mo nalang akong Ma buska." sabi niya atsaka ngumiti.

"A-ako naman po si Ruth." sabi ko naman.

"Ikaw ang mortal na pilit bumabalik dito, tama ba?"

Napakamot ako saaking ulo at tumango na lamang.

"May katigasan ka din ng ulo ano hahahaha! Alam mo bang mahirap gawin ang gamot na ginagawa ko na dapat ipapainom saiyo ni Darius?"

Hala..

"Nako sorry po.. Hindi ko po alam na sainyo 'yon galing." sabi ko.

Tumango tango siya, "Malakas ang loob mo iha, alam mo bang mahirap makaalis sa lugar na ito? Ilang beses kang pinaalis ni Darius ngunit hindi mo tinanggap."

"Wala din naman pong kabuhay buhay doon sa mundo namin. So I don't care kung hindi na ko palabasin dito." seryoso kong sabi habang nakatingin sa tubig.

"Paano ang ama mo?"

Napatingin ako sakaniya, "Paano niyo po nalaman na--

"Hahahaha baka nakakalimutan mo, mga engkanto kami, malalaman at malalaman din namin iyon."

I sighed, oo nga pala. "Wala din pong pakielam saakin ang tatay ko."

"Sigurado kaba iha?"

Sunod sunod akong tumango. "Siguradong sigurado po, para akong hangin lang pag dumadating sa bahay, ni hindi manlang niya ko tinatanong kung kamusta ako."

Ngumiti siya at tumango.

"Kamukhang kamukha mo siya." sabi niya habang nakatingin saakin.

"Po? Sino po?" tanong ko.

"Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Uhmm.. I was just talking to him--

Biglang nawala ang matanda na kausap ko kanina.

Aish wala na ba silang ibang gagawin kundi mag laho bigla nang walang pasabi?

"Si Tanda ba?" tanong ni Darius.

"Huh? His name is Ma Buska." sabi ko.

"Bumalik kana doon." sabi niya at nilampasan ako.

Naupo siya sa bato at inaalis ang suot niya sa paa.

"Why? Ine-enjoy ko pa ang view dito! Ang damot mo talaga!" reklamo ko.

"Mag lilinis ako ng katawan." seryoso niyang sabi.

"Huh? You mean maliligo ka dito?" tanong ko.

"Umalis kana." sabi niya habang nakahawak sa tali ng kaniyang damit.

Tumalikod ako, "Kaya pala sobrang lamig ng tubig, ikaw ang naliligo. Tch!" I rolled my eyes kahit alam kong hindi niya kita.

"Hindi kaba talaga aalis? O gusto mo lang makita ang katawan ko?"

Humarap ako, "HOY ANG KAPAL---- WAAHHH!!" napatalikod ako ulit at tinakpan ang aking mata.

Omg.

He's topless.

"Ang sabi ko umalis kana muna."

Napalunok ako ng sunod sunod.

Narinig ko na ang tunog ng tubig na animo'y may tumalon, at paniguradong siya 'yon.

Pakiramdam ko nakadikit ang paa ko sa lupa, hindi ako makaalis.

O baka naman ayaw ko lang talaga umalis? Hehehe..

Nag karoon ng katahimikan at tanging agos lang ng tubig ang naririnig ko, sinubukan kong humarap muli sakaniya at napansin kong nasa may bato ang damit na suot niya kanina.

"Asan 'yon?" bulong ko dahil hindi ko manlang siya makita.

Lumapit ako ng kaunti at ramdam kong nakalubog na ang aking paa sa malamig na tubig dito.

Where is he?

Sinubukan ko pang lumapit at ngayon ay hanggang tuhod ko na ang tubig.

"Aish!" akmang aalis na ako nang bigla akong may naapakan na bato na naging dahilan ng pag kadulas ko.

"AY MAMA!! SHOCKS ANG LAMIG!" sabi ko at dali daling tumayo.

"Huhu basa nanaman ako!"

Biglang tumigil ang tubig na nasa talon at bumungad saakin si Darius na nakaupo sa bato.

Nasa likudan siya ng tubig na bumabagsak.

Kita ko namang napailing siya dahil sa pag kakatumba ko.

Sumimangot ako at padabog na nag lakad papunta sa direksyon niya.

"Pinag lihi kaba ng nanay mo sa kalampahan?" seryoso niyang sabi.

Umupo din ako sa bato ngunit hindi ganon kalapit sakaniya. "Ikaw, pinag lihi kaba ng nanay mo sa sama ng loob?" sarkastiko kong sabi.

Nakatingin lamang ako ng diretso at hindi sakaniya pero I can still see him in my peripheral vision.

Nakashort lamang siya at walang pang itaas.

I must admit, he has a good body build.

Para lamang siyang normal na tao. Walang naiiba sakaniya.

"Anong nakita mo sa ilalim?" he asked.

"Anong ilalim?"

"Noong dinala ka ni Anahita sa ilalim, nakita mo ba ang basura sa ilalim?"

Agad akong umiling, "Wala ni isa akong basura na nakita, may kabibe na sobrang laki at puno ng perlas na ang lalaki! Grabe kumikinang!" manghang mangha kong sabi.

Tumingin siya saakin nang ilang segundo na akala mo'y binabasa ang isip ko.

"Tigas din talaga ng ulo mo." imik niya.

"Alam ko. Matagal na." pilosopo kong sabi. "Ikaw nga lagi kang nakasimangot pinuna ko ba?!"

Nakapoker face siyang tumingin saakin.

"Baka nga di mo pa alam pangalan ko!" pag tataray ko.

"Oh bakit? Ano bang pangalan mo?"

I raised my eyebrow. "See? Hindi mo alam!" nilagay ko ang kamay ko sa tubig at sinabuyan siya sa mukha na ikinagulat naman niya.

"Para saan yon?!" kunot noo niyang sabi.

Patuloy kong sinasaboy sakaniya ang tubig at nararamdaman kong gumaganti na siya saakin.

"Tamana Mortal!"

Hindi ko mapigilan na di matawa dahil gigil na gigil na din siya sa pag saboy ng tubig saakin.

"ANG LAMIG!!" sabi ko.

"Ginusto mo yan!" sagot naman niya.

"Darius?"

Napatigil kami saaming ginawa nang biglang dumating si Philomena.

"Kanina pa kitang hinahanap, hihingi sana ako ng tulong." sabi niya at bumaling ang tingin niya saakin.

"Ikaw Ruth, wala kabang trabaho?" iba ata ang tono ng boses niya.

"Wala." maikli kong sagot.

"Sige na, susunod na ako doon." sabi ni Darius.

Tumayo ako saaking kinauupuan at akmang bababa na, ngunit sa pangalawang pagkakataon bigla akong nadulas sa bato na aking tinatapakan.

"AAAAAAHHHHHHH---

Ang inaakala ko ay mahuhulog ako dito sa talon ngunit nag kamali ako.

May mga braso at kamay na nasuporta saaking likuran at braso.

Dahan dahan kong minulat ang aking mata at bumungad saakin ang maamo niyang mukha.

"Ang lampa mo." sabi ni Darius.

He catched me.

---