CHAPTER 9
Darius' POV
Perlas at hindi basura ang nakita niya.
Ibig sabihin lamang non ay may mabuti siyang kalooban, dahil kung basura ang nakita niya isa siyang Mortal na masama ang pag-uugali.
Paraan iyon ni Anahita para makita ang repleksyon ng isang nilalang, at hindi para lunudin o patayin.
"May maganda siyang kalooban Nay, Tay." imik ko, andito ako ngayon sa kanilang puntod.
"Sa sampung tao, iisa nalang siguro ang mayroong ganoong kalooban, nataon lang na naligaw siya saatin."
Napabuntong hininga ako. "Hindi niya pa alam ang tunay niyang lagay, ano kayang magiging reaksyon niya pag nalaman niya ang nangyare?" sabi ko habang nakatingin sa mga dahon na nakapaligid sa puntod.
Isa siyang mortal na wala nang pakielam sakaniyang buhay.
Samantalang ay iba ay halos gawin ang lahat para lamang mabuhay.
Kung inaakala niya na iilang araw palang siyang andito sa lugar na ito, nag kakamali siya. May isang buwan na simula nang nilisan niya ang kanilang mundo, hindi pareho ang oras dito sa mundo sa ibabaw.
Bumaba ako na ako at nag babalak na pumunta saaking bahay para mag pahinga ng saglit.
"Hindi mo ba kinakaya ang katigasan ng ulo niya?"
Napalingon ako saakin kaliwa nang lumitaw si Tanda.
"Ihanda mo na ang gamot na hinihingi ko. Darating na din ang panahon na paalisin ko siya dito." seryoso kong sabi.
"Malapit na bang matapos ang parusa niya?"
"Hindi pa, marami pa siyang hindi nagagawa, ngunit paaalisin ko din siya agad pag katapos na pag katapos niya."
"Bakit? Natatakot kabang maulit ang nangyare noon?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Itikom mo na ang bibig mo tanda. Kung ako sayo mas pag bubutihin ko ang pag gawa ng gamot, pumapalpak ka. Pati ang gamot na ininom ko wala nang bisa."
"Iho, walang katulad ang gamot na binigay ko saiyo, sinadya kong iwan sa memorya mo ang ilang bahagi ng pangyayareng iyon." kalmado niyang sagot.
"Bakit? Para ipamukha saakin na kasalanan ko ang lahat?"
"Yan ba ang dahilan kung bakit hindi kana lumalabas dito? Kahit anong oras, kung gugustuhin mo pwedeng pwede ka mamuhay biglang tao--
"SINABI NANG TUMAHIK KA!" sigaw ko. Lumakas ang hangin sa paligid at nag sisimula nang kumulog.
"Iho, huwag mo nang sisihin ang sarili mo.. Ibalik mo na ang dating Darius." pag kasabi niya noon ay dahan dahan siyang nag laho.
Mas lalong tumaas ang aking galit.
Kumukulog nang malakas at panay ang pag kidlat.
Pumikit ako at pag mulat ay nasaaking bahay na ako.
Wala talagang sasabihing maganda ang matandang iyon.
Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ay pag init ng dugo ko.
Ayoko nang alalahanin pa ang pangyayareng iyon, sana pala hindi ko nalang siya sinundan.
Hindi ko nalang siya nakilala pa.
---
Ruth's POV
"Aish!" hawak hawak ko ang dahon na bubong dahil malapit na itong madala ng lakas ng hangin.
Umuulan din pala dito?!
Nararamdaman ko pa lalo ang lamig dahil sa tindi ng hangin.
"AYYY KALABAW!!!" sigaw ko nang biglang kumulog ng napaka lakas.
Kinuha ko ang malambot na kumot ko para ibalot saakin ngunit laking gulat ko nang tangayin ng hangin ang dingding ng bahay ko!
"WHAT THE FUCK?!" dali dali akong tumakbo at nag hanap ng pwedeng masilungan.
Kainis naman oh! Asan ba yang si Darius!
Mabilis akong nag tatakbo at nag hanap ng bahay na pwedeng makituloy na kahit saglit lang.
"Teka saan nga ba yung bahay nung kambal?" bulong ko habang nag tatatakbo.
Ang labo na ng daan dahil sa mga patak mg ulan, kahit ano pang pag silong ang gawin ko ay basang basa na ako.
"Bullshit!" I hissed.
Napatigil ako sa pag takbo nang makasalubong ko si Ma Buska na basang basa din.
"Iha, nag hahanap kaba ng masisilungan?" tanong niya.
"Opo opo! Nasira po kasi ang silong ko. Kayo din po ba??" tanong ko.
Umiling naman siya, "Pauwi na din ako saaking tahanan, kung nag hahanap ka ng masisilungan dumiretso ka lang diyan tapos kumaliwa ka at makikita mo ang isang bahay doon."
"Nako sige po salamat."
Ngumiti siya ng malawak at biglang nag laho.
Agad naman akong tumakbo at pinuntahan ang sinasabi niya.
Para akong nasa isang pelikula na sumusuong sa gitna ng bagyo.
Diretso at kaliwa.
Bilisan mo pa sa pag takbo Ruth!
Agad akong kumaliwa at natanaw ko ang isang NAPAKA GANDANG BAHAY!
Sinong nag mamay-ari nito?
Hingal na hingal akong tumigil sa may terrance nito at humawak sa may gate.
"Pwede po bang makituloy??" sigaw ko habang pinupunas ang aking mukha dahil sa sobrang basa.
Tama bang sabihin ko ang tao po? Aish.
"Makikituloy lang po sana ako." pag ulit ko.
Ilang segundo pa ay wala pading tumutugon.
"Makikituloy p---
Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Darius.
"Anong ginagawa mo dito?" kalmado niyang tanong na akala mo'y hindi nag aalala sa lakas ng ulan.
"Can I come in? Nasira yung silong ko." paliwanag ko.
Ngunit bigla niyang sinarado ng malakas ang pinto.
WHAT THE HELL!
"Amo! Makikisilong lang naman!' sigaw ko.
"Pleaseeee! Wala akong ibang gagawin diyaaaan!"
"Amo sige na oh! Pleaseeee! Mag be-behave ako please!"
"Amooooooooo!!!"
"PLEEEAAAASEEEEEE!!"
Lamig na lamig na ako, sobrang lakas ng hangin. Hindi ako pwedeng mag tiis dito.
Akmang aalis na ako ngunit muling bumukas ang pintuan at bumungad nanaman ang nakakunot na noo ni Darius.
"Dito ka lang sa terasa." sabi niya.
YEEEEEES!
---