CHAPTER 7

Ruth's POV

Nasa tabi ako ngayon ng ilog at wala nang ibang ginawa kundi ang mag buntong hininga kasama ang kambal pati si Barnabas.

"Simulan na natin alisin ang mga laglag na dahon bago natin pakainin si Anahita." sabi ni Batong.

Napakamot ako saaking ulo. "Biglang lilitaw ang bruha na yon!" sabi ko.

*achuuuu*

Aish isa pa 'tong ilong na 'to! Sobrang kati!

"Hindi ka namin pababayaan wag ka mag alala Ruth!" sabi naman ni Istong.

I heavily sighed again. "Sige na nga." kinuha ko ang gamit na pang alis ng mga dahon at marahang inalis ang mga dumi sa tubig.

Sa loob loob ko ay nag dadasal ako na sanay huwag lumabas ang bruha na iyon.

"Mabait yan si Anahita, talagang bago kapalang dito kaya pinapakitaan ka niya." imik ni Barnabas.

"Di ko naman siya aanuhin e! Psh!" I said as I rolled my eyes.

Mga ilang minuto pa ang nakakalipas ay wala namang bruha na nag papakita, baka tulog ang gaga.

"Asan yung pag kain niya?" tanong ni Batong.

"Ayun sa sako, doon nilagay ni Amo." sabi ko.

Tumango tango lamang siya at nag simula na uling mag tanggal ng dumi.

Binilisan ko na lamang ang aking ginagawa para mas mabilis na matapos at makaalis na ko dito, ang ganda ganda ng ilog tapos panget yung nag baban-- "AAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"

Biglang may humila nang aking patpat na ginagamit na naging dahilan sa pag kahulog ko sa ilog.

"RUTH!" sigaw nila.

Fuck! I don't know how to swim!

"Help!!!!" sigaw ko habang pinipilit na maiangat ang sarili ko sa tubig.

Ngunit biglang lumitaw sa tubig ang bruha, at nakangiti pa saakin.

"Hello....." bulong niya at lumabas nanaman ang mga pangil niya.

God! Ang panget!

Nanlaki naman ang aking mata at pilit na lumalayo sakaniya.

"BITCH! STOP IT!!!!" sigaw ko sa mukha niya.

"Helppppppppp!!!" I screamed at the top of my lungs.

"Nako paano natin tutulungan si Ruth! Lulubog tayo pag tumalon tayo sa tubig!" rinig kong sabi ni Batong.

"Hawakan mo 'tong kahoy Ruth! Iaangat ka namin!" sigaw nila.

Biglang lumubog si Anahita at ramdam kong hinila niya ang aking paa na maging dahilan sa pag kakalubog ko sa ilalim.

*hmpppp!!!!!!!!*

*hmpppp!!!*

Alam kong malalim na ang pag hila niya saakin dahil nawawala ang liwanag sa itaas.

Nanlaki ang aking mata nang may malaking kabibe sa ilalim nito, andaming perlas na singlalaki ng plato.

Ngunit hindi ko na kayang tagalan ang pag pipigil ng hininga. Konti nalang ay bibigay na ako.

---

"I love you anak.. Always remember na love ka namin ni Papa mo."

"Ruth... Gising kana.."

Unti-unti kong minulat ang aking mata at bumungad saakin ang kambal pati si Philomena.

*cough* *cough*

"What happened..?" tanong ko.

"Nahulog ka si ilog." sabi ni Batong.

Ah shit.

Oo nga pala, aish that bitch! Papatayin talaga niya ko!

"How did I..?"

"Niligtas ka ni Amo!" singit ni Istong kaya napaangat ako ng tingin.

Si Darius?

"Teka wala ako maalala..." the only thing na natatandaan ko ay may humila saakin pataas and I passed out.

"Heto ang damit, mag palit ka dahil basang basa ang suot mo." biglang imik ni Philomena.

"Uhm.. Thank you." sabi ko at tiningnan ang damit na sinasabi niya.

Gawa ito sa dahon, isang pantaas at isang palda.

"Inumin mo din 'to.." inabot niya saakin ang isang baso na gawa sa kahoy, tinanggap ko naman ito. "Marami kang nainom na tubig galing sa ilog, inumin mo yan para hindi ka pagsaktan ng tiyan."

"Asan si Darius?" I asked out of nowhere. Tumaas naman ang kilay niya.

"Oh I mean, si Amo, I wanna thank him." sabi ko.

"Mag papakita siya kung gugustuhin niya." maikling sabi ni Philomena at saka nag lakad palayo.

"Inumin mo na yan Ruth, aalisin na muna kami para makapag palit ka ng damit." sabi ni kambal kaya tumango lang ako.

Tiningnan ko ang baso at saka ininom ang laman nito, mapait pait ito ng kaunti.

Sinimulan ko nang itaas ang aking damit ngunit may biglang lumitaw saaking harap.

"Aish..." rinig kong bulong niya sabay pikit at agad na tumalikod.

Dali dali ko namang binaba ang aking damit na pang itaaas. "Ba't bigla ka nalang nasulpot?! PALAGI?!" iritado kong sabi.

"Hindi ko alam na may gagawin ka." imik niya habang nakatalikod padin saakin.

"Balak mo ba akong silipan?! Ha?!"

"Hindi ko tatakain iyon, hindi pa hinog ang katawan mo."

WHAT?!!

"Aalis na ko, mag bihis kana." sabi niya.

Akmang babatuhin ko siya ng basong ito ngunit bigla nanaman siyang nag laho, "AISHHHH!!! BWISIT!!!"

"ANONG HINDI HINOG HA?! PAPAYA TO PAPAY--

Napatigil ako sa pag sisigaw nang biglang nag karoon ng ding ding ang bahay ko na dati ay bubong na dahon lamang ang pantakip.

Napansin ko din na lumawak ito ng kaunti at nag karoon ng maliit na ilawan sa taas.

Bigla namang napawi ang inis ko sa lalaking iyon.

Sus concerned din naman pala. I smirked.