CHAPTER 6

Ruth's POV

"Ruth gising kana.."

"Kanina pa siya hinahanap ni Amo."

"Naku mapapagalitan nanaman yan."

"Oo nga."

Naalimpungatan ako sa ingay ng mga nag sasalita sa paligid ko.

"Ayan! Gising kana Ruth!"

Kinusot kusot ko ang aking mata at bumungad saakin si Istong, Batong at Barnabas.

"Goodmorning.." bati ko sa kanila, medyo malat pa ang aking boses. "Manang Celi, what's for breakfast?"

"Wala kang katulong dito."

Nawala bigla ang aking antok nang marinig ko ang boses niya.

Agad naman akong napatayo at inayos ang aking sarili.

"Diba ang sabi ko madami kang gagawin ngayon? Bakit ngayon ka lang gumising?" seryoso niyang sabi.

Aish oo nga pala, wala ako sa bahay.

"S-sorry di na mauulit, anong gagawin ko?"

"Lagyan mo nito ang mga bulaklak doon." pinatunog niya ang kaniyang daliri at lumabas ang sako na may kung anong laman.

"Allergic ako sa flowers, remember?" sabi ko sakaniya.

Ngunit walang nabago sa emosyon niya.

"Do I look like I care?" sabi niya at biglang nag laho.

Napaawang ang aking bibig at natulala nang saglit.

May engkanto palang nag e-english?!

--

"Malapit na ba tayo?" tanong ko sa kambal.

"Oo konting lakad nalang."

"Kainis talaga yang lalaki na yan, alam naman niya na allergic ako sa flowers tapos ako pa talaga inutusan niya!" reklamo ko.

"May iba siguro siyang inuutos kay Philomena."

"Oh bakit naman napasama dito si Philomena?" tanong ko habang patuloy padin sa pag lalakad.

"Siya ang nag aalaga ng lahat ng bulaklak at halaman dito, tingnan mo oh ang gaganda." sabi ni Istong.

Napatingin ako sa paligid at tama naman siya, napaka gaganda ng halaman.

Gets ko na kung bakit ganon ang ayos niya, mukha siyang diwata.

"Hindi ba talaga mag kasintahan 'yon si Amo niyo at yang si Philomena?" pag iintriga ko.

"Hindi, talagang mag kasama lang silang lumaki, ngunit alam naman ng lahat ng nilalang dito na may higit pang pag tingin si Philomena kay Amo." sagot ni Batong.

"Whoa, really? Eh si Dariu-- este Amo, may pag tingin din siya?" I asked.

Nag kibit balikat naman sila, "Walang nakakaalam, palagi lang kasi siyang nag aasikaso dito at wala siyang pinapakitang motibo. Ang huling beses nga na ngumiti siya madaming taon na ang lumipas."

Grabe naman yon. Nawalan ba siya ng emosyon?!

"Andito na tayo!" sabi nila kaya napatigil ko sa pag lalakad.

"Wow....."

Sobrang ganda ng paligid.

Yung itsura niya parang nasa ibang bansa ako.

"Ang ganda!" imik ko.

"Syempre naman!" masaya nilang sabi at nag pagulong gulong.

"Sa baba ng bulaklak mo isasaboy yang binigay ni Amo." sabi ni Batong.

Tumango naman ako at saka nilapag ang sako. Ngunit hindi pa man kami tumatagal dito ay kumakati na ang ilong ko.

*Achuuuu*

Kinusot kusot ko ang aking ilong at suminghot.

"Wala akong nakikita na ganito kaganda doon sa taas." sabi ko. "Well kung mayroon man baka sa iilang parte lamang ng mundo at hindi sa kahit saan." dagdag ko pa.

"Kung inaalagaan niyo lang ng mabuti ang paligid baka singdami din nito ang makikita niyo sa mundo niyo." sabi ni Batong.

*achuuuu*

*achuuuu*

Sinimulan ko nang lagyan ang bawat bulaklak gaya ng inutos ng lalaking iyon. Napansin ko din na tinutulungan ako ng kambal para mas mapabilis ang gawain ko.

Bigla namang may pumasok saaking isip, "Uhm.. Gusto ko lang sanang itanong, I hope na di niyo mamasamain."

"Ano 'yon?" sabay nilang tanong.

"B-bakit si Da-- I mean Amo, hindi siya mukhang uhm.. Kakaiba? Napansin ko lang kasi mukha siyang normal na tao." sabi ko.

"Mukha din namang tao ang magulang ni Amo, malalaki lang ang kinalang tenga na parang sa duwende, nag kataon lang na pinag lihi siya ng kaniyang Ina sa tao, may naging kaibigan ang Ina niya sa mundo niyo."

"Really? Posible pala yon eh? Bakit niya ko tinataboy?" sunod sunod kong tanong.

"Dahil baka maulit ang trahedy--

"Ang inutos ko ba ay mag kwentuhan kayo dito?"

Napatigil kami saaming pag uusap nang biglang sumulpot si Amo.

"Amo." niyuko ng kambal ang kanilang ulo, kaya pati ako ay napagaya na rin.

"Sa tingin niyo ba mapapabilis ang ginagawa niyo habang nag dadaldalan kayo?" galit nanaman siya.

Nag angat ako ng tingin, "Huwag mo na silang pagalitan ako ang may kasalan-- *achuuuu* ako ang may kasalanan." imik ko at suminghot singhot.

"Bilisan niyo na." he coldly said kaya dali dali kaming nag trabaho uli.

Akala ko ay aalis na siya uli ngunit nakatayo lamang siya habang ang dalwang kamay ay nasa likuran niya.

Ang dilim talaga ng aura niya.

Buti nalang gwapo siya.

*achuuuu*

*achuuuu*

I'm still mesmerized about the beauty that surrounds me. Nilabas ko ang aking cellphone at nag kukuha ng mga litrato.

*click*

*click*

"Ang ganda." bulong ko.

Habang tinitingnan ko ang mga pictures ay biglang lumitaw ang mga naunang litrato na kinuha ko dito noon.

"Hala!! Bumalik na yung mga pictures! Nawala to eh!" sabi ko.

"Lahat ng bagay na nakikita mo dito, mawawala pag dating sa mundo niyo." imik niya.

Napatingin naman ako sakniya, "Ganun ba yon? Ang damot mo naman tch! Nag mukha tuloy akong timang kakapilit doon sa mga kaklase ko."

"Pwera nalang kung bibigyan ko ng pahintulot na manatili ito diyan sa bagay na hawak mo o kaya sayo." sabi niya.

"So pwede na hindi mawala yung mga pictures dito???" di makapaniwala kong tanong.

"Paulit-ulit ka?"

Sinimangutan ko siya, kainis talaga 'to!

"Then give me the permission! Sayang naman mga kuha kong litrato!" sabi ko.

"Inuutusan mo ba ko?" nakatingin siyang maigi saaking mata.

"Uhm.. H-hindi, sorry na agad." sabi ko at nag peace sign.

Umiling iling lang siya at tumalikod.

"Pag katapos niyo diyan, doon naman kayo sa tabing ilo--

"Ilog ulit?!! Kay Anahita nanaman?!" pag putol ko sakaniyang sasabihin.

"Nag rereklamo ka NANAMAN ba?" madiin niyang sabi.

Aish! Hindi pa nga gumagaling ang sugat ko dahil sa kalmot non!

"H-hindi... " mahina kong sabi saka ngumuso.

"Pakiramdam ko mag kakasundo na kayo ni Anahita." sabi niya.

"Really?? What made you said that?" I asked.

"Mukha kang hito eh." sabi niya at biglang nag laho.

The fuck?

---