CHAPTER 5
Ruth's POV
Paiba iba ako ng puwesto dahil hindi ko mahanap ang komportable kong posisyon sa pag tulog.
Aish!
Nakakaramdam na pati ko ng lamig dahil bukas na bukas ang paligid nitong BAHAY na binigay ng lalaking yon. Kahit pa nakapantalon at T-shirt ako ramdam ko padin ang lamig ng hangin.
"Kainis!" kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at binuksan ang flashlight.
Mag hahanap ako ng iba pang dahon na pwede ko ikumot.
*grruuu*
*gruuuu*
Napahawak ako saaking tiyan, kumakalam nanaman ang sikmura ko. Huhu gutom na gutom na 'ko talaga.
Tahimik na ang paligid at tanging mga insekto at iilang ibon nalang ang aking naririnig.
Sa gitna ng aking pag lalakad ay may nakita kong dahon na malaki at mukhang saktong sakto 'to para ikumot, kaso lang medyo mataas ito.
Sinubukan kong talunin ang tangkay nito ngunit nadadampian lang ng aking kamay ito kaya gumagalaw.
Talon.
Talon.
Talon.
Talon.
"My God! Nakakainis na!!!" iritado kong sabi.
Nag hanap ako ng pwedeng matututuntungan at may bato akong nakita.
Agad ko itong nilapitan at tinuktok, "Hello? Normal na bato kaba? O nag tatransform ka din?" imik ko.
Mga ilang segundo pa ay wala namang umimik.
"Mukhang normal naman 'to" bulong ko kaya agad ko itong pinagilong malapit sa dahon. "Ang bigaaaaaaat!" I said as I push this stone.
Para akong siraulo na nag tutulak ng bato sa gitna ng gabi.
Inipwesto ko na ang bato at saka inapakan ito, bahagya pa itong gumalaw kaya hinanap ko ang tamang balanse.
Humawak ako sa tangkay ng dahon saka tumalon pababa para maputol ito, at tagumpay naman ako.
"I finally got you!" masaya kong sabi.
Akmang babalik na ako saaking tulugan nang may nahagip ang aking mata.
"Oh myyy! Mukhang masarap!!" sabi ko habang nakatingin sa puno na puro bunga ng mga malalaking mansanas.
Dali dali akong lumapit sa puno at inilawan ito, "Grabe! Pulang pula yung mga bunga!"
*grruuu*
*grruuuu*
"Heto na, heto na! Mukhang makakakain na ko!" Kaso hindi ako marunong umakyat ng puno.
Nakaisip ko ng ideya at muling binalikan ang bato, aapakan ko nalang ulit ito para makasampa ko dun sa pinaka mababang sanga.
Binaba ko muna ang dahon at aking cellphone para walang sagabal.
Go Ruth kaya mo 'to! Para sa pagkain!
Sinimulan ko nang apakan ang bato at nag sisimula nanaman itong gumalaw kaya't mabilis akong humawak sa sanga at saka umakyat.
"Yes!" sabi ko nang makaupo ako sa unang sanga.
"Grabe ang lalaki nito." sinubukan kong b
abutin ang bunga at nag tagumpay naman ako agad.
Sa gutom ko ay mabilis ko itong kinagat, "Wow ang sarap! Sobrang tamis!" komento ko.
Hmm.. Mga tatlo kaya ang kunin ko para meron pa bukas. Nilagay ko muna sa loob ng aking damit ang isang mansanas at pilit na inaabot ang isa pang bunga.
Konti pa...
Konti pa...
Nahawakan ko ang bunga at akmang hihigitin ko na ito nang biglang may ahas na kulay berde ang lumitaw at tutuklaw saakin.
"WAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!" sa pag layo ko ay nawalan ako nang balanse nahulog sa sanga.
Mariin akong napapikit at humawak saaking ulo, iniintay ko ang aking pag bagsak ngunit.... parang antagal naman ata?
Minulat ko ang aking mata at...
"Lumulutang ako!!"
"Balak mo ba talaga mag pakamatay, Mortal?"
Napaangat ako ng tingin. "D-Darius?"
"Ouch!!!" bigla niya akong binaba nang marahas ngunit hindi na ito ganong kasakit dahil inilag niya ang bato.
"Sabi ko, huwag mo akong tatawagin saaking pangalan." malamig niyang sabi.
Tumayo ako at pinag pagan ang aking damit. "Eh anong itatawag ko sayo? Sungit? Yabang? Pogi--- este uhmm.. "
Nakita ko na nag sisimula nanamang dumilim ang paningin niya.
"Sabi ko nga Amo eh, oo na Amo, Amo." sunod sunod kong sabi.
"Sa susunod na balak mong mamitas ng prutas dito mag paalam ka muna sa taga bantay, pag nanakaw ng ginagawa mo." imik niya.
Tumango tango ako, "Ganun ba? Di ko naman kasi alam eh, edi sa susunod mag papaalam na ko. Di ko na kasi matiis ang gutom ko."
"Tch.." rinig kong sabi niya.
Tumalikod na siya at nag lakad palayo. Aba't di ba siya marunong mag paalam?!
Dali dali kong kinuha ang aking cellphone at sinundan siya.
"Wait for me!" sigaw ko.
"Matulog kana, madami kapang gagawin bukas." sabi niya at patuloy padin sa pag lalakad.
"Wait lang! AMO!"
Bigla siyang tumigil sa pag lalakad at dahan dahang humarap saakin.
Napakamot naman ako saaking ulo. "Uhmm.. S-salamat sa pag ligtas saakin kanina." nakayuko kong sabi.
Tiningnan ko ang kaniyang reaksyon pero naka poker face lang siya. Wala talagang emosyon ang taong 'to kahit kelan!
"Sige na! Chupi kana! Goodnight!" sabi ko at padabog na nag lakad papunta saaking tulugan.
"Wala manlang you're welcome!" bulong ko.
Pag kaupo ko ay agad kong kinain ang mansanas habang nakasimangot.
Teka, bakit hindi matigas ang inuupuan ko?
Napatingin ako saaking likuran at mayroon itong latag na gawa sa puno ng bulak.
"Wow! It feels warm and comfy!"
Nawala naman bigla ang inis ko at napangiti.
Ikaw Amo ha. Hihi.
---