CHAPTER 4

Darius' POV

"Gaano katagal na ba simula noong may huling mortal na nakapasok dito? Labing apat na taon?" tanong ni Philomena.

Pumunta siya saaking harapan, "Huwag mo isipin na mangyayare uli iyon, andito lang ak-- uhm.. ang ibig ko sabihin, andito lang kami para tulungan ka sa mga kahaharapin mo."

Tumango lamang ako at umupo.

"Sa tingin ko naman kaya na ng kambal na bato ang pag didilig ng halaman doon kaya inusisa muna kita, Darius."

Nag salin ako ng inumin sa baso at ininom ito.

"Hindi rin naman mag tatagal dito ang mortal na iyon, paniguradong hihingin din noon agad ang gamot na galing kay Ma Buska." dagdag pa niya.

Umiling ako, "Sa susunod na hihingi ako ng gamot sa matanda, iyong pinaka matapang na ang hihingin ko para malinis at wala ni isa talaga siyang maalala dito." sagot ko. "Sakit talaga sa ulo ng mga taong iyan, sinisira nila palagi ang kalikasan."

"Paniguradong bibigyan ka ni Ma Buska ng gamot lalo na't para iyon sa ikakabuti ng ating lugar." sabi niya at pinatong ang kaniyang saaking balikat.

"Mauna na muna ako, may pupuntahan lang ako." sabi ko at di na inintay na siya'y umimik.

Dire-diretso akong nag lakad at pumunta sa lugar kung saan ako nag mumuni muni.

Umakyat ako sa hagdan na mayroon lamang na anim na hakbang.

"Labing apat na taon na pala kayong wala.." bulong ko.

Ito ang lugar kung saan ako lamang ako pu-pwedeng tumuntong. Ang lugar kung saan ko ikinukwento ang mga plano at nararamdaman ko.

Ang puntod nga aking Ama at Ina.

Ni isang beses hindi natuyo ang mga dahon dito sa lugar na ito, ang galing niyo talagang mag alaga.

"Huwag ho kayong mag alala, tuturuan ko lamang ng leksyon ang mortal na iyon bago ko siya pakawalan dito, ngunit kung dadating man ang panahon na hindi siya mag tatanda, wala akong magagawa, siya ang pangalawang mortal na kukuhanin ko ang buhay..."

Sa tuwing naaalala ko ang pangyayari noon, pilit akong nilalamon ng pag sisisi. Hindi ko dapat pinili iyon.

Sana'y kapiling ko pa kayo, Ina, Ama.

--

Sinarado ko na ang pintuan nang kanilang puntod at bumaba.

Pinalagitik ko ang aking daliri upang mapunta sa lugar kung asan ang mortal na iyon.

"Ay kalabaw!!!"

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Bakit ba sulpot ka nang sulpot?!" bulyaw niya.

"Ang inutos ko sayo? Nagawa mo ba?" tanong ko.

Nag pamewang siya at mayabang na humarap saakin, "Well, ofcourse I did! Ano akala mo sakin? Weak?" sarkastiko niyang sabi.

Napansin ko na may mga galos siya sakaniyang braso.

"Talaga ba? Eh ano yan?" tanong ko.

Agad naman niya itong tinakpan, "Wala! Nadapa lang ako!"

"Sa pag kakaalam ko, pag nadadapa tuhod ang nasusugatan, pero wag kana mag paliwanag. Wala din naman kong pakielam kahit mamatay kapa diyan." diretso kong sabi.

Paniguradong dahil sa matatalas na kuko ni Anahita kaya siya nasugatan.

Tiningnan niya naman ako ng masama, "You're so mean!" sigaw niya at halatang inis na inis siya.

"Malapit nang mag dilim, doon ka matutulog." sabi ko saka pumitik sa hangin at nabuo ang dahon na malaki na ipinatong lamang sa apat na kahoy.

"Seryoso kaba?! Wala manlang dingding? Bubong na dahon lang??" reklamo niya.

Wala na bang ibang gagawin ang babaeng ito kundi sumigaw?

"Kung ayaw mo matulog diyan edi sa lupa ka. Ganon lang kadali 'yon mortal." sabi ko.

"Arrggg!!" padabog siyang nag lakad papunta sa ginawa kong bahay niya at hindi padin nawawala ang masama niyang tingin saakin.

Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang.

Tama yan, maasar ka lalo.

"Ruth ang pangalan ko okay?! Tamana kakatawag sakin ni Mortal!" sigaw niya.

Aalis na sana ako ngunit bigla nanaman siyang umimik.

"Sandali!"

"Oh?" walang gana kong sagot.

"Napagod din ako kahit papaano doon ha. W-wala bang pwedeng ano diyan? Hehe.."

Kumunot ang noo ko, "Pwedeng ano? Di kita maintindihan, linawin mo."

Hinimas himas niya ang kaniyang tiyan.

"Gutom ka?"

Sunod sunod siyang tumango.

Pinalabas ko saaking kamay ang isang lalagyan na gawa sa dahon, "Kung ganon heto, manghuli ka ng isda sa ilog."

Tumalikod na ako at simulang mag lakad.

"WHAAAAT?!!!!!"

"Pag hirapan mo kung gusto mong kumain." imik ko.

"NAPAKA SAMA MO TALAGAAA!!!"

"Mag paalam ka kay Anahita." pahabol ko pa at saka kinagat ang aking labi para hindi matawa.

---