CHAPTER 3

Ruth's POV

Matapos ang nangyari kanina ay bigla na lamang umalis si Darius kasama si Philomena. Wala akong ibang gagawin kaya't niyaya ko ang kambal na bato na mag libot libot dito sa lugar.

"Sobrang ganda talaga ng paraiso niyo no!" imik ko.

"Syempre magaling mag alaga si Amo." sagot ni Istong.

Nag mumukhang hindi totoo ang mga bulaklak at puno sa sobrang ganda at sagana nilang tingnan.

"Ito ang bahay namin!" imik nilang dalawa kaya napatingin naman ako sa kanilang sinasabi.

Mukha siyang igloo ngunit gawa sa bato. "Kayo ang gumawa niyan?" tanong ko.

Umiling sila, "Si Amo."

Kumunot ang aking noo, "Bakit Amo ang tawag niyo sakaniya? Bakit si Philomena tinatawag siya sa kaniyang pangalan?"

"Eh kasi siya ang nag alaga saamin simula nang mamatay an---

"Shhh! Ang daldal mo!" pag pigil na batong sa sinasabi niya.

"Ay ang damot naman, bawal ba malaman??" singit ko.

"Mag kasamang lumaki dito si Amo at Philomena kaya marami na silang alam sa isa't isa." sabi ni batong.

Tumango tango ako, "So may namamagitan sa kanila??"

Umiling sila, "Ang puso ni Amo parang kami, BATO." nag hagikhikan sila.

"Pero mukhang may gusto si Philomena sa Amo niyo."

"Alam naman yon ng lahat ng nilalang dito, at wala kaming karapatan na manghimasok."

Hindi na ako muling umimik at nag patuloy sa pag lalakad ngunit nakaramdam ako ng pag galaw ng lupa.

"What's that??" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Nako, gutom nanaman yon!" sabi nila.

"Who??"

Biglang may lumitaw na isang higate, s-siya yung nakita ko na maraming mata ngunit walang ilong.

Akmang tatakbo ako pero hinawakan ako ni Istong. "Saan ka pupunta?" tanong niya.

"He looks like a monster!!" bigla siyang tumingin saamin at kumurap kurap ang kaniyang mata.

Sa tingin ko ay lampas sampu ang mga mata niya.

Shet ang panget!

"Ikaw nanaman mortal?" bigla niyang nilapit ang kaniyang mukha saakin.

Pakiramdam ko naman ay malalagutan ako ng hininga at sunod sunod na napalunok.

"May pagkain ka?" tanong niya.

Diyos ko, ang baho ng hininga!

Sunod sunod akong umiling.

"Eh kung ikaw nalang kaya pagkain ko?"

Nanlaki ang aking mata at pinipilit na makaalis dito ngunit ayaw ako bitawan ni Istong. "MAMA!! MAMA! WAAAAHHHHH!!!"

Alisin niyo na ko dito!!

"Istong bitawan mo ko!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" napatigil ako saaking pagwawala nang biglang tumawa ang higanteng ito. "Akala mo ba pu-pwede iyon?" umiling siya.

"Ako si Barnabas."

Pinilit kong ikalma ang aking sarili.

Ruth kaya mo 'to.

"A-ako si... R-Ruth.." kabado kong sabi.

"Tama lang na libutin mo ang lugar na ito para masanay ka, mukhang hindi ka agad papakawalan ni Amo dahil sa ginawa mo." sabi niya saka naupo kaya't nawalan ako ng balanse dahil sa pag galaw ng lupa.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Ginalit mo ng husto si Amo, pilit ka niyang tinataboy ngunit hindi ka nag papatalo. Parurusahan ka niya panigurado." imik naman ni Istong.

"Tama! Kaya kung gusto mo pang bumalik sa buhay mo doon sundin mo ang ipapagawa niya sayo." sabi ni Barnabas.

"Bakit? Siya ba may ari ng lugar na 'to at ayaw niyang mag papasok ng katulad ko?"

Nag katinginan silang tatlo samantalang ako ay nag iintay ng kanilang sagot.

"Sakaniya iniwan ang lugar na 'to." imik ni Barnabas, "Kung makikita mo, napaka ganda ng kagubatan sa labas diba? At ang punong malaki na nag sisilbing lagusan papunta rito. Siya ang nag aalaga at nag papanatili ng magandang kalikasan." dagdag pa niya.

Nakaramdam naman ako ako ng guilt nang maalala kong inukitan ko ang puno at pinag sasaksak ko pa.

"Bakit siya? Wala ba siyang magulang?"

"Matagal nang wala ang magulang niya." sabi ni Batong.

Tumango tango ako, "That's sad to hear tho."

"Mama ko din wala na." sabi ko. "Simula nung nawala siya nawalan na rin ako ng gana, si Papa wala ng pakielam saakin yon, kaya kung parurusahan man ako ng Amo niyo, bahala siya wala na rin naman akong pakielam sa buhay ko."

Biglang nag karoon ng katahimikan saaming apat, "Ahem.. Anyway, lagi ba talagang nakabusangot ang mukha ng amo niyo?" pag iiba ko ng usapan.

"Ganun talaga 'yon, hindi padin niya siguro nalilimutan ang nangyare noo--

"Shhh!! Ang daldal mo talaga Istong!" pananaway ni Batong.

"Dali na dali---

"Mortal..." napatigil kami nang marinig namin ang boses na iyon.

"Amo." imik ni Barnabas.

"Anong ginagawa niyo?" malamig niyang tanong, "Ano akala niyo dito? Park?"

Tumingin siya kay Barnabas at tinaas ang kaniyang kamay at may biglang lumitaw na baboy ramo, "Kumain kana at pagkatapos ayusin mo ang mga baging doon sa kanluran." utos niya.

"Opo Amo." sagot niya at dahan dahang tumalikod saamin.

Naglipat siya ng tingin "Kayong dalawa, tulungan niyo si Philomena sa pag aayos ng mga halaman."

"Sige po Amo." dali dali silang gumulong palayo saamin.

"How about me? Anong gagawin ko?" masigla kong sabi.

"Ikaw, linisin mo ang ilog."

Huh?

Anong lilinisin ko doon?!

"Malinis na yon!" sagot ko.

"May ilang may dahon na nahulog, at pakainin mo si Anahita."

Nag tataka akong tumingin sakaniya, "Sino si Anahita?"

"Iyong magandang sirena na nag babantay doon."

WHAT?!!!

YUNG PANGIT NA YON?!!!!

"No! Ayoko!!" pag tanggi ko. "Maldita 'yong sirena na yon!"

"Tama ka. Pareho kayo ng ugali." diretso niyang sabi. "Ang pinagkaiba niyo lang marunong siyang rumespeto at mag alaga ng kalikasan."

I raised my eyebrow at akmang iimik ngunit inunahan niya ako.

"Kung kukuda ka lang ulit mas mabuti pang simulan mo na ang pinagagawa ko, bayad mo yan sa mga ginawa mong panggugulo dito, baka nakakalimutan mong may mga nasira kang halaman na matagal bago mamukadkad."

Tumalikod na siya, "Ihanda mo na ang sarili mo Mortal, hindi ka makakalabas ng ganon kadali dito."

Ang boses niya nagbibigay ng lamig sa buong katawan ko, hindi ko alam pero parang hindi ito ang unang beses na nakita ko siya.

"Sisiguraduhin kong hinding hindi mo na gugustuhin na bumalik dito. At mag kakandarapa kang hingin saakin ang gamot na sinayang mo."

---