CHAPTER 2
Ruth's POV
Ilang araw na kong hindi mapakali, gustong gusto ko balikan ang lugar na yon.
Pakiramdam ko may hindi tama, I want to know more about that place.
Kaya heto ako ngayon, dinadala ako ng aking mga paa pabalik sa gubat na 'yon. Malapit na ding kumagat ang dilim, nag sisimula nang lumubog ang araw kaya binuksan ko ang flashlight saaking cellphone.
"Where's the fucking tree?" singhal ko.
Patuloy akong nag lalakad at pilit na inaalala ang mga daan papunta sa punong yon. Nakakaramdam na din ako ng gutom at ngawit sa pag lalakad.
Ilang minuto pa ay naaninag ko na.
"There it is!" dali dali akong nag lakad patungo sa puno.
Napakunot naman ang aking noo, ibang puno yan 'to. "Teka eto ba yon? Bakit nawala yung inukit ko?"
As far as I remember may inukit akong GET LOST dito. But I'm sure ito 'yong puno na 'yon.
Now how can I enter that place? Hmm..
Sinimulan kong mag ikot ikot na parang may sinusundan kagaya noong ginawa ko last time.
Ikot.
Ikot.
Ikot.
Ikot.
Nahihilo na ko pero wala pading nangyayari. The fuck?
Ang layo layo nang pinunta ko tapos wala ako mapapala? Hell no.
Padabog akong nag lalakad paikot sa punong ito ngunit wala pading nangyayare.
"Ayaw mo talaga ha?" kinuha ko ang kutislyo ko saaking bulsa at sinaksak ito sa puno. Paulit ulit ko itong sinasaksak na may halong galit, "Let me enter that damn place!"
"OPEN THIS---- AAAAHHHHHHHH!!!!!"
Heto na.
Makakapasok na ko ulit!
Hinayaan ko lamang ang aking sarili na mahulog at--- AAACCCKKK!!
Nanlaki ang aking mata.
Oh my God.
I was expecting na sa kabute ulit ako babagsak.
"WHAT THE FUCKING HELL?!" reklamo ko, "pweee! Kadiri!!" singhal ko dahil sa isang putikan ako bumagsak.
"Hala siya ulit!"
Nagulat ako ng kaunti nang biglang sumulpot ang bato saaking harapan.
Napalunok ako, "H-hi.." nauutal kong sabi.
"P-paano ka.... nakapasok?" tanong niya.
Akmang sasagot na akong nang biglang humangin ng malakas.
"Nako lagot! Si Amo!" nag pagulong gulong ang bato at iniwan ako.
"Hoooy!! Wait for me!!" sigaw ko, humawak ako sa halaman dahil pakiramdam ko madadala ako sa sobrang lakas ng hangin.
"Intay---
"Hindi ka ba nadadala?"
Ang boses na iyon.
"Ganiyan ba talaga kayong mga tao? Wala kayong ibang gawin kundi manira ng kalikasan?" napaka lamig ng boses niya.
Humina ang hangin sa paligid.
"Noong isang araw nag ukit ka ng kung ano sa puno, tapos ngayon sinasaksak mo?" tumaas ang gilid ng kaniyang labi. "Talaga bang wala kang pakielam sa buhay mo?"
Napalunok ako at pilit na tinatagan ang loob ko, "So ikaw may pakana nito? Dito moko nilagay sa putikan??" pag tataray ko.
Tiningnan niya ako ng seryoso, "Ang damot mo! Masama bang bumisita dito?" dagdag ko pa.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, umalis kana." hinaplos niya ang bulaklak sakaniyang tabi at may sinaboy NANAMAN saakin.
Ito ang ginawa niya noong una kaming nag kita.
"A... aa... ACHUUUU!!!!" kinuskos ko ang aking ilong.
"Sabi ko naman diba allergic ako sa bulaklak!" sabi ko habang sumisinghot.
Kumunot ang kaniyang noo, "Kaya pala naaalala mo pa ang lugar na ito."
Tumalikod siya saakin at nag lakad paalis.
"Hoy! Where are you going??" dali dali akong sumunod sakaniya.
"Hahanap ng paraan para tapusin ang buhay mo." diretso niyang sagot.
"Ang yabang naman nito! Bakit ha? Sayo ba 'tong lugar na to?! Siguro inaalila mo yung mga bato---
Napatigil ko sa pag sasalita nang biglang umangat ang tubig sa ilog at humarap saakin ang lalaking ito na puno ng galit ang mukha.
Oh no..
"Mag dahan dahan ka sa pananalita mo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
Tumaas ang aking kilay, "And what will you d--
WHAT THE FUCK!
MAMA!!!!!
"Tamana! Hoooyy!!! *cough* *cough*" pakiramdam ko ay mapupuno ang aking tiyan ng mga tubig na aking naiinom.
He splashed the water on me! ANG BAHO!
"What the hell was that?!" bulyaw ko.
Ngunit sa halip na sagutin niya ko ay umismid siya, kung di lang gwapo to babanatan ko 'to.
"Pasalamat ka nalang mortal, nilinis kita." sagot niya.
Aba't--
"Darius?"
May biglang lumitaw na babae na kulay blonde ang buhok, marami siyang bulaklak sa ulo at nakasuot ng magandang damit, mukha siyang Dyosa.
"Anong kailangan mo?" sagot ng lalaking ito.
So Darius pangalan niya?
"May nanggugulo nanaman ba?" tanong ng babae, parang di makabasag pinggan ang galaw niya tapos sobrang lambing pa ng boses.
"May isang insekto nanaman na pumasok, kukuhanin ko lang ang gamot na binigay ni tanda." sagot niya sa babae.
Wala bang emosyon ang taong 'to? Parang walang buhay siya mag salita.
At ako ba yung insektong tinutukoy niya?!
Sa isang iglap ay bigla siyang nag laho at naiwan kami ng babaeng ito.
Inikot ikot ko ang aking paningin, "Hala saan siya nag punta??" gulat kong tanong.
"May kukunin." maikli niyang sagot.
"Hi, I'm Ruth." pakilala ko saka ngumiti ngunit tiningnan niya lang ang kamay na aking nilahad.
Suplada.
"How about you? Ano pangalan mo?" tanong ko.
Bumuntong hininga siya, "Kung sabagay, makakalimutan mo din naman 'to. Ako si Philomena."
Ano raw?
"Pftttt---
Hindi ko napigilang matawa. Philomena?! Seriously? Ang luma ng pangalan niya.
Napansin niya siguro na natatawa ako kaya't kinagat ko ang aking labi.
"Ikaw nanaman?!"
Ang boses na iyon.
Tumingin ako saaking likuran.
Ang dalawang bato.
"Hi!" bati ko.
"Bakit andito ka ulit?" tanong noong isa sa kanan.
I shrugged my shoulders, "I honestly don't know, dinadala ako ng mga paa ko dito."
"Pero sinabuyan kana ng bulaklak ni amo, dapat hindi mo na maalala ng lugar na 'to." imik naman ng isang bato sa kaliwa.
"Teka teka nga, kambal ba kayo? Ano bang pangalan niyo para hindi ako malito." sabi ko.
"Ako si Istong."
"Ako si Batong."
Napangiti naman ako dahil sa cute ng boses nila, "Aww! Sarap niyo iuwi!"
"Sigurado kabang makakauwi ka mortal?"
Biglang may sumilip na sirena sa ilog, hindi siya yung tipikal na sirena sa palabas. Nakakatakot ang itsura niya, matatalas ang ngipin. Nakakatakot ang ngiti na binibigay niya saakin.
"Hindi lahat ng nakakapasok dito, nakakalabas pa ng buhay. Sinayang mo ang pag kakataon na binigay sayo ni Amo." imik niyang muli bago lumubog sa tubig.
Ano ba tong lugar na 'to?
Muli nanaman akong nakakaramdam ng kaba.
Kasalanan ko bang nadiskubre ko ang lugar na 'to?
"Mortal."
"Ay kalabaw!!" napaatras ako ng biglang lumitaw saaking harap si..
"Ginulat mo 'ko Darius!" imik ko.
Napansin ko naman na nag iba ang expresyon ni Batong, Istong at ni Philomena.
"Wala kang karapatan na tawagin ako saaking pangalan."
Marahas niyang inabot saakin ang isang bote na gawa sa kahoy.
"Inumin mo yan at huwag na huwag ka nang babalik." matalim niyang sabi.
Tiningnan ko ang aking hawak at inamoy ito. Parang alak.
"Bakit ba ayaw mo akong papuntahin dito?" tanong ko.
Nag igting naman ang kaniyang panga.
"Ang sabi ko inumin mo na yan, tamana ang satsat mortal!"
No.
Inangat ko ang bote at saka ito binaligtad na naging dahilan sa pag katapon ng laman nito, tinitigan ko siya sa mata habang taas noo na pinapakita sakaniya ang aking ginawa.
"Oopss natapon!" sarkastiko kong sabi.
"Pag sisisihan mo ang ginawa mo, KALULUWANG LIGAW." matalim niyang sabi.
Ha? Ako?
Kaluluwang ligaw?
---