CHAPTER 1

Ruth's POV

"Are you sure okay ka lang???" nag aalala nilang tanong.

Ininom ko ang tubig na inabot ni Joseph.

"What happened?" nag tataka kong tanong.

"You passed out." nag aalala niyang sabi. "Hinahanap ka namin because we're about to start pero naabutan ka nila Paul na nakahandusay malapit doon sa malaking puno." dagdag niya pa.

"Oh my God..." bulong ko.

Yung puno.

"Ano ba kasi nangyare sayo??"

Humarap ako sa kanila, "So dun niyo ako nakita sa paraiso??" tanong ko.

Kumunot naman ang kanilang noo, "Paraiso? Anong pairaso?"

Sunod sunod akong tumango, "Yes! Yung may mga kabute na malalaki tapos yung bato, yung higante, yung walang mukha, yung gwapo---

"Are you high Ruth?!" naiiritang tanong ni Rhea. "Anong pinag sasabi mo?!"

"Baka naengkanto si Ruth!" sigaw ng isa kong kaklase kaya naman nag silayuan sila saakin.

"Omg!"

"Hala"

"Oo nga! Umuwi na tayoooo!"

"Ruth are you sure okay ka lang? Dalhin kana namin sa hospital." sabi ni Joseph.

Umiling ako, "I'm okay, alam ko ang sinasabi ko! If you want isasama ko kayo doon, at pwede rin tayong mag shoot don!"

Nakita ko ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha at para bang ayaw nilang maniwala saakin.

Biglang may pumasok sa isip ko at agad kong kinuha ang aking cellphone. "Ayaw niyo talaga maniwala ha? I took some pictures!" dali dali kong hinanap sa gallery ang mga litrato na kinuha ko doon sa magandang lugar.

Ngunit laking gulat ko na tanging mga simpleng puno lang ang nakuhanan, "Teka asan yun..." bulong ko. Naiba ang mga litrato.

"Tss.. Look, enough na Ruth. Baka pagod kana, bukas nalang uli tayo mag shoot malayo layo pa naman ang deadline nito." sabi ni Rhea at nag simula na silang mag ayos ng gamit.

Napaupo ako at napahawak saaking sentido, "Hindi ako pwedeng mag kamali." bulong ko.

Naramdaman ko na may umupo saaking tabi, "Sabay kana samin nila Paul, ihahatid kana namin sainyo baka mamaya mahilo ka uli." sabi ni Joseph.

Tumango na lamang ako at kinuha ang aking gamit.

---

"Gusto niyo ba kain muna tayo? Nagugutom na ko!" daing ni Paul.

Humarap naman saakin si Joseph na nakaupo sa unahan ng kotse ni Paul.

"Tara Ruth? Libre ko!" imik niya.

"Wala akong gana." sabi ko.

"You look pale, nag aalala ako." sabi niya.

Bumalik ang tingin ko sa bintana, "I'm okay, mas gusto ko lang mag pahinga."

"Okay then, idlip ka muna gigisingin ka nalang namin pag nasa bahay niyo na."

Hindi padin mawala sa isip ko yung nangyare kanina, hindi yon panaginip. Kinuha ko ang salamin saaking bag at tinapat ito saaking leeg.

Hinawi ko ang aking buhok at nanlaki ang aking mata nang makita ko ang di kalakihang hiwa dito. "I knew it!" sabi ko saaking isip.

Hinawakan ko ito at, "Ouch!"

"Why?? What happened?" gulat na tanong ni Joseph pati si Paul ay kita kong nakatingin.

Umiling ako, "W-wala, uhm.. Nangawit lang yung leeg ko. Don't mind me."

Umasta ako na parang kalmado para maniwala sila saakin.

It's not a dream. I knew it.

Kinuha ko ang aking cellphone at muling tiningnan ang mga litrato ngunit walang nabago. How the fuck? Bakit ba kasi naiba yung mga photos.

"We're here"

Nagulat ako nang biglang umimik si Paul, andito na pala kami sa tapat ng bahay. "Uhm.. Thank you sa pag hahatid, and sorry sa kanina." sabi ko.

"Don't worry, it's okay. Pagod na din halos lahat kanina so naiintindihan ka namin." sagot ni Joseph.

Ngumiti lamang ako at bumaba na ng sasakyan, "Ingat kayo, drive safely." sabi ko bago saraduhan ang pinto.

Hindi ko na sila niyaya na pumasok dahil gusto ko na rin mag pahinga, napabuntong hininga na lamang ako nang humakbang na ang aking paa papasok sa loob ng bahay.

Here goes the same shits.

Pag pumapasok ako sa bahay na 'to pakiramdam ko isa lang akong multo.

Mapapansin lang pag may ginawang mali, kaya nga siguro puro pag kakamali nagagawa ko.

Nakita ko siyang nakaupo at nanonood ng balita sa telebisyon. Himala yata ang aga niyang umuwi.

Nag kunwari nalang akong walang pakielam at umakyat sa kwarto. Tutal hindi rin naman niya ako kakamustahin.

"Iha! Andiyan kana pala, halika may meryenda dito." imik ni Manang Celi.

"No thanks, papahinga na ho ako." walang gana kong sabi saka sinaraduhan ang pinto.

Basta ko nalang hinagis ang aking bag at pabagsak na humiga sa kama.

I heavily sighed.

*knock*

*knock*

"Ruth? Pinapatawag ka ng Papa mo, may sasabihin daw siya sayo." imik ni Manang Celi.

Napakunot ang aking noo at walang ganang bumangon, "Wow ano nanaman kayang kasalanan ko." sarkastiko kong bulong.

Binuksan ko na ang pinto at saka bumaba ng hagdan.

Lumapit ako sakaniyang puwesto at pinag krus ang aking braso habang siya ay seryosong nakatingin sa mga papel sa lamesa.

"13/60"

"21/70"

"9/40"

"24/100"

"Ni isa wala kang naipasa, Ruth?" he coldy said. "Ganon ba kahirap mag aral? Ano bang pinag gagagawa mo sa buhay? Gusto mo bang bumagsak nanaman?!"

Hindi ako nakaimik.

"Eh kahit nga mga quizes mo wala kang naiipasa! Paano mo mababawi ang mga bagsak mong exams?!" inalis niya ang kaniyang salamin at hinilot ang kaniyang sentido.

"Are you done?" walang gana kong tanong, "I'm tired, I wanna rest--

"Ayan! Diyan ka magaling! I'm so disappointed to you Ruth!"

Wala na bang bago? Lagi ko nalang naririnig yan.

"I know Pa, I know." sabi ko at padabog na bumalik sa kwarto.

Napasandal ako saaking pinto at pinipigilan ang pag tulo ng aking luha. "God... Di kapa nasanay Ruth." bulong ko at pinunas ang aking luha.

Sa araw araw na pag gising ko, wala naman akong ibang nararamdaman. I always feel numb and lifeless.

Iniintay ko na nga lang na kunin ako ni Lord pero mukhang hindi siya ang kukuha saakin dahil sa mga kalokohan ko.

Kinuha ko ang aking maliit na kutsilyo saaking bulsa.

Ilang beses ko nang gustong gawin.

Gusto ko nang matapos.

Tinapat ko ito saaking pulso.

Alisin niyo na ko sa mundong 'to.

"Kinakausap kita, sumagot ka kung ayaw mong kunin ko ang buhay mo."

"Edi kunin mo, tutal wala na din namang silbi ang buhay ko."

---