CHAPTER 13

Darius' POV

Baka nag kataon lang.

Hindi naman malabo na may ibang tao na may ganong pananaw sa mga hayop.

Pilit kong winawaksi ang sinabi niya kanina, kaya't pati ang kasunod na gawain ay nakalimutan ko.

Nag lalakad ako ngayon patungo sa kanilang kanaroroonan para mag utos.

"Parang ang haba naman ng pangalan mo Ruth, eh diba mabilis nga lang ibigkas ang pangalan mo."

"Sinusulat ko kasi ang buo kong pangalan." rinig kong sabi niya. "Ayan! Tapos na!"

"Paano iyan bigkasin?"

"Ezra Ruth De la Vega."

Napatigil ako sa pag lalakad at pakiramdam ko ay nahulog ang aking puso at nanlamig ang buong katawan ko.

Hindi.

Hindi maaari.

"Ezra? Pamilyar ang pangalan mo, parang narinig ko na iyon."

"Talaga? Saan?"

Napaatras ako at saka tumalikod at mabalis na nag lakad palayo sa kinaroroonan niya.

Ezra.

Bumalik ka.

--

• Flashback

"Sigurado kabang hindi ka nasundan ng Mama at Papa mo?" tanong ko.

"Oo Da, atsaka hindi rin naman ako mag tatagal dito. Baka hanapin ako ng mga 'yon." sabi niya.

Nilahad ko ang aking kamay at agad niya itong tinanggap.

"Ready?"

She nodded.

Sabay kaming nag tampisaw sa mababaw na parte nitong talon. "Waaahhhh! Ang lamig Da!" sabi niya.

"Palibhasa hindi ka naliligo Ezra!" pang aasar ko.

"Hoooyy! Pinaliguan kaya ko ni Mama." sabi niya saka ngumuso.

Pinisil ko naman ang pisngi niya.

"Oo na. Naliligo kana."

Biglang nag karoon ng ingay at napatingin kami sa pinang gagalingan noon, dadaan pala ang mga nag babantay.

"Aaayyy! Ang cute talaga nila! Iba iba kulay ng mga kabayo!" sabi niya.

"Pero diba nga, sabi ko sayo...

... baka mahirapan at masaktan pa sila. Animals are friends! And we don't want our friends to get hurt!" sabi ko.

"Ofcourse! Lagi kong naalala yang sinabi mo Da!"

"Darius? Ezra?"

Napatigil kami sa pag lalaro nang marinig namin ang pag tawag ni Ina.

"Poooooo?" sabay naming tugon.

"Huwag na kayo diyan mag laro, mababasa ang damit ni Ezra at baka mag taka ang magulang niya." sabi ni Ina at kasama niya din si Philomena na nakatingin saamin.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ezra at sabay na napakamot sa ulo.

"Mag didilim na, ihatid na natin si Ezra sa may lagusan."

Tumango kami at nag lakad na.

Habang nag lalakad ay nakaangla ang kaniyang braso saakin.

"Ezra! Uuwi kana ba?" tanong ni Anahita nang madaanan namin ang ilog.

"Oo, baka hanapin na ko saamin e, pakisabi nalang din kay Batong at Istong pati kay Barnabas ha!" sabi niya.

Nang makarating kami sa lagusan ay humarap muna siya, "Bukas nalang uli ako babalik ha?" paalam niya.

Kinuha ko ang kaniyang kamay, at hinawakan niya din ang akin.

"Ang lugar na limlim ay mananatiling lihim, sa pagitan nating dalawa, ikaw at ako ay mananatiling mag kasama." sabay naming binigkas bago siya tumaas sa kanilang mundo.

Palagi naming sinasabi ang mga salitang iyon sa halip na paalam o goodbye.

"Kayo talagang mga bata kayo. Buti nalang napaka bait na bata niyang si Ezra." sabi ni Ina.

"Ina, pwede po bang lumabas ako dito bukas? Para matantya po namin ni Ezra ang oras. Iba po kasi ang oras natin dito sa oras nila eh."

"Anak."

Boses iyon ni Ama.

"Pinapaalalahanan lamang kita, baka mamaya matuklasan din ito ng mga magulang ni Ezra at mag karoon ng gulo." seryoso niyang sabi.

"Nangako naman po siya na hindi niya sasabihin kahit kanino Ama." sabi ko naman.

"Anim na gulang pa lamang si Ezra at ikaw walo na, ang mga edad niyo ay kailangan pa ng gabay ng magulang. Paano siya makakapamuhay ng maayos sa tunay na buhay kung may ganito siyang nalalaman?"

"Pero Ama--

"Hindi naman kita binabawalan anak, may kakayahan kang lumabas ng mundong ito. Sa tao kapa nga pinag lihi ng iyong ina. Pero hindi mag tatagal, kailangan nang kalimutan ni Ezra ang lugar na 'to."

• End.

Nakilala ko siya sa mundo nila, lumabas ako para mag laro ngunit sa hindi inaasahang pag kakataon ay nakasalubong ko siya at inakala niyang isa akong tao.

Naging mag kaibigan kami.

Matalik na mag kaibigan.

Hanggang sa isang araw sinundan niya ako pauwi at natagpuan niya ang lugar na ito.

Hindi ako nakapag sinungaling sakaniya at sinabi ko ang tunay na ako at kung anong mayroon sa lugar na ito, akala ko matatakot siya at iiwas na. Pero simula noon ay bumabalik balik na siya palagi dito.

Napaka gandang pakinggan ng mga tawa niya.

Yung mga mata niya na palaging nangungusap.

Yung ilong niya na palaging namumula pag napapalapit siya sa mga bulaklak.

Mga bata pa nga kami noon, kaya hindi pa namin iniisip ang mga bagay bagay.

Mga bagay bagay na maaaring mag bigay ng kapahamakan saaming mga hindi Mortal, pati sa kanila.

At kung alam ko lang....

Nakinig sana ako kay Ama at agad na pinutol ang ugnayan namin.

Edi sana hindi nangyare ang trahedyang iyon.

Kailangan kong alisin ka ulit sa buhay ko, Ezra.

---