CHAPTER 12
Darius' POV
Nauuna akong mag lakad sa Mortal na ito at pansin 'kong simula nang pinuntahan ko siya sakaniyang silong ay palagi siyang nakatulala at malalim ang iniisip.
Hindi siya madaldal tulad noong mga nakaraang araw.
Mabuti naman at naisipan niyang tumahimik.
"Handa kana ba sa trabaho mo ngayon?" tanong ko habang nag lalakad.
Lumingon ako sakaniya at tumatango tango lang siya.
"Sa lagay mong yan mukha kang Mortal na may hang over."
"May alak din ba dito?" bigla niyang tanong.
"Meron."
"Talaga?? Pahing--
"Tumigil ka Mortal, ke aga aga alak agad iniisip mo, babae ka, hindi ka dapat nag lalasing." sabi ko.
Ngumuso siya, "So kayong lalaki lang ang pwede?"
Nag kibit balikat ako, "Hindi bagay sayo mag lasing." sabi ko at tuloy tuloy nang nag lakad papunta sa dakong.
Mga ilang minuto pang lakad ay nakarating na kami.
"Ihanay mo yang mga sariwang damo." utos ko sakaniya.
"Straight line?" tanong niya.
"Pwede naman, pwede din na kahit saan mo ilagay diyan. Sigurado akong kakainin nila yan." sabi ko.
Agad naman siyang sumunod at nilagay na ang mga damo sa lupa.
Siguradong maya maya ay mag pupuntahan na sila dito.
Nakatingin lamang ako sa pag lalagay niya ng mga damo at wari ko'y may lungkot siyang tinataglay ngayong araw.
Dapat ko bang tanungin?
Hindi.
Ano namang mapapala ko?
Hinila niya ang sako at tahimik pading ginagawa ang kaniyang trabaho.
Mukha siyang mataray, at maarte ngunit pag natitigan at makilala mo siya mababago din naman kahit papaano ang inaakala mo.
Mainitin lang ulo niya at mukhang sanay siyang nag uutos sa iba. Marahil dahil sa buhay na mayroon siya sa itaas.
Hindi ako nahihirapan na basahin minsan ang isip niya, eh samantalang ngayon ko lang naman siya nakasalamuha.
"Ubos na." bigla niyang imik, "Nailagay ko na ang laman nitong sako."
"Mabuti, iintay intayin nalang natin na dumating sila. Pag katapos ay nakaabang na ang susunod mong trabaho."
Tumango lamang siya at naupo sa lupa.
Ilang segundo pa ay talagang hindi siya umiimik at mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko.
Napakamot naman ako saaking batok, "Salamat sa dahilan ng iyong lungkot, nawala ang kadaldalan mo." pag basag ko sa katahimikan.
Tumingin siya saakin at inirapan ako.
"Kaya mo pa ba ang mga trabaho dito? O baka naman gusto mo nang umalis kaya ka nag kakaganyan." sabi ko.
Umiling siya, "Kaya ko pa. I just... " hindi niya tinuloy ang kaniyang sinasabi.
"Ano Mortal?" tanong ko.
"Namiss ko lang si Mama." malungkot niyang sabi.
"Edi gusto mo na ngang umalis sa lugar na ito para makasama siya, tinatanggi mo pa." sarkastiko kong sabi.
"Kahit pa umalis ako sa lugar na 'to, hindi ko na siya makakasama."
Napakunot ang aking noo.
"Matagal na siyang nasa heaven.."
"Kinalulungkot kong malaman iyan." I sincerely said.
"Ikaw? Don't you miss your parents? I heard ikaw nalang naman andito eh." napahawak siya sakaniyang bibig, "Oppss! Sorry wag ka magalit kina kambal ako talaga nag tanong non."
Tumango ako, "Ayos lang, makakalimutan mo din naman 'tong lugar na to at lahat ng nalalaman mo dito, sa tinakdang araw ng pag labas mo."
"Why can't you just retain my memory here? I promise I won't tell to anyone! Gusto ko lang naman sanang balik balikan ang lugar na 'to, you know. To visi--
"Gaya ng sinabi ko noon, hindi ito isang pasyalan o parke Mortal." seryoso kong sabi.
"Ang isang katulad mo, hindi dapat nalalaman ang lugar na ito." dagdag ko pa.
"Why?"
"Kaya nga may mundo kayo sa ibabaw, isang maling desisyon ang mag papasok ng kagaya mo dito, baka dumating nanaman ang isang trahedya."
"Did someone like me brought a tragedy here--
Napatigil siya sa pag sasalita nang nag si datingan na ang aming mga hinihintay.
"Omg..." sabi niya. "SO PRETTTYYYYY!!!"
Agad nilang kinain ang mga damo na nasa lupa.
Ang mga kabayong puti na iba't iba ang kulay ng buhok. Sila ang nag babantay ng bawat sulok ng lugar na ito, mga manlalakbay.
Nag niningning naman ang mata ng Mortal ng makita ang mga kabayo.
Napansin kong lumalapit siya sa mga ito na akala mo'y bata.
"Gusto mong subukan sumakay sa kanila?" tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay at nagulat ako sakaniyang sinabi.
"No! Baka mahirapan at masaktan pa sila. Someone told me that animals are friends! And we don't want our friends to get hurt!"
---
Ruth's POV
Ano kayang nangyare doon sa masungit na 'yon, akala ko may trabaho pa ko pag katapos mag pakain doon sa mga cute na kabayo pero bigla siyang nag laho nang walang pasabi.
"Hala ka Ruth, baka ginalit mo si Amo." pananakot ni Anahita.
"Bruha ka, hindi nga. Niyaya pa nga niya ko sumakay doon sa kabayo pero tumanggi ako."
Nakaupo kami ngayon sa may ilog at nag papahangin.
"Naku hindi pa kayo nasanay kay Amo, ganon talaga iyon, noon pa man." sabi naman ni Barnabas.
"Oo nga, kaya huwag kana mag alala Ruth, mag laro nalang tayo!" yaya ng kambal.
"Oh sige! Pero anong klaseng laro?" tanong ko.
"Andaya niyo naman kung tagu-taguan ang lalaruin! Paano ako sasali?" reklamo ni Anahita.
"Eh kung patagalan nalang kaya sa tubig??" imik niyang muli.
"Aba! Edi ikaw naman ang madaya!" sabay sabay naming sabi kaya nag tawanan kami.
May nakita akong isang patpat at kinuha ko ito, "Teka, marunong ba kayong mag sulat?" tanong ko.
Sabay sabay naman silang umiling, "Kaunting kaalaman lang ang mayroon kami."
"Ganon ba. Turuan ko nalang kayong isulat ang mga pangalan niyo dali, kuha kayo ng kahit anong stick o patpat." sabi ko at agad naman silang nag hanap.
"Ako din! Ihanap niyo!" sigaw ni Anahita.
Agad naman silang may nahanap na kaniya kaniyang panulat.
"Ikaw muna Batong. Halika." lumapit siya saakin at hinawakan ko ang kaniyang kamay saka ginabayan sa pag susulat.
B..... A.... T.... O.... N.... G
"Ayan! Batong.." natutuwa siyang sabi.
"Ako naman! Ako naman!" sabi ni Barnabas.
"Teka, dahan dahan nagalaw ang lupa!" sabi ko dahil masyado yata siyang naeexcite, nakalimuta niyang higate siya.
"Hehehe paumanhin."
Teka paano ko siya tuturuan? Ang laki ng kamay niya.
"Ganito, isusulat ko ang pangalan mo tapos gayahin mo. Okay ba?" sabi ko at sunod sunod naman siyang tumango.
B.... A.... R... N... A..... B... A... S...
"Gayahin mo yan ha? Oh ikaw naman Istong." hinawakan ko ang kaniyang kamay at sinulat sa lupa ang kaniyang pangalan.
I.... S.... T... O.... N... G...
"Ohhh! Ako na! Ako na!" presinta ni Anahanita.
"Isusulat ko din ang pangalan mo tapos gayahin mo." sabi ko at sunod sunod naman siyang tumango.
A.... N.... A.... H... I.... T..... A
Pinapanood ko silang mag sulat sa lupa at mukhang natutuwa naman sila, "Oh dapat sa susunod kabisado niyo na yan ha? Ulitin uli natin bukas." sabi ko.
"Sige! Sige!"
"Teka, dapat ikaw din Ruth. Isulat mo ang buo mong pangalan." sabi ni Istong.
"Sure!" pinulot ko uli ang aking stick at sinimulan nang isulat ang pangalan ko.
"Parang ang haba naman ng pangalan mo Ruth, eh diba mabilis nga lang ibigkas ang pangalan mo." puna ni Barnabas.
"Sinusulat ko kasi ang buo kong pangalan." sabi ko. "Ayan! Tapos na!"
Sinilip nila ang aking sinulat. "Paano iyan bigkasin?"
Biglang dumilim ang langit.
"Ezra Ruth De la Vega."
---