CHAPTER 14
Darius' POV
"TANDA!!!" sigaw ko nang makarating ako sakaniyang bahay.
"LUMABAS KA DIYAN!! AYOKONG NAG HIHINTAY!"
Bumukas ang pinto at lumabas ang matanda, kinuwelyuhan ko siya nang napaka higpit.
"Alam mo 'to diba?! Pinalano mo siguro 'to?!!" inis na inis kong sabi.
"Ang alin? Si.. E-Ezra ba?" nahihirapan niyang sabi.
"ANO BANG BALAK MONG GAWIN SA BUHAY KO?! PINAG SISISIHAN KO NA NGA IYON! BAKIT KAILANGAN MO PA SIYANG DALHIN ULI DITO!" sigaw ko.
"S-sandali lang, hindi ko kagagawan na dinala uli siya ng kaniyang mga paa sa lugar na ito. Naging parte siya ng mundo mo Darius.."
Patulak ko siyang binitawan at napaupo siya.
"Siguro ay wala siyang naaalala tungkol dito kaya hindi ka niya kilala, pero sinasabi ko ang totoo iho, hindi ako ang nag dala sakaniya dito. Marahil ang gamot ay tumalab sakaniya noong bata pa kayo, ngunit may nakatatak padin sakaniyang puso--
"PWES PALPAK ANG GAMOT MO!" pag putol ko sakaniyang sinasabi.
"Ibigay mo sakin ang gamot na pinapagawa ko sayo NGAYON DIN. Kailangan niyang umalis dito." malamig kong sabi.
"Sigurado ka sa desisyon mo? Hindi ba't hinihintay mo siyang bumali--
"TUMAHIMIK KA TANDA!" pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang galit. "Gawin mo nalang ang trabaho mo para wala tayong problema."
Huminga siya ng malalim at tinaas niya ang kaniyang kamay at lumitaw sa ere ang gamot, agad ko itong kinuha at saka nag laho.
I'm going to get rid of you.
---
Ruth's POV
Nakahiga ako ngayon saaking silong at nag lalaro ng Benji Bananas saaking cellphone.
"Aish!" inis kong sabi, hindi padin ako makaalis sa level na 'to.
Buti nalang di nallowbatt dito phone ko.
Matapos naming mag sulat kanina, parang nawala din sa sarili sina Anahita, kaya nag pahinga nalang muna ako sa silong ko, baka pati umulan kasi madilim ang langit.
Simula din kanina ay hindi pa ulit nag papakita si Darius. Saan nanaman kaya nag punta iyon?
Nag patuloy nalang uli ako sa pag lalaro at maya maya pa'y unti unti nang pumapatak ang ulan.
"Teka, so ibig sabihin badtrip nanaman siya?" bulong ko.
Napaupo naman ako at nag isip isip kung may kasalanan nanaman akong nagawa, pero pakiramdaman ko wala naman eh.
"MORTAL."
"AY KALABAW KA!!" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang hawiin ni Darius ang aking silong.
"Saan kaba galing--
He cut me off at may boteng hinagis saakin.
"Inumin mo yan! Wag kanang mag salita pa." seryoso niyang sabi at sobrang sama ng tingin saakin.
"Ano 'to?" tanong ko.
Napapikit siya at wari ko'y naiinis na.
"JUST DRINK IT! FUCK!"
Tiningnan ko siya at mata, mga tatlong segundo lamang ay umiwas siya.
Tumayo ako at lumapit sakaniya.
"Ito ba ang gamot na pampawala ng memorya ko dito?" tanong ko.
"Mahirap bang sundin ako?!" sigaw niya.
"Mahirap bang sagutin ang tanong ko?!" sigaw ko pabalik.
"Tangina.. OO! Yan yung gamot! Now drink!"
Umiling ako, "Bakit biglaan? Tapos na ba ang trabaho ko dito?"
Biglang kumulog ng malakas at nagulat ako ng bahagya kaya napalapit ako ng kaunti kay Darius pero umatras siya.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo kaluluwang ligaw?!"
Bakit ba inis na inis siya?
"Ano bang ginawa ko?!" tanong ko.
Nag babadya na ang luha ko, ito ang pinaka ayaw kong pakiramdam sa lahat. Ang tinataboy ako.
Pakiramdam ko nawawalan nanaman ako ng silbi.
"Wag mokong iyakan, ang sabi ko inumin mo yan Mortal!" malamig niyang sabi.
Tinanggal ko ang takip nitong bote at hinagis kung saan, "Bigyan moko ng magandang rason bakit ko kailangan inumin ang laman nito, DARIUS?"
Napansin kong bumibigat ang pag hinga niya at namumula na siya sa galit.
Hinawakan niya ako sa leeg at marahas na tinulak sa puno.
*aaaccckk*
Nakaharang ang kaniyang dalawang braso saakin, he's cornering me.
"Are you gonna kill me?" pabulong kong sabi.
"You're the one who's trying to kill yourself.." sabi niya at nag tataka naman akong tumingin sakaniya.
He smirked at me, "Don't you remember?" lumapit siya saakin lalo at naramdaman ko ang labi niya sa tenga ko. He's giving me chills.
"Kaya mabilis kang napapadpad dito, wala ka sa katawang tao mo, you tried killing yourself."
Nanlaki ang aking mata sakaniyang sinabi.
"Diba may kutsilyo ka laging dala? Hindi ba't iyon ang ginamit mo para hiwain ang pulso mo at sinabayan mo pa ng pag inom ng sari-saring gamot.."
Sunod sunod na tumulo ang luha saaking mata.
"No..." bulong ko.
Tama siya, bigla kong naalala ang ginawa ko.
"You're in the state of Coma, ang katawang tao mo mag da-dalawang buwan na sa hospital, hindi mo ba alam na andaming taong nag hihintay sayo, Ezra?"
No..
No..
Lumayo siya saakin at tiningnan lamang ako.
"Kaya kung ako sayo, iinumin ko na yan para makabalik kana sa mundo mo doon sa itaas! Pasalamat ka nga nakita ka ng katulong niyo at nadala ka agad sa hospital!"
Nanlalabo na ang paningin dahil sa mga namumuong luha, tumalikod naman saakin si Darius.
Nagawa ko iyon, tinangka ko kung kunin ang sarili kong buhay.
"Tatawagin ko ang mga bato para maihatid ka." seryoso niyang sabi ngunit hinawakan ko siya sa braso.
Nakatingin siya sa kamay kong nakalapat sakaniya. "B-bakit hindi nalang ikaw mag hatid s-sakin?" tanong ko.
Marahas niyang iniwas ang braso niya saakin.
Ang boteng hawak ko ay may natatapon ng laman.
"Naduduwag kaba, Darius?" lakas loob kong tanong, "Oh baka naman ayaw mo 'kong makitang umalis?"
Pag kasabi ko noon ay awtomatikong bumuhos ang ulan at napaka lakas na hangin.
"Ano? Galit ka nanaman? Anong nakakagalit sa tanon--
Lumapit siya saakin at muli nanaman akong hinawakan sa leeg. "Bakit ko pipigilan ang taong nag bigay ng trahedya dito?" he clenched his jaw.
What?
Hindi ko siya maintindihan.
Nakahawak ang isang kamay ko sa may braso niya dahil humihigpit ang pag hawak niya sa leeg ko.
"Tamana... Da..." halos pabulong kong sabi.
Nag iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha at binitawan ako.
"Wala kana bang ibang gagawin kundi ang galitin at bwistin ako? Mortal?" tanong niya.
Tumingin ako sakaniya, "May pangalan ako, hindi basta Mortal. Ruth! Aalis na ko't lahat you can't even call me by my name, DARIUS!"
He gave me the coldest stare, "Umalis kana, lisanin mo na ang mundong ito, EZRA."
Napakunot ang aking noo, "How did you--
"PUTANGINA! INUMIN MO NA!!" sigaw niya at biglang kumulog.
Nag sisimula na akong matakot sakaniya, at naiisip ko din ang mga taong nag iintay saakin sa itaas. Kung mayroon man.
Inaamin kong nag sasawa na ako sa buhay ko, all of the disappointments and failures na naiibigay ko. Sawang sawa na ko that's why nag stay ako dito. I can even call this my getaway paradise.
Gustong gusto ko nang humagulhol dahil sa pilit niyang pag tataboy saakin, "F-Fine... I'll drink t-this." nauutal kong sabi.
Nangangatal kong itinapat ito saaking labi.
Ramdam kong nakatingin siya saakin, kaya tumingin din ako sakaniya with all my heartaches.
Biglaan ko itong binuhos at kasabay ang pag pikit ng aking mga mata.
---