CHAPTER 11
Ruth's POV
"Talaga? Ginawa 'yon ni Amo??" di makapaniwalang tanong nina Kambal at Barnabas.
"Oo nga, grabe ganda pala ng bahay niya." sabi ko.
"Maswerte ka, hindi lahat pwedeng pumasok sa bahay niya." sabi ni Barnabas.
"Hindi paba kayo nakapasok sa bahay niya?"
"Ako hindi pwede." pabirong sabi ni Barnabas dahil sa taglay niyang kalakihan.
"Kami nakapasok na, pero matagal na 'yon, ilang taon na din nakakalipas." sabi ni Istong.
"Kadalasang nakakapasok doon si Philomena, ngunit may pag kakataon din na ayaw talaga mag papasok ni Amo." sabi naman ni Batong.
Tumango tango naman ako.
"At alam mo ba, may isang lugar dito na kahit sino, miski si Philomena hindi pa nakakapasok, tanging si Amo lang." imik ni Batong.
"Really? Saan 'yon?" tanong ko.
"Yung puntod ng magulang niya, hinding hindi ka makakapasok doon hangga't walang permisyon galing kay Amo, tanging siya lamang ang pu-pwede doon."
Tumango tango ako, "Masyado sigurong sagrado ang lugar na iyon para sakaniya, kaya ni isa dito walang pu-pwede bukod sakaniya." sabi ko naman.
"Hindi mo aakalain na puntod ang lugar na iyon, napaka ganda ng ayos at sagana ang mga halaman."
Well, wala naman ako balak na usisain ang lugar na iyon. Irerespeto ko na lamang dahil baka magalit nanaman iyon saakin.
"Nakakatuwa naman isipin na pinatuloy ka niya at pinag luto." sabi ni Batong.
"At... Pinasuot sayo ang damit kahit na waang nangya--
"Sssshhhhh!!!" tinakpan ko ang bibig ni Istong dahil ipapaalala nanaman niya ang simbolo ng damit na 'to.
"Aish! Hindi ko naman alam e! Atsaka WALA OKAY? WALANG NANGYARE!"
Narinig ko ang kanilang hagikhikan at talagang inaasar nanaman ako.
"Teka saan ka nga pala uli tutuloy? Nawala na yung silong mo dahil sa galit ni Amo." tanong ni Istong.
"Edi mag papagawa nalang uli ako sakaniya, kung di lang siya nag galit galitan edi di sana nasira yon!" inis kong sabi.
"Sigurado kabang hindi ikaw dahilan ng galit niya?" tanong nila.
"Oo! Siguradong sigurado ako, nag punta ako doon sa bahay niya bumabagyo na." depensa ko.
"Hahanapin ko muna uli yang si Darius-- este si Amo, mag didilim na kailangan ko ng bagong masisilungan." sabi ko at tumayo mula sa pag kakaupo.
"Sige Ruth! Balik ka agad ah!"
Nag lakad na ako papunta sakaniyang bahay, ngunit madadaanan ko muna ang ilog ni Anahita dahil galing ako sa bahay nila kambal.
Aish.
Nag lalakad lamang ako ng diretso at pilit na di pinapansin ang ilog, nakarinig ako ng tunog mula dito pero tumungo lang ako.
"Pstt... Mortal.."
Sinasabi ko na nga ba, lumitaw na ang bruha.
"Bakit? Balak mo nanaman ba kong patayin?" pag tataray ko.
Ngumisi naman siya.
ANG CHAKA TALAGA!
"Hindi halata saiyo na may mabuti kang loob." sabi niya at napakunot naman ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Kinagagalak kitang makilala Mortal, ako si Anahita, ang nag babantay at nag aalaga sa ilog na ito. Huwag kang mahihiyang lumapit saakin kung kailangan mo ng tulong ko."
Huh? Ano daw?
Nilahad niya ang kaniyang kamay.
Wait, is she trying to fool me?
Ngumiti siya at iniintay na tanggapin ko ang kamay niya.
Parang napako ang aking paa, nag dadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ito.
Kung may mangyayare kaya uli saakin, ililigtas kaya uli ako ni Darius?
Napalunok ako at dahan dahang lumapit sa direksyon ni Anahita.
Bumaba ako ng kaunti para kahit papaano ay mag kapantay kami.
Nilahad ko din ang kamay at naramdaman ko na ang malamig at basa niyang palad.
"I'm Ruth, ang babaeng gusto mong patayin." sarkastiko kong sabi.
Hinanda ko na ang aking sarili kung hihilahin man niya ako, ngunit binitawan niya ang aking kamay at ngumiti lang siya.
"Saan ka nga pala pupunta, Ruth?" tanong niya.
May sapi ba ang babaeng 'to?
"Uhm.. Sa bahay ni Dar-- Amo.. Nasira yung silong ko dahil sa ulan." sabi ko naman.
Napansin kong napatingin siya saaking suot kaya inunahan ko na siya. "Opss.. Walang nangyare okay? Pinahiram niya lang saakin 'to dahil basang basa ako kanina." agad kong sabi.
Natawa siya ng bahagya, "Buti pinapasok ka niya sa bahay niya."
Tumango ako, "Naka-chamba lang."
"Kung gayon, puntahan mo na siya, baka abutin kapa ng dilim sa bahay niya at mag katotoo na may mangyayar--
"Omg! Stop! Mauna na nga ako bruha ka!" sabi ko at saka nag lakad ng mabilis.
Kainis yung mga 'yon! I'm a baby pa kaya!
Tinaas ko ng kaunti ang damit na ito para hindi ko maapakan at mas mapabilis ang lakad ko.
Nang makarating ako sakaniyang bahay ay agad akong kumatok ng malakas.
"Amo!" pag tawag ko.
Bumukas naman ito agad. "Ikaw nanaman?" iritado niyang sabi.
"Wow! Bilis ah!"
Highblood nanaman 'to panigurado.
Pinag krus ko ang aking braso.
"Saan na 'ko matutulog? Wala na nga ang silong ko. Make me a new one."
"Inuutusan mo ba 'ko Mortal?" he coldly asked.
Binago ko ang ekspresyon ng aking mukha at pinapungay ko ang aking mga mata, "Amo, kailangan ko po ng masisilungan ngayong gabi, wala na po ang silong ko. Pakiusap amo, igawa niyo po ako ng paniba--
"Damn! Tumigil ka nga, hindi bagay sayo!"
"Pewo Amoo pwease--
"Oo na! Oo na! Lumayas kana! Pag dating mo doon meron na!" sabi niya at malakas na sinara ang pintuan.
HAHAHAHA GOTCHA!
---
Heto ako ngayon at nakahiga sa bago kong silong, tama nga si Darius, pag balik ko dito saaking pwesto ay may panibago na agad na nakatayo.
Mukhang mas matibay na 'to kaysa sa nauna niyang binigay saakin.
I wonder kung anong trabaho naman ang ibibigay niya saakin, I'm a bit excited dahil paniguradong may bagong lugar nanaman dito akong matutuklasan.
Sa gitna nang mag mumuni muni 'ko ay naalala ko ang buhay ko sa itaas.
Kamusta na kaya yung film na ginagawa namin?
Sino na kaya yung bagong gumaganap sa role ko?
Madami na kaya akong activities na nakaligtaan?
Nag aalala kaya sila saakin?
Hinahanap kaya nila 'ko?
Si Papa kaya?
Napabuntong hininga ako at nakaramdam ng lungkot.
Kahit pala papaano, namimiss ko din ang walang kwenta kong buhay sa taas.
Ni isang tao wala akong pinag paalamanan na aalis ako at walang tiyak na araw sa pag balik ko.
Kinuha ko ang aking cellphone at pinunta sa gallery.
Agad kong hinanap ang mga litrato namin noon na pinicturan ko sa album na nasa kwarto nila Papa.
Kumpleto pa kaming tatlo dito.
Buhat nila ako at nahalik sa mag kabila 'kong pisngi.
I miss you so much Mama.
Siguro kung andito kapa, mas masaya ang buhay.
Ever since you left us, nag iba na si Papa. And I don't have any idea why he's treating me like that.
Pinunas ko ang luhang lumandas saaking pisngi.
Ruth? Napailing ako.
Walang tumatawag saakin sa pangalan na 'yon. Simula nang iwan mo kami Ma, nag iba na lahat.
I played the video na sinave ko mula sa laptop ni Papa.
"Look anak, there's a horse!" masayang sabi ni Mama.
"Wow! It has a pink hair!" sabi ko naman.
"Gusto mo bang sumakay don sa horse anak?" tanong ni Papa.
Agad naman akong umiling. "No Papa, the cute horse might be hurt if I ride him po eh. I don't want him to get hurt or be tired."
Limang taon palang ako sa video na ito.
Lumebel saakin si Papa at binuhat ako, "Sobrang bait talaga ng anak ko! That's my girl!"
"Syempre po, someone told me that animals are friends! And we don't want our friends to get hurt!" masaya kong sabi.
I locked my phone at pinatong ang aking braso saaking mata, sunod sunod na tumulo ang aking luha.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako habang umiiyak.
---