CHAPTER 10
Ruth's POV
Nakaupo ako ngayon sa terasa habang si Darius naman ay nasa loob. Nanlalamig padin ang pakiramdan ko dahil sa basa kong kasuotan.
Tumayo ako aa lumapit sa pinto. "Pwede kaba mag magic?" imik ko.
"Basang basa yung suot ko, Amo."
Walang natugon.
"Sige na Amo, sobrang lamig talaga! Baka naman pwede moko bigyan ng kahit ano diyan!"
Aish! Bingi ba yon?!
"PALITAN MOKO NG DAMIT SABI!!" sigaw ko at biglang namang bumukas ang pintuan.
"Sigurado ka? Papalitan kita ng damit?" namumungay pa ang mata niya na medyo malat ang boses. Is he sleeping?
Napalunok ako. "Give me new clothes! Di kaba naaawa sakin?" nag paawa ako sakaniya.
"Hindi."
What the...
Tumalikod siya at akmang susunod ako pero umimik uli siya, "Diyan ka lang, don't you dare enter my house."
Aba ang taray nito!
"Kukuha ako ng damit, umupo ka nalang uli doon." sabi niya kaya napairap nalang ako sa kawalan at bumalik sa pag kakaupo.
Pinag kiskis ko ang aking kamay at niyakap ang sarili para makapagbigay kahit kaunting init.
Nangangatal na ako sa lamig.
"Oh." bigla niyang hinagis ang damit na akala mo'y bathrobe.
"Sayo ba 'to?" tanong ko. Pero hindi siya umimik.
Sasaraduhan nanaman niya ang pinto ngunit hinarang ko ang aking kamay kaya... "ARAAAYYY!!! MAMA!! ANSAKITTTTTTTT!!" sigaw ko habang nag tatatalon at hinihipan ang naipit kong daliri.
"WAAAHHHHH!! HUHUHU OUCHHH!!"
Lumapit saakin si Darius at hinila ang kamay kong pulang pula, "Sino ba kasi may sabi sayong iharang mo ang kamay mo? Sira ba ang ulo mo?!" pag susungit niya.
"Kasalan ko pa?! Ikaw nga 'tong sara ng sara ng pinto!" sigaw ko pabalik.
Ramdam kong tumitibok tibok ang aking daliri sa pag kakaipit.
Bakas sakaniyang mukha ang pag aalala, o baka nag iimagine lang ako?
Nagulat naman ako nang biglang ilapit ni Darius ang aking kamay sakaniyang labi at saka hinipan ito.
Sunod sunod akong napalunok.
Hinaplos niya ito at parang isang mahika na nawala ang kapulahan nito at unti unting nawawala ang sakit.
Lalo siyang guma-gwapo pag nagiging maamo ang mukha niya.
"Baka matunaw ako." bigla niyang imik kaya napaiwas ako ng tingin.
Napansin ko na din na biglang tumigil ang malakas na ulan na akala mo'y walang nangyare.
"Ayan, magaling na." sabi niya saka binitawan ang kamay ko.
"Uhm.. T-Thank you." nahihiya kong sabi.
"Sa susunod gagamitin mo muna kokote mo bago ka mag taray." heto at bumalik nanaman siya sa pagiging masungit.
"Gusto ko lang naman humingi ng pagkain!" sabi ko nang mangiyak ngiyak na.
Pakiramdam ko ay nahahabag na ko saaking sarili dahil mukha na akong basang sisiw na gutom na gutom.
Kinagat ko ang aking labi at tumalikod sakaniya, agad kong pinunas ang luhang tumulo saaking mga mata.
"Sige na mag bibihis na ko." sabi ko habang nakayuko at pinipigilang humikbi.
Narinig kong bumuntong hininga siya.
Akala ko ay tuluyan na siyang papasok sa loob ngunit tumigil siya sa may pintuan.
"Pag katapos mo diyan, pumasok ka sa loob."
Napaangat ako ng tingin ngunit nawala na siya.
Ha? Pumasok daw ako? Sa loob ng bahay niya?
Dali dali akong nag bihis at sinuot ang damit na binigay niya, sobrang laki saakin at halos sayad na sa talampakan ko ang haba.
Iniwan ko muna ang basa kong damit sa may upuan at tumayo na, parang nag da-dalawang isip pa ako kung papasok ba 'ko sa loob.
Pakiramdam ko katapusan ko na pag naiapak ko ang paa ko dito.
Dahan dahan kong hinakbang ang aking paa at nag sisimula nang bumilis ang tibok ng puso ko.
Grabe.
Sobrang ganda ng loob, browns, greens, iyon ang kadalasang kulay sa loob but the colors are blending nicely together. Kung sa labas mukha itong simple pero napaka peaceful sa loob. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat ng nakikita ko.
May naririnig akong tunog na parang nang gagaling sa kusina. Sinundan ko ito dahil hindi ko naman alam ang pasikot sikot ng bahay na ito.
"Hala ang bango ano yon.." bulong ko nang may naamoy akong parang niluluto.
At hindi ako nag kamali, nakatalikod si Darius at may kung anong hinahalo.
Naupo ako sa mataas na upuan at saglit siyang pinanood, "Ahem.. Ang bango niyan ah." pag agaw ko ng atensyon niya.
Tumingin siya saakin at parang sinusuri ang itsura ko.
"Ang laki nitong damit na binigay mo." sabi ko.
"Mas gugustuhin mo ba yung basa mong kasuotan kaysa diyan?"
Umiling ako.
Tumalikod siya muli at pinag patuloy ang ginagawa. Ako naman ay palinga linga sa paligid dahil namamangha padin ako sa disenyo nito.
"Ang ganda ganda ng bahay mo tapos yung sakin silong lang." reklamo ko.
"Ikaw nga ang panget mo umiyak, pinansin ko ba?"
Aba!
Bigla naman niyang nilagay saaking harap ang mangkok na may sabaw at kung ano anong lahok.
Wow! Looks so yummy!
"Wala bang lason 'to?" pag bibiro ko.
"Tikman mo para malaman mo." pang hahamon niya.
Ganon?
I raised my eyebrow at kinuha ang kutsara saka ito hinipan at tinikman.
OMG!
ANG SARAP!
Nakatingin siya saakin na parang iniintay ang reaksyon ko ngunit nag poker face lang ako.
"Pwede na." pag kukunwari ko.
"Tss.." tumalikod siya saakin at nag lakad paalis. "Pag katapos mo diyan umalis kana." pahabol niyang sabi.
Dali dali ko namang hinigop ang sabaw at kinain ang mga laman nitong niluto niya.
Grabe sobrang sarap talaga! Tumingin ako saaking likudan para tingnan kung wala si Darius.
Dahan dahan akong lumapit sakaniyang pinag lutuan at sinalinan ulit ang lalagyan ko.
"Ruth?"
"AY KALABAW!" nagulat ako nang biglang sumulpot si Philomena.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang nag tataka na tumingin sa kasuotan ko.
"Ikaw ba ang dahilan kung bakit nagalit si Darius?" tanong niya muli.
Ha? Ano nanamang ginawa ko?
Umiling ako, "Wala naman ako ginagawa eh."
"Umulan ng malakas, ibig sabihin may namuong galit sakaniya."
Hala ganun pala yon. Astig!
"Eh tumila na, so ibig sabihin di na siya galit?" tanong ko.
"Oo."
Bigla ko namang naalala iyong pangyayare kanina na habang hinihipan niya ang kamay ko, tumigil ang ulan.
"Bakit ngumingiti ka?"
Napabalik ako saaking sarili nang umimik uli si Philomena.
'Uhm.. Hindi ako ang may kasalanan, inuubos ko lang itong pagkain na niluto ni Darius." sabi ko habang kinakamot ang aking ulo.
"Pinag luto ka niya?"
Sunod sunod akong tumango, "Yes! Gusto mo?" alok ko.
"Di na." maikli siyang sagot, kaya pinag patuloy ko nalang ang aking pagkain.
"Damit yan ni Darius, bakit suot mo?" sa tono niya, parang tinatarayan na niya ako.
"Masama ba?" tanong ko pabalik.
"Hindi mo ba alam ang simbolo niyan? Pag pinasuot ng lalaki ang damit niya sa babae?"
Muli akong humigop ng sabaw at umiling.
Ngunit naibuga ko ito nang wala sa oras dahil sa kasunod niyang sinabi.
"May nangyare sainyo ni Darius."
---