CHAPTER 30
ALEAH'S POV
Lahat kami nakatingin sa kan'ya. Ilang araw na din siyang gan'yan simula no'ng ilabas siya sa hospital. Palagi siyang tulala, hindi manlang niya ginagalaw 'yong mga pagkain niya and worst palaging malalim ang iniisip niya. Hindi ko alam kung ano pang pino-problema niya. Naipakulong na namin si Vall. Si Andrew at Gio na pala ang umasakiso no'ng time na nasa hospital kami.
“Clarah,” tawag ko sa kan'ya.
Tumingin siya sa akin. Walang buhay ang mga mata nito. “Hm?”
“Okay ka lang?” tanong ko.
“Yeah,” malamyang sagot niya bago ibaba ang tinidor na hawak niya. Tumingin siya sa amin sabay ngumiti ng peke. “Uhm... cr lang ako,” paalam niya.
“Samahan na kita,” offer ni Queenie.
Mabilis siyang umiling at iwinagayway ang kamay niya. “Hindi, okay lang. May dadaanan din ako bago bumalik sa room.”
“Sure ka?” paninigurado ulit nila.
Tumango lang siya saka ngumiti ng peke. Hindi na kami nagsalita pa. Siguro, kagaya ko din sila. Ayaw kong ipilit sa kan'ya kung ano man ang nasa isip ko. Tumayo na siya para umalis. Pinasadahan ko pa siya ng tingin bago muling ibaling ang tingin ko sa mga kasamahan ko.
“Hindi ko na kaya 'to!” may paghampas sa lamesang sabi ni Zyria.
“Oo, hindi mo kaya pero hindi mo kailangan hampasin 'yong lamesa, ha?”
Natawa ako. “G na g nanaman si Zyria,” natatawang sabi ko.
“Tsk, epal kayo. Ibig ko lang naman sabihin hindi ko kayang nakikita na gano'n si Clarah. Ang lamya niya oh, tapos napakalungkot pa niya tignan!”
“Nasaan ba kasi si Flich?”
“Aalis daw si Flich sa Wednesday,” sagot ni Gio.
“What?!” sabay-sabay naming usal. Nakakagulat naman na wala kaming alam na aalis siya.
“E-Eh, saan daw siya pupunta?” tila tarantang tanong ni Zyria.
“Sa America. Doon daw muna siya dahil ayaw naman daw siya makita ni Clarah,” sound dramatic ha.
“Hindi ba aalis din si Clarah bukas?”
“Oo, bakit?”
Muli nanamang hinampas ni Zyria ang lamesa. “I have an idea!” malakas na sabi nito.
“Putangina! Andami mo ng natapon na sabaw kakahampas mo!” gigil na sabi ni Queenie.
“Eh 'di linisin mo!” pambabara niya.
Natawa naman ako dahil doon. Kung dati ako ang kabangayan ni Queenie ngayon naman si Zyria na. Medyo limited na kami ang galaw ko lalo na't buntis ako. Napahinto ako sa pagtawa ng hawakan ni Gio ang kamay ko. Hindi na bago sa akin 'to, palagi siyang nakahawak sa kamay ko. Akala mo naman mawawala ako.
“Bakit?” I asked.
“Wala,” ngumiti siya.
Napangiti din ako dahil lumabas nanaman ang kagwapuhan niya. Gusto kong palagi siyang nakangiti kasi ang gwapo niya talaga. Hindi si Gio 'yong ideal type man ko. Akala ko nga din sila ni Queenie ang magkakatuluyan dahil palagi nalang silang nagbabangayan but I was wrong. Malay ko ba na nasa akin pala talaga ang forever niya, charr.
Biglang may tumakip sa mata ni Zyria na lalaki. Aalma na sana ako kaso pinigilan ang ni Gio. Mukhang kilala nila dahil nakangiti sila sa lalaking ito.
“Sino ba 'to?! Putangina hindi ako nakikipag-biruan ha!” galit na sigaw ni Zyria. Ewan ko ba kung mahihiya ako dahil nasa coffee shop kami pero ang ingay namin.
“Sino siya?” bulong na tanong ko.
“Secret,” panget ka-bonding.
Inalis na nito ang kamay niya. Inis na humarap sa kan'ya si Zyria pero agad ding napalitan ang reaksyon nito. Mabilis itong tumayo sa pagkaka-upo niya sabay niyakap ang lalaking kanina'y nagtakip sa mata niya.
“Wahhhhh Kionnnnnnnn!” tili niya habang yakap-yakap ito.
”Woah! Easy HAHAHA. Grabe ang gaan mo ha!”
“Wahhhh! Gago, na-miss kita!”
Tumatalon-talon si Zyria habang yakap niya si Kion DAW. Ako naman nakatingin lang sa kanila dah hindi ko naman kilala kung sino 'yong Kion na 'yon. Nakita kong pumasok si Aldrake at Shane. Napatingin pa sila sa gawi namin at mukhang hindi iyon napansin ni Zyria.
“Hoy! Tama na kakayakap! Ipakilala mo 'yan!” bulyaw sa kanila ni Queenie.
Kumalas sa pagkakayakap si Zyria. “Wahhhh! Sorry naman kasi, si Kion nga pala.”
“Hello, everyone!” bati nito sabay ngumiti.
In fairness gwapo din siya. Hindi siya gano'n ka-puti pero bagay na bagay sa kan'ya ang pagka-moreno niya. Matangos din ang ilong dito at gaya nila Gio build din ang katawan. Jaw dropping type of person din siya at hindi natin maikakaila na pwede siyang maging crush ng BCU.
“Bakit ka nga nandito?” tanong ni Zyria.
“I just miss you?” yuck!
“Naks naman! Pero bago tayo mag-kwentuhan magpa-plano muna kami kung paano namin maayos si Clarah at Flich ha? Okay na ako na hindi maging masaya ang love life ko pero 'yong hindi maging masaya ang love life ng kaibigan ko? Hindi okay sa akin 'yon!”
Kion pinched her cheeks. “Never change that's why I love you,” nakangiting wika nito.
Tangina? Ano niya si Kion? Dati ba silang may past or what? Kanina ko pa din napapansin 'yong mga tinginan nilang dalawa. Sobrang sweet at kung iba ang huhusga mapagkakamalan agad silang mag-jowa pero, ano nga ba sila? Tangina hindi naman ako manghuhula para alamin kung ano sila.
“Spill the plan,” bored na sabi ni Gio.
Kinurot ko siya sa hita. “Umayos ka!”
“Aww! Wala naman akong ginagawa ah! I just said spill the plan.”
“You look like uninterested!”
“I'm interested!”
“No, you're not! Bored na bored ka nga oh!”
“It's my normal reaction pero interested ako!”
“No! Magsi-sinungaling ka pa?”
“I'm—okay fine. Panalo kana.”
“Nahiya naman kaming walang jowa oh! Nakakahiya!” ayan nanaman si Queenie.
“Tsk, pasalamat ka nalang talaga love kita,” bigla akong kinilig sa sinabi niya.
Um-erap nalang ako kunwari at saka tumingin kay Zyria na nakangiwi. Papansin kasi! Ayoko talaga ng makikipagtalo siya sa akin kasi dapat ako ang panalo at kapag mali ako, ako pa din ang panalo. Hindi ko alam kung sanay na siya sa gano'ng ugali o nakikisama lang siya.
Bahala siya!
“Sige na. Pag-usapan na natin 'yang balak mo.”
“Sure ka na tapos na kayo magtalo?”
“Oo.”
“Para kayong bata!”
Grabe ka Zyria. Kung hindi lang masama pumatay ng kaibigan baka napatay ko na sa sakal 'tong si Zyria. Sinabi na niya lahat ng plano sa amin at bukas na din namin agad isasagawa. Kailangan daw naming maging mas ma-agap dahil sa plano namin isang pagkaka-maling oras pwede talagang mag-iba lahat.
Sana gumana na 'yong plano.
CLARAH'S POV
Kanina pa ako nakatingin sa rooftop kung saan huli niya akong niyakap. Natatandaan ko 'to, dito niya ako huling niyakap bago ko siya iwasan. Alam ko sa sarili ko na nagkaka-ganito ako dahil na-miss ko siya. Gusto ko siyang makita pero na-uunahan ako ng hiya. Bumabalik pa din sa akin kung paano ko siya hinusgahan, tama nga siya nasaktan niya ako pero wala akong karapatang husgahan siya.
Pilit kong sinisiksik sa utak ko na nasaktan lang din ako ng mga oras na iyon pero sinasabi pa din ng puso ko na mali 'yong mga sinabi kong salita. Mali nga ako lalo na sa sinabing kong ayoko na siyang makita dahil ang totoo niyan siya ang hinahanap-hanap ko ngayon.
Gusto ko siyang makita.
Gusto kong mag-sorry.
Gusto kong marining ulit 'yong sinabi niya sa akin na mahal niya ako.
Gusto kong pakinggan lahat ng mga paliwanag niya.
Hindi manyak si Flich. Hindi niya ako minanyak dahil siya lang ang lalaki na tumanggap sa akin kahit alam niyang isang beses na akong nagkaroon ng karanasan. Andami ko ng pagkaka-maling nasabi sa kan'ya, hindi ko na alam kung paano ko itatama lahat dahil pakiramdam ko hindi ko na maitatama.
Mabigat ang dibdib na bumaba ako sa rooftop. Napag-desisyonan ko nalang na pumunta sa dati naming tambayan. Tutal huling araw ko na din naman sa BCU kailangan ko ng sulitin ang paglilibot ko. Maganda din kasi maglibot dahil walang mga estudyanteng pakalat-kalat sa daan.
“Nakaka-miss,” mahinang usal ko ng makita ang tahimik naming tambayan.
Napangiti ako ng malungkot. Dito namin nabuo 'yong friendship na akala namin hindi mawawasak. Dito ko din unang nakilala si Flich. Dito ako unang ipinagtanggol ni Flich. Tignan mo nga naman ang panahon. Parang dati lang ang tatag naming magka-kaibigan pero ngayon? Wala na 'yong tatag na meron kami. Iyong mga nangyari isa nalang siyang ala-ala.
“Hindi ba sinabi ko na ayaw ko ng makita 'yang pagmumukha mo dito?”
Nilingon ko kung sino 'yong nagsalita. Tangina nga naman talaga ang lakas mang-bwiset ng Shane na 'to. Ang sarap hambalusin ng sapatos sa mukha.
“Napadaan lang,” walang emosyong sabi ko.
“Bawal na nga! Ang kulit din ng apog niyo eh, 'no? Kaibigan ka nga talaga ng bitch na Zyria na 'yon! Pareho kayong desperada!”
Nilapitan ko siya sabay dinuro. “H'wag na h'wag mong sasabihan ng bitch at desperada si Zyria kung meron mang mukhang despera sa atin dito, ikaw 'yon. Gumawa ka pa ng paraan para lang magkagulo kaminat makuha ang simpatya ni Aldrake. Nakaka-awa ka sa part na para kang linta na sumisipsip ng dugo para lang mabuhay.”
Hindi ko na siya pinagsalita pa. Agad ko siyang tinalikuran. Ayokong makipag-usap sa kagaya niya. Last day ko na nga sa BCU tapos may makaka-away pa ako. Hindi ko din naman maintindihan sa Shane na 'yon kung anong problema niya sa amin?
Dahil ba hindi namin kilala si Aldrake?
Anong connect? Bakit ayaw niya kaming palapitin kay Aldrake? Baka naman may gusto siya tapos dinadahilan niya lang 'yong mga stupid na bagay. Kawawang Shane, mukhang desperada na talaga. Umuwi nalang ako ng bahay para mag-ayos ng mga dadalhin ko bukas papuntang America.
Hindi na ako aalis dahil ayokong makita si Flich. Aalis ako dahil nahihiya akong makita siya. Nakatingin lang sa akin si mom habang nagliligpit ako ng gamit ko.
“Sure kana ba diyan?” tanong nanaman niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong tinanong ng gan'yan.
“Oo nga po. Ayoko na muna dito sa Pilipinas.”
“Sayang naman,” may lungkot na sabi ni mom.
“Mom, babalik din naman ako pagka-graduate ko.”
“Ang tagal pa naman niyang sinasabi mo,” halata sa tino ng pananalita ni mommy na pinipilit niya akong h'wag ng umalis.
Humarap ako sa kan'ya. Malungkot ang mukha nitong nakatingin sa mga bagaheng nakahanda na para sa pag-alis ko bukas. Ngumiti ako sabay lumapit kay mom saka niyakap siya.
Ma-miss ko 'to.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kan'ya. “Mom, babalik po ako kapag okay na ako, hm? Sa ngayon I need some rest.”
“Naiintindihan ko naman. I just can't accept na kung kailan naman namin naisipan ng daddy mo na mag-stay dito sa Pilipinas for you saka ka naman aalis,” may lungkot na sabi nito sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at muli akong niyakap.
“I love you, mom.”
“I love you too, sweetheart.”
Kumalas siyang muli sa pagkakayakap sabay ngumiti sa akin. “Tulungan na kita? Kanina ka pa diyan hindi ka pa din tapos,” pabirong sabi ni mom sabay tumawa.
Napa-pout nalang ako. Kasalanan ko bang mabagal akong kumilos? Syempre ang magaganda talagang mabagal kumilos. Si mom na ang nagligpit ng ibang gamit ko habang ako inaayos naman lahat ng maleta. Nasa kalagitnaan ako ng pangangalkal ng mga gamit ko na hindi ko naman dadalhin ng tumunog ang cellphone ko. Sino nanaman kaya 'to? Wala naman akong inaasahang tawag ngayon.
Binuksan ko ang cellphone ko at saka tinignan ito. Sa group chat pala namin tumawag sila. Nag-dalawang isip muna ako kung magjo-join ako. Last ko naman na kaya sige, sasali na ako.
“Hi, Clarah!” bati nila sa akin.
Ngumiti ako. “Hello!” ma-miss ko 'tong mga 'to.
“Ang boring putangina!”
“Lower your voice, Queenie!”
“Hi!” sino naman 'to.
“Hi, Kion!” masiglang bati sa kan'ya ni Zyria.
May bago pala hindi ko alam. Ay, oo nga pala hindi ako nagtagal sa loob ng coffee shop. Hinahanap ko kung nag-seen manlang si Flich pero hindi. Mukhang nag-deactivate siya ng mga social media account niya. Gumuhit nanaman ang lungkot sa mukha ko. Nasasaktan din ako sa mga katangahan ko. Hindi sinasadya pero pinagsisihan sa bandang huli. Ang tanga mo talaga, self!
“So, anong meron?” tanong ko.
“Wala lang. Naisip lang namin na tumawag kasi gusto namin pag-usapan kung gaano kalungkot ngayong gabi,” seriously?
“Oo nga. Aalis ngayon si Flich 'no?”
Wait...
WHAT?!
“A-Aalis?” nagkamali lang ba ako ng pandinig? Sana, oo.
“Ay, oo nga pala hindi mo alam. Aalis na si Flich mangingibang bansa din,” sabi ni Zyria.
“Nag-iimpake na siya last check ko,” sabi naman ni Andrew.
Agad akong nag-leave sa call. Hindi pwede! Hindi siya pwedeng umalis kasi hindi pa ako nagso-sorry. Hindi na ako nagpaalam kay mom na umalis ng bahay. Sana maabutan ko pa siya.
Sana hindi pa huli ang lahat.