Chapter 31
ZYRIA'S POV
Nakangisi akong nakangiti kayla Aleah. Magkakasama lang talaga kami kanina sa video call hindi lang halata kasi magkakaiba kami ng pwesto. Kanya-kanyang cellphone nalang din ang gamit namin.
“Gandang ngiti niyan, Ria ah!” puna ni Queenie.
“Excited na ako kung ano mang reaction ni Flich pagdating ni Clarah,” may pag-ngising sabi ko. Sa bandang huli natawa din ako dahil na-imagine ko na talaga.
“Gago! Tingin niyo gagana 'yong plano?” nega naman nitong buntis na 'to amp.
“Oo naman! Tiwala lang!” malakas na sabi ni Andrew.
“Nasaan si Sandra?” tanong ni Aleah kay Andrew.
“Ah... busy siya running for valedictorian kaya gano'n,” napa-sana all nalang ako sa utak ko.
“Mag-aral kana din ng mabuti.”
“I'm just confused kung bakit pinush mo na magka-ayos si Flich at Clarah instead of magka-ayos kayo ni Aldrake?” naka-pangalumbabang tanong ni Queenie.
Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. “Wala lang. Wala ng pag-asa 'yong sa amin ni Aldrake. Gusto ko maging masaya kayo, kahit kayo nalang.”
“Paanong wala ng pag-asa?” takang tanong ni Aleah.
“We say goodbye to each other at 'yon na ang ending namin. Okay na din siguro 'yon kaysa naman dumating 'yong panahon na masabihan niya ako ng hindi ko naman siya kilala kaya h'wag akong umarteng kilala ko buong pagkatao niya. Much better na si Shane ang mag-alaga sa kan'ya, kilala siya ni Shane at alam niya lahat tungkol kay Aldrake.”
Mabigat na hininga ang pinakawalan ko. Hanggang ngayon masakit pa din syempre. Sobrang sakit na kahit walang kami, hindi naging kami talagang naging malaking parte na siya ng buhay ko. I thought he will be mine forever but the reality hits me that forever will never exist between us.
Niyakap ako ni Kio. “Okay lang 'yan. I'm always here for you,” he smiled at me sweetly.
Napangiti nalang din ako. “Tologo bo?” ang sweet ng pinsan ko.
“Oo!” confident na sagot niya sabay tumawa.
Nakita ko kung paano ngumiwi sila Aleah. Oo nga pala, hindi nila kilala si Kion as my cousin. Bahala sila diyan, sila na mag-adjust para sa amin. Kasalanan ko bang ganito kami ka-sweet? Kung iisipin nga para kaming magka-relasyon pero, sorry masyado akong maganda para pumatol sa pinsan.
Sana naman kung magkikita si Clarah at saka si Flich walang jugjugan na maganap. Pareho kasing manyak 'yong dalawang 'yon putangina! Kapag talaga nabuntis si Clarah alam na! Nako, ako yata 'yong tatandang dalaga sa amin.
“Excited ako para sa dalawa mamaya,” kinikilig na wika ni Aleah.
“H'wag mo naman sanang paglihian si Clarah kawawa ang baby natin.” biro ni Gio.
“Ay troo 'yan! Lalaki ding maldita 'yan haha” sakay ni Andrew.
Natawa nalang ako sa kanila. Mga gago talaga kahit kailan. Ano na kayang nangyayari sa dalawa? Nagkita na kaya sila? Anong oras na din pala, gabi na. Sigurado ako nagmamadali 'yon si Clarah. Sorry, Clarah hindi kasi talaga ako papayag na ending niyo na 'yong magkakahiwalay kayo. Kailangan maging kayo sa huli.
CLARAH'S POV
Nahampas ko ang manibela ng sasakyan ko sa sobrang inis. Putanginamg traffic kasi 'to lalo lang pinapatagal! Hindi ko na mabilang kung ilang busina ang ginawa ko para lang ipahiwatig sa nasa harapan ko na nagmamadali ako. Sa sobrang inis ko hinampas ko pa ulit ng malakas ang manibela sabay lumabas sa kotse ko.
Tatakbo nalang ako, putangina! Wala na akong pake kung may kumuha man ng sasakyan ko. Kailangan kong maabutan si Flich dahil ayokong mawala siya sa ganitong paraan. Hindi pa kami nagkaka-ayos, hindi pa ako nagso-sorry sa mali ko, hindi ko pa nasasabing mahal ko siya. Ngayon, ang goal ko lang is maka-usap manlang si Flich kahit saglit. Dapat maayos din namin lahat ng hindi namin pagkaka-intindihan.
Mabilis kong tinatakbo ang daanan. Wala na akong pake kung sino pa ang makabangga ko o may mabangga akong tao. Wait for me, Flich. Sana nandyan ka pa. Sana hindi ka pa umaalis. Ano nalang gagawin ko kapag nalaman kong babalik ka sa Pilipinas ng may iba na? Hindi ko kaya! Hindi! Gumuhit ang mainit na luha mula sa mga mata ko. Iniinda ko na ang paninikip ng dibdib ko dahil sa hingal, kaba, takot at luha.
Huminto ako sandali para punasan ako luha ko. Kaya ko 'to! Malapit na. Mahalaga ang bawat minuto at segundo sa pagkakataon na 'to dahil ano mang oras, pwede mabago ang lahat. Muli ko nanamang tinakbo ang daanan. Malapit na ako sa condo na tinutuluyan niya hindi ako dapat huminto.
“Shit!” usal ko ng biglang humuhos ang malakas na ulan.
Kung hindi ka ba naman talaga sinu-swerte. Basang-basa na ako dahil sobrang lakas talaga ng ulan. Mas binilisan ko pa ang takbo ko ng makitang malapit ng ang entrance. Sa wakas, makakapasok na din sa loob. Akmang papasok na ako sa loob ng bigla akong harangin ng guard.
“Ma'am, bawal po kayo pumasok. Basa kayo,” sabi nito habang nakaharang ang dalawang kamay niya.
Malakas kong siyang tinulak kaya bumagsak siya sa tiles. “Wala akong pake!” malakas na sabi ko sabay tumakbo papasok.
Gago ba siya? Anong gusto niya, magpatuyo muna ako bago pumasok? Ulol! Hindi basta lang ang hinahabol ko. Oras ang kalaban ko dito at wala na akong oras mag-inarte pa. Nakatapat ako ngayon sa elavator at paulit-ulit na pinipindot para bumukas ito. Tangina, may laman pa yata. Napatingin ako sa stairs, no choice. Muli nanaman akong tumakbo paakyat. Bahala na kung buhay pa ako mamaya kapag nakarating ako sa fourth floor.
Ramdam ko na ang pagbigat ng mga hakbang ko. Tanda na nangangalay na ang mga binti ko. Kaya ko 'to! Ginusto ko 'to kaya, kaya ko 'to! Para kay Flich lahat gagawin ko. Alam kong lahat ginawa din niya para sa akin. Oras na para ako naman ang gumawa ng lahat para sa kan'ya.
Bumagsak ang tuhod ko sa huling baitang ng ika-apat na palapag. Hindi ko na yata kayang tumayo pero pinilit ko pa din. Kumapit ako sa pader habang hinahanap ang numero ng kwarto ni Flich. Nahihilo na ako, napapagod, namamanhid na ang mga muscle sa binti ko. Alam kong any time bibigay na ang katawan ko.
“Come on, self! Kaya mo 'yan!” pagche-cheer up ko sa sarili ko. Malakas akong kumatok ng nasa tapat na ako ng pintuan ni Flich.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Lima...
Limang malalakas na katok na pero wala pa ding lumalabas. Nanlumo ako bigla. Mukhang wala na nga siya, mukhang umalis na si Flich. Siguro nga hindi na niya ako nahintay dahil wala naman siyang alam. Lumandas muli ang luha sa pisngi ko. Andaya mo Flich, bakit hindi mo manlang ako hinintay?
“Clarah?” isang tinig na nagpa-angat sa ulo ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. Bahala na kung nabigla siya ang mahalaga nandito siya, andito pa si Flich!
“Flich...” umiiyak na sambit ko sa pangalan niya.
“W-What happen? Bakit ka umiiyak? May umaway ba sayo? Bakit basa ka? Shit!” tarantang tanong niya.
Umiling ako. “I'm sorry,” humahagulhol na sabi ko.
“For what?”
Hindi ako nagsalita. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kan'ya. Kailangan ko munang humugot ng lakas para sabihin sa kan'ya lahat. Nanghihina pa ako dahil sa mga pagtakbo na ginawa ko kanina. Naramdaman kong niyakap ako pabalik ni Flich. Sa mga sandaling iyon tila nawala lahat ng alalahanin ko, nawala lahat ng kaba at takot na nararamdaman ko, naging magaan ang pakiramdam ko.
Bakit ba ganito ang epekto mo sa'kin, Flich?
Kumalas ako sa pagkakayakap saka humarap sa kan'ya. Pinunasan ko ang luha ko at pilit na tumindig ng tuwid sa harap niya. Bumuntong hininga ng malakas at saka tumingin sa mga mata niya.
“May umaway ba sayo? Ano bang nangyayari? Sabihin mo naman oh, nag-aalala ako, Clarah!” halata ang taranta at pag-aalala sa mata nito. After all nagagawa niya pa ding alalahanin ako. Bakit ba gan'yan ka, Flich?
“Please... don't leave me,” panimula ko. “H'wag mo 'ko iwan please. Aalis ka nga hindi ba? H'wag ka ng umalis, please. Ayusin na lang natin lahat ng hindi natin pagkaka-unawaan, Flich.” umiiyak nanaman ako sa harapan niya.
Hinawakan ko ang kamay niya. “Please naman oh, h'wag mo na akong iwan dito. Hindi ko kaya! Oo, wala kang maintindihan kung bakit ako nagkaka-ganito. Sorry, madami akong nasabing mali sayo. Sorry, kasi naging ma-attitude ako no'ng mga oras na pinapaliwanag mo 'yong side mo. Sorry, kasi hindi ko manlang naisip lahat ng ginawa mo para sa'kin pero Flich, hindi naman siguro sapat na rason 'yon para umalis sa Pilipinas tapos iwan ako?” lumunok ang ng ilang sunod.
Naglalandasan nanaman ang mga luha ko na ayaw magpa-awat. “Madami akong nasabi na hindi maganda kaya sorry. H'wag ka ng umalis, please. H'wag ka ng pumunta ng ibang bansa. I love you, don't leave me please.” pagmama-kaawa ko.
Oo, nagmama-kaawa ako gaya ng ginawa niya sa akin. Kung huli na para sa lahat, wala akong pake. Nagawa niya lahat ng maling bagay para lang protektahan ako ngayon naman ako ang gagawa ng mga bagay h'wag lang siya mawala sa akin. Kung mag-failed man ako sa ginagawa ko, at least I try. Sinubukan ko siyang pigilan, inaagaw ko siya pabalik sa akin kahit masakit ang mga salitang sinabi ko sa kan'ya.
“C-Clarah...”
“Please, h'wag kang umalis!”
“H-Hindi pa naman ako aalis ngayon, Clarah.”
Wait, what?!
“H-Huh?”
“Hindi pa ako aalis ng bansa, next week pa. Sino bang---”
“That girl!”
ZYRIAAAAAAAAAA!
SASABUNUTAN KITANG GAGA KAAAAA!
Natampal ko ang noo ko. Napahinto din bigla ang pag-agos ng luha ko. Gusto kong pumatay ng kaibigan ngayon! Zyria, mapapatay kitang hinayupak ka! Lintian kang babae ka andami mong dama! Talagang h'wag na h'wag magpapakita sa'kin 'yong babaeng 'yon masasakal ko siya!
Napahinto ako sa pag-iisip ng bigla akong halikan ni Flich. Smack lang pero nagulat talaga ako sa ginawa niya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Magpalit ka muna. Basang-basa ka,” sabi nito sabay hinila ako papasok. “Wait lang, wala akong damit na pang-babae dito pero kung gusto mo bilhan nalang kita sa labas?”
“A-Ah, h-huwag na. H-Hindi nalang ako magpapalit ng pang-loob. P-Pahiram n-nalang ako ng d-damit mo,” tangina nauutal ako!
“Oh, wait. Pumasok ka na sa cr iaabot ko nalang sayo,” utos nito saka umalis.
Pumasok naman ako sa cr gaya ng sinabi niya. Mahina kong na-iuntog ang ulo ko sa pader. Ang dami kong drama kanina nakakahiya! Tinignan ko ang sarili ko sa salaming nakaharap sa akin ngayon, mukha na pala akong bruha. Kasalanan mo talaga 'to, Zyria. Mapapatay ko kayong lahat, nako! Kung hindi lang talaga kasalanan pumatay ng tao baka matagal ko na kayong napatay.
“Clarah...” tawag sa akin ni Flich mula sa labas.
Binuksan ko ang pinto. “Thank you,” pasalamat ko sa kan'ya.
“If you need anything tawagin mo lang ako ha,” sabi nito.
Tumango naman ako at muling sinara ang pinto. Nilinis ko ang sarili ko, bahala na kung medyo basa pa ang bra ko. Ang mahalaga may bra! Sinuot ko ang binigay ni Flich na damit niya at saka boxer short. Ang haba ng damit niya para akong hanger amp. Lumabas ako sa cr at doon ko siya nakitang nag-aabang sa labas.
“Bagay pala sayo 'yong mga damit ko,” nakangiting sabi niya.
Ngumiti din ako, “salamat.”
Ngumisi siya sa akin sabay humakbang papalapit, ako naman umatras. Ano nanamang trip ng lalaking 'to? Napahinto ako ng madikit na ang likuran ko sa pader. Itinukod naman niya ang dalawang kamay niya doon habang nakatingin sa mukha ko na akala mo ay may sinusuri.
“Ang ganda mo,”
“Alam ko.”
“I love you too” huling sabi niya at muli nanamang lumapat ang labi niya sa labi ko.
Kung kanina smack lang, ngayon mas matagal na. Ramdam ko ang pagmamahal sa halik niya. I kissed him back, I know na 'yon ang hinihintay niya.
Damn, good kisser!
Ang galing niya humalik. May mga nahalikan na din ako na lalaki pero siya talaga ang pinaka-magaling. Alam niya kung paano magdadala ng halik at alam niya kung anong gusto kong halik. Bumitaw lang siya ng pareho na kaming habol hininga. Tumingin siya sa mga mata ko sabay ngumiti.
“I love you, baby.” shit, bakit naman baby?!
“I love you too,” nakangiting tugon ko.
“Dito ka matulog gusto kitang kayakap ngayon.”
Tumango naman ako. “Basta tulog lang,” biro ko.
“Opo, tulog lang po, baby.”
Napapangiti ako kapag tinatawag niya akong baby. Hindi na ako sanggol pero sound special kapag siya ang tumatawag. Nagbago na pala ang isip ko na papatayin ko sila Zyria, magpapasalamat na lang pala ako. Hindi mangyayari 'to kung hindi dahil sa mga kalokohan nilang effective naman.
Dito nga ako sa condo ni Flich natulog. Nag-kwentuhan pa kami bago matulog. Na-kwento niya sa akin lahat ng mga ginawa niya, kung bakit hindi siya umamin, kung bakit tinakot niya ako na h'wag kong babalikan si Val. Naging open kami sa isat-isa noong gabing 'yon. Masasabi kong ito na talaga ang pinaka-mahabang gabi, pinaka-masayang gabi at pinaka-special na gabi para sa aming dalawa. Itong gabi din na 'to ang simula ng bagong buhay naming dalawa.