CHAPTER 29

FLICH'S POV

Malutong na sampal ang sumapo sa mukha ko mula kay Clarah. Napayuko nalang ako, hahayaan ko siyang saktan ako tutal kasalanan ko.

“I'm sorry,” mahinang sambit ko ngunit isang malakas na sampal nanaman ang natanggap ko.

Tumingin ako sa kan'ya. Galit na galit. Nag-uunahan ang luha niya. I hate seeing her crying, if only I can hug her kaso naalala ko na ako nga pala ang dahilan ng mga luha niya. Stupid me, right? Ang tanga ko din naman kasi. Kung sana lang nakinig ako kay tanda.

“Sorry?!” galit na bulyaw niya. Hindi manlang niya ininda ang pagkakabunot ng dextrose niya.

“Clarah---”

“H'wag mo 'kong tawagin sa pangalan ko! Nakakadiri ka! Wala kang pinagkaiba sa mga lalaking kilala ko!” malakas niyang tinabig ang kamay ko.

“I'm sorry,” another sorry escaped from my mouth. Wala na akong ibang masabi kung hindi sorry lang talaga.

“Ayoko ng makita 'yang pagmumukha mo! Ayoko na!” madiin sabi niya.

Na-alarma ako dahil sa sinabi niya. “Clarah naman please, ibang parusa nalang, please.” I begged. Imbis na awa ang makita ko sa mukha niya mukhang na-insulto pa siya.

“Bakit? Deserve mo ba mapatawad? After all, simula palang ikaw ang nagbibigay sa'kin ng takot?! Ikaw.... ikaw 'yong bumastos sa'kin ng palihim. Alam mo ba kung gaano kasakit na ikaw mismo... ikaw na kaibigan ko ang gumawa sa'kin no'n?! Halos mamatay ako, Flich! Halos mamatay ako sa takot dahil sa ginawa mo!” Lumunok siya. “Akala ko... akala ko ikaw 'yong lalaking rume-respeto sa akin dahil andami mong motibo ng pag-respeto eh! Kaso tangina! Tangina lang talaga na ikaw pala mismo bumabastos sa'kin palihim!”

“Sorry, sorry.”

“Anong feeling, Flich? Masarap bang pagnasaan katawan ko? Masarap bang titigan? Ilang beses ka bang nilalabasan kakatingin mo sa'kin? Sabi ko na nga ba manyak ka talaga eh! Hindi ako nagkamali sa sinabi ko sayo! Manyak ka! Manyak!”

“Gan'yan ba talaga tingin mo sa'kin, Clarah?”

“Oo!” malakas na sigaw niya. Nakita kong bumukas ang pinto kasabay no'n ang pagpasok nila Zyria.

“Alam kong nasaktan kita. Alam ko din na mali 'yong ginawa ko. Aminado naman ako na nakita ko 'yang katawan mo pero hindi sumagi sa isip ko na bastusin ka! Oo, tama ka. Nagagawa ko ngang magparaos, itatanggi ko pa ba 'yon? Pero kahit kailan.... kahit kailan hindi ko nagawang manyakin ka. Iba ang pangma-manyak, Clarah, iba 'yon. Kung gusto kita manyakin kahit kailan p'wede kong gawin 'yon! Pwedeng-pwede! Sinaktan kita pero pwede ba? H'wag mo naman akong husgahan. H'wag mo namang husgahan na parang kilala mo talaga ako,” may pakikiusap na sabi ko.

“Ah so, what do you expect me to do?! Pakinggan pa mga palusot mo? Wow! Kita mo 'to?” Itinuro niya ang sugat niya na may bandage, “kita mo? Tangina kasalanan mo 'yan! Sana nga namatay nalang ako! Sana namatay nalang ako kung ganito lang din naman maririnig ko mula sayo!”

“I have my reason!” I insisted.

“Wala akong pake! Wala akong pake dahil ayoko ng pakinggan 'yang mga sinasabi mo!”

Napahilamos ako sa mukha ko ng wala sa oras. Nasasaktan na din ako, nasasaktan na ako sa nangyayari pero tinitiis ko. This is all my fault but damn! I have to defend my self. Kahit hindi na siya maniwala sa akin basta kailangan kong masabi lahat.

“That's it! Kaya ayokong magsabi sayo kasi wala kang pake! Wala kang pake sa nararamdaman ko, Clarah at doon pa lang pinababa mo na 'yong confident ko. Ini-stalk kita kasi.... mahal kita!” malakas na sabi ko. Wala na akong pake sa mangyayari basta masabi ko 'tong nararamdaman ko bago ko siya layuan.

CLARAH'S POV

Tila na-ipit ko ang dila dahil sa narinig ko. Mahal niya ako? Mahal niya ako pero nagawa niya 'to? Nagbibiro ba siya hanggang ngayon?

“Paano ko sasabihin sayo na mahal kita kung alam kong isang beses ka ng sinaktan? Kapag ba sinabi ko sayo magkakaroon ako ng pagkakataon na ipakitang mahal kita? Sorry, sorry kung sa sobrang obsessed ko sayo nagawa kong palagyan ng CCTV buong apartment mo, sorry kung sa sobrang baliw ko nagawa kong ipabugbog lahat ng nalapit sayo. Alam ko naman 'yong nararamdaman mo, Clarah. Alam kong natatakot ka sa'kin, galit ka sa'kin kasi hindi mo inaasahan na ako mismo ang gagawa sayo niya pero, anong magagawa ko kung sa pang-i-stalk ko lang naipapakitang mahal kita?”

“M-Mahal mo 'ko pero nagawa mo akong gaguhin?! Umalis kana, Flich! Umalis kana at ayoko ng makita 'yang pagmumukha mo!”

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. “Please, h'wag naman gano'n, Clarah. Kahit hindi mo nalang ako---”

I cut him off. “At ayokong malalaman na pinasusundan mo pa ako sa kahit na sino. Simula ngayon, ayoko ng makikita 'yang pagmumukha mo.” madiin na sabi ko kasabay ng pagtalikod ko sa kan'ya.

Tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Alam kong nanonood lang sa amin sila Zyria. Ayoko siyang harapin dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko din gusto 'yong mga sinabi ko. Wala akong magawa, nasabi ko na eh.

“I-If that was you wish for. Lalayuan kita, lalayo ako sa inyo kung 'yan talaga ang gusto mo. I'm sorry ulit,” mahinahong sabi niya.

Hindi ko na nagawa pang lingunin siya dahil umiyak nanaman ako. Kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. I want to say stop pero na-uunahan ako ng galit ko. Hindi ko inaasahan na si Flich mismo 'yong taong gumagawa sa'kin ng gano'n.

My nudes.

My body.

My video.

My privacy.

Lahat 'yon nakita na niya ang worst, ginawa niya pa 'yong panakot sa akin. Napatakip ako ng mukha ko. Hindi ko alam kung tama pa bang inuna ko galit ko kaysa sa makinig sa paliwanag niya. Naramdaman kong may yumakap sa akin sabay isinandal ako sa dibdib niya, hindi ko man alam kung sino 'to pero thankful ako.

“Shhh tama na,” pag-aalo sa akin ni Zyria.

“Wala namang nag-expect na siya talaga ang gumagawa no'n, Clarah pero alam ko naman na may reason siya. Kilala mo naman si Flich hindi ba? Mas kilala mo siya than us.” pero hindi sapat 'yong reason niya para gawin sa akin 'yon.

“Hindi! Hindi sapat 'yong reason! Kapag ba mahal kailangan ganonin?! Nababaliw na ako kakaisip kung sino ba talaga siya! Nababaliw na ako kakaisip kung paano ako makakalaya sa dalawang tao na iniipit ako. Ginusto kong wakasan nalang ang buhay ko dahil sa kanila at alam mo ang masakit doon? Siya pala 'yong isa sa dahilan kung bakit ko naisipan na magpakamatay!” hindi ko padin makita 'yong sapat na reason para masabing tama siya.

Tahimik ang namutawi sa buong kwarto. Habang ako iyak nang iyak, sila naman nakatingin lang sa akin. Knowing that the person you love, you trust the most is one of the reason why you want to end your life is so fucking disgusting! I trust him! I love him pero bakit ganito? Bakit gumawa siya ng bagay na ikagagalit ko?

Akala ko pa naman si Flich na 'yong lalaking iba sa lahat. Iyong tipo na lalaki na halos hindi ka sasaktan, hindi ka bibigyan ng sakit ng ulo, irerespeto ka, igagalang ka, tatanggapin ka, mamahalin ka pero hindi! Hindi siya gano'n dahil gaya ng mga lalaking nakilala ko, katulad din siya nila.

Bastos.

Walang modo.

Walang respeto.

Gago sa babae.

Kagaya lang siya ng mga lalaking hindi ko dapat mahalin kaso minahal ko siya. I don't want to see him anymore! Never! Babalik ako ng America as soon as possible h'wag ko lang talaga siyang makita. Hindi ko na matatanggap si Flich, masyado ng malaki ang galit ko sa kan'ya.

“Are you okay?” tanong sa akin ni Aleah. Ngayon lang ako tumahan sa pag-iyak.

Umiling ako. “Paano ako magiging okay?” balik tanong ko.

“Bakit ba kasi gano'n ka-grabe 'yong reaction mo? May gusto kaba kay Flich?” shit, bakit naman ganito magtanong 'to?

Umiwas ako ng tingin kay Zyria. “Wala,” maikling sagot ko. Itatanggi ko hanggang sa makalimutan ko.

“Wala pero gano'n ka mag-react? Okay, I'm sorry pero sa totoo lang hindi gano'n ang ini-expect ko ire-react mo, Clarah. Akala ko pagbibigyan mo siya na makapag-explain kasi he was your friend and friends do understand each other,”

“Hindi naman porket hindi ko siya pinag-explain ibig sabihin gusto ko siya. Sa tingin mo ba deserve pa niyang makapag-explain at mabigyan ng chance sa ginawa niya?” nagsisimula nanamang mangilid ang luha ko.

Mabilis na tumango si Zyria. “Oo, everyone deserved to defend their selves and everyone deserve a chance. I understand the way he protect you, tahimik pero alam kong may reason siya kung bakit ayaw niyang makipag-kita ka kay Vall. Clarah, umamin ka nga may gusto kaba sa kan'ya?” walang prenong tanong Zyria.

Natahimik ako dahil sa tanong niya. Kahit kailan talaga wala siyang preno sa mga salitang ginagamit niya. Imbis na sumagot mas pinili ko nalang na mag-iwas ng tingin. Aaminin ko ba? After what happened nag-dalawang isip na ako sa nararamdaman ko.

“You're right. May gusto nga siya kay Flich,” wika ni Queenie. Defensive akong napatingin sa kan'ya.

“Wala nga!” sigaw ko.

“Wala pero defensive ka? Iyong reaction mo kanina, hindi normal na kaibigan ang magre-react ng gano'n. Kami.... kami ni Zyria nagalit din kami pero nakinig kami sa paliwanag niya. So tell me, hindi ka nakinig sa paliwanag niya dahil natakot ka o, dahil hindi mo matanggap na 'yong taong mahal mo ang gumawa sayo ng ganoong bagay?” damn!

“Pagpahingahin nalang muna natin siya, don't pressure her. Hindi siya aamin kung gan'yan ang sitwasyon niya,” malumanay na sabi ni Aleah.

Napabuntong hininga sila ng sabay-sabay. Pati sila naki-carried away na din sa mga nangyayari. Pansin ko din ang pamumugto ng mata ni Zyria, mukhang umiyak siya magdamag. Hindi na din sila nagtagal at umalis na sila. Ako nanaman mag-isa sa loob ng kwarto. Muli nanamang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina.

Nakakainis!

Nakakapang-gigil!

Hindi pa din ako maka-move on na sa lahat ng lalaking gagawa sa akin ng ganoong bagay si Flich pa talaga.

Bakit siya pa?

Mahal niya daw ako?

Kung mahal niya ako bakit hinayaan niya lang na masaktan ako? Alam ba niya 'yong mga sinasabi niya kanina o sadyang gumagawa lang siya ng palusot? Ansakit eh, ansakit na umaasa akong iba siya sa lahat. Iba siya sa mga lalaking nagawa akong bastusin, nagawa akong manyakin, nagawa akong pag-isipan ng masama but, I was wrong.

Siya mismo ang gumawa ng mga bagay na ayokong mangyari ulit sa akin. Stalking me, taking picture of my naked body, recording my whole body like a porn star. Bakit sa lahat siya pa ang gumawa?

I swear ayoko ng makita si Flich. Ayoko na! Ako na ang aalis, ako ang lalayo.

KREUS' POV

“So, anong plano mo?” taas kilay kong tanong kay Flich. Kasama niya si Gio at Andrew habang ako naman kasama ko si Kion.

Umiling siya. “Hindi ko alam. Ayaw na niya akong makita kaya hindi ko alam ang gagawin ko, susundin ko ba siya?” basag ang boses na tanong niya. Lumagok siya ng isa pang shot bago ibaba ng pabagsak ang baso.

Tsk, sinasabi ko na nga ba at mangyayari 'to. I always told him na umamin na but he keep on saying na hindi niya kaya and now, siya na din ang nagdurusa. I also have my own problem tapos dumagdag pa 'tong mga 'to. Buti nalang si Gio malakas ang loob na umamin sa kabulastugan niya.

“Hay nako!” buntong hininga ni Andrew.

“I told you be---”

“H'wag kana mag-sermon, eto naman oh!” tsk.

“Ano ngang plano mo?” tanong nanaman ni Gio.

He shrugged his shoulder. “I don't know maybe,” bumuga siya ng isang malakas na hininga. “Maybe, aalis muna ako ng Pilipinas. Pupunta nalang muna ako ng America and I will comeback kapag alam kong okay na. Liligawan ko siya kahit sampal lang ulit matanggap kong sayo.” ngayon niya lang talaga naisip 'yong gan'yang bagay.

“Aalis ka? Umalis na si Aldrake sa grupo natin tapos aalis ka pa? Grabe, lahi ba kayo ng mang-iiwan?” may pagbibiro pero makahulugang sabi ni Andrew.

Speaking of that jerk. I want to kill him for making my sister cry. Hindi na sana ako tatawag ng backup na mag-alaga kay Zyria kung umayos lang siya. And now, here's Kion. One of Zyria's favorite cousin. Madalas silang mapagkamalang mag-jowa dahil sa sweetness na meron sila at 'yon ang reason kaya ko pinadala si Kion. Ipapa-mukha ko sa hayop na Aldrake na 'yon na maling babae ang iniwan niya.

Maling saktan ang mga Zuarex.

Ayoko na ding makitang ginugulo niya si Zyria. I will fucking kill him. Ang tapang din ng apog ng lalaking 'yon, sa lahat ng iiwan kapatid ko pa. After making a promises na siya na ang bahala, iiwan niya lang? STUPID!

“Final na ba talagang aalis ka?” nakuha ng tanong na 'yon ang atensyon ko.

Tumango si Flich. “Final na. Sa ngayon kahit ayoko susundin ko nalang muna si Clarah. Mukhang hindi niya talaga akong gugustohing makita kaya aalis nalang muna ako. Kayo na muna ang bahala sa kan'ya, paki-update nalang din ako dahil titigilan ko na ang pang-i-stalk sa kan'ya. I will prove her na kaya ko siyang sundin at kaya kong patunayan ang sarili ko sa kanya,” ngumiti siya ng mapait.

What a life? Ang dating masayang grupo ngayon watak-watak na.