CHAPTER 28
FLICH'S POV
“Hoy, Flich!” sigaw ni Zyria sabay salubong sa akin ng isang malakas na sampal. Nabigla ako dahil doon pero ipinagtaka ko din ang galit na galit niyang mukha.
“Hayop ka! Sa sobrang pagnanasa mo, sa sobrang kagustohan mo na sayo lang si Clarah nagawa niyang pagtangkaan ang buhay niya!” malakas na sabi niya habang hinahampas ang dibdib ko.
Tila nabingi ako sa sinabi niya. Ginawa iyon ni Clarah? Natakot ba siya ng sobra sa akin? Ako ba ang may kasalanan ng lahat? Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Paano kapag nalaman niya na ako 'yong stalker niya? Paano kung matakot na siya ng tuluyan sa akin?
“Magsalita ka! Ano?! Tatakasan mo 'yong ginawa mo?! Muntik mamatay dahil sayo 'yong kaibigan ko! Muntik na muntik na!” malalakas na bulyaw sa akin ni Zyria na may kasamang pananakit.
Tinanggap ko iyon lahat. Wala akong karapatang magreklamo, hindi din ako pwede magreklamo. Tila natulala ako, iniisip lahat ng mga nasabi at nagawa ko na hindi ko masyadong pinagisipan.
“ZYRIA!” sigaw sa kanya ni Queenie at Aleah. Lumapit ang dalawa sa amin.
“Bakit mo ba sinasaktan si Flich?” takang tanong ni Aleah.
Dinuro niya ako. “Siya! Siya ang may kasalanan kung bakit nasa hospital ngayon si Clarah! Siya ang isa sa may kasalanan kung bakit naisip ni Clarah na magpakamatay nalang!” madidiin na sabi ni Zyria.
Kumunot ang ulo ng dalawa, “what do you mean?” naguguluhang tanong nila.
“Siya 'yong stalker,” seryosong sabi ni Zyria.
Nanlaki bigla ang mga mata nito pero nakabawi din agad. Akala ko wala silang gagawin sa akin pero mali ako. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Queenie. Si Aleah naman nakatingin lang sa akin na parang naghihintay ng paliwanag ko. Kahit naman saktan nila ako wala akong gagawin. Tatanggapin ko nalang kung ano talagang gusto nilang gawin sa akin ngayon kahit ipa-pulis pa nila ako.
“I'm sorry,” tanging salita na lumabas sa bibig ko.
“Sorry?! Sorry?! Halos mamatay na 'yong tao, sorry lang?!” napayuko ako sa sigaw ni Queenie. Oo nga naman, sorry lang matapos sa ginawa ni Clarah.
“Calm down. Kilala natin si Flich, alam natin na hindi siya kikilos ng gano'n kung walang dahilan. Hintayin naman natin siyang magpaliwanag,” malumanay na sambit ni Aleah.
Nagpapasalamat ako na kahit papaano may isa sa kanina na gustong marinig lahat ng paliwanag ko. Gusto ko na ding sabihin sa kanilang lahat para aware sila at kung sakali mang ayawan ako ni Clarah, maisipan ko na ding umalis may masasabi silang paliwanag sa kan'ya.
“Pero, Aleah---”
“Deserve niya 'yon, Queenie. Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat dinadala natin sa galit lahat ng bagay. Alam natin na lahat may rason, alam natin 'yan dahil ikaw din naman minsan ng nagkamali. Walang perpektong tao, lahat nadadala ng emosyon.”
Nagkatinginan si Queenie at Zyria. Kahit labag sa loob nila lumayo sila sa akin. Alam kong naghihintay na silang magsalita ako pero hindi ko talaga alam kung saan ko sisimulan. Isang malakas na hangin muna ang pinakawalan ko. Humigop din ako ng hangin bago sinimulang ibuka ang bibig ko.
“Sorry,” unang salita na lumabas sa bibig ko.
“Magpaliwanag ka hindi mag-sorry,” mataray na tugon ni Queenie.
“I love her, I'm just protecting her.” mahinang sabi ko.
“Ganon?! Gano'n ka mag-protect?” sumisiklab sa galit na bulyaw sa akin ni Zyria.
“Hindi ko intention na takutin siya or pagbantaan siya. You know me, almost 3 years ko na siyang ini-stalk at alam mo na ngayon ko lang 'to ginawa, Ria. Kasalanan ko bang gusto ko na akin lang siya? Hindi nga ako makaamin hindi ba?! May tumulong ba sa akin para umamin sa kanya? Wala naman, nanahimik ako at tahimik ko ding pinaparamdam sa kanya na may taong nagmamahal sa kan'ya!”
“Bakit mo siya pinagbantaan kung mahal mo talaga siya? Bakit mo nagawa 'yon? Ano 'yon, joke na pagmamahal? May halong libog?”
Napahilamos ako ng mukha ko. “Ganyan ang tingin mo sa akin, Queenie? Na kapag tinakot ko siya na ikakalat ko 'yong hubad niyang katawan ibig sabihin no'n libog na agad ako? Tangina! Oo, aaminin ko. Naglagay ako ng CCTV sa apartment niya, sa buong tinutuluyan niya kasi gusto kong makasigurado na kahit saan siya nababantayan ko siya!”
“Mali pa din 'yong ginawa mo!”
“Alam ko nga! Alam kong mali ako sa umpisa palang! Alam ko! Handa naman kasi akong umamin kung may tutulong lang sa akin!”
“Bakit hindi ka humingi ng tulong sa amin? Ano pang silbi namin?”
“Bakit ako hihingi ng tulong sa inyo? May problema na kayo at ayokong dumagdag sa inyo, pero ngayon hihingi talaga ako ng tulong. Pwede bang samahan niyo akong umamin sa lahat ng kasalanan ko kay Clarah? Ngayon?”
Malakas na ang loob ko. Handa akong harapin kung ano mang kapalit ng mga kasalanan ko. Kahit pa itaboy niya ako, handa na akong ligawan siya. Hindi ko man alam kung paano sisimulan ang lahat pero gagawin ko. I have to fix this! I have to stop hiding!
“Magagalit sayo si Clarah,” may pagaalalang sabi ni Aleah.
Umiling ako. “Kahit na, Aleah. Wala na akong pake kung magalit siya o itaboy niya ako. Alam kong mali na ginawa ko lahat ng bagay na 'yon. Pasensya na...” bumuntong hininga ako saka humarap sa kanila. “Handa akong lumuhod sa harap ni Clarah. Handa kong gawin lahat basta mapatawad niya. Tulungan niyo lang ako na humarap sa kan'ya, 'yon lang”
ANDREW'S POV
Hithit at buga ang kanina ko pang ginagawa sa sigarilyong hawak ko ngayon. Tignan mo nga naman ang tadhana si Gio pa talaga ang naka-buntis kay Aleah. Sino ba namang magaakala na ang isang Gio na tahimik matapos bugbogin ni Aldrake dahil muntik niyang rapin si Zyria ay nakabuntis na ngayon. Maganda na din na sa kamay niya napunta si Aleah, alam kong nasa tamang tao ngayon si Aleah. Hindi lang basta tamang tao kundi taong tama para makasama niya habang buhay.
“So, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?” tanong ng kadarating lang na si Kreus. I decided na sabihin na sa kan'ya lahat ng nangyayari sa amin.
“Hm? Importante pa sa mahalaga,” seryosong sabi ko.
Nagsindi ito ng sigarilyo sabay bumuga din ng isang malakas na hangin. “Simula mo na, wala akong oras ngayon para sa matagal na usapan,” bored na sabi niya. Never change siya padin talaga ang Kreus na kilala ko.
“Si Clarah nasa hospital dahil kay Flich at Vall.”
“Uhm? What happened?”
“Pinagbataan nilang dalawa na may ikakalat silang mga maseselang video at picture. Itong si Vall ikakalat daw niya 'yong video nila ni Clarah na nagse-sex kapag hindi nakipagbalikan sa kanya si Clarah. Si Flich naman sinabing ikakalat lahat ng nudes at video ni Clarah na naliligo sa cr kapag pumayag sa gusto ni Vall,” mahabang sumbong ko.
“Sabi ko na nga ba mangyayari 'yan. I already told him na umamin na siya bago pa siya madala sa mga mangyayari, stupid as always. Tsk,” iiling-iling na sabi niya. Sa haba ng sinabi ko 'yon lang talaga lumabas sa bibig niya.
“Sa tingin mo? Anong dapat niyang gawin? Mukhang mas magiging malala pa lahat eh,” nagaalalang tanong ko.
“Hayaan mo siya. Alam na niya ang dapat niyang gawin. I know, Flich he won't let happen again na saktan ni Clarah ang sarili niya just because of what he did. Hayaan mo nalang na kumilos siya and help him if may chance pa kayong nakikita,” mahabang sabi niya habang nakatingin sa kung saan.
I took a deep breath. Sasabihin ko na din siguro 'yong tungkol kay Zyria at Aldrake. Karapatan naman ni tanda na malaman 'yon dahil una sa lahat kapatid siya ni Zyria. Paano ko ba sisimulan? Baka bigla nalang siyang magwala dito ng wala sa oras, ay nako! Kapag nagalit pa naman 'tong si tanda talagang walang humpay, hindi pa nagpapa-awat!
“Wala ka ng sasabihin?” tanong niya ng namutawi ang katahimikan sa aming dalawa.
Muli nanaman akong huminga ng malalim at malakas itong ibinuga. “Uhm... about kay Zyria,” kabadong panimula ko.
Kunot-noo siyang lumingon sa akin. “What about her?” tangina nakakatakot! Bigla kasing sumeryoso ang aura niya. Parang biglang umurong dila ko, tangina!
“Ano...”
“What?!”
“Tangina! H'wag ka kasing ganyan tumitig natatakot ako eh!”
“Spill it! It's all about my sister so what do you expect me to react? Nakangiti?! Damn! I know problem 'yan and I want to know kung anong problema, stupid!”
“Okay! Ganito kasi, si Aldrake pinabayaan na si Zyria at si Zyria naman umiiyak dahil kay Aldrake. Nagsimulang magbago si Aldrake kay Zyria no'ng time na palagi nalang siyang naka-focus sa cellphone niya and then one day sinabi niya sa akin na wala na daw siyang pake kay Zyria dahil napaka-selosa. May babae siyang kasama ngayon Shane ata ang pangalan no'n, girl bestfriend niya daw tapos 'yon ang kinakampihan niya instead of—shit naman! Bakit mo sinuntok 'yong lamesa?!”
Nakakabigla na sinuntok niya 'yong lamesang nasa harap namin. Nagtatangis ang bagang nito sa galit, kung titignan mo parang umaapoy na din ang mata nito. Madiin na naka-kuyom ang mga kamao niya na handang manakit kahit anong oras. Napa-igtad nanaman ako ng bigla nanaman niyang suntukin ang lamesa. Nasundan pa ito hanggang sa magsawa siya at pader naman ang sinuntok niya.
“Bro, tama na 'yan!” saway ko sa kan'ya.
“Kung hindi lang masama pumatay ng tao! Kung hindi lang talaga! Putangina mo Aldrake! Tangina ka!” umiigting pangang usal nito dahil sa galit. Masama ang titig niya sa akin, wala naman akong kasalanan.
“Bakit ganyan ka tumingin sa akin? Wala naman akong ginawa ah?” takot na sabi ko.
“I have to calm down, I have too—argh! Shit! Naiinis ako! Nagagalit ako! Sinabi ko naman na ayokong iiyak nalang bigla ang prinsesa ko pero ginawa niya padin! I want to kill him!”
“Nagawa na niya and worst pati kami tinaboy na niya. Hindi na nga namin maintindihan si Aldrake eh. Parang nabulag siya ng babae na 'yon na kahit anong sabihin sinusunod niya.”
“Shane, galing sa Europe 'yong babaeng 'yon. Kilala ko siya.”
“Tsk, nakaka-bwiset pa kay Aldrake parang hindi niya nararamdaman na hinahabol pa siya ni Zyria. Gumagawa palagi si Zyria ng paraan para magkausap sila ni Aldrake pero hinaharang siya no'ng Shane. Nagpapaka-martyr ang kapatid mo,” dismayadong sabi ko sa kanya.
“That girl! Hindi ko naman siya tinuruan na maging martyr shit!”
“Kaysa magmura ka diyan nang magmura isipin mo nalang paano makakatulong sa kapatid mo,” pag-uutos ko sa kanya. Masama naman siyang tumingin sa akin. Akala mo kakainin nanaman niya ako.
“Ipapadala ko kamo si Kion and tell to her na h'wag niyang ipapakilala na pinsan niya si Kion, understand?” ang bossy naman ng boses.
“Oo, sino ba si Kion?” sumama ang tingin niya dahil sa tanong ko. Nagtatanong lang naman eh.
“Umalis kana! Alis!” taboy niya sa akin.
Wala akong magawa kundi tumayo nalang sa kinauupuan ko tapos umalis. Hindi na ako nagpa-alam sa kan'ya dahil mukhang mainit ang ulo ng inyong Kreus. Sabi sa inyo, actually 'yong pinakita niya sa akin kanina hindi pa siya galit no'n. Naiinis pa lang siya at ang mas malala sa lahat kapag galit na siya. I told y'all his willing to killed people just for her sister.
Sino nanaman kaya 'yong Kion na 'yon?
Dadagdag ba siya sa mga kaibigan namin o gugulohin niya lang din kami? Saka bakit hindi siya pwedeng ipakilala na pinsan ni Zyria, ano nanaman bang plano ni tanda? Palagi nalang may nakaabang na plano 'yong tanda na 'yon.
ZYRIA'S POV
“May sasabihin ka?” malamig na tanong niya sa akin. Damang-dama ko na ang December guys.
Kinagat ko ang labi ko. “Oo, importante 'to,” lumunok ako ng tatlong beses bago tumingin sa kan'ya.
“Ano 'yon?”
“Mahal mo pa ba ako?”
Hindi siya sumagot. Nanatili lang ang tingin niya sa akin. I don't know why I asked that question kahit alam kong pwede akong masaktan sa mga isasagot niya. Bahala na, gusto ko din namang magka-linawan kaming dalawa. Ako na din ang didistansya kung sakali mang hindi na niya ako mahal. Anong magagawa ko kung ganon na nga? Pinaglalaban ko naman siya kahit alam kong ayaw na niya kaso ipinamu-mukha niya palagi sa akin na wala siyang pake sa mga effort ko.
“Bakit mo natanong?” balik tanong niya sa akin.
“Just answer my question, Aldrake!” sana oo ang isagot ko.
“Alam mo na ang sagot, Zyria.” damn!
“Oo o hindi lang ang sagot, bakit hindi mo pa masagot?”
“Hindi, hindi na kita mahal.”
“Hindi, hindi na kita mahal.”
“Hindi, hindi na kita mahal.”
“Hindi, hindi na kita mahal.”
“Hindi, hindi na kita mahal.”
“Hindi, hindi na kita mahal.”
Nag-echo sa tenga ko buong line ng sinabi niya. Dumaloy ang panghihina sa buong sistema ko. Walang pahiwatig basta bigla nalang nagbagsakan ang luha ko. Tumingin ako sa kan'ya na tila nagma-makaawa na bawiin niya 'yong hindi niya. Hindi ko din kasi matatanggap na wala siya.
“B-Bakit?” lakas loob na tanong ko nanaman. Ang tanga mo Zyria, nasasaktan kana sige tanong kapa!
“I just feel, hindi na pala kita mahal.” pwede ba 'yon? Hindi pwede 'yon.
“Dahil ba kay Shane?” lumunok ako.
“Siya nanaman sisisihin niyo? Tsk... wala na nga kayong ambag sa buhay ko pati ba naman tao na palaging nasa tabi ko sisisihin mo pa? Umayos ka nga, Zyria! Alam mo isa talaga 'yan sa dahilan kaya inayawan kita. Napaka-selosa mo, tamang hinala palagi akala mo naman talagang totoo lahat!”
“Kasi natatakot akong mawala ka! Natatakot ako na baka mapunta ka sa iba hindi mo ba gets?!” umiiyak na bulyaw ko sa kan'ya.
“Ah, pwes ngayon wala na ako sayo kaya wala ka ng dapat ikatakot.”
“Gusto mo talaga 'yan?”
“Oo, stop pestering my life, Zyria. I don't need you, I don't love you and lastly you're just a big mistake for me.”
“If you said so,“ tumingkad ako at saka ginawaran siya ng isang halik sa labi. “I'm sorry for being a mistake. I am now setting you free. I never told you this before but, I love you Mr. Buenaventura. Thank you for loving a stupid like me,” ngumiti ako ng peke bago siya talikuran.
Napatakip ako ng bibig ko para pigilan ang paghiyaw ko. Gusto kong isigaw ang nararamdaman ko pero hindi ko magawa. I ran, walang kasiguraduhan pero tinakbo ko ang daan papalayo sa kan'ya.
Ansakit!
Ansakit! Sakit! Sakit! Pinalaya ko 'yong taong mahal ko dahil hindi na siya masaya sa akin. Pinalaya ko 'yong taong mahal ko na isang pagkakamali lang ang tingin sa akin. Pinalaya ko si Aldrake dahil hindi na ako 'yong gusto niya. Siya 'yong source of happiness ko pero siya 'yong reason ng pag-iyak ko ngayon. Ano ba kasing rason at nagbago siya?
Huminto ako sa hindi ko malamang lugar. Umupo ako saka humagulhol ng iyak. Nasasaktan ako at wala na akong pake kung may matatawa man sa kalagayan ko ngayon. I cried and cried until I felt some pain on my chest. Naramdaman kong nahihirapan na akong huminga at kasunod nito ang pagkawala ng malay ko.