CHAPTER 21
FLICH'S POV
Napapansin ko ang pagiging aligaga ni Clarah. Para siyang sinilihan sa p'wet na hindi mo maintindihan. Ayoko lang siya punahin kasi busy din ako sa paghahanda para sa question and answer portion. Kakatapos lang ng rampa ng swim wear, kampante naman ako kanina kasi kasabay siyang rumampa. Kahit may mga lalaking nakatingin sa kan'ya wala akong pake dahil hawak ko 'yong kamay niya kanina.
"Ah... Flich," tawag niya sa akin.
"Hm?"
"Samahan mo'ko sa dressing room saglit, pwede?" tila takot na sabi niya.
Kumunot ang noo ko, "okay ka lang ba? Namumutla ka eh, may nangyari ba sayo?" nagaalalang tanong ko.
Umiling siya, "wala 'to. Basta samahan mo nalang ako please."
Tinanguan ko siya saka tumayo. Sumunod lang ako sa kan'ya. Naging kakaiba bigla 'yong mga kilos ni Clarah. Para talaga siyang hindi mapakali na ewan, para siya nakakita ng multo. Ano nanaman kayang nangyayari sa kan'ya? Syempre mag-aalala ako sa kan'ya, palagi ko namang ginagawa 'yon. If ever, I have to protect her. Hindi ako dapat umalis sa tabi niya ngayon dahil ramdam ko na mas kailangan niya ako ngayon.
Naiwan nalang ako sa labas ng dressing room. Magpapalit lang daw siya sandali. We are now wearing our school uniform para irampa. Ang gwapo ko pala talaga kapag naka-uniform. Ang swerte naman ni Clarah, may gwapo siyang partner at ako 'yon. Clarah, baka naman gusto mo na din akong maging asawa? Magaling naman ako sa kama plus kaya kitang bigyan ng magandang lahi.
Sige lang self mukha kang shunga!
"Tara na," yaya ni Clarah na kakalabas lang sa pinto.
"Ang bilis naman. Ano bang pinalitan mo?" tanong ko.
Itinuro niya ang sapatos niya, "eto, hindi kasi ako komportable sa suot ko kanina. Parang ang sakit." sabi niya.
"Mas masakit pa 'yong akin diyan," wala sa sariling sambit ko.
"What?!" tangina....
"Huh?" pa-inosenteng tanong ko.
"May sinabi ka eh!"
"Wala ah!"
"Meron! May sinabi ka talaga!"
"Wala nga. Sige nga kung may sinabi ako, ano 'yon?" sana lumusot mga pre.
Umiling siya, "never mind." sabi nito at na-una ng maglakad.
Napangising demonyo ako bago sumunod sa kan'ya. Gago bakit ko nga ba naisip na sabihin 'yon? Dapat kasi sa isip ko lang 'yon kaso accidentally lumabas sa bibig ko. Buti pa 'yong bibig may accidentally na lumalabas samantalang 'yong ano ko hirap na hirap labasan. Tangina mo naman self eh! Mukhang ngayon pa yata ako susumpungin ng kalibugan ko shit! Maghunos-dili ka Flich at baka mapapunta ka bigla sa cr para lang mag-jaks!
Umupo na kami ulit sa pwesto namin habang pinapanood 'yong mga nasayaw sa stage. Ang tagal naman ng usad ng pageant na 'to parang gusto ko nalang umuwi tapos matulog. Andami kasing event, may mga sasayaw pa tapos may mga echos-echos pa 'yong mga emcee. Naglibot nalang ako ng tingin para malibang ako. Napatigil ako ng mahagip ng tingin ko 'yong isang judge na nakatitig sa gawin namin. Teka? Si Clarah ba 'yong tinititigan niya?
Hindi ako pwedeng magkamali, si Clarah talaga 'yong tinitignan niya. Buti nalang busy 'yong isa kaka-cellphone niya. Bigla namang napunta sa akin ang tingin niya sabay iwas nito. Sino naman kaya 'yong judge na 'yon? Bakit siya nakatingin kay Clarah?
ALEAH'S POV
SHIT! Gusto ko nanamang kumain. I want to eat pizza right now! Nakakagutom kaya makinig sa pesteng pageant na 'to tapos titili ka bigla.
"Gutom na ako," sambit ko.
Tumingin sa akin si Sandra at Queenie, "nanaman?" sabay na tanong nila.
Close tayo, 'te?
"Ehh wala ehh gutom nanaman ako," nag-pout ako.
"Sige na labas kana. Hanap kana ng pagkain," utos ni Queenie.
"Saan kaya ako makakabili ng pizza?" gusto ko talaga ng pizza ngayon.
"May alam ako." sabat ni Gio.
Nagningning naman ang mga mata ko dahil sa narinig ko, "saan?" mabilis na tanong ko.
"Sa labas. Gusto mo samahan na kita?" for what pa, Andrew?
"Ako na sasama sa kan'ya." may pagtaas kilay na sabi ni Gio.
Minsan hindi ko talaga maintindihan kung masungit ba siya o hindi? Nakakapagtaka lang talaga siya minsan. May mga time na ang bait niya naman pero most of the time talaga hindi siya namamansin. Wala naman akong pake kahit hindi kami magpansinan, may ilangang nagaganap pa din sa pagitan namin. Ilang buwan na ba ang nakalipas? Isang buwan na din siguro mahigit matapos 'yong inuman sa bar. Medyo na-ilang ako sa kan'ya, ay! Hindi lang pala medyo, sobrang ilang ko sa kan'ya.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Hinila ko na siya palabas ng hotel para maghanap ng pizza. Gusto ko ng pizza kaya bibili ako ng mga 10 box? Ano kayang masarap na flavor? Parang gusto ko 'yong pepperoni flavor, 'yon ang tinitibok ng bituka ko. Pepperoni nalang tapos gusto ko din ng pineapple juice.
"Ano bang mga bibilhin mo?" walang ganang tanong nito. Hindi ko alam kung bukal ba talaga sa loob niya na samahan ako o ano.
"Uhm..." umakto akong nag-iisip, "gusto ko ng 10 box of pizza tapos pineapple juice and oh, saan makakakita ng mga prutas dito? Gusto ko ng grapes na green tapos mangga." andami kong gusto kasama pa SIYA.
Tumikhim siya, "hindi ka naman gutom sa lagay na 'yon?" gutom nga ako, tanga naman nito.
"Gutom! Kaya nga madami bibilhin ko," masungit na sabi ko.
Huminto kami sa isang pizza-han. Wahhhh.... Pepperoni flavor. Ngayon palang gusto ko ng kumain. Ang gwapo pa ng tindiro owshit! Gusto ko din siyang bilhin, gusto ko ng mga gwapong tao ngayon acckkk.
"Anong flavor?" tanong ni Gio.
"Uhm... 'yong yummy parang si kuya, ehe!" ang landi mo self.
"Pft..." kuya naman eh! Lumabas dimple niya ang cute shit.
"Bibilhin ko lahat ng paninda mo, ibigay ko sa kan'ya." may halong diin na sabi ni Gio.
Ikaw Gio ha! Nagpapa-impress kaba sa'kin? Charrr lang alam ko namang hindi ako 'yong mga tipo ni Gio. Ang gwapo kaya niya tapos sobrang angas pa tignan. Kapag mga gan'yang klase ng tao ang mga tipo niyan ka-same vibes niya. If in case na mapag-trobol sila eh 'di kaya nilang lumaban.
Pagtapos naming bumili ng mga pagkain bumalik agad kami sa hotel. Sakto naman evening gown na ang nirarampa. Sakto lang din na si Clarah ang narampa ngayon. She was wearing a mermaid silhouette gown, kulay silver ito at sobrang kinang, tube type din siya na may bakles sa likod. Ang ganda talaga ng kaibigan ko kaso, bakit gano'n ang mga ngiti niya? She look so frightened na parang may kung ano siyang nakita.
Biglang gumuhit ang paga-alala sa dibdib ko. Kinalabit ko si Queenie na busy kakatili. Kanina pa 'tong babaeng 'to. Sobrang nakakarindi kaya 'yong boses niya. Hindi niya ako pinansin kahit naka-ilang kalabit na ako kaya binatukan ko nalang siya.
Lumingon ito at masamang tumitig sa akin, "ano ba?!" inis na tanong niya.
"Si Clarah---"
"Oh ano?!" shutangina!
Hinampas ko siya, "tangina mo naman eh! Hindi pa kasi tapos!" gigil na sabi ko.
Nag-peace sign siya, "sorry naman. Oh ano nga meron kay Clarah?" tanong pa ulit niya.
"Yong ngiti niya parang... parang may mali." sana naman napuna niya din.
Tumingin siya kay Clarah na hanggang ngayon rumarampa. Pinaliit niya pa ang mata niya na animo'y seryosong nanunuri ng isang bagay. Andami ding alam ng babaeng 'to.
"Hindi ko napansin 'yan kanina pero, tama ka nga. Pati 'yong mata niya halos hindi mapirmi sa isang...." natigil siya.
"Isang? Ano??" hindi ko gets.
Hinila niya ako palapit sa kan'ya. She pointed her finger sa isa sa mga judge, "hindi ba si---" shit!
"Damn! Kaya pala! Pero anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? And, how comes he became one of the judges?" sunod-sunod na tanong ko.
Lumapit sa amin si Andrew, "may problema ba?" nagaalalang tanong nito.
"Meron. Hindi naman gano'n kalaki kasi SOBRANG laki." pagdidiin ni Queenie sa word na sobra.
After a long time ago ngayon nalang ulit namin nakita ang lalaking 'yon. Bakit naman siya pupunta sa ganito? Maybe it's just a coincidence pero ito na yata ang pinaka-masamang coincidence para sa aming tatlo.
Sobra pa sa sobrang sama!
CLARAH'S POV
"Hello Ms. Clarah." bati sa akin ng emcee.
Ngumiti ako pabalik, "hello!" bati ko din.
"Are you ready for the question?" tanong nito.
I nood my head, "ready pa sa ready."
"Good. So here's the question for you. If love does exist then what is love for you?" grabehang tanong naman ito.
"Thank you for that beautiful question..." I faked my smile, "Love is not all about having a relationship. Love is all about you. I really do believe that love must be started from us, to our self. For us to love others we have to love ourself first, why? Because love is not all about pain. Love is all about joy, happiness and being care. May mga bagay tayo na hindi naiintindihan pagdating sa love pero alam natin na kapag love na ang paguusap our feelings, emotion and even mood apektado. Choose to love yourself before loving others para kung masaktan ka, alam mo na may love ka padin para sa sarili mo. And, I thank you!"
Lahat ng tao pumalakpak. Feeling ko mali 'yong sagot ko. Masyado lang yata talaga akong nag-o-over think sa mga biglaang nangyayari ngayon. Bumaba na ako ng stage matapos kong sumagot at bumalik sa pwesto ko. I saw that man again looking at me. Ang creepy niya. Baka siya 'yong stalker ko dati, siya siguro 'yon pero---
Tama na Clarah! Tama na ang pag-iisip!
Nagsisimula na akong matakot. Hindi ko na halos pinapansin ang mga nasa paligid ko. Paanonnga kung siya 'yong stalker ko? Paano kung siya nga 'yong palaging nasunod sa akin? Natatakot na ako ngayon palang, natatakot ako na baka kung ano nanamang magawa niya sa amin, sa akin. Ayokong may madamay nanaman sa kabaliwan ng lalaking 'yon at ayokong may masaktan nanaman.
Paano ko siya iiwasan?
I so desperate right now! Gusto ko nalang lamunin bigla ng lupa para lang mawala. To be honest hindi ko na yata kakayanin 'yong takot, kaba at pag-aalalang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako para sa lahat, natatakot ako at hindinko alam paano ko haharapin ang bangungot na matagal ko ng tinatakasan. I keep on saying na kaya ko pero takot na talaga ako.
Nagsisimula na ang panlalamig ng mga palad ko. Kinakagat ko din ang labi ko sa sobrang kaba. I hate this feeling! Ayoko ng ganito! Baka ito pa ang ikamatay ko. Nagulat ako ng may humawak ng kamay ko. Si Flich, nakatingin ito sa'kin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"May sakit kaba?" tanong nito.
Umiling ako, "w-wala." halos hindi ako makatingin sa mata niya.
"You look so pale at sobrang lamig ng kamay mo. Gusto mo bang dalhin na muna kita sa hospital?" concern na tanong nito.
Nakaramdam naman ako ng kilig, "hindi na kailangan. I'm okay, thank you." nakangiting tugon ko.
Tumango lang siya at muling itinuon ang atensyon sa stage. Hindi pa din naaalis sa ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin. Ramdam ko ang pagbabago ng nararamdaman ko. Lahat ng kabang nararamdaman ko biglang nawala. Lahat ng pag-aalala biglang napawi. Hindi ko inaasahan na ganito pala ka-powerful kapag si Flich ang hahawak ng kamay ko. I feel so blessed that I have him today.
Tumingin nalang din ako sa stage kung saan may mga nagpe-perform nanaman na sumasayaw. Sana all talaga magaling sumayaw. Hindi naman kasi ako kagalingan sa gan'yan although talented din ako like them. I practice ballet before tapos pumasok din ako ng hip-hop lesson.
**************
Eto na, bigayan na ng award. Masyado akong lutang kanina hindi ko na nasubaybayan 'yong ibang pangyayari.
"Grabe nakakakaba!" sabi ng katabi ko.
"HAHAHA basta ako kalmado lang, alam ko namang ako na 'yong mananalo dzuh!" talaga 'tong babaeng 'to no'ng nakaraan pa siya mayabang.
"Hindi ka sure," sabat ko.
Lumingon sa'kin si Flich, "hayaan mo nalang sila." sabi nito.
"Bawal kasi mayabang dito." pagmamataray ko.
Nagtawanan naman 'yong ibang babae. Deserve niya naman pagtawanan kasi, deserve niya. Hindi naman siya maganda 'no! May cocomelon lang siya na malaki tapos may malaking p'wet saka matangkad.
"Are you ready everyone?!" masiglang tanong ng emcee.
"YESSSSSS!" sigaw ng madami.
Hindi na ako nakisali sa sumisigaw kasi bigla nanamang bumalik 'yong kaba na nararamdaman ko kanina. Namamawis nanaman 'yong kamay ko. Ano ba naman kasi 'to?! Bakit ayaw umalis ng kaba ko? Feeling ko may hindi magandang mangyayari sa'kin. Sa dami ng sana ko wala pang natutupad.
FLICH'S POV
Kalmado
Chill
Prente
Gan'yan ko lang i-describe ang sarili ko ngayon habang nakatingin sa mga babaeng binibigyan ng award.
"For our Ms. Photogenic of the year. MS. CLARAH XECOVA!" malakas na sambit ng emcee sa pangalan niya.
Napatayo sabay palakpak ako dahil doon. I'm so proud of her. Talagang kahit saan ang ganda niya. Nakangiti siyang tinanggap ang sash at trophy. Walang humpay ang pag-palakpak ko. Talagang humahanga lang ako kay Clarah. One of the stunning woman tonight, one of the best girl and the most beautiful creature in earth.
That's my baby!
Siya na din ang nanalo sa evening gown. Hakot award ka talaga Clarah baby! Sunod naman na tinawag ang mga lalaking may award and luckily kasama ako doon. I won photogenic award and Mr. Cute award. Ako paba?! Ang gwapo ko kaya para hindi makatanggap ng award, char lang.
Bumaba na ulit kami at bumalik sa upuan. Sunod namang i-a-announce 'yong champion, first place at second place. Dito ako kinakabahan dahil feeling ko hindi naman ako mapapasama sa mga 'yan. Isa lang naman akong stupid na gwapong aumalisa contest na 'to para sa babaeng mahal ko.
Ang sweet ko 'no?
"For the awarding of our winners may we call on Mrs. Ragas and Mr. Vall Cristova." pa-anyaya nito sa dalawang hindi ko naman kilala.
"Shit!" biglang sabi ni Clarah.
Napatingin ako sa kan'ya, "bakit?"
"A-Ah.... w-wala parang ano.... parang ano lang kasi---"
"Our second place award goes to... ZAFIRA CALLAHAN from PUP!" malakas na sabi ng emcee.
Panira naman 'to oh! Nagtatanong kay Clarah tapos biglang sisingit hmp! Tumingin si Clarah sa Zafira na tinawag. Ito 'yong isa sa tatlong babae na inaway niya no'ng training namin.
"The second place for men goes to.... JAYSON ABAD from FEU!"
Tangina ano bang pake ko sa mga taong tinatawag sa harapan ko ngayon? Hindi naman si Clarah 'yon eh. Hindi din naman sila artista. Basta ang mindset ko ngayon maka-uwi na tapos nakapag-pahinga na dahil napapagod ako. Sunod naman na tinawag 'yong first. Naalala niyo ba 'yong babaeng inaway ni Clarah no'ng nasa beach kami? Siya 'yong first sa babae. Sa lalaki naman 'yong lalaking inaway ko no'ng nasa restaurant siya ng hotel? Nanalo din 'yon.
Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Kapag inaway papa nakakakuha ng award. Clarah, paki-away nga ako tapos gusto ko ikaw 'yong award ko ehe!
"And for our STAR OF THE NIGHT......"
*Music*
Ang sakit sa dibdib ng music parang drum na kinakalabog 'yong puso ko.
"CLARAH XECOVA!"
Nagkatinginan kami ni Clarah dahil doon. Gulat na gulat ang mukha niya habang ako naman nakangiti lang sa kan'ya. Sabi ko na nga ba at siya ang mananalo. I believe in Clarah's supremacy!
"WAHHHHH ANG GALING MOOOO CLARAH!!!!" tili ni Queenie.
"GOOOOO FOR THE BCU!" sigaw din ni Aleah.
Naglakad na papuntang stage si Clarah habang ako naka-upo lang dito sa tabi-tabi. Nakangiti niyang tinanggap 'yong korona at saka trophy na ibinigay sa kan'ya ng babae. Gano'n din ang paraan niya ng pagtanggap ng certificate sa judge na si Vall. Aabutin na sana ni Clarah 'yong bouquet ng ilapit no'ng Vall 'yong 'yong mukha niya sa tenga ni Clarah at parang may binulong. Biglang nagbago ang expression nito, tila may kung anong sinabi 'yong tukmol.
Ano naman kayang binulong no'n?
Tangina makakapatay pa ata ako ng judge! Hindi na ako nag-focus sa sinasabi ng emcee dahil binabantayan ko nalang ang galaw ni Vall. Umakbay ito kay Clarah para sa picture taking at sinabi kong ako lang dapat ang hahawak sa kan'ya! Talagang konti nalang at papatay na ako! Na-ikuyom ko ang kamay ko sa sobrang inis! Ang tagal na ng akbay! Masasapak ko 'to!
"And for our STAR OF THE NIGHT FOR MEN......"
*music*
Tangina andaming alam!
"FLICH DREUZ!" malakas na banggit niya sa pangalan ko.
Tumingin naman sa akin si Clarah. Hindi ko alam kung anong klase ng mukha 'yong pinakita niya sa akin dahil hindi ko ma-ipinta. Nakikita ko ang sunod-sunod na paglunok niya, kita ko sa mga kamay niya ang nginig. Ano bang nangyayari?
"WOWWW P*TANGINA NANALO!" malakas na pang-aasar ni Queenie.
"Galing mo, pre!" may pag-thumbs up na sabi naman ni Andrew.
Umakyat na ako sa stage. Kailangan ko din kasing ipamukha sa lalaking 'to na akin 'yong hinahawakan niya at hindi sa kan'ya! Akin 'yon eh! Kinamayan agad ako ng ibang winner ng maka-akyat ako.
"Congratulations!" nakangiting bati sa akin ni Mrs. Ragas habang isinusuot sa akin 'yong sash. Sunod naman niyang isinuot ay 'yong korona.
Ngumiti ako, "thank you po!"
"WAHHHH ANG GWAPO NIYA TALAGA KAPAG NAKANGITI!" sigaw ng mga babae.
Natawa nalang ako. Hanggang sabi nalang naman sila ng gan'yan. Sunod na lumapit sa akin ay si Vall. Putangina pwede ko ba siyang umbagin dahil sa ginawa niya kanina? Plastic siyang nakangiti sa harapan ko ngayon habang inaabot sa'kin 'yong certificate at bouquet.
"Congratulation." walang buhay na sabi niya at kinamayan ako ng madiin.
Putangina anong akala nito sa'kin hindi gaganti? Mas diniinan ko ang pagkaka-shake hand naming dalawa. Pinisil ko 'yong kamay niya to the point na napangiwi na siya sa sakit. Saka ko lang pinakawalan ng maramdaman kong hinihila na niya ito. Muli nanaman niyang ipinakita sa'kin ang plastic niyang ngiti bago humarap sa madaming tao. Bumalik din siya sa kanina niyang pwesto, sa gilid ni Clarah.
Sorry pero akin 'yan!
Hinapit ko ang bewang ni Clarah papalapit sa akin hanggang sa magdikit kami. Medyo nagulat siya pero maintain naman niya ang pagiging kalmado.
"Are you okay?" tanong ko.
Tumango siya, "oum."
"Sure ka?"
"Oum, okay lang ako. Thank you!" nakangiting sabi niya.
Mabuti naman at okay. Hindi ko yata mapapatawad 'yong hinayupak na 'yon kapag binigyan niya ng trauma ang Clarah ko. Nagtagal pa kami sa stage dahil sa picture taking pero hindi ko na nakita si Zyria. Matapos ang picture taking umuwi na kami. Hanggang sa pag-uwi kapansin-pansin pa din ang kakaibang kilos ni Clarah. Hindi ko maintindihan kung anong meron pero alam kong may tinatago siya sa akin.
Kung ano man iyon, dapat ko siyang malaman. Madali nalang sa akin ng mga bagay na gano'n dahil may gagawa. Sino ka ba Vall? Ano bang connection mo kay Clarah? Bakit parang takot na takot sayo si Clarah? In order to protect her I must know who the hell is that man. He touch my Clarah! He talk to my Clarah! Soon wala na 'yang buhay dahil sa akin.
I will make your life like hell stupid dumbass!