CHAPTER 22
ANDREW'S POV
One week na din pala halos simula ng matapos 'yong pageant. Si Clarah at Flich naging sobrang busy na dahil sa mga activities na hinahabol nila. Nakaka-boring nga dahil hindi na kami na-kompleto. Minsan wala kami ni Sandra, minsan naman si Aleah. Ang palagi lang talagang active dito ay si Queenie at Gio. Hindi na talaga ako magtataka kapag nagkatuluyan 'tong dalawa.
“Aldrake,” tawag ko dito.
Hindi niya ako nilingon. Busy siya sa kung sino man 'yong kausap niya sa cellphone. Putangina isa pa 'to eh! Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Hindi na namin makita 'yong Aldrake na nag-exceed talaga ng effort makuha lang si Zyria. Wala na siya.
“Huy! Aldrake!” binato ko siya.
“Ano?!” sagot nito matapos lumingon sa akin ng inis.
“Anong ano?! Nasaan si Zyria? Bakit hindi kayo magkasama?” simula no'ng pageant hindi na talaga sila magkasama.
“Malay ko sa kan'ya. May sariling paa 'yon.” putangina!
”Napaka-walang kwenta mo naman pala HAHAHA”pagak ang tawang sabi ko.
Kumunot ang noo niya, “anong sabi mo?” walang emosyong tanong niya. Nakita ko pa ang pagtangis ng bagang nito sa pagpipigil ng inis.
“Wala kang kwenta! Putangina kung sinabi mo lang dati na magbabago din para 'yong pagpapahalagang ibibigay mo sa kan'ya sana..... sana ipina-ubaya mo nalang siya sa akin!”
Tumayo siya ng tuwid sa harap ko, “sayo na. Bakit hindi mo kunin ngayon? Nakakasawa din naman 'yong mga kagaya niyang sobrang selosa, sobrang o. a at sobrang isip bata.” sabi nito sabay tinalikuran ako.
Tangina!
Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon? Hindi naman siya gano'n dati. Bigla nalang siyang nagbago na parang akala mo hindi niya kami kilala. Madalas na siyang nakatutok sa cellphone niya tapos hindi na din siya masyadong nasama sa amin. What happened to him? Feeling ko hindi ko na siya kilala.
Oo, gago ako. Madami akong kagaguhan pero 'yong sinabi ni Aldrake ngayon? Hindi ko masasabi 'yan. Kung nagsasawa na siya kay Zyria bakit hindi niya sabihin? Sinasaktan niya si Ria. Alam kong na-una siyang magkagusto kay Ria pero hindi sapat na dahilan 'yon para magsawa siya.
What should I do?
Sasabihin ko ba kay Zyria 'to? Baka hindi siya maniwala sa akin matapos 'yong nagawa ko Aleah. Napahilot nalang ako ng sintido ko. Nagugulohan ako at mukhang kailangan ko si tanda ngayon pero hindi din naman pwede. Kapag nalaman ni Kreus na sinasaktan ni Aldrake si Zyria talagang papatayin niya si Aldrake. Sinabi niya before na ayaw niyang makikitang umiiyak ang princess niya dahil kay Aldrake. Nasabi din niya na hindi siya magda-dalawang isip na patayin si Aldrake IF sinaktan nito ang kapatid niya.
Over protective si Kreus. Simula palang talaga pino-protektahan na niya ang kapatid niya. Ang pagpayag niya sa gusto ni Aldrake ang pinaka-mahirap na desisyon niya sa buhay dahil ayaw niyang nasasaktan ang nag-iisang babaeng tumanggap sa kan'ya kahit sino pa siya. How sweet right?
“Mukhang stress ah!” eto nanaman si Queenie.
“Nakaka-stress talaga,” makahulugang sabi ko sabay nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
“Bakit? Pinabili ka din ni Sandra ng napkin?” seriously?
“Hindi, tanga!”
“Ay sorry! Akala ko kasi.... hehehehe so bakit nga?”
Sasabihin ko ba?
Umiling ako, “when kaya tayo mako-kompleto?”
“Hindi ko alam.”
“Na-miss ko din 'yong mga kalokohan natin dito,” kaso mukhang hindi na mauulit.
“Hayaan mo! One day matatapos din lahat ng mga pinagkaka-busyhan ng mga 'yon tapos magkakasama-sama ulit tayong lahat.” may ngiting sabi niya.
“Sana nga.” halos bumulong na lang na sabi ko.
Alam kong hindi na kami ma-aayos. Unti-unti na kaming nagkakawatak-watak. Una, nawala si Kreus dahil sa family problem. Pangalawa, nawala 'yong closeness na meron kami dahil sa ginawa ko kay Aleah. Pangatlo, si Aldrake naman 'yong mawawala. Sana naman hindi na masunda 'to kasi ano nalang mangyayari sa amin?
“Antok nanaman ako!” dinig kong sabi mula sa malayo. Sure ako na si Aleah 'yon. Sa boses palang eh.
“Girl, lagi ka nalang inaantok! Bakit hindi ka nalang magdala ng sarili mong bahay dito sa school para uwi agad kapag inantok!” malakas din na sabi ni Queenie.
Silang dalawa nalang talaga ang nagpapa-ingay sa amin. May kakaiba pero okay naman. Hindi ko talaga alam pero parang may kakaiba talaga, hindi ko lang masabi kung ano ba 'yong kakaiba na 'yon.
“Hiii babyyyy!” masiglang bati sa akin ni Sandra. Hinalikan pa ako hito sa pisngi at saka yumakap.
“Sana ol po!” sabay na sabi ni Queenie at Aleah.
Natawa ako, “mag-jowa na kasi kayo. Napag-iiwanan na kayo oh,” tumatawang pang-aasar ko. Para effective lang.
Tumaas ang kilay ni Aleah sa sinabi ko. Ano nanaman kayang banat ng babaeng 'to? “Kung kagaya mo lang din naman 'yong magiging jowa ko ulit...” ngumiwi siya, “no thanks nalang!” ang taray.
“Wala naman akong sinabing kagaya ko ah!” tumawa ako, “ibig sabihin lang niyan mga kagaya ko ang gusto mo!” ang sarap mang-asar, yawa!
Sumama ang tingin nito sa akin. Kung iisipin parang umuusok na ang ilong nito sa galit kaya mas lalo akong natawa. Kayang ang sarap mamikon ng babae eh, sobrang bilis talaga nila magalit tapos lumalabas pa ka-cutan nila kapag galit.
“Galit yarn?” pang-aasar ko pa. Masaya lang ako, Aleah.
“Bwiset ka!” inis na sigaw niya.
“Asus so trip mo din pala ang mga bwiset na ga---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may biglang na-shoot na papel sa bunganga ko.
“Sorry, akala ko kasi ring.” putangina! GIOOOOOOO!
Si Aleah naman ngayon ang malakas na tumawa. Happy ka? Tangina talagang pasok sa bibig ko 'yong papel ah! Umarte si Gio na parang walang kasalanan. Prente lang itong nakasandal sa upuan habang nakikinig ng music sa headphone niya at nakapikit.
“Sapol ka doon ah!” tawang-tawa na sabi ni Aleah. Napapapunas pa ito ng butil-butil na luha sa mata niya sa sobrang tawa.
“Happy?” sarcastic na tanong ko.
Tumango siya, “kasi naman..... HAHAHAHAHAHA ayoko na! Ansakit na ng tiyan ko, tangina!” pwede ba manakal ng babae? Sasakalin ko lang 'to gigil niya ako!
“So??? Masaya na kayo???” tanong ni Queenie. Hindi mawari kung anomg expression ang meron sa mukha nito. Para siyang nawi-weirduhan sa amin.
“Siya happy, ako hindi.” kailangan ko munang makaganti kay Gio para sumaya ako.
“Huy! Tama na kakatawa baka kabagin ka!” saway sa kan'ya ni Queenie pero hindi pa din siya nagpa-awat.
“Tara pizza,” yaya ni Gio. Biglang natigil sa pagtawa si Aleah.
“Tara!” ma-abtik na sagot nito.
Pagkain lang pala katapat!
“Sama kayo?”
Umiling ako.
“Ikaw Queenie?”
“Sama ako diyan! Pagkain 'yan eh!”
Umalis na 'yong tatlo. Kaming dalawa nalang ni Sandra ang naiwan. Busy pa 'tong kasama ko kakasagot ng mga activities niya. Masipag na mag-aaral si Sandra kahit sabihin mong malandi ang tingin sa kan'ya ng madami. Hindi na siya virgin pero tinanggap ko siya. Ano nga bang dahilan kung bakit ipinagpalit ko si Aleah kay Sandra?
Simple lang, hindi ako deserve ni Aleah. Hindi niya deserve 'yong kagaya kong lalaki na madaming ng naging babae at hindi niya deserve 'yong kagaya ko na hindi siya kayang intindihin. She deserve better than me and I deserve Sandra. We just met for lesson.
CLARAH'S POV
“See you in BCU, sweetie,”
“See you in BCU, sweetie,”
“See you in BCU, sweetie,”
“See you in BCU, sweetie,”
“See you in BCU, sweetie,”
Isang linggo, halos isang linggo na akong hindi makatulog dahil diyan. Bakit siya pupunta ng BCU? Anong gagawin niya dito? Plano ba niya na gulohin ako?
Damn!
Kailangan ko ng sagot! Kailangan ko ng maayos na sagot dah napa-praning ako kaka-isip kung bakit? Bakit siya bumalik? At, anong purpose ng pagbalik niya? Kung kailan okay na ako? Kung kailan kaya ko ng mag-mahal ng ibang tao saka siya mang-gugulo? Hindi!
Hindi pwede Clarah!
H'wag kang papa-apekto!
Siya nga kaya ang stalker ko? Kung siya, bakit niya ginagawa 'yon? Argh! Hindi ko na kaya! Ansakit talaga sa ulo! Sumasabay pa 'tong pesteng sasagutan ko dahil andami kong late na requirements.
“Guys!” tawag sa amin ng isa naming kaklase.
Naglingunan naman kaming lahat. Ano nanaman kayang sasabihin nito? Sana naman importante dahil napapagod ako sa mga sakit sa ulo. Gusto ko nalang tanggalin 'yong ulo ko para mawala ang sakit!
“Andito si Vall Cristova!” p-potangina.
Nagtilian ang mga kaklase kong babae dahil sa narinig nila. Lahat sila naglabasan maliban sa akin. Tulala akong na-iwan sa loob ng room. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko basta ang alam ko lang lamang ang takot dito. Akmang tatayo na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
From: unknown
H'wag kang lalabas Clarah ayokong titingin ka sa lalaking yon!
Shit!
Sino 'to?! Paanong----
Mas lalo akong nakaramdam ng takot. May dalawang tao ngayon na kitatakutan ko. Ang stalker ko at si Vall. Paano niyang nalaman na lalabas ako? Nakikita niya ba ako? Hindi ko ma-iwasang hindi luminga sa labas.
Nasaan siya?
Sino siya?
Kilala ko ba siya?
Paano niya nalalaman ang kilos ko?
Madami na akong katanungan kanina mas nadagdagan pa! Hindi ko na alam kung paano ipa-process sa utak ko lahat! Itinukod ko ang siko ko sa desk. Bahagya kong niyuko ang ulo ko sabay sabunot sa buhok ko.
Mababaliw ata ako!
“Clarah!” umangat ang ulo ko, “are you okay?” may pag-aalalang tanong ni Aleah sa akin.
Agad namang hinawakan ni Queenie ang kamay ko, “andito lang kami,” sabi niya.
“Natatakot ako,” may panginginig boses na sabi ko.
“H'wag ka matakot, Clarah andito kami ni Aleah. Wala kang dapat katakutan kasi andito kami. Andyan si Flich, andyan si Gio, andyan si Zyria. Andito kaming mga kaibigan mo, we will protect you.” hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko habang hinahagod ang likod ko.
“Paano kung---” Aleah cut my words.
“Hindi! Kung ano mang pinag-o-over think mo diyan, Clarah hindi na mangyayari 'yon! Hindi na mauulit 'yong dati at hindi kana ulit magsa-sakripisyo ng isang buhay!” madiin at may lakas na sabi nito. Ipinagduduk-dukan niya talaga sa akin na wala na akong dapat alalahanin.
Tumingin muli ako sa labas. Naroon parin ang mga estudyateng nagti-tilian dahil kay Vall. Kung ano niyo lang kung gaano kahayop ang lalaking 'yan baka hindi niyo na maisipang tumili sa kan'ya! Wala siyang kwentang tao! Hindi siya dapat nabuhay dito!
“Mag-bar tayo gusto mo?” tumingin ako kay Aleah dahil sa sinabi niya.
Umiling ako, “hindi pwede eh. Gustohin ko man kaso andaming kong gagawin,” stress na ako. Gusto ko na nga lang mag-hire ng tanong gagawa ng mga activities ko para sa akin.
“Kaya mo 'yan,” sabi ni Queenie habang tinatapik ang balikat ko.
“Kakayanin!” may pagtangong sabi ko. Ngumiti din ako ng peke kahit nilalamon ako ng ibat-ibang emosyon ngayon.
Namutawi nanaman ang katahimik sa amin. Hindi pa nawawala 'yong nginig sa katawan ko. Natatakot pa talaga ako kay Vall.
“Uyy! Bakit kayo nandito?” tanong ni Carl. Galing ito sa labas mukhang chumismis din.
“Bakit? Masama bang pumunta kami dito, ha?!” gagong Queenie talaga.
“Oh, kalma nagtatanong lang naman ako,” tumawa ito.
“Bawal magtanong ngayon! Gold ako kaya kada tanong may bayad na bente!” may saltik nanaman ang kaibigan ko.
Natawa ako dahil sa sinabi niya, “sa lahat ata ng gold ikaw 'yong mabilis matunaw,” pang-aasar ko na may kasamang tawa.
“Ansama ng ugali mo! Matapos kitang--- hmp!”
“Pasensya HAHAHAHA”
“Bakit parang ang putla mo?” turo nito kay Aleah.
“Ako?”
“Ay, hindi! Siya talaga 'yon! Siya!” pamimilosopo nito. Itinuro pa talaga niya 'yong bubong.
Inerapan lang siya ni Aleah. Napapansin ko ding namumutla si gaga. Mga ilang araw ko ng napapansin 'yon hindi ko lang sinasabi. Baka nagpupuyat lang sa maling tao gaya ng isa diyan.
“Pero, seryoso ang putla mo talaga,” sabi ulit nito.
“Hindi ko din alam bakit ako maputla. Baka vampire talaga ako dati tapos ngayon lang lumalabas. Pwede naman 'yon 'di ba?” ang corny mag-joke puta.
“Manahimik ka nga Aleah! Anong vampire? Ikaw yata ang pinaka-tangang vampire kung sakali!” bulyaw sa kanya ni Queenie.
“Hay nako, kung ako sa inyo bumalik na kayo sa classroom niyo. Okay na ako at saka kaya ko na din ang sarili ko. Hindi niyo na ako kailangang alalahanin,” sabi ko sa kanila.
Nagkatinginan muna sila bago tumingin sa akin, “sure ka ba diyan?” tanong ni Aleah.
Tumango ako, “oo nga! Kaya ko na 'to.” pangungumbinsi ko sa kanila. Hindi ko naman sila gustong istorbohin dahil lang sa nangyayari.
“Okay,” tumayo si Queenie mula sa pagkaka-upo niya, “Sabi mo okay kana kaya aalis na kami? Sure ka diyan ha?” panigurado niya ulit.
“Okay na 'yan. Hindi naman marunong mag-sinungaling 'yang si Clarah.” sabi ni Aleah. Sumang-ayon ako sa kan'ya.
Wala na din masyadong pagtatalo at mga tanong pa. Umalis din sila kaagad. Nangalumbaba ako, mag-isa nalang ulit ako. Ilang araw ng hindi pumapasok si Zyria dahil may sakit. Ni hindi ko nga alam kung nagkaayos na ba sila ni Aldrake. Alam ko namang hindi gugustohin ni Aldrake na mawala sa kan'ya si Zyria. Pinaghirapan niya 'yon. Halos ilang taon ang ginugol niya kakasunod sa babaeng 'yon tapos hahayaan niya lang mawala?
Impossible.
Wala naman sigurong tangang lalaki ang iiwan ang isang babae na pinaghirapan niya, maliban nalang kay Vall. He gave me a trauma kaya nagkaka-ganito ako ngayon.
Nagpasukan na ang mga kaklase ko. Lahat sila ay mga mga ngiti at kilig. Putangina! Kinikilig sila sa lalaking 'yon?
Yuck!
Eww!
Kadiri!
Dirty!
Gross!
Low class!
Walang taste!
Stupid!
Lahat na!
“Go back to your proper chair everyone!” sabi ng teacher namin. Pumapalakpak pa ito ng mahina para lang mapagalaw ang mga kaklase ko.
“Gosh! Excited na ako!” kinikilig na sabi ng katabi ko.
“Ako din yieee! First time mangyari 'to!” sabi pa ng isa.
“Ikalma mga 'te!” saway ng president namin.
Anong meron?
“So is everyone inform na dito makiki-sit in sa section ninyo si Mr. Cristova?”
Wtf?!
Tila nabingi ako sa narinig ko. D-Dito siya--- bumukas ang pintuan bigla kasabay noon ang pagpasok ni Vall. Nakatingin ito sa am- ay hindi! Sa akin lang siya nakatingin. Nakangisi ito na parang demonyo. Shit! Bumilis ang kalabog ng dibdib ko sa sobrang takot. Hindi ko mawari kung anong nararamdaman ko ngayon. Nabibingi ako sa sariling tunog ng dibdib ko. Nag-slow motion din ang paligid ko.
Wake up, Clarah!
This is bad! Really bad! I hate this feelings! Hindi ko gusto na nabubuhay ang takot sa taong sumira sa pagkatao ko, hinayaan akong isakripisyo ang isang buhay at sa taong hindj ako nagawang panindigan.
“Good morning everyone! I am Vall Cristova and I will stay in this section for 1 month.”
No!