CHAPTER 20

QUEENIE'S POV

“GOOOOOOO FLICHHHHHH! GOOOOO CLARAHHHHHHH!” malakas na tili ko. Nakatanggap ako ng batok dahil doon.

“Gaga! Wala pa ang oa naman nito!” masungit na sabi ni Aleah.

“Ay! Hehe wala pa ba? Sorry naman,” nag-peace sign ako, “teka nasaan sila Zyria?” tanong ko. Hindi ko kasi sila makita.

“Si Zyria pumunta kay Clarah, si Aldrake naman...” tumingin siya sa gilid kung saan wala masyadong tao, “ayon busy kakaselpon.” bored na sabi nito.

Pansin ko 'yong pagbabago ni Aldrake. Hindi ko alam kung ako lang ba o lahat kami pero talagang nagbago na siya eh. Feeling ko, hindi na siya 'yong Aldrake na nakilala namin before.

“Palaging busy 'yon,” sabi ko.

“Oo nga eh. Hindi ko nga alam kung anong pinagkaka-busyhan niyan. Wala na siyang time kay Zyria kahit magkasama sila,” sang-ayon na sabi ni Aleah.

“Seryoso niyo naman!” nakangiting bungad ni Andrew. Naka-akbay ito sa jowa niya.

“Wala napag-usapan lang namin si Aldrake,” may buntong hiningang sabi ko.

“What about him?” he asked.

“Parang ang laki ng pinagbago niya like, he's not like that before,” kumibit balikat ako, “ewan ko kung ako lang ba ang nakapansin. Bahala na nga!”

“Yeah, he really change a lot. Napapansin ko din 'yon this past few weeks I think. Akala ko nga he was just busy dahil sa mga pinapa-asikaso ng dad niya but when I asked Ferra sinabi niya na si Hiro na daw ang nag-take over ng mga dapat gawin ni Aldrake. I don't know what's the reason but I know nasasaktan si Zyria,” sabi ni Andrew.

“Tama na nga!” saway sa amin ni Aleah, “masyado tayong seryoso. Puntahan nalang muna natin 'yong dalawa.” suggest niya.

Lahat kami sumang-ayon. Pumunta kami kung nasaan si Clarah. Bukod kasi ang room ng lalaki at ng babae ngayon. Ang sabi sa amin ni Dean kinuhaan daw niya ng private dressing room si Clarah. Mahirap daw kasi doon sa pinaka-dressing room, sobrang sikip. Hindi din naman nagtagal at nakarating na din kami sa room ni Clarah. Naabutan namin itong inaalo si Zyria habang naka-suot ng dress. Ano nanaman kayang nangyari?

“What happen?” mabilis na tanong ko at lumapit din kay Zyria. Panay ang hikbi nito habang nakadukdok ang ulo sa table.

“About sa kanila ni Aldrake,” malungkot na sabi ni Clarah.

“Wait, tatawagin ko lang sila Flich.” sabi ni Andrei sabay umalis.

Kami-kami nalang ang nandito. Ako, si Clarah, si Aleah at si Sandra na nakatingin lang. Bago palang siya sa grupo kaya wala siyang masyadong alam. Medyo hindi din maganda ang pakikitungon sa kan'ya ni Aleah dahil nga ex ni Aleah 'yong jowa niya ngayon. I can't blame Aleah for that.

“Shhh stop crying na, ria.” pag-aalo ko sa kan'ya.

Umiling siya, “bakit gano'n? B-Bakit parang b-binabalewala na niya ako? A-Ano bang kasalanan ko?” umiiyak na sabi nito. Sunod-sunod din ang paglunok niya.

“We have to call Ferra!” ma-abtik na sabi ni Clarah.

I don't know kung sino si Ferra. Kapatid siguro ni Aldrake pero hindi ko pa siya name-meet before eh. Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Aleah habang hinahagod ko ang likod ni Zyria. Bigla ding dumating si Flich, Andrew at saka si Gio na palagi nalang naka-poker face.

Lumapit si Flich kay Zyria, “What happen to her?” tanong nito habang nakatingin kay Clarah.

“Okay naman siya kanina eh. Nag-open lang siya about sa nangyayari sa kanila ni Aldrake tapos eto na, hindi na siya tumatahan,” Clarah said in problematic tone.

Bumukas din ang pinto. Si Dean naman ngayon ang biglang dumating. Agad din itong lumapit kay Zyria.

“Flich, Clarah mag-ready na kayo. Magsisimula na with in 5 minutes. Kayo naman lumabas na kayo, ako na ang bahala kay Zyria. Papuntahin niyo dito si Aldrake.” utos nito.

Gold kaba, Dean para utusan ako?! Charot!

Wala naman kaming magawa kundi lumabas nalang. Akala mo naman ang gold ni Dean hmp! Bumalik kami sa kanina naming pwesto, wala na doon si Aldrake. Baka kusa niyang hinanap si Zyria? Bahala na nga.

“Tangina ang drama naman ng event na pinuntahan natin!”

“Drama your face, Andrew.”

“Totoo lang, tsk...”

“Umalis ka kung nada-dramahan ka,” pamababara ni Gio kay Andrew.

“HAHAHAHAHAHAHA tama! Tama! Shutangina marunong kana gumanyan Gio ha!” ambabaw ng kaligayahan ko.

“Shut up, parrot.” he rolled his eyes.

“Sinong parrot?! Ganda ko namang parrot!” mayabang na sabi ko sabay flip hair.

“Walang may pake.”

Tangina mo, Gio!

“Pakyu!”

“Not my type.”

“Walang may pake too!”

“Pero pinakikinggan mo, tss... stupid!”

“Nakaka---”

“LADIES AND GENTLEMEN!” isang malakas na sabi mula sa stage na biglang nagpa-ingay sa lahat. Tangina naman mga panira moment eh!

“WALAAA SINIRA NIYO MOMENT KOOO!” sigaw ko.

Binatukan ako ni Aleah, “manahimik ka nga, bwiset ka!” ang sungit naman ng isang 'to.

“Aray naman! Inaano kaba?! Hmp! Palibhasa pinagpa--- aray! Nakakadami kana ha! Tatlo na 'yon!” tangina binatukan ba naman ako ulit!

“Today, is the most special. Makikilala nating lahat ang mga naggagandahan at nagga-gwapuhan na binibini at ginoong. They are the representative of each school na talaga namang tinitingala ng madami. But before everything, let's have first our prayer to be followed by singing our national anthem.”

Sabi ko na nga ba. Hindi naman mawawala 'yan sa mga events. Paano nalang kaya kung demonyo in personal 'yong nagpe-pray.

MASUNOG KA SANA!

Tangina naman self sumeryoso ka. Ang seryoso ng mood ngayon oh! Nagsimula ng magdasal, hindi ko siya kilala pero sabi sakristan daw. Ang gwapo nga eh, mahingi nga 'yong number mamaya pagtapos ng event. Shutek ka self puro ka nalang kalandian! Wala eh, hindi nagtagal 'yong kalandian ko before kaya ita-try ko naman sa sakristan. Siguro naman may takot manloko 'yan, ayaw masunog niyan sa impyerno.

Mwehehehe I'm cumming, fafa!

Hindi kita palalagpasin ngayon. Gracia na 'yan ayokong maging bato pa. Napabalik ako sa ulirat ng may kumurot sa akin. Putangina sino nanaman 'yon?!

Lumingon ako, “bakit?!” may inis na tanong ko kay Aleah. Pinabulong ko lang dahil masyadong seryoso ang prayer.

Isama mo'ko sa prayer mo, fafs acckk!

“Yumuko ka, tanga! Masyado ng malagkit ang titig mo sa sakristan!” bulong nito.

Nag-pout ako, “ang gwapo eh,” totoo naman kasi.

“Pft...” bumungisngis ni Andrew.

Happy nanaman sila sa'kin. Sabi ko nga hindi ba? Heto na nga eh, yuyuko na! Mga slap soil na 'to palagi nalang akong inaaway.

Saan kayang simbahan naka-destino 'to?

Ako na talaga dadayo makita ko lang siya. Hindi ako tatamarin na magsimba kapag gan'yang sakristan makikita ko, ehe! Talandi self pero push mo 'yan. Baka maka-Diyos talaga para sayo para mabawasan ka-demonyohan mo.

FLICH'S POV

Nakatingin lang ako sa mga babaeng nagpapakilala ngayon sa harap ng madla. Wow! Madla! Saan ko naman natutunan 'yon?! Hindi pa tapos magpakilala ang mga lalaki, mga babae muna ang inuuna. Ani nga nola ladies first pero sa palaman ladies is a choices charot lang. Ang mais mo self.

Napa-ayos ako ng upo ng turn ng makita kong isang tao nalang turn na ni Clarah. Ang ganda niya sa suot niyang asymmetric dress na kulay puti. Naka-6 inches siya na heels, plain lang din ang make-up niya pero lumabas talaga ang ganda niya. Who would believe that she was just a student? She's like a model, Hollywood actress, mukha pa siyang anghel.

What a perfect creature.

Nagsimula na siyang ngumiti habang narampa sa school. Madaming lalaking naghihiyawan sa kan'ya, normal 'yon para sa'kin ngayon. Hindi naman mawawala sa contest 'yong mga papansin na tao akala mo naman mapapansin talaga. Natigil ang hiyawan ng nakapwesto na siya sa gitna.

“My name is Clarah Xecova, 20 years old, representative of Buenaventura's college university! I believe in saying na love exist in a right time and in a right choice and I, THANK YOU!”

“WAHHHHHH BAKA BESHY KOOO YANNNNNNN WOHHHHHHH ANG GALING MOOOO!” walang ibang kung hindi ai Queenie.

“GOOOO CLARAH!” sigaw din ni Aleah. Mula dito natatanaw ko sila.

Mas lalong umingay ang crowd ng kumindat siya. Shit! Ang heaven naman no'n. Kinagat ko ang aking ibabang labi, hindi ko alam pero bigla akong kinilig sa sinabi niya. I just have to find the right time kasi siya na ang choice ko.

Just wait for me, baby...

“Hi,” pakilala ng babaeng kakalapit lang sa akin. Hindi ko siya kilala at hindi din siya pamilyar sa'kin, mukhang isa nanaman sa fan ko.

“Hello!” sweet na bati ko.

“Uhm... can I get your number?” pabebeng tanong nito.

“Excuse me!” mataray na sambit ni Clarah sabay tulak sa kan'ya. Buti nalang hindi nasubsob 'yong babae.

“Awww naman!” reklamo nito ng tumama sa tiles ang tuhod niya.

If she was expecting me to help, sorry wala ako sa mood ngayon. Nilingon ko si Clarah na nakataas ang kilay sa babae. Nilingon ko din 'yong babae at mataray ang tingin nito kay Clarah. Magba-bardagulan ba sila dahil sa'kin?!

Nakss ang gwapo ko talaga!

“Tingin-tingin mo?!” pagmamataray ni Clarah.

“Dzuh akala mo naman maganda porket kasali sa pageant,” pagtataray din ng isa.

“Maganda kaya siya!” singit ko. Totoo naman, maganda si Clarah. Hindi ko siya magugustohan kung hindi siya maganda.

“Che!” inis na sabi ng babae sabay umalis.

Nagsasabi lang naman ako ng totoo ano bang masama doon? Napatingin nalang ako sa stage, hanggang ngayon mga babae padin 'yong tinatawag nabo-boring na ako. Pwede ba 'tong i-fast forward since ang rampa nalang na susunod is swim wear, school uniforms at saka evening gown. Hindi ko nga alam kung bakit kasama 'yong school uniform pero mamaya kasi kapag rampa na by partner na.

“Kamusta na kaya si Ria?”

Nilingon ko siya, “hindi ko din alam eh. Hindi ko pa nakikita si Dean,” sabi ko.

Sumimangot siya, “bakit naman kasi bigla nalang silang nagka-ganon?” problemadong tanong niya sa akin.

Wala akong maisagot. Hindi ko din alam kung anong nangyari sa kaibigan ko kasi bigla nalang talaga siyang nagbago ng hindi ko manlang namamalayan. Imagine from sweet Aldrake to a cold one. Tsk... kailangan ko na talaga siyang maka-usap dahil hindi niya pwedeng saktan si Zyria ng basta lang.

“Uy!” tawag sa'kin ni Clarah kasabay ng isang malakas na yugyog.

“O-Oh?” tangina tulala pala ako.

“Turn niyo na,” sabi niya.

“Thank you” nakangiting sabi ko.

Ngumiti din siya, “goodluck.”

Tumango ako saka tumayo. Mukha namang hindi na ako kinakabahan kasi may goodluck na ako galing sa kan'ya. Pumila na ako gaya ng napag-practican noon. Nasa backstage kami para may pa-surprise daw. Nakatingin lang ako sa ibang lalaking rumarampa din. Bakit gano'n parang gusto kong rumampa ng pang-bakla?

Sinasaltik ka nanaman, self!

Actually this is my normal attitude. Kapag cold, tahimik saka hindi nagsasalita ibig sabihin lang no'n may problema ako or what. I hate it kapag bad trip ako kasi talagang lahat inaaway ko. Kapag sobrang kulit ko nanaman, nasosobrahan lang ako sa saya. I normalize having a good mood para magkaroon ng magandang vibes ang grupo namin kahit dumadami na 'yong problema. Pakiramdam ko nga iniisa-isa na kaming lahat. Tignan niyo;

Aleah and Andrew na biglang nagkaroon ng misunderstanding na na-uwi sa break up.

'Yong pagdating ng girlfriend ni Andrew na halos hindi matanggap ng lahat at ngayon may plastican pa na nagaganap.

Si Zyria at Aldrake na ang laki na sobra ng pinagbago ng relationship nila.

Ano pa kayang susunod? Hindi ko na yata kakayanin kung may susunod pa. Parang ang hirap na i-handle ng grupo namin. Giving them a good vibes is not that easy, I have to be unique kasi kami nalang talaga ni Queenie ang jolly sa grupo.

“CANDIDATE NUMBER 15! FLICH DREUZ!” linya na nagpabalik sa'kin sa ulirat.

Hutangina bakit naman nangbibigla kayo?! Dapat kinalabit muna ako! Napa-ikot nalang ako ng mata bago lumakad palabas ng stage. Agad na naghiyawan ang mga babae pero hindi pa din papatalo ang mga kaibigan ko.

GOOOO FLICH P*TANGINA MOOOO!” sigaw ni Queenie.

“GOOO FLICH! GALINGAN MO!” sigaw naman ni Aleah.

“DRE GALINGAN MO MADAMING PAGKAIN MAMAYA!” sigaw din ni Andrew.

Shit! Pagkain!

“GOOO BABY FLICH ACCKKK AN*KAN MO'KO!” malanding sabi ng isang babae.

“Shit ang gwapo niya talaga!” sabi naman no'ng iba.

Naka-isip ako ng bagay na mas ikahihiyaw ng lahat. Habang rumarampa ako isa-isa kong inaalis ang botones ng suot kong polo, ipqpakita ko lang naman sa kanila ang abs ko na iniingatan ko.

“Oh shit! Maghuhubad siya!” tila na-a-anghangan na sabi ng isang babae.

“Wahhh pa-touch naman ako!” eww no way!

Tuluyan ko ng nahubad ang polo ko. Tinapon ko lang ito sa kung saan. Bahala kana kaya naman kitang bilhin. Mas lalong umingay ang mga tao, nagkagulo ang mga babae. Maliban nalang kay Clarah na nakataas lang ang kilay sa'kin.

“WAHHH SH*T!”

“TUBIG PLEASE! ANG HOT!”

“PAHAWAK NAMAN KAHIT 'YONG BUKOL NA LANG SA PANTALON!”

“B*NTISIN MO'KO PLEASEEEEE!”

“P*TANGINA MO FLICH HINDI KA NAMIN PINALAKI NG GAN'YAN!” tangina ang galing talaga manira ng babaeng 'to.

Napa-iling nalang ako kahit nasa stage na ako. Hindi ba napuputulan ng litid 'yong babaeng 'yon kakasigaw? Nakakatakot na siya ha, baka mamaya mamatay nalang bigla 'yon dahil sa pagkaputol ng litid charr. Nakatapat na ako ngayon sa mic, hinawakan ko ito sabay ngumiti.

“Hello everyone...” I greet in a husky voice, “I am Flich Dreuz, 22 years old from Buenaventura's college university. I believe in saying that if life fucks you, then moan. If I am the one who fuck you, then moan louder and I, thank you!”

“PA-F*CK NAMAN AKO!” sigaw ng isang babae.

Hindi ko nalang ito pinansin. Nagmadali akong bumaba ng stage tapos dumeretso sa dressing room. Naabutan ko doon si Aldrake na tahimik lang habang nakatitig sa cellphone niya. Nagkunwari lang akong walang nakita. Nagmamadali ako at kailangan ko pang magbihis. Bahala na nalang muna diyan Aldrake saka na tayong dalawa mag-usap kapag wala na akong aasikasuhin.

CLARAH'S POV

Ang kapal ng mukha niyang magpakita ng abs hmp! Ang yummy niya sana kaso naiinis ako sa mga babaeng nasa harapan. Parang akala mo sinisilihan ang mga puke amputa! Hindi siya nakakatuwa! Mukha silang mga pokpok na bayaran para lang bumukaka.

“Anong isusuot mo?” tanong sa'kin ng babaeng in charge sa akin, “ito bang sling swimsuit mo o Bandeau swimsuit mo?” tanong pa nito habang hawak ang dalawang swimsuit sa magkabilang kamay niya.

“Ito nalang pong Bandeau, salamat po.” nakangiting sabi ko.

Ngumiti din naman siya. Tinanggal na niya sa plastic 'yong swimsuit. Tinulungan niya din akong mag-suot ng bra noon pero 'yong panty, syempre ako na kaya ko naman na. Syempre dapat may effect kaya nagkuha din ako ng robe na kakulay ng bandeau swimsuit ko. Kulay pink and black ito na tiger type ang pagkaka-design. Wala nagustohan ko lang 'to kahit hindi ko naman alam kung sinong bumili.

“Is she ready?” tangina nang-gugulat ampota!

“Ano ba, Flich?!” akala mo hindi ko nakakalimutan pagpapakita mo ng abs.

“What? I'm just asking,” inosenteng sabi nito.

“Nagulat mo kami eh!”

“Ay! Sorry naman. It's nice to saw na gan'yan na ang suot mo kaysa naman doon sa sling swimsuit na gusto mo.”

I rolled my eyes, “baka kasi mamaya doon kapa sa stage magkalat.” mataray na sabi ko.

“If ever na kailangan kong gawin 'yon, then I'm willing,” nakangiting sabi nito.

Nakaka-inlove talaga!

“Sira ulo!” pagmumura ko maitago lang ang kilig.

“Mag-ready kana kasi dumating na 'yong judge kanina na wala tapos sinabi after daw mag-perform ng dance trop na sumasayaw rampa na. Hihintayin nalang kita sa labas ha,” paalam nito.

Tumango lang ako. Sana nga nagkakamali ako ng hinala na siyang 'yong judge na 'yon. Hindi pwede! Ayoko! Bakit ngayon pa?! Ano namang purpose niya? Bakit bigla nalang siyang nagpakita sa'kin? Una sa beach sana naman ngayon hindi dito. Hindi ko alam paano haharap sa mga tao.

Sana hindi siya.