CHAPTER 19

CLARAH'S POV

“Ready naba kayo ni Flich sa darating na contest?” tanong ni Queenie sa kabilang linya.

Tumango ako, “ready na ako, ewan ko lang siya ha.” hindi pa din kami nagkaka-ayos no'n.

“Magkasama kayo ah, bakit hindi mo alam?” tanong nanaman niya.

Bumuntong hininga ako, “medyo nagkaroon kasi kami ng problema eh,” may lungkot na sabi ko.

“What kind of problem naman 'yan?”

“Ano...”

Paano ko ba sasabihin? Nahihiya ako sa sarili ko at sa nagawa ko.

“Ano? Umayos ka Clarah ha! Kilala kita!” may pagtaas boses na sabi nito. Itinuro pa talaga ako.

“N-Nasabihan ko siya ng manyak,” nahihiyang sabi ko.

“WHAT?!”

Bahagya kong inilayo ang cellphone ko. Sobrang lakas kasi ng boses niya. Hindi ko alam kung gulat ba 'yon or ano.

“What the hell?! Seryoso?!”

“Mukha ba akong nagbibiro?”

Umiling siya, “so, bakit mo naman nasabi 'yon babaita?”

“Kasi... haysss hindi ko din alam eh,” nakasimangot na sabi ko.

“Tanga! Anong hindi alam?! Sigurado ko may kung ano ka nanamang ginawa, kilala na kita. Hindi mo na maitatago sa'kin 'yang ugali mo.”

Mas lalo akong sumimangot dahil sa sinabi niya. Of all people talagang si Queenie ang nakaka-alam kung paano ako magsalita, gumalaw, mag-trabaho at kung ano talaga ang attitude ko. Hindi na nga ako makapag-tago ng sekreto sa kan'ya dahil sobrang kilala na niya ako. Si Aleah naman hindi naman niya ako gaano kakilala pero su Aleah 'yong type of person na nababasa kada kilos at iniisip ko. Parang tititigan ka niya sa mata and then alam na niya na ganito 'yong nararamdaman mo. Good for psychology, right?

“Natahimik ka diyan? Ano nga?! Anong ginawa mo?!” pasigaw na tanong niya.

“Bakit ka ba nasigaw?!”

“Paano, ayaw mo sumagot sa tanong ko. Naka-ilang ulit na ako sa ganong tapos wala ka pa ding sagot,” mataray na sabi nito.

Napa-erap ako, “demanding mo naman. Ang hirap kaya bumwelo kapag kailangan magsabi ng totoo dzuh!” pagdadahilan ko.

“Tapos ano? Kakalimutan mong sabihin sa'kin?! Style mo bulok!” yawa.

Paano lumusot?

Inilapag ko saglit ang cellphone ko saka huminga ng malalim. Hindi ko pa talaga alam kung paano sasabihin 'yong nakakahiyang bagay na nagawa ko kay Flich. Tao lang din naman ako, hindi perpekto. Minsan toxic din ang ugali ko gaya ng nagbabasa nito. Aminin man natin sa hindi lahat naman ng tao may toxic na attitude kaya don't judge me.

“K-Kasi no'ng nakaraan ano...” panimula ko, “nagpo-photo shoot kami tapos bigla niyang tinakpan 'yong katawan ko kasi masyado daw revealing 'yong suot ko na sling swimsuit. Ayaw daw niya na mabastos ako, syempre uminit ulo ko kasi nga parang napahiya ako---”

“Kaya mo siya sinabihan ng manyak?” singit niya.

“Hindi! Patapusin mo kasi ako!” iritang sabi ko.

“Ay! Hehe sige na tuloy mo na kwento mo,” kamot ulong sabi niya.

“Ayon na nga. Hinila niya ako pabalik sa hotel. Pinagpapalit niya ako kasi nga daw mababastos ako sa suot ko. Feeling ko that time ipinahiya niya ako na parang pokpok ako kasi... basta! Pakiramdam ko 'yon ang tingin niya sa'kin habang suot ko 'yong swimsuit na 'yon kaya nagalit ako. Sinabihan ko siya na kaya gano'n ang tingin niya sa'kin kasi manyak siya,” ang tanga ko!

“Shuta ka! Hindi mo manlang na-isip na gusto ka lang protektahan ng tao?!” sabi ko na nga ba ayan din ang sasabihin niya eh.

“Eh, sorry na nga. Hindi, kasi nga naiinis ako sa kan'ya. Sobrang inis ko dahil napahiya nga ako!” paliwanag ko.

“Hala! Sige! Mag-sorry ka sa kan'ya bilis!” utos niya.

Sumimangot nanaman ako, “ayaw nga niya ako kausapin. Hindi din siya nalabas sa room niya. Noong nakaraang araw magkasama kami kasi photo shoot niya pero hindi manlang niya ako tinitignan. Natatakot naman ako kausapin siya kasi baka mamaya kung anong salita ang marinig ko,” sabi ko.

“Face your consequence, gaga! Hindi kasi dapat palaging emosyon ang pina-iiral. Minsan pakinggan muna ha?! H'wag palaging tanga!” may gigil na sabi nito.

“Sorry na nga!”

“Huwag sa'kin 'te. Kay Flich ka mag-sorry ay nako na-i-stress ako sayo!”

Nag-pout lang ako. Paano nga kasi ako magso-sorry sa tanong 'yon?

“Siya, may gagawin na ako. Ingat nalang kayo d'yan at sana naman magbati na kayong dalawa!”

Walang anu-ano'y pinatay na niya ang tawag. Hindi manlang nag-sabi ng babye sa'kin o ano. Napaka-walang kwentang kaibigan huhu. Paano nga ba kasi ako magso-sorry? Iniiwasan niya ako eh. Halata naman na umiiwas niya kasi hindi siya nalabas tapos malalaman ko nalang lumabas pala siya kapag nasa loob ako. Paano ba? Mag-isip ka nga ng maayos Clarah! Mawawalan ka talaga ng kaibigang concern sayo dahil sa ginagawa mo.

Hindi naman kaibigan tingin ko sa kan'ya.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may nag-pop up na message sa cellphone ko. As usual ang aking stalker nanaman na creepy. Kahapon lang nag-send siya na naka-upo ako sa gilid ng beach habang naka-maikling short. Sabi niya pumasok na daw ako sa hotel. Gano'n.

From: unknown

Kumain kana, hindi kapa kumakain anong oras na.

Napatingin ako sa orasan dahil sa sinabi niya. 10 am na pala wala pa din akong kain. Anong magagawa ko, eh sa wala nga akong ganang kumain. Talagang pinarurusahan ako ng konsensya ko ngayon at hindi lang konsensya pati ng feelings ko. Aware naman kayo na gusto ko si Flich, gusto ko na siya at aminado na ako sa sarili ko. Paano nalang one day kapag nag-confess ako sa kan'ya? Anong sasabihin niyang reason kaya ni-reject niya ako? Dahil sa sinabihan ko siya ng manyak?

Over think pa self!

Argh! Nakaka-inis naman kasi eh! Sa dami ng naging kasalanan ko bakit 'yong gano'n pa? Napag-desisyonan ko nalang na lumabas para kumain. Napatingin pa ako sa pinto ni Flich ng makalabas ako. Anong oras kaya siya kakain? Gusto kong katukin pero hindi ko magawa. Baka mamaya mapahiya lang ako sa harap niya.

Minabuti ko nalang na dumeretso pababa ng hotel. Siguro nga kailangan ko munang kumain para mawala 'tong over think ko. Isa pa may seafood na restaurant din naman dito sa hotel, for sure mag-i-enjoy ako doon.

“Oh, saan ang punta mo?” tanong ni Dean na naka-tambay ngayon sa lobby ng hotel.

“Kakain lang, Dean. Sama ka?”

Umiling siya, “hindi na. Kakatapos ko lang din kumain eh,” sabi nito.

“Ahhh sige po. Napansin mo bang bumaba na si Flich?” shit, nakakahiya.

Ngumisi siya, “ikaw ha! Na-miss mo 'no?” tignan mo 'to!

“Hindi ah! Magso-sorry lang kasi ako!” defensive na sabi ko.

“Wala, hindi pa siya bumababa. Siguro mamayang 12 pa 'yon bababa. Halata namang INIIWASAN ka niya,” at idiniin pa talaga ang iniiwasan.

Tumango nalang ako saka pumunta sa restaurant. Humanap ako ng magandang pwesto tapos doon umupo. Hindi rin naman nagtagal may lumapit sa aking waiter para ibigay sa'kin 'yong menu nila. I'm not into seafood talaga. I just want to try kasi nasa Boracay na din naman ako bakit hindi ko pa sulitin?

Matapos i-serve sa'kin 'yong pagkain ko, agad din naman akong kumain. Siguro mamayang magtatagal nalang muna ako sa labas para maabutan ko si Flich. Desperada na akong maka-usap siya. Hindi ako sanay na wala akong kausap saka kasama kahit saan ako mag-punta.

“Hello, Ms.” nakangiting bati sa'kin ng lalaking bigla nalang umupo sa table ko.

Tinaasan ko siya ng kilay, “who are you?” mataray kong tanong.

“I'm Jonas,” naglahad siya ng kamay.

“I don't care.” mabait na sagot ko.

“Ang sungit mo naman,” he chuckle.

“Pwede bang umalis ka nalang muna sa table ko? Wala ka naman atang importanteng sasabihin eh,” pagmamataray ko.

“Gusto ko lang naman makilala ka.”

“Ako, hindi.”

“Eh 'di ako nalang magpapakilala.”

“Go on,”

“I'm Jonas from FEU and you are?”

“Akala ko ba ikaw lang ang magpapakilala?”

“Hindi mo talaga sasabihin 'yong pangalan mo?”

“Bakit? May sinabi ka bang after mo sabihin ang pangalan mo, kailangan kong sabihin ang pangalan ko?”

Ka-urat!

“Eherm!”

Isang tikhim na ikinalingon namin ng sabay. Si Flich, my saviour as always. Matalim itong nakatitig sa lalaki habang nakataas ang isang kilay.

“Alis.” walang emosyong utos nito.

“And, who are you?” antapang ng lalaking 'to ah.

Ako nga natatakot na kay Flich tapos siya, nagawa niya pang magtanong. Bahala kana diyan, Jonas basta kakain nalang ako dito.

“None of your fucking business. Umalis kana diyan bago ko ihampas sayo 'tong hawak kong tray.” shit, katakot.

“Kaano-ano mo ba 'to?” tanong ni Jonas.

“His my---” he cut me off.

“I'm his boyfriend so back off, moron.” may diing sabi ni 'to.

I'm his boyfriend so back off, moron.

I'm his boyfriend so back off, moron.

I'm his boyfriend so back off, moron.

I'm his boyfriend so back off, moron.

I'm his boyfriend so back off, moron.

Nawindang ang buong sistema ko dahil sa narinig ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Ang sarap sa pakinggan no'ng sinabi niya. Tumingin sa'kin 'yong lalaki sabay umalis. Dalawa nalang kami.

Shit!

What to do?!

What to do?!

Halos hindi ako makatingin sa kan'ya. Namumula kasi ang pisngi ko sa kilig. Tangina naman kasi bakit bigla-bigla siyang nabanat ng gano'n? Hindi ko naman siya inaano eh.

“Next time, don't talk to strangers.” masungit na sabi niya.

Nag-pout ako, “sorry.” mahinang sabi ko.

“For what?” taas kilay na tanong nito.

“S-Sa mga kasalanan ko. Sorry k-kasi hindi kita p-pinakinggan,” nauutal ako tangina.

“Kalimutan mo na 'yon,” umangat ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Totoo ba 'to?!

“Hindi kana galit?” may sayang tanong ko.

Tumango siya, “hindi naman kita masisisi kung 'yan ang naging tingin mo sa'kin. Wala din naman akong magagawa kung kakaiba ang mindset mo pagdating sa gano'n,” hindi ko alam kung nango-ngonsensya siya o ano.

“Eto naman! Sorry na nga! Hindi na 'yon mauulit promise!” nakataas kamay na sabi ko.

Tumaas ang isang kilay niya, “just make sure to fulfill your promise.”

Sungit naman nito.

“Oo nga!” kulit mo.

Hindi na siya nagsalita. Kumain nalang din kami ng tahimik. Kahit okay na kami may ka-unting ilang padin ako na nararamdaman sa kanya. Naalala ko padin na tinawag niya akong GIRLFRIEND. When naman kaya magkaka-totoo 'yon? Parang amg labo kasi. Feeling ko hindi gugustohin ni Flich 'yong kagaya kong masyadong mababaw. I mean, ka-unting bagay nagagalit kahit hindi naman dapat kainisan. Ramdam ko sa sarili ko na mataas ang standard ni Flich at baka hindi ko 'yon maabot. Masyado pa akong mababa kahit na sabihing may mataas na antas ako na uri ng pamumuhay.

Wow lalim na tagalog!

Matapos ang pagkain namin nagpaalam na siya na babalik na siya sa room niya. Wala daw siyang gana gumala, hindi ko naman naitanong kung bakit. Nag-desisyon akong lumabas nalang para naman makagala. Sasamantalahin ko na habang nasa isang beach pa ako dahil balita ko lilipat daw kami sa isang hotel by next week.

“Ikaw 'yong kaibigan ni Flich hindi ba?” mataray na tanong sa'kin ng isang chipay na kakasulpot lang naman sa harapan ko.

“Ako nga, bakit?” pagtataray ko din.

“Nasaan siya?” tinaas niya pa ang kilay niyang peke. Yuckk alagang eyeliner.

“Nasa damit niya, obvious ba?” pamimilosopa ko. Si Zyria talaga nagturo nito kaya h'wag niyo 'kong sisihin.

“Wow, ang tino mo naman sumagot like ewww. Umalis ka na nga lang sa harapan ko, nakakadiri ka,” mayabang na sabi nito. Umarte pang parang nandidiri sa'kin.

“Wow! Kung makapag-sabi ng nakakadiri akala mo naman tunay 'yong kilay. Like ewww alagang eyeliner yuck!” don't me.

Kinapa niya din nag kilay niya. Tanga talaga amputa. Sa sobrang inis ko at dahil naa-alibadbaran na din ako sa mukha niya itinulak ko siya. Wala akong pake kung nasubsob man siya sa buhangin dahil sa ginawa ko.

“Deserve!” mataray na sabi ko sabay umalis.

Gusto ko lang naman maglakad hindi makipag-away putanginang 'yan! Habang naglalakad ako nakatitig lang ako sa mga taong nag-i-enjoy sa tubig. Ang saya nila tignan lalo na 'yong mga ngiti nila sa labi. Sa paglilibot ko ng tingin may nahagip akong pamilyar na mukha.

K-Kilala ko siya.

Hindi ako pwedeng magka-mali sa mukha 'yon dahil....

Tumingin ito sa akin sabay ngumisi. Shit! Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Umiwas ako ng tingin sabay tumalikod.

Anong ginagawa ng lalaking 'yon dito?

FLICH'S POV

Sabi ko naman sa inyo marupok ako hindi ba? Bakit kasi nag-pout pa siya sa harap ko? Hindi niya ba alam na gusto ko na siyang halikan kanina? Nakakainis talaga 'yong babaeng 'yon kahit kailan. Hindi manlang marunong makaramdam.

Dinampot ko ang cellphone ko na nakapatong sa isang table. May kailangan pa pala akong gawin, nakalimutan ko yata bigla. Masyado kasi akong masaya sa nangyari kanina. Kinilig din ako sa sarili kong sinabi, 'yong girlfriend ko siya. Wala lang feeling ko lang totoo.

“Hello, Chad,” bati ko dito.

“Boss?”

“Another assignment for you,” nakangising sabi ko. Ngayon palang natutuwa na ako sa gagawin ko.

“Ano 'yon, boss?” tanong nito.

“Hanapin mo dito sa Boracay 'yong nagngangalang Jonas Aguncillo. Gusto kong turuan niyo siya ng isang mabilis na leksyon. Siguro pwede ba 'yong ihulog niyo lang siya sa isang hagdanan,” demonyong utos ko.

“Yon lang, boss?”

“Ayon lang. Kapag nasa hospital na magbigay din kayo kunwari ng tulong. ” sabi ko pa.

“Areglado, boss!”

Pinatay ko na ang tawag. Napangisi ako ng mala-demonyo. Masama nga kasing mag-selos ako. Lahat ng kademonyohan nagagawa ko. Wala akong pake kahit makasakit pa ako ng iba dahil akin lang si Clarah at hindi 'yon magbabago. Akin lang siya!

Markado na siya sa puso at isip ko. Kahit sabihin pa nilang isa na akong baliw dahil sa ginagawa ko, wala akong pake.

She's mine! Always mine!