Chapter 18

ZYRIA'S POV

Salubong ang dalawang kilay ko habang nakatingin kay Aldrake na busy sa cellphone niya. This fast days parang ang busy niya na palaging may business na inaasikaso.

“Sinong kausap mo?” taas kilay na tanong ko.

“Wala lang,” walang lingon na sabi niya.

“Wala pero halos hindi mo na ako kausapin?”

“Saglit lang 'to.”

Napa-erap ako. “Bahala ka nga diyan!” inis na sabi ko saka tumayo.

“Okay.”

Wtf?!

Sobrang inis ko na talaga kaya inagaw ko ang cellphone niya. Napatayo naman siya dahil sa ginawa ko. May galit sa mukha niya akong tinignan.

“Ano ba?!” galit na sigaw niya.

“Sino bang kausap mo? Hindi mo manlang ako magawang lingunin o kausapin man lang?”

“Ano bang pake mo?!” tangina so wala pala ako dapat na pake?

Kinuha ko ang kamay niya at saka inilagay doon ang cellphone niya. Mapait akong ngumiti, “pasensya na ha. Wala pala ako dapat na pake sa kung sino mang kausap mo.” may bahid ng sakit na sabi ko.

Tinalikuran ko na siya at doon nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko. Bakit ang sakit? Bakit habang tumatagal parang hindi na ako mahal ni Aldrake? Dahil ba antagal ko siyang sagutin? Dahil ba may bago na?

Halos ilang linggo na siyang gan'yan. Pansin ko na 'yong pagbabago niya. Minsan hindi ko nalang siya pinupuna para walang away kaso hindi ko mapigilan eh. Parang wala akong kasamang tao, palagi nalang siyang nakatutok sa cellphone niya for no reason? Paano ako? Dati naman nagagawa ko pang mag-share sa kan'ya ng mga kwento.

Anong nangyari, Aldrake?

Ang laki yata ng pinagbago niya. Baka talagang nawalan na siya ng interest sa'kin. Mukhang gano'n na nga. Pumunta nalang muna ako sa office ni kuya Blake. Na-miss ko din 'yong ganito, may malalapitan ako palagi kapag nasasaktan ako ng taong mahal ko. Pagkadating ko doon agad akong umupo sa isang upuan katapat niya saka nangalumbaba.

“Hm? Any problem, Princess?” tanong nito. Inayos muna niya ang kan'yang salamin bago humarap sa akin.

“Hay kuya...” may pagbugang sabi ko.

“Oh, bakit? May sakit kaba?” nagaalalang tanong niya.

“Umiling ako, “wala kuya pero sakit sa puso, meron.” malungkot na sabi ko.

“About Aldrake nanaman?” tila umay na tanong nito.

Tumango ako, “kasi kuya---”

“Kasi wala na siyang oras sayo?”

Paano niya nalaman? Tumango ako.

“Kapag nasasaktan kana, Princess sabihin mo sa kan'ya,” suhestyon ni kuya.

“Ayoko kuya. Magagalit lang siya. Sasabihin nanaman niya na puro selos nalang ako, palagi nalang gano'n,” huminto ako sandali at lumunok, “alam mo kuya feeling ko wala ng nararamdaman sa'kin si Aldrake kasi, halos ayaw na niya akong kausap, parang walang gana din siyang kasama ako, ayaw na niya akong tignan at higit sa lahat, kuya parang hindi na siya masaya sa'kin.”

He hold my hand, “if ever na mangyari 'yan just always remember na andito si kuya, palagi kang aalalayan, palagi kang tatabihan at palagi kang mamahalin.” sweet na sabi nito.

Ngumiti ako, “thank you, kuya! The best ka talaga.” puri ko sa kan'ya.

“Kumain ka naba?” tanong nito.

“Hindi kuya. Hindi nalang ako kumain kasi nakaharap kami ni Aldrake sa pagkain nakatutok naman siya sa cellphone niya.” malungkot na sabi kong muli.

Tumayo si kuya saka inayos ang gamit niya. Pinanood ko lang bawat kilos niya, kung paano niya i-ayos ang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod, kung paano niya itabin'yong mga gamot niya at kung paano niya linisin ng maayos 'yong mesa niya. Napakalinis talaga ni kuya sa gamit kahit kailan.

“Halika na kakain na tayo,” yaya niya.

“Ngayon kuya?” paninigurado ko.

“Oo, anong gusto mo? Bukas nalang tayo kakain?” pilosopo amp.

“Nagtatanong lang eh,” nag-pout ako.

“HAHA oo nga na kaya tara na!” yaya niyang muli.

Sumunod nalang ako kay kuya maglakad. Siguro doon nalang din muna ako sa bahay matutulog mamaya. Kaysa naman sa kasama ko nga si Aldrake pero hindi ko naman ramdam. Isa pa, saka na ako babalik doon kapag naalala na akong kausapin ulit ni Aldrake ng maayos. 'Yong gaya dati na palagi niya akong hinahanap. Ngayon kasi sobrang tahimik na namin sa isa't isa.

“Kuya, pwedeng doon muna ako sa bahay matutulog?”

“Bakit?”

“Wala lang. Siguro doon muna ako para hindi na kami magtalo ni Aldrake. Isa pa, kuya kahit kasama ko naman siya ramdam ko na mag-isa ako.”

Huminto si kuya sa paglalakad niya sabay tumingin sa akin, “I understand. Sige sasabihin ko mamaya kayla mom and dad na ipalinis 'yong kwarto mo,” nakangiting sabi niya.

Napangiti nalang din ako. Ang swerte ko din talaga na may kuya akong ganito, 'yong napakama-alagain sa akin tapos masyadong nagaalala sa nararamdaman ko. Sobrang swerte ko as in. Nasaan na kaya si kuya Kreus ngayon? Matagal na siyang wala, matagal ko na siyang gustong makita pero parang hindi na niya talaga kami gustong makita.

Kung ano mang naging kasalanan namin sa kan'ya sana one day mabigyan kami ng pagkakataon na makapag-paliwanag ng side namin. Sana, isang araw bigla nalang niyang pakinggan 'yong reason kaya napabayaan kaming dalawa. Sana, isang araw malaman din niya 'yong dahilan kung bakit sobrang protective nila mommy kay kuya Blake. Sana, dumating 'yong araw na 'yon ng mas maaga dahil gusto na namin siyang makasama.

Iyong tungkol naman sa amin ni Aldrake hindi ko na alam ang patutunguhan. Mahal ko na si Aldrake pero sa nakikita ko mukhang nagsawa na siya. Siguro nga napapagod na siya kakahintay kung kailan ko siya sasagutin. Anong magagawa ko, eh sa gustong malaman kung gaano kalaking pagta-tyaga ang kaya niyang ilaan para sa akin? Kung sakali mang hindi kami para sa isat-isa;

Pakyu nalang tadhana!

Charrr lang syempre baka karmahin ako sa mga kalokohan ko. Basta ang alam ko lang mahal ko na si Aldrake pero hindi pa sapat para sa'kin 'yong pagmamahal kong nararamdaman para sa kan'ya. Gusto kong malaman muna kung talaga bang handa na akong makasama ang isang demonyong gaya niya, handa naman akong ipakilala siya kay kuya Kreus bilang mapapangasawa ko at handa na ba akong maging kan'ya hanggang sa dulo.

FLICH'S POV

Ilang araw na din kaming hindi nagpapansinan ni Clarah. Ako naman 'yong umiiwas, hindi siya. Mas okay na siguro 'yong iniiwasan ko siya kaysa naman mapasama nanaman ako dahil sa pagiging over protective ko. Kung mali man sa paningin niya 'yong ginawa ko eh 'di sorry nalang. Hindi ko naman intensyon na isipin niyang manyak ako. Ayoko lang talaga ng sobrang revealing niyang suot. Naiinis ako doon lalo na kapag nakikita kong may ibang lalaking pinagpi-pyestahan na siya sa isip nila.

Ako lang dapat ang magma-masturbate dahil sa kan'ya. Ako lang dapat ang titingin sa katawan niya. Ako lang dapat ang magpa-pantasya sa kan'ya. Ako lang dapat ang makakakita ng mga halos makita na nila no'ng nakaraan and lastly, ako lang dapat ang makakuha ng attention niya. Possessive nga ako and obsessed at the same time. Hindi ako papayag na may ibang guma-gano'n sa kanya.

Ako lang dapat!

Si Flich lang dapat!

Ako lang palagi!

Si Flich lang palagi!

Bumalik ako sa reyalidad ng may marinig akong katok sa pintuan. Sino nanaman kaya 'tong istorbo na 'to?

“Bukas 'yan,” tamad na sabi ko.

Bumukas naman ang pinto. Dumungaw mula dito ang ulo ni Dean. Ngumiti pa siya sa'kin na hindi ko alam kung nang-aasar ba o ano?

“Bakit?” walang buhay na tanong ko.

“Ngayon na ang photo shoot mo maghanda kana,” sabi nito.

Tumango lang ako bilang tugon. Wala akong panahon magsalita o makipag-usap kanino man. Kahit walang permiso ko pumasok si Dean.

“Hindi pa din pala kayo okay ni Clarah,” ayaw naman niya eh.

“Hindi pa.” cold na sagot ko.

“Hindi mo paba siya kakausapin?” tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam 'yong purpose ng pagtingin niya sa mata ko.

Umiling ako, “hindi muna. Ayoko ding masabihan nanaman ng kung anu-ano dahil sa pagiging concern ko.” may halong lungkot na sabi ko.

“Kinausap ko na siya tungkol diyan. Siguro naman nalaman na niyang mali siya sa mga sinabi niya sayo,” sabi ni Dean.

“Hayaan mo muna siya, Dean. Hindi ko din naman masisisi si Clarah. Sa dami ba naman ng naranasan niya sa buhay malamang may advance mindset na siya na tinatawag,” hanggang ngayon naniniwala parin ako na hindi intensyon ni Clarah na sabihin 'yon.

“Oh, siya sige na. Mag-ayos ka na at hihintayin kita sa baba ng hotel. Andaming naghahanap sayo na babae, akala nila umuwi ka na kasi natanggal ka sa competition,” natatawang sabi ni Dean.

“Gwapo kasi ako.” pagbibiro ko.

Tumawa lang si Dean tapos lumabas na ng pintuan. Ibinagsak kong muli sa higaan ang katawan ko. Mamaya na ako lalabas mga 12:15 na. Tinatamad pa ako, baka makita ko si Clarah. Masyado akong marupok pagdating sa kan'ya. Mamaya niyan ako pa mismo mag-sorry sa nangyari no'ng nakaraan.

Hay buhay!

Bakit naman kasi ganito ang epekto mo sa akin, Clarah? Kahit tinatamad nagpasya nalang ako na tumayo saka magbihis. Hindi ko na kailangan mag-effort sa mga make up na panglalaki dahil gwapo naman ako kahit walang gano'n. Hindi ko na din kailangan maglagay ng liptint pangpa-pula ng labi dahil mapula na ang labi ko. Simple at walang effort, 'yan ang kagwapuhang meron ako.

Unlike other guy na mukhang tanga kung magpa-gwapo mapansin lang ng babae, hindi ako ganoon. No effort, no stupid things talagang jaw dropping type of man ako. Masyado ko ng pinupuri sarili ko kaya lumabas na ako ng pinto. Hindi nga ako nagkamali, pagka-labas ko ng pinto saktong labas din ni Clarah.

Nagkatitigan kami pero agad din akong umiwas at nilampasan niya. Kunwari wala akong nakita, kunwari hindi siya nag-exist. Bawal na marupok sa panahon nga Flich tatandaan mo 'yan.

“Shit pwede ko ba siyang balikan?” bulong ko sa sarili ko.

Umiling ako. Hindi pwede. Paninindigan ko na natapakan niya 'yong pride chicken ko. Pagkababa ko ng hotel agad na bumungad sa akin si Dean na todo ang ngiti.

“Ready na?” tanong nito.

“Yeah,” walang buhay na sagot ko.

“Uy! Clarah!” tawag niya kay Clarah, “sama ka? Ngayon kasi 'yong photo shoot nitong si Flich. Gusto mo sumama?” paladesisyon ka Dean!

Bakit niya tinawag? Naiilang na nga ako tapos tinawa niya pa! Hutangina ang sarap talaga ng may paladesisyon na kasama.

“Uhm... s-sige, Dean.” sagot nito.

Hindi ko nalang siya pinansin. Minabuti ko na ding maglakad palabas ng hotel. Tanginang tukso 'to mukhang gusto niya talaga ako 'yong unang mag-sorry sa aming dalawa. Pwes, hindi gano'n ang mangyayari! Bawal 'yon! Ayoko! Hindi pwede!

Mabilis lang akong nakarating sa lugar kung saan ako kukuhaan. Sinabi ko kasi na ayoko sa masyadong public kaya ngayon nasa bandang dulo kami ng Boracay beach. Hindi masyadong matao dito, para sa akin okay na.

“Ayusin niyo na 'yan,” utos ng director sa mga staff niya.

“Saglit lang ba 'to?” tanong ko.

“Yes, saglit kang 'to KUNG makikipag-cooperate ka na.” ang taas din talaga ng kilay ng director na 'to.

Naghubad na ako ng bathrobe. Kita ko ang paglaglag ng panga ng director sa nakikita niya. Nakalabas ngayon ang abs ko sa harap nila, medyo bakat din ang aking alaga dahil sa suot ko na trunks. Kahit naman makita nilang bumakat 'to hindi naman nila mahahawakan 'to. Taga-tingin lang sila.

“Sa mukha ang tingin, Direk h'wag sa bukol.” sabi ng kasama niya.

Sinampal niya ito, “bumalik ka nga sa pwesto mo!” inis na sabi niya.

“So, ano ng gagawin? Gusto ko ng matapos 'to para makatulog ako.” iritableng sabi ko.

“P-Pumwesto kana do'n” turo niya sa gitna.

Sabing sa mukha ang tingin hindi sa bukol ko ang kulit naman ng director na 'to. Pumwesto na ako sa lugar kung saan niya ako tinuro. Nagsimula na din ang picture taking. Mga ilang shot palang ang nagagawa nagdadatingan ng ang mga babae na hindi ko alam kung saan nang-galing.

“Shit ang gwapo beh!”

“Ang yummy!”

“Ang laki ng bukol shumay!”

“Hindi 'yan shoimai gaga, siopao 'yan!”

“Palahi naman ako shit!”

“Kapag gan'yan asawa ko ay nako willing ako bumukaka 24/7,”

“Girlfriend niya ata 'yong nanonood na 'yon oh,” turo ng babae kay Clarah.

Napatingin naman ako pero agad din akong umiwas. Muntik ko na sanang maging girlfriend 'yan kaso sinumpong ako ng katangahan kaya napurnada nanaman. Ka-umay!

“Mukha ngang girlfriend niya 'te. Bagay sila eh,” correct ka diyan!

“LAST 4 SHOT!” sigaw ni Direk gamit ang megaphone niya.

Plinex ko ang muscle ko just to look more attractive. Nakita ko naman ang pag-kagat labi ng ibang babae sa tabi. Maglaway nalang kayo pero pasensya nakalaan na sa isang tao 'tong katawan ko at ang taong 'yon ay hindi ko kabati ngayon. Ngayon ko lang na-realize na ang boring pala ng araw ko kapag hindi ko siya nakaka-usap. Parang may kulang kahit nililibang ko naman 'yong sarili ko.

Matapos ang photo shoot lumapit ako kayla Dean. Inabot sa'kin ni Dean 'yong robe, agad ko naman itong sinuot. Hindi na ako nagpaalam sa kanila basta umalis nalang ako. Iniiwasan ko nga kasi siya at paulit-ulit nalang ako. Hindi kami magkaka-ayos hanggat hindi niya tanggap 'yong pagkakamali niya.