CHAPTER 16

CLARAH'S POV

Shit! Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nito. Ano bang nangyari kagabi? Ansakit talaga ng ulo ko bwiset! Pilit akong umupo sabay sandal ng katawan ko sa head board ng kama.. i close my eyes, gusto kong maalala 'yong mga nangyari kagabi pero hindi ko talaga maalala. Sino naman kayang naghatid sa'kin? Paano ako naka-uwi saka bakit eto padin 'yong suot ko?

Alak pa!

Nalasing yata ako ng sobra kagabi kaya ganito. Napadiin ang pagpikit ko sa mga mata ko ng gumuhit ang sakit sa ulo ko. Shit this hang over! Paano ako makakapasok ngayon?

“Gising kana pala.”

Napadilat ako ng mata. Anong ginagawa nito dito?! Paano siya nakapasok?!

“A-Anong ginagawa mo dito?”

“Malamang inaasikaso ka, Ms. Walwal.” eh?

“Paano ka nakapasok?”

“Kagabi pa ako nandito,” walang buhay na sagot nito habang abala sa pag-aayos ng dalawa niyang tray.

“K-Kagabi?”

Baka may nangyari sa amin shit!

“Yup! Binantayan kita saka nilinis ko na din 'yong mga suka mo,”

“Eh?”

Wala na akong ma-itanong. Siguro naman sapat na 'yong narinig ko. Isinandal kong muli ang ulo ko sa head board ng kama saka pumikit. Talagang gumuguhit 'yong sakit niya shete!

“Gaano ba kadami na-inom ko kagabi?” nakapikit na tanong ko sa kan'ya.

“2-3 case ata?”

Wtf?!

Dumilat ako sabay tingin sa kan'ya ng hindi makapaniwalang tingin. “A-Ang dami pala,”

“Sobrang dami. Ang kulit-kulit mo na nga kagabi.”

Shit Clarah nakakahiya ka!

“Ang sakit ng ulo ko,”

Inilapag niya sa tabi ko 'yong tray. “Kainin mo 'to tapos eto naman inumin mo.”

“Salamat.” nakangiting sabi ko sa kan'ya.

“No problem. If you need something just call me. Inaayos ko pa lahat ng sinukahan mo kagabi,” sabi nito bago tumayo.

Nakakahiya talaga yawa! Imagine, si Flich pinaglinis ko ng suka ko? Okay lang siya naman may gusto no'n eh. Siya naman nag-desisyon na linisin lahat ng kalat ko. Nagsimula na akong kumain kahit iniinda ko talaga 'yong sakit ng ulo ko dahil sa hang-over. Ano kayang mga ginawa ko kagabi?

Tumingin ako sa may study table ko. Nakita kong nakapatong doon 'yong cellphone ko. Mamaya ko nalang titignan kung anong meron. Hindi nalang din muna ako papasok, gagala nalang muna kami ni Xhuxi ngayon. Mommy time muna hindi muna school. Bukas aalis nanaman kami para sa picture taking.

“Clarah...” tawag ni Flich sa'kin mula sa labas.

“Oh?” sigaw na sagot ko.

“Sabi nga pala ng mommy mo ihahatid nila dito si Xhuxi!” timing ah.

“Sige lang kamo,” sagot ko.

Binilisan ko na ang pagkain ko. Pagtapos no'n ininom ko na 'yong gamot. Muli akong humiga para ipahinga nalang muna 'yong ulo ko. Ngayon ko lang naramdaman 'yong may nag-aalaga, I mean, shit! Iba nanaman ata nasa isip ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Kay Flich ko lang naranasan 'yong ganito. To be honest nagkaroon din ako ng boyfriend pero hindi niya nagawa sa'kin 'to tuwing nalalasing ako. 'Yong asikasuhin lahat ng mga kinalat ko, linisin mga suka ko, ipaghanda ako ng pagkain saka bilhan ako ng gamot pang-hang hover. Kung sino man 'yong babaeng gusto ni Flich, napaka-swerte niya.

Ang sakit sabihin sa sarili!

**********

Nagising ako dahil sa dumidila sa pisngi ko. Mahina ko itong itinulak kaso bumabalik padin. Nag-desisyon akong buksan nalang ang mga mata ko. Tsk, ai Xhuxi pala akala ko kung sino na.

“Hello, baby!” bati ko sa kan'ya.

Kumawag ang buntot nila at muling dinilaan ang pisngi ko. Napansin ko si Flich na nakatayo sa may pintuan. Nakatingin lang ito sa amin ni Xhuxi. Akala ko umuwi na siya.

“Akala ko---”

“Okay kana?” tanong niya. Lumapit din siya sa'kin.

“Medyo okay na?” I'm not sure.

“Good.”

“I thought umuwi kana,” sabi ko.

Umiling siya. “Hindi pa. I have to make sure na okay kana bago ako umuwi,”

Ang sweet.

Umupo ako at kinalong si Xhuxi. “Okay na ako,” nakangiting sagot ko, “thank you nga pala.” may hiyang sabi ko.

“No problem.”

“Uuwi kana?”

“Pinapa-uwi mo na ako?”

“Hindi naman, baka lang kasi ano... baka may mga gagawin ka or what gano'n,”

Bakit ba akong kinakabahang mag-explain sa kan'ya?

Umupo siya sa gilid ng kama, “wala naman akong gagawin. Actually absent na nga ako,” oo nga pala pareho kami.

“What if...” binitin ko ang sasabihin ko.

Tumaas ang isang kilay niya sa'kin. “Anong what if?” tanong niya.

“Samahan mo nalang ako mag-gala?” nakangiting sabi ko.

“Sure, why not?” nakangiting ding sagot niya.

Ang gwapo shit!

Mas lalo akong napangiti nang masilayan ko ang mga ngiti niya. Palagi kong hinihintay 'yang ngiti na 'yan kapag magkasama kami. Tama nga sila, smile can make people fall. Naniniwala na ako ngayon dahil kay Flich. Mas lumalabas ang kagwapuhan niya.

“Magpalit ka muna tapos magkita nalang tayo dito sa ibaba ng condo. Maliligo din muna ako tapos papaliguan ko din si Xhuxi, okay?”

Tumango siya, “okay.” sagot niya.

Matapos ang usapan na 'yon umalis na siya. Hinatid ko pa siya palabas ng pinto. Nang isarado ko ang pinto napasandal ako dito sabay kagat ng labi ko.

“Kinikilig ako shit!” wala sa sariling usal ko.

Bakit ka naman kasi gan'yan, Flich? Sobrang maalagain mo na, ang gwapo mo pa. Napaka-total package mo. Talagang swerte ng babaeng mapapangasawa mo nyeta ka. Napatingin ako kay Xhuxi na nakatingin din sa'kin na parang nawi-weirduhan sa kinikilos ko. Wala kang pakeng aso ka! Pinakikilig niya ako kaya ako nagkaka-ganito.

ALEAH'S POV

“Hindi nanaman pumasok 'yong dalawa?” tanong ni Queenie.

“Nakita mo ba?” pambabara ko.

“Nagtatanong lang naman, eh” nag-pout ang gaga. Mukhang pato na ewan.

“Ansakit pa ng ulo ko,” reklamo ni Sandra.

Deserve.

“Oo nga pala, anong oras kayo umuwi kagabi ni Andrew kagabi, Sandra?” usisa ni Queenie.

Wait, naiwan silang dalawa? Tsk.

“Hindi ko na nga maalala, eh.” sabi nito habang nakahawak sa ulo niya.

Bitch, malamang ang maaalala mo lang eh, 'yong jugjugan niyong dalawa ni Andrew. Mga malalanding nilalang kayo na nabuhay dito sa earth, tsk! Bitter ako bakit ba?!

“Eh kayo...” may paniningkit matang turo sa'kin ni Clarah, “anong ginawa niyo ni Gio kagabi?”

“Umuwi?” hindi ko alam. Masyado na akong lasing kagabi.

“Talaga lang ha!” mas lalong naningkit ang mata nito.

“Oo nga!”

“Akala ko...”

“Ano?”

“Wala!”

“Nako, Queenie ha! Tigilan mo'ko sa kaka-isip nga kung anu-ano diyan! Nananahimik kaming dalawa dito tapos...”

“Sorry naman!”

Napa-erap nalang ako. Masyado siyang green minded kahit kailan. Ginagawan niya ng meaning lahat ng kilos namin jusme. Napatingin ako kay Gio na busy sa kakadutdot ng cellphone niya. Palagi naman siyang gan'yan kapag tahimik siya o hindi naman kaya naka-earphone siya tapos nakapikit. Normal routine na ni Gio.

Iniwas ko nalang ang tingin ko at muli itong binalik sa dalawang malandi sa harapan ko. Akala niya ba hindi masakit? Okay nalang naman ipamukha sa'kin na kapalit-palit ako pero 'yong maglandi sa harap ko? Ay! Willing akong pumatay ng malalandi kahit ngayon din! Mismo!

Malas ba ako?

Tanong ko sa sarili ko. Kasi naman parang wala ng tumagalnna relasyon sa'kin. Lahat sila umaalis, lahat sila iniiwan ako dahil lang sa mabababaw na dahilan. Maybe I don't deserve them pero, sinong para sa akin? Wala ba talaga? May kaibigan nga akong lalaki wala namang lalaki na gusto akong makasama habang-buhay. Hindi naman sa minamadali ko 'yong tadhana sadyang napapa-isip lang ako. Bakit palagi akong sawi?

“Gutom na ako.” reklamo ni Sandra.

“Ako nga din” sagot ni Queenie.

“Tara kain tayo,” yaya ni Andrew.

“Pass!” sabay na sagot namin ni Gio.

Nagkatinginan kami pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Bakit ba naiilang ako sa kan'ya? Hindi naman siya nakakatakot pero may part talaga sa'kin na naiilang sa kan'ya. Feeling ko kasi serious type of person siya. Madami na din akong narinig na kwento tungkol kay Gio at talagang nakaka-shock lahat.

“Uy! Nag-practice ba kayo para diyan?” ayan nanaman si Queenie.

“Kumain ka na do'n pwede ba?!” inis na sabi ko.

Tumawa siya, “Oh kalma tatanong lang eh HAHAHAHA” bwiset lakas mang-asar.

“Nga pala bakit hindi pumasok si Flich saka si Clarah?” usisa ni Andrew. Kalalaki mong tao hinayupak ka napaka-chismoso mo!

“Hindi namin alam. Wala kaming alam.” cold na sagot ko ko.

Tumango lang siya. Wala naman akong pake kahit sumagot ka ng mahaba 'no! Ang mahalaga sinabi ko sayo.

“Paano? Kakain muna kami ha?” paalam ni Sandra.

Sure why not?! Mabulunan ka sana!

“Sige lang.” walang emosyong sagot ko.

“Hindi talaga kayo sasama?”

Umiling ako. Wala ako sa mood ngayon. Ang gusto ko lang talaga ngayon is matulog. Hindi pa din maganda 'yong mood ko dahil sa inuman na 'yon. Talagang naparami yata 'yong ininom namin kagabi.

Ano kayang gawa ng dalawa?

FLICH'S POV

I was standing on a gate. Nakapamulsa ang aking mga kamay sa pantalon ko. Nakangiti kong pinagmamasdan si Clarah na sobrang nag-i-enjoy kausapin 'yong mga alaga niya. Nasa home for stray dogs kami ngayon. Andami din palang mga aso na na-rescue niya. Nakakatuwang tignan na well trained ang mga hayop. Alam nila kung kailan sila kakain at alam din nila kung kailan nila gagalawin 'yong pagkain na ihahain sa harapan nila.

Shit!

May naalala nanaman ako. 'Yong kagabi. Kung tutuusin pala parang aso lang din ako. Ako 'yong tipo ng aso na well trained dahil kahit papaano nagawa kong lampasan 'yong temp kagabi. Nahirapan na talaga ako dahil sobrang init na ng katawan ko, ramdam na ramdam ko na 'yong libog.

“Uy! Okay ka lang?” tanong niya.

Napakurap ako dahil doon sabay tingin sa kan'ya, “ah... eh... Sorry may ano kasi, may naalala lang ako hehehe.” parang tanga self!

“Tara pasok ka sa loob. H'wag ka na mahiya sa mga aso konti lang naman sila mangagat.” pabirong sabi nito sabay hila sa'kin papasok.

Nagpatangay nalang ako sa kung saan niya man ako dadalhin ngayon. Bahala na tinatamad pa ako dahil sa puyat. Naka-ilang balikwas ako sa sofa dahil lang doon sa pangyayaring 'yon. Walang naman akong ibang dapat sisisihin dito kung hindi si Clarah lang.

“Woah!” biglaang sabi ko ng salubungin kami ng pagkadami-daming aso.

She chuckled, “relax. Mababait sila hindi ka nila aanuhin. Mga well trained stray dogs sila at talagang nag-hire pa ako ng mga magagaling na trainor just to make sure na lahat sila matututo.” tatawa-tawang sabi niya.

“Nabigla lang ako masyadong madami eh,” sagot ko.

Humarap siya sa akin, “alam mo nagtataka padin ako kasi hindi naman pala-sama si Xhuxi sa kung kani-kanino. I mean... paano mo siya nakuha sa yaya niya kahapon?”

Kumibit balikat ako.

“Hindi nga?”

“Hindi ko nga alam basta pagkuha ko sa yaya niya, sumama din naman siya kaagad.”

“Talaga?” manghang sabi tanong niya.

I nood, “oo. Isinama ko pa siya papuntang airport para sunduin sila tita.” sabi ko.

“Siguro ginayuma mo sila HAHAHA. Imagine si Xhuxi na masungit sa lahat ng tao napasama mo sayo? Si mom and dad na sobrang busy napa-uwi mo dito sa Pilipinas. Grabe sigurong effort mo no'n ano?”

“Hindi naman masyado, sakto lang. Alam naman kasi nila tita na birthday mk kaya hindi ako nahirapan sa kanila na magsabi.”

“Galing!”

Hindi ko alam kung matutuwa ako na pinuri niya lahat ng ginawa ko kahapon o ano. Baka kasi mamaya tanawin niya 'yon as utang na loob. Ayoko sa lahat na iniisip ng isang tao na 'yong ginawa ko para sa kan'ya ay utang na loob niya. Hindi naman kasi ako ganoong klase ng tao.

Matapos i-check ni Clarah lahat-lahat ng kailangan bilhin sa Care:HFSD sumunod naman kaming pumunta sa isang pang home for stray cats. Mas maliit ito kumpara sa lugar ng mga aso. May matataas na bakod din para hindi akyatin ng pusa. Kumpara sa mga aso, madalas daw na nakakulong 'yong pusa kasi lumalayas. Well trained din naman sila pero sa pag-dumi, paglabas at pasok sa kulungan.

“Kita mo 'yon?” turo niya sa isang pusa na sobrang taba.

“Oo, bakit?” tanong ko.

“Yon si Collen. Na-rescue namin siya sa kumunoy. Pusang ligaw lang din siya gaya ng iba dito.” sabi niya.

“Ang ganda nga niya eh,” wika ko. Totoo naman. Mataba, balbon saka may kulay yellow na mata.

“Nahirapan kami diyan kasi sobrang sakitin niya tapos kinailangan niya pang operahan. Hindi ko nga in-expect na tataba siya ng gan'yan kasi promise talagang super payat niya no'ng dinala namin siya dito. Mga 3 weeks pa siyang naglagi sa mga vet.” kwento niya.

Share niya lang talaga 'yan pero ang ganda ng story. The beautiful transformation or Collen.

“Galing. Ibig sabihin magaling ang nag-aalaga” nakangiting sabi ko.

Tumawa lang siya. Totoo naman, magaling naman talaga ang nag-aalaga. I'm not really into animals pero naa-appreciate ko talaga 'yong mga ganitong bagay like, parang ang galing na nagawa 'yon ng isang tao sa isang hayop.

**********

Naka-ilang home for stray animals ba kami bago? Hindi ko na ata mabilang. Akala ko kasi ka-onti lang 'yon pala madami pa siyabg branch. May main pa daw 'yon kaso nasa Antipolo, Rizal. Aba'y matindi kamuntik na akong mahiya sa kakahila niya sa'kin kung saan-saan. Nasa kotse kami ngayon ihahatid ko na siya pa-uwi. Si Xhuxi naman kukunin ng magulang niya dahil dito na 'yon mag-i-stay sa Pilipinas.

“Salamat sa pagsama sa'kin,” nakangiting sabi niya.

Nilingon ko siya saglit at muling ibinaik ang atensyon ko sa daan. ”Wala 'yon. Hindi na din naman ako pumasok kaya na-isip ko nalang sumama sayo.”

“Oo nga pala! Picture taking na pala bukas ah!”

“Oo nga. Ang sabi ni Dean susunduin nalang daw nila tayo sa respective place namin kaya kung ako sayo, aagahan ko gumising.”

“Noted!” ngumiti siya.

Damn that smile! Mas lalong nakaka-fall 'yang ngiti-ngiti thingy na 'yan eh. Wala ng pagtataka kung bakit nabaliw ako sa kan'ya ng husto at kung bakit inilagay ko ang sarili ko sa sitwasyon na kailangan ko pa siyang i-stalk malaman ko lang lahat ng ginagawa niya.