Chapter 17

FLICH'S POV

Sinasabi ko na nga ba kami nanaman ang maga-adjust para sa kan'ya. Napapa-ikot nalang ang mata ni Dean habang nakatingin sa kabuohan ng condo unit ni Clarah. As usual, hindi siya maagang nagising at ngayon heto kami. Hinihintay siya na matapos sa pag-aayos.

“Ay nako! Kung hindi lang talaga masamang... ay nako!” gigil na saad ni Dean.

“Hayaan mo na, Dean.”

“Sorry na nga kasi, Dean. Nakalimutan ko nga kasi andito sila mom and dad kagabi. Medyo nag-bonding pa kami,” paliwanag niya.

“Oh, siya maghanda ka ng madaming damit dahil ang alam ko doon na tayo mamamalagi muna sa Boracay hanggang sa dumating 'yong competition.” sabi ni Dean sa kan'ya.

“Sige, Dean!”

“Na-ayos mo naba 'yong isu-suot?”

Tumango siya. “Kagabi pa, Dean. Sadyang napasarap lang 'yong tulog ko HAHAHAHAHA”

“Hay nako!”

Napa-iling nalang din ako dahil doon. Kahit kailan talaga napaka-bagal kumilos ng babaeng 'to. Pero totoo 'yong sinabi niya. Nag-bonding pa talaga sila nila tita kagabi dahil nakikita ko sila sa CCTV. Yes, the whole night I'm watching her. Siguro mga 1 am na din umuwi 'yong mga magulang niya tapos saka lang siya natulog. 1 am na din ako natulog kasabay niya.

Wala bang nagtatanong diyan kung nasaan ang magulang ko? Well kahit hindi niyo tanungin sasabihin ko nalang. Nasa ibang bansa din sila, doon sila namamalagi. Dapat nga doon din ako mag-aaral kaya lang dumating sa buhay ko si Clarah kaya sabi sa kanila na mas nag-i-enjoy ako dito sa Pilipinas. Isa pa, sanay na din ako sa mga ka-ugalian dito saka 'yong klima.

Siguro kung pababalikin nila ako sa U. K kailangan kasama ko na si Clarah. Hindi na ako papayag na ma-iwan ko siya dito sa Pilipinas. Kung sakali mamg dumating ang panahon na 'yon kasal na kami at willing na kaming mag-simula ng sarili naming pamilya. Magta-travel around the world kami o hindi naman kaya magpapatayo ng madaming negosyo na gusto niya para kahit hindi kami mag-trabaho, kikita kami.

Advance mo self.

Hindi ka pa nga umaamin nangangarap ka na ng mga impossible things. Pero sabi mga nila "libre ang mangarap" alam ko din naman na isang araw mapapasa-akin 'yang babang 'yan. Hindi naman sa over confident pero nararamdaman ko na mangyayari 'yon.

“Tapos na ako!” masayang sabi niya.

“Masaya kapa ha! Dapat kanina pa tayo eh!” sermon nanaman sa kan'ya ni Dean.

“Sorry na nga kasi,” nag-pout niya.

Damn that lips! Hindi ko pa nakakalimutan kung paano ko 'yan--- no, never mind. Huminga ako ng malalim. Inaalis ko na sa isip ko 'yong nangyari na 'yon kahit talagang sobrang hirap. Grabe din ang pagpipigil ko sa libog na nararamdaman ko sa kan'ya.

“Flich,” kalabit sa'kin ni Clarah.

Nilingon ko siya. “Uhm?” tanong ko.

“Pwedeng humingi ng favor?”

“Yeah, sure,”

“Pwedeng pa-picture din ako mamaya hehehe”

“Yon lang pala. Sige, no problem.” akala ko naman kung ano.

Pumalakpak siya. “Yehey! Kasi naman kapag hinintay ko pa 'yong copy nila ay nako! Matatagalan pa.”

“Nga pala kailangan niyo ng mag-review sa mga question and answer.” singit ni Dean.

“Hindi na kailangan din. Kaya ko na sarili ko.” confident na sagot niya.

“Hindi gano'n 'yon. Ang isang bagay dapat palaging pinaghahandaan para sa huli hindi ka masasaktan kasi nag-expect ka ng mataas.” hugot yorn?

Ay nako Dean tigilan mo'ko ganitong inaantok pa ako. Ipinikit ko nalang ang mata ko. Ayoko munang makinig sa kanila dahil puyat pa ako. Sana lang maging maganda ang mood ko mamaya dahil baka sa Boracay ako makapatay ng tao.

*********

Nagmulat ako ng mata ko dahil may tumatapik sa pisngi ko. Si Clarah pala, mukhang nandito na nga kami sa Boracay.

“Gising na andito na tayo.” malambing na panggigising niya.

“Hm... Bakit parang ang bilis naman?”

“Gaga 4 hours ka ng tulog!” tinampal niya ng mahina ang pisngi ko.

“Malay ko ba, tss...”

Wala ng masyadong pagtatalo pa. Bumaba na kami sa kotse sabay dumeretso sa hotel na tutuluyan namin. Habang naglalakad palang marami ng tumingin sa'kin. Syempre gwapo ako kaya normal lang 'yon. Kaya amg sarap maging gwapo eh.

Pagkapasok pasok namin sa hotel bumungad agad ng mga nagkakagulong contestant. Nakita ko nanaman 'yong tatlong chipay na inaway ni Clarah no'ng nakaraan. Hindi ko nga alam bakit niya inaway eh.

“Bilisan niyo magbihis na kayo.” utos sa amin ni Dean.

“Ngayon agad?” tanong ni Clarah.

“Oo! Okay ka naman na. Naayusan ka na kanina sa kotse,”

Tumingin ako sa kan'ya. Oo nga naka-make up na siya. Pero mas maganda padin siya kapag walang make up.

“Okay! Okay! Kalma ka lang Dean.”

“WITH IN 15 MINUTES MAGSISIMULA NA ANG PICTURE TAKING!” sigaw ng isang bakla.

Tangina bakla nanaman!

Dahil sa narinig namin agad kaming nagtungo sa kanya-kanyang room namin. Hindi ko nanaman siya kasama sa room pero okay lang, madami namang ipa-trabaho 'yong ganito. At dahil nga swim wear picture taking ito nagsuot lang ako ng trunks saka nag-bathrobe para hindi sila ma-spoil kung gaano kalaki 'yong junjun ko.

Matapos magbihis, pumunta na kami agad sa lugar kung saan kami pi-picturan. Halos lahat nandoon na. Hindi pa man umiinit ang paa ko sa pagkakatayo may lumapit na agad na babae sa akin.

“Hi,” may pag-kagat labing bati nito sa akin.

“Hello.” nakangiting bati ko din.

Namula ito at mas lalong dumiin ang pagkaka-kagat niya sa kan'yang labi. Tsk, hindi mo'ko maa-akit diyan Ms. pero kung si Clarah kakagat labi sa harap ko ay baka nilaplap ko pa agad!

“You are Flich right?” ang arte mg boses.

“Hm... yeah.”

“I'm Alice, can I invite you for a lunch after this?” may pagka-pabebeng tanong niya.

“Tsss... ipokrita.” napalingon ako sa nagsabi. Si Clarah, akala ko 'yong babae 'yong sinasabi niya ng ipokrita. Hindi naman pala.

“Yeah sure pero hindi pwedeng ako lang.” kumunot ang noo ng babae.

“Bakit?” tanong nito.

“Dapat, kasama natin siya,” sabi ko sabay akbay kay Clarah.

Napatingin ito sa akin. “Idadaman mi nanaman ako!”

“You need some friends here para may kachikahan ka,”

“I have my cellphone,”

“Hindi 'yan. Dapat may ka-close ka din na kahit isa dito.”

“Okay lang naman sa'kin na kasama siya. She's just your friend, right?” paninigurado na tanong ni Alice.

I nood. “Yeah. She's just my friend.” sagot ko.

“OKAY! LINE UP EVERYONE!” isang sigaw muli.

“Talk to you later,” may pang-aakit na sabi nito. Kumindat pa siya bago umalis.

Umiling nalang ako. Talagang kakaiba ang kagwapuhan ko, madaming naaakit. Hayss mom, dad bakit kasi kayo gumawa ng ganito ka-gwapong nilalang?

“Okay, listen everyone. Ganito ang magiging set-up namin. Una munang pi-picturan ay mga babae after all the girls mga lalaki naman. Pagkatapos ninyong lahat picturan by partner naman. Gets niyo?” ang taray naman.

“Opo!” sabay-sabay naming sagot.

Naghiwa-hiwalay muna kami. Ako, umupo muna sa isang upuan habang hinihintay 'yong turn ni Clarah. Feeling ko hindi ko magugustuhan kung ano mang makikita kong suot niya mamaya. She's now wearing a bathrobe. Nakita ko na ang buong katawan niya, syempre naman may CCTV sa bahay nila eh.

Iniisip ko palang na madaming makakakita kung gaano ka-sexy si Clarah parang gusto ko ng pumatay. Madaming tao sa paligid, nagsisimula na ding magkumpulan ang mga tao para manood. Wala naman akong pake sa iba kahit sobrang laswa ng suot nila. May mga halos lumuwa na 'yong dibdib nila, may mga halos makita na 'yong perlas ng silanganan nila pero wala akong pake. Worried ako kay Clarah kilala ko 'tong babaeng 'to. Kayang-kaya niya talaga mag-suot ng sobrang reveal na damit at 'yon ang ayaw ko sa kan'ya.

Sana manlang inisip niya na may lalaking ayaw makitang gano'n ang suot niya. Kung sabagay, sino ba naman ako para sundin niya? Tangina ang drama ko nanaman!

“Kinakabahan ako.” sabi ni Dean.

“Bakit, Dean?” takang tanong ko.

“Ewan ko ba. Kinakabahan lang ako.” saltik!

Napangiwi nalang ako habang nakatingin kay Clarah. Yes, kay Clarah ako nakatingin. Wala akong oras titigan kung anong mga suot nila dahil sa isang tao lang ako interested. Her name is Clarah, my one and only girl.

“Candidate number 15!” tawag ng pinaka-director.

Si Clarah na shit! Tumayo ito sa pagkaka-upo niya saka lumapit. Saglit siyang ni-retouch ng mga make-up artist bago papwestuhin sa gitna. God! Hindi ko yata kayang makita kung ano man 'yong nasa loob ng bathrobe na hinuhubad niya.

Tangina!

Titigasan ata ako na hindi ko malaman!

Hindi pwede, Flich! Masama 'yang gagawin mo!

My jaw literally drop when she already removed the bathrobe. Tila kusang kumilos ang aking mga kamay para damputin ang tuwalya na nasa gilid ko. Malalaking hakbang ang ginawa ko para mabilis na makapalit sa kan'ya. She's wearing a damn explosive sling swimsuit! Yumakap ako sa kan'ya para matakpan ang harapan niya.

“A-Anong g-ginagawa mo?” nauutal na tanong niya dahil sa pagkabigla.

“Why are you wearing like that, huh?” tiim bagang na tanong ko.

“Hoy! Anong ginagawa mo diyan?!” sigaw ng director.

Ini-ayos ko muna ang pagkakatapis ng tuwalya bago ko harapin 'yong director.

“Mamaya na siya, bibili lang kami ng bagong suot niya.” walang emosyong sabi ko.

“What?!” si Clarah. Gusto pa atang mag-protesta ng baliw na 'to.

“Magpapalit ka.” may diing sabi ko.

“At, sino ka para utusan kami na mamaya na siya? Kaano-ano kaba niya? You're just a contestant here and you have nothing to do kapag sinabi kong ituloy ang picture taking niya!” matapang na singhal sa'kin nito.

“Walang may pake,” hinila ko si Clarah papalayo sa kanila.

Hindi naman siya nagpumigla hanggang sa nasa tapat na kami ng hotel. Binawi niya ang kamay niya na hawak ko sabay huminto paglalakad. Naka-kunot noo itong nakatingin sa'kin. Ang mga mata nito ay nagtatanong kung bakit? Anong dahilan? Para saan? Ko ginawa 'yong kanina.

“Anong problema mo?!” may inis sa boses na tanong niya.

“Saving you,” maikling sagot ko.

“Saving me?! Huh?! For what?!”

“Sa tingin mo hindi ka mababastos sa suot mo kanina? Gusto mo 'yon?! 'Yong halos pag-pyestahan na ng mga lalaki 'yong nakikita nila sayo?!”

“Ano bang pake mo?!”

“Tangina! Anong pake ko?! Syempre malaki ang pake ko dahil una sa lahat, kaibigan mo'ko! Pangalawa sa'kin ka ibinilin ng pamilya mo at pangatlo dahil... dahil... shit!”

Bakit hindi ko masabi?!

“Ano?!” singhal niya.

“Magpalit ka nalang pwede ba?” malumanay na sabi ko.

“Why would I?”

“Just.... just do it.”

Padabog siyang naglakad papasok ng hotel. Damn! This is the chance bakit hindi ko pa nasabi? Bakit tila na-ipit ng kung ano 'yong dila ko? Antanga ko sa part na 'yon. Mukhang duwag na talaga ako pagdating sa kan'ya. Naiiling akong sumunod sa kan'ya. Imbis na dumeretso sa kwarto ko sinundan ko siya sa kwarto niya. Nadatnan ko siyang naka-upo sa kama habang naka-cross arms.

“Ginagawa mo dito?” walang tingin-tingin na pagtataray niya.

“Magpalit kana,” I said. Lumapit ako sa kan'ya ng konti.

“Bakit pa? I'm already disqualified because of you!” galit na siya.

“You're not sure,” bumuntong hininga ako. Tinabihan ko siya sa pagkaka-upo niya sa kama, “look... I'm sorry for doing that. Hindi ko lang talaga kayang makitang gano'n ang suot mo sa harap ng madaming tao,” paliwanag ko.

“Hellooooo?! Swim wear nga hindi ba?! Normal lang 'yon!” singhal niya.

“Damn!” inis din na singhal ko. Ayoko ng magpatalo ngayon, “normal?! Have you heard what you said?! Sling swimsuit is normal?! Clarah, halos lumuwa na 'yong dibdib mo! Halos lumuwa na 'yong harap mo sa kanila! Isang yuko mo lang kita na lahat ng pwedeng makita sayo tapos sasabihin mo normal lang?! Are you joking?!”

“Oo! Bakit ba?! Sinabi ko bang tignan mo 'yong pwedeng lumuwa sa'kin?! Alam mo... manyak ka lang talaga kaya gan'yan ka mag-isip!”

Fuck!

I took a deep breath. Magpapatalo na ako, wala na. Ayon na 'yong tingin niya sa'kin bakit hindi ko nalang tanggapin na hindi ako maiintindihan ng babaeng 'to.

“Kung manyak ako, matagal na kitang minanyak tandaan mo 'yan. Ilang beses ka ng halos magpakita ng kaluluwa ko sayo pero hindi ko nagawang manyakin ka,” cold na sabi ko sa kan'ya sabay umalis.

Hindi ako mananalo sa ganoong klase ng mindset. Never kong maipipilit ang sarili ko sa kanya dahil kahit kailan, ang gano'ng klase ng mindset nanalo. Tsk... manyak pala ako sa ginawa ko na 'yon. Ngayon ko lang nalaman na 'yong meaning pala ng concern ngayon is kamanyakan. Eh 'di sana pala minanyak ko na siya no'ng gabing lasing siya kung manyak lang din naman pala tingin niya sa'kin.

Tangina!

“Flich!” tawag sa'kin ni Dean.

Hindi ko siya pinansin 'ni nilingon. Siya na bahala kuma-usap sa babaeng 'yon. Wala naman akong galit na nararamdaman sa kan'ya, hindi ako galit pero nasasaktan ako dahil hindi manlang niya naintindihan 'yong gusto kong ipa-intindi sa kan'ya.

“Schedule me a private photo shoot,” walang emosyong sabi ko sa director bago dumere-deretso.

Mukha namang kilala na niya ako kaya hindi na siya sumigaw. It's good to know na alam niya na din kung sinong kinakalaban niya ngayon.

CLARAH'S POV

Napapahilot sintido nalang ako sa nangyari. Hanggang ngayon nasa katawan ko padin 'yong tuwalyang itinapis niya sa akin. Gano'n ba siya ka-manyak para mabastusan sa suot ko? 'Yong derektor nga hindi nag-reklamo na masyadong revealing 'yong suot ko.

“Oh, ano ng nangyari?” bungad ni Dean.

Tumingin lang ako sa kan'ya sabay umiling, “ewan ko, Dean,” naiiling na sabi ko.

“Hay nako. H'wag ka mag-alala tuloy padin naman kayo. Inayos naman lahat kanina.”

“Wala akong pake, Dean! Ang manyak naman niya para maging gano'n ang tingin niya sa'kin! Napaka-manyak niya!” hanggang ngayon naiinis ako sa nangyari.

“And, how did you say na manyak siya? I mean, anong proof mo?”

Kumunot ang noo ko, “kailangan pa talaga ng proof? Hindi paba sapat 'yong sinabi niyang nababastos na daw ako? Wala pa namang bumabastos sa'kin, Dean! Isa pa, swim wear nga hindi ba? Normal lang 'yong suot ko kanina!” ka-irita need pa mag-explain.

“Hmm...”

“What?!”

Umiling siya. Muli nanaman akong humilot sa sintido ko. Todo kunot na ang noo ko dahil sa inis at galit kay Flich. Ano bang pake ko kung umalis siya o mag-walk out siya sa harapan ko? Napahiya kaya ako sa madaming tao dahil sa ginawa niya! Parang ipina-mukha niya sa akin na ang pokpok ng dating ng suot ko.

I hate him!

“So...” pabitin na sabi ni Dean, “kailangan pa palang bastusin ka para ma-realize mo na sobrang revealing ng suot mo?” wtf?!

“Hind---”

She cut me off, “no, Clarah! Listen to me CAREFULLY! Hindi mo ba talaga naisip na 'yong ginawa sayo ng tao is just protecting you?”

That word hits me. Oo, hindi ko na na-isip 'yong gano'n dahil sa inis ko pero, totoo padin naman 'yong nasa isip ko. Namamanyakan siya sa ibang tao without knowing na manyak na din siya kasi gano'n ang tingin niya sa iba.

“Speak, Clarah,” sabi nito.

“But still---”

“Keep on insisting huh? Before judging others know their point of view first. Masyado mo lang iniintindi ang sarili mo part 'yon at sa totoo lang hindi ako natuwa sa sinabi mo sa kan'ya,” lumapit siya sa'kin sabay hawak sa balikat ko. “Clarah, ang swerte mo sa part na may gano'ng klase ng taong gustong protektahan 'yong reputation mo sa harap ng ibang tao. Sobrang swerte mo.”

Lumakad na si Dean palabas ng pinto. Bago siya tuluyang makalabas may ipininatong siya sa isang drawer sa may pinto.

“Isuot mo 'to. May shoot ka mamayang 1 pm kailangan hindi ka ma-late dahil 'yon lang ang ibinigay na oras sayo ng derektor,” sabi niya at tuluyan ng naglaho sa harapan ko.

Nanlulumo akong umupo sa kama. Mali ba talaga ako sa mga nasabi ko? Mali ba talaga 'yong mindset na pina-iral ko? Bakit hindi ko inisip 'yong gustong iparating sa'kin ni Flich?

Suddenly, one line pop up on my mind.

“Kung manyak ako, matagal na kitang minanyak tandaan mo 'yan. Ilang beses ka ng halos magpakita ng kaluluwa ko sayo pero hindi ko nagawang manyakin ka,”

Siguro nga tama si Dean. Gusto lang talaga ako protektahan ni Flich sa ibang tao. Tinanggal ko ang tapis ko. Tumayo ako at saka humarap sa whole body mirror. Masyado ngang revealing ang suot ko. Halos kita na ang cocomelon kong maliit, sobrang revealing din tignan sa bandang singit ko.

“Kaya pala siya nagka-gano'n,” sabi ko sa sarili ko.

Now, I get it. Ako nga ang mali. Antanga mo naman Clarah, nanakit kapa ng iba dahil lang sa mga words na bigla-biglang lumalabas sa bibig mo.

Paano ako magso-sorry nito ngayon?