Chapter 15

FLICH'S POV

Nasa bar na kami at ngayon palang natatakot na ako sa mga galawan nila Clarah. Masyado silang malilikot talagang head bang dito, head bang doon. Buti pa nga si Zyria nananahimik sa isang tabi kahit free naman siya ngayon. Etong tatlo, mukhang babantayan namin. Sinabayan pa sila ni Sandra, 'yong girlfriend ni Andrew na malikot din.

Ang sarap kalbuhin ni Clarah para manahimik nalang sa isang tabi, yawa! Nasa dance floor pa sila. Inaayos palang kasi 'yong VIP room na para sa amin. Nagpalagay na din kami ng mga pulutan saka alak. Syempre hindi naman mawawala 'yong paborito ni Clarah na video okie. At dahil nga nasa dance floor pa kami nag-i-enjoy sila na parang kakalabas lang sa rehas. Animo'y may bulate sa mga p'wet kung makagiling.

Hindi na ako nakatiis. Hinila ko na siya palayo doon. Tangina hindi ko na kaya 'yong ginagawa niya baka bigla akong makapatay ng mga lalaking nasa paligid niya.

“Hey! Ano ba?!” pagpupumiglas niya.

“Stay here!” madiin na sabi ko.

“Kita mong sumasayaw ako eh!” protesta nito. Itinuro niya pa 'yong dance floor na sinasayawan niya.

“Oo nga, sumasayaw ka nga.”

“Oh? Bakit mo'ko hinila?!”

“Kasi... ampanget mo na tignan sa ginagawa mo!”

“Wait?! Ikaw ha! Concern kana sa'kin ha...” tangina hindi pa lasing pero parang bangag na.

Yes, concern ako.

“Ibinilin ka sa'kin ng parents mo kaya kailangan kitang bantayan,” pagdadahilan ko.

Humalikipkip siya saka ngumuso. “Akala ko pa naman hdusjsusjussj.” huh?

“Ano?” hindi ko naintindihan 'yong last.

“WALA!” mataray na sagot niya at umalis sa tabi ko.

Bakit galit?

Gago inaano ko siya? Hay nako ang hirap talaga intindihin ng mga babae minsan, kung hindi ko lang mahal 'yong baka ayyy nako. Nasa tabi siya ngayon ni Zyria na prenteng naka-upo. Much better na nandoon siya kaysa naman para siyang baliw na sumasayaw sa gitna ng dance floor.

Ngayon ko lang napansin 'yong suot niya. Ang lakas talaga ng loob ng babaeng 'to. Naka-tube siya na pinatungan ng jacket, naka-skirt na maikli, naka-boots din siya. Lakas maka-OOTD hindi naman ako natutuwa. Kaya pala kanina oa nakatingin sa kan'ya 'yong mga lalaki dito sa bar.

Lumapit ako sa kan'ya, “hindi ka aalis sa tabi ko.” may diin na sabi ko.

Tumingin siya sa'kin ng kunot ang noo. “Inaano ka nanaman?” ang taray naman.

“Wala lang. Kung ayaw mo lang mabastos sa loob ng bar na 'to h'wag kang aalis sa tabi ko,”

“Hello! Normal na suotan 'to dito 'no!” ipipilit pa talaga ang gusto. Napaka-kulit.

“Hello din! Normal nga 'yan pero hindi ako natutuwang sumasabay ka sa normal.”

Um-erap siya, “ewan ko sayo!” akmang tatayo siya pero mahibilis kong hinigit ang kamay niya at ibinalik siya sa pwesto niya.

“Diyan ka lang.” h'wag ka nalang makulit baka ma-rape kita ng wala sa oras.

Ngumiwi ang labi niya. Humalikipkip siya ng masama ang tingin sa'kin. Mukha ba akong may pake Clarah? Magtaray ka lang, all you want. I'm your possessive stalker, no one can touch you except me! Hindi ka nila pwedeng hawakan kahit dulo pa 'yan ng buhok mo, nakikita ko man 'yan o hindi. Nasa tabi mo man ako o wala, akin ka! Akin ka lang and that's final!

“Ma'am, Sir okay na po ang room niyo,” sabi ng isang waiter na kalalapit lang sa amin, “this way po.” dagdag pa niya at itinuro ang daan.

Ginabayan niya kami papunta kung saan kaming VIP room. Pagka-pasok namin tumambad agad sa amin ang ibat-ibang pulutan saka mga inumin na din.

“Thank you.” pasalamat ko.

“No problem, Sir.” nakangiting sabi nito.

Umalis na din siya ng makapasok kami. Siya na din 'yong nagsarado ng pinto. Kami naman, nagkanya-kanyang upo na. May tatlong mahahabang couch dito. Sa bandang kaliwa, si Aldrake, Zyria saka si Queenie. Sa Gitna ako saka si Clarah. Sa bandang kanan naman si Gio, Aleah, Andrew saka si Sandra. 'Di hamak naman talagang mas mahaba 'yong inuupuan nila.

Ako na ang pag-presentang mag-bukas ng mga alak. Si Andrew naman 'yong taga-tagay. Ganito naman kami kada may inuman. Para hindi magulo, isa lang ang taga-tagay tapos 'yong iba bahala na. Ayoko din malasing ng husto dahil hindi ko mai-uuwi si Clarah mamaya. Hanggat maari kokontrolin ko ang sarili ko sa alak.

“Cheers para sa birthday girl!” pasigaw na sabi ni Queenie.

“Cheers!” sabay namin sa kan'ya.

Kanya-kanya kaming lagok ng alak matapos ang cheers. Iisang alak nalang pala ang ini-inom namin. 'Yong pwede sa babae, pwede din sa lalaki. Mahirap na kapag hard drinks baka ilang shot palang lasing na 'tong mga 'to.

“Thank you talaga sa mga effort niyo,” panimula ni Clarah. Tumingin siya sa'kin, “lalo na sayo. I didn't expect na mapapa-punta mo sila mom at dad sa school ng biglaan.”

Ako lang 'to.

“Wala 'yon. Normal lang naman para sa'kin i-surprise ang kaibigan.”

“Kahit na syempre! Ang alam ko pa naman hindi masyadong nakikipag-usap 'yon si mom lalo na kung hindi importante.”

“So inisip mo na hindi ka importante?”

Umiling siya. “Hindi naman. Hindi lang talaga ako makapaniwala.”

“Saka Clarah, minsan lang naman 'yon kaya tinodo na talaga namin 'yong effort. Wala pa nga halos tuloy si Aldrake saka si Zyria kasi sila 'yong nagluto.” sabi ni Queenie.

Ibinaling niya naman ang tingin niya sa dalawa, “hindi nga?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Oo nga 'te! Silang dalawa nga 'yong nagluto tapos si Gio naman saka si Aleah 'yong naghanap ng Cake. Ako naman saka 'tong dalawa 'yong nag-ayos ng pinakang-lugar.” pagiisa-isa ni Queenie.

“Totoo 'yon. Pero si Flich padin ang nag-plano ng lahat. Siya 'yong nagsabi sa amin ng mga gagawin.” sabi ni Zyria.

Hindi na namin maipinta ang mukha ni Clarah ngayon. Mas lalo yatang siya na-surprise kaysa kanila. Well, lahat naman kasi handa akong gawin para sa kan'ya. Alam kong walang nakaka-alam ng birthday niya kaya gumawa ako ng paraan para malaman ng madami. Sawa na akong makita siyang malungkot every birthday niya. I aways saw her crying, she's always alone but this time, I won't let that happen.

I'm always with you. No matter what.

Imbis na mag-dramahan pa kaming lahat mas minabuti nalang namin na uminom ng alak. Hindi kami mag-i-enjoy kung puro drama nalang ang aasikasuhin namin. Bukas hindi na namin maaalala 'yon dahil sa impluwensya ng alak.

*******

Ilang oras na din ang nakalipas simula ng mag-inom kami. 'Yong tatlong babae kakaiba na 'yong kilos, si Clarah, Queenie at saka si Sandra. Eto na nga ba sinasabi ko eh!

“Tama na 'yan!” agaw ko sa kan'ya ng alak.

“H'wag mo'kong pigilan!” boses lasing na sabi niya bago lagukin ang alak.

Naka-ikot nalang ang aking mga mata. Bigla siyang pumatong sa upuan at doon nagsasa-sayaw. Tangina ng babaeng 'to!

Hinila ko siya pa-upo. “Ano ba?!” reklamo niya.

“Umayos ka nga!” saway ko.

“Gagawin ko...” huminto siya sabay turo ng ilong ko, “lahat ng gushto ko, maliwanag?” damn!

“Tara shayaw tayo!” yaya ni Sandra.

“Tara!” sabay na sagot ng dalawa.

Tatayo palang siya pero agad kong hinawakan ang pulsuhan niya. Wala akong tiwala sa sayaw na 'yan mamaya kung sino pang bumastos sa kan'ya sa lahat. Hindi naman sa ayaw ko mapa-ayaw, ayoko lang talaga magalusan 'yong gwapo kong mukha.

“Upo.” madiin na utos ko sa kan'ya.

Pilit naman niyang tinatanggal ang kamay ko. “Ayokooooo!” parang batang sabi niya habang nagpapa-padyak.

“Upo! Hindi ka nga pwedeng lumabas!”

“Lalabash ang ako ihhhh!”

“Gio, tulungan mo nga ako dito!”

“You can handle that,”

Tangina.

“Clarah, umayos ka nga.” saway sa kan'ya ni Zyria.

“Di ba birthday ko? Pwede ko gawin lahat ng gushto ko pweaseeee,” ang cute pero hindi niya ako madadaan sa kakaganyan niya.

No, baby. Noo.

“Uuwi tayo kapag nag-matigas ka.” banta kong muli.

This time umupo na siya ng kusa. Nakasimangot siyang nakatingin sa akin. Ang sarap halikan ng labi niya shit! “Para sayo din 'yon,” mahinang sabi ko.

Hindi siya sumagot. Kumuha lang siya ng alak saka ininom ito. Tampo yarn? Paano ko naman siya papayagan, eh lasing na siya tapos hindi pa maganda tignan 'yong suot niya. Kung medyo maayos sana 'yong outfit niya ngayon gaya kay Zyria eh 'di sana kanina pa ako pumayag at saka kung hindi siya lasing. Mamaya niyan may kung sino pang humipo sa kan'ya ay nako baka makapag-hire ako bigla ng kung sino pwedeng pumatay sa taong 'yon.

I'm just protecting her like how her parents protect her. Eto nalang magagawa ko sa kan'ya oh, ito nalang talaga kasi hindi ko pa kayang umamin sa kung gaano siya kahalaga sa'kin.

“Stop. it.” may diin na wika ni Gio.

Napatingin kaming lahat sa kan'ya. Pinagsasabi nito? Deretso lang siyang nakatingin sa kung saan pero umiigting na ang mga panga nito dahil sa.... galit?

“I said stop it, Andrew.” isang pang madiin na wika niya.

“Anong nangyayari?” bulong na tanong ni Clarah. Umayos ata bigla 'yong pananalita niya.

“Hindi ko alam,” bulong na sagot ko din.

Sobrang bilis ng pangyayari. Nagilat nalang kami at napatayo ng biglang suntukin ni Gio si Andrew. Bumagsak ito mula sa kinauupuan niya. Ano bang nangyayari?! Akala ko tapos na si Gio sa simpleng pag-suntok lang kay Andrew. Nilapitan niya pa ito sabay kwinelyuhan at saka hinila patayo.

“It doesn't mean na hindi ako nakatingin, hindi ko na nakikita. Don't take advantage her situation! DON'T. YOU. EVER. TOUCH. HER. AGAIN!” galit na sabi ni Gio.

Lumapit si Aldrake, “stop it.” sabi nito saka pinaglayo ang dalawa.

Nasa side namin si Gio ngayon habang si Andrew naman naiwan sa pwesto niya. Pinusan nito ang dugong lumabas sa labi niya. Masyado atang malakas ang suntok ni Gio.

“A-Ano bang nangyayari?” nagugulohang tanong ni Clarah.

“Hinihipuan niya si Aleah.” simpleng sagot ni Aldrake.

Tumingin kami sa kan'ya. Bakit hindi ko alam 'yon? “H-Hinipuan?”

Tumango si Aldrake.

“Bitawan niyo 'ko iuuwi ko na si Aleah.” walang emosyong sabi ni Gio.

“May gusto ka ba kay Aleah?” napaka-usisera talaga kahit kailan!

“She's just my friend. I'm just protecting her from stupid people like Andrew. Every girls deserve to be protected by their own boy bestfriend.” huling salitang binitawan ni Gio bago lumapit kay Aleah.

Hindi na din masyadong makatayo si Aleah dahil sa kalasingan kaya binuhat niya nalang ito. Nagkatinginan nanaman kami at sabay-sabay na umiling. Tama naman si Gio, lahat ng babae deserve na protektahan ng boy bestfriend nila. Basta ako hindi lang basta BESTFRIEND ang tingin ko kay Clarah. More than friends.

Muli nanaman kaming nag-inuman. Umakto nalang kami na parang walang nangyaring kung ano sa paligid namin. Gusto lang namin ngayon maging masaya si Clarah at the same time mag-enjoy siya ng kasama kami. May hindi lang talaga ako maibigay sa kan'ya at 'yon ay 'yong palabas niya sa kwarto na 'to. Masyado na siyang madaming na-inom mas lalo ko na siyang pinaghihigpitan.

*********

2:47 am.

Tingin ko sa orasan ko. Tulog na si Zyria sa balikat ni Aldrake. Si Sandra naman mas lumalandi na ang galawan. May time na pumapatong na siya kay Andrew, tsk. Parang pokpok. Si Queenie naman tulog na din, si Clarah eto inom pa din nang inom.

“Uwi na tayo,” pagyaya ko sa kanila.

“Mamaya *hik* na *hik*” lasing na talaga.

“Lasing kana. Tama na 'yan.”

“Hindi pa *hik*”

“I-uwi mo na 'yan. Ako na bahala dito kay Queenie at saka kay Zyria. Just take care of thay woman.” sabi ni Aldrake.

Tinanguan ko siya. Iiwan nalang siguro namin 'yong dalawa kasi mukhang kailangan pa nilang mag-jugjugan bago umuwi. Ramdam ko nang pahihirapan ako ng husto ni Clarah ngayon. Masyado nanaman siyang malikot.

“Kita nalang siguro tayo bukas.” sabi ko kay Aldrake nang nasa labas na kami.

“Sige.” sagot niya.

Ipinasok ko na si Clarah sa loob ng kotse ko. Gusto pa talaga niyang lumabas kaso mabilis kong sinarado 'yong pinto. Umikot na din ako para pumasok sa loob ng kotse ko sa may driver seat.

“Hoy! *hik* shino ka?!” lasing na nga siya.

Hinili niya ang tenga ko papalapit sa kan'ya. “Shino kaaaaaaaaa!” malakas na sabi niya sa tapat mismo ng tenga ko.

“POT--- Clarah!” inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa tenga ko.

Nagitla ako ng ibinagsak niya ang kamay niya sa mismong junjun ko. Shit! Hindi masakit pero... tangina titigas nanaman 'to!

“Rapisht ka ano?!”

“C-Clarah 'y-yong...” shit!

“Paano mo *hik* nalaman pangalan ko haa?!”

'Yong kamay mo nasa junjun ko pa tangina!

Ako 'yata r-rapin ng babaeng 'to, eh. Agad kong inalis ang kamay niya. Namumuo na ang pawis sa mukha ko. Hindi na ako natutuwa kailangan ko ng matinding pagtitimpi ngayon. Suminghap muna ako bago nagsimula ng mag-drive. Hindi pa din nababawasan ang kalikutan niya. May pipisilin niya 'yong pisngi ko, ip-poke niya 'yong ilong ko, pipitikin niya 'yong tenga ko. Lahat na! Lahat na ng pananakit gusto na niyang gawin sa'kin!

“Clarah h'wag kang malikot baka mabangga tayo!” reklamo ko ng yugyugin niya ang braso ko.

“Hindi! Rapish ka dadalhin kita sa pulish!”

Tita naman bakit kayo gumawa ng ganito ka-sira ulong anak kapag lasing?

“Ang gwapo ko namang rapist,” natatawang sabi ko.

“Hihi gwapo ka nga *hik* kasho rapish ka pa din!”

“Shut up malapit na tayo sa condo mo.”

“Ishushumbong kita kay mommy...” parang batang nagpapadyak na sabi niya, “shabihin ko tina— *hik* tinanan mo'ko! Huhuhu”

Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kung pwede lang talagang itanan ko siya eh 'di sana matagal ko na ding ginawa. Minsan talaga hindi nag-i-isip 'tong babaeng 'to.

Ipinark ko ang kotse pagtapos no'n inakay ko siya papasok. Syempre hindi madaling mag-akay ng kagaya niyang sobrang likot. Malapit ko na nga siyang itulak hindi ko lang magawa kasi syempre, mahal ko siya. Mag-titiis nalang ako kahit sobrang pula na ng tenga ko kakahila niya. Wala naman akong magagawa diyan siya masaya kahit lasing siya.

Swerte lang na alam ko 'yong password ng room niya. Syempre ako paba? Halos lahat yata alam na alam ko pagdating sa kan'ya. Every single details of her life, I know. Dumeretso na ako sa kwarto at pabagsak siyang ibinaba. Nahila niya ako at nasa ako sa pagbagsak niya sa kama. Nasa ibaba niya ako ngayon habang nakalingkis ang mga kamay niya sa leeg ko.

Shit!

Biglang nabuhay ang alaga ko. Kanina palang buhay na 'to pero ngayon buhay na buhay na siya. This is bad! Really bad!

Tila kusang gumagalaw ang mga katawan namin. Namalayan ko nalang magkalapat na ang aming mga labi. I kiss her very passionately. Damn! Ang sarap ng labi niya. Her hands moving, papunta na ito ngayon sa likod ko. Dahan-dahan niyang hinahagod ang likod ko habang naghahalikan kami.

“Hmm...” we both moan.

Nakaka-adik, nakaka-praning. Ayan lang ang nararamdaman ko ngayon. I went my kiss lower to her neck. Ang mga kamay ko ay gumagala na din sa katawan niya.

“Hmm...” moaned escape from her mouth.

Napatigil ako. This is bad. I should not take advantage her situation. Lumayo ako sa kan'ya sabay pinunasan ang labi ko. Wala manlang akong narinig na reklamo mula sa kan'ya ng lumayo ako. Nakatulog na din siya kaagad.

Im sorry.

Hindi ko gustong makatalik siya sa ganitong paraan. Pareho kaming lasing at ang kalalabasan nito, isang mistake. I want to do this na hindi kami naka-inom ng alak. Maybe this is not the right time.