Chapter 8
“Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit nila tayo pinaglalayo,” sambit ni Carmein.
“Gano’n din ako, hirap na hirap akong makipag-usap sa’yo noon dahil lagi nilang dinidiktahan ang bawat kilos ko lalo na kapag lumalapit ako sa’yo.”
Nakatingin lang kami sa isa’t isa na parang nagsusumbong sa mga pinagdaanan namin noong mga bata pa kami.
“Ipangako mo sa akin adi, kahit ipaglayo ulit nila tayo. Hindi mo ako iiwan o lalayuan,” nangangamba niyang sabi.
“Pangako. Mangako ka rin sa akin na hindi mo ako bibitawan o iiwan.”
“Pangako.”
Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko na ata kayang bitawan o layuan pa si Carmein sa pagkakataong ito. Niyakap naman niya ako pabalik, ilang minuto kaming nasa gano’ng posisyon hanggang sa mahiga kami sa picnic blanket at pinagmasdan ang kalangitan.
“Tingnan mo ‘yon oh, hugis baby,” masaya niyang turo sa ulap.
“Ayon naman hugis dalawang babaeng magkayakap,” turo ko sa kabilang ulap.
“Hala, Oo nga ‘no!” Mangha niyang sabi.
“Iyon naman hugis puso--”
Hindi pa niya natatapos ‘yong sinasabi niya nang hawakan ko ang kamay niyang pinangtuturo niya sa mga ulap. Nanuyo na naman ang lalamunan ko at ramdam ko na naman ang kaba sa puso ko. Napatingin siya sa akin at unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Tinagilid ko rin ang ulo ko para tingnan siya.
“Carmein . . .”
“Lea . . .”
Huminga ako ng malalim at para akong naputulan ng dila. Imbis na magsalita, bumangon na ako sa pagkakahiga sa picnic blanket at nabitawan ko ang kamay niya dahil sa kabang nararamdaman ko. Kinuha ko na lang ‘yong gitarang dinala ko. Hindi ako makatingin sa kaniya kaya nag-focus na lang ako sa pag-strum ng gitara.
Naisip ko na lang na daanin sa pagkanta ang pag-amin ko sa nararamdan para sa kaniya at sana, maramdaman niya kung ano ang gusto kong iparating gamit ang gitara at ang kanta.
Nagsimula na akong mag-strum at ang kantang napili ko ay Falling in Love by 6 Part Invention. Nag-intro muna ako bago ako nagsimulang kumanta.
“You and me, we got along just fine
But deep inside I know there is more
Right next to you
I know you’re the right one
Can’t fight this feeling
I’m taking chances now
In my heart I feel
That this is something real
I don’t wanna let this moment go
Why, oh, why do I feel this way
When I’m with you
I feel so alive
Why, oh, why will I hide away
I can’t help it
I’m falling in love with you.”
Napatingin ako sa kaniya nang siya naman ‘yong kumanta sa sumunod na lyrics. Mas lalo ata akong nahulog nang marinig ko siyang kumanta.
“Never ending nights
When I’m alone with you
A lifetime of dreams coming true
Nothing comes close
To what we have right now
You’re the only one that matters now
In my heart I feel
That this is something real
I don’t wanna let this moment go
Why, oh, why do I feel this way
When I’m with you
I feel so alive
Why, oh, why will I hide away
I can’t help it
I'm falling in love.”
Siya pa rin ang kumanta sa isang linya.
“What if I fall in love.”
Sa sumunod na linya ay ako naman ang kumanta. “What if I make you mine.”
“I wanna know if you'll be there by my side,” at sabay naming kinanta ang sumunod na linya.
“Why, oh, why do I feel this way
When I’m with you. I feel so alive,” nakatingin ako sa mga mata niya habang kinakanta ko ‘yong sumunod na linya.
At ang huling parte ng linya ay siya na ang nagpatuloy. “Why, oh, why will I hide away
I can’t help it I'm falling in love with you . . .”
Ilang segundo kaming nagtitigan bago siya kumurap-kurap at nag-iwas ng tingin mula sa akin.
“A-ahh, mabuti pa--”
Hindi ko na siya pinatapos pa nang hawakan ko ang isang kamay niya kaya napatingin siya sa kamay namin bago siya tumingala at tumingin ulit sa akin.
“Carmein. Gusto kita, hindi lang pala kita gusto. Mahal na yata kita,” diretsong sabi ko habang sincere na nakatingin sa mga mata niya.
Halatang nagulat siya sa biglaan kong pag-amin pero kinalaunan ay nakabawi na rin siya sa pagkabigla.
“L-lea.”
Biglang tumulo ang luha sa mga mata niya kaya agad akong nag-alala. Parang alam ko na ang isasagot niya sa akin at kailangan kong tanggapin kung ano man ang magiging desisyon niya.
“Carmein, hindi mo naman kailangang tugunan ang nararamdaman ko para sa’yo. Gusto ko lang umamin sa nararamdaman ko dahil ayokong magsisi sa huli kapag hindi ko na amin ‘yong totoong nararamdaman ko para sa’yo. Ayos lang kung kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin, hindi naman kita pipiliting gustuhin ako tulad ng pagkagusto ko sa’yo--”
“Gusto kita.”
Para akong naputulan ng dila sa sinabi niyang ‘yon. Gulat akong tumingin sa kaniya habang naiwang bukas ang bibig ko dahil sa pagkabigla. Nag-umpisa na namang mangabayo ang puso sa bilis ng takbo.
“A-ano?”
Gusto ko ulit marinig ang sinabi niya dahil baka nagkamali lang ako ng pandinig at hindi talaga ‘yon ang totoo kong narinig.
“Gusto kita, Azalea. Gustong gusto. Naaalala mo ba no’ng araw na niligtas kita?”
Tumango ako sa kaniya habang ang mapupungay niyang mga mata ay nakatingin sa mga mata ko.
“Balak ko na rin no’n magpakamatay dahil sa stress at pressure na nararamdaman ko. Lagi akong binibigyan ng parents ko ng dahilan para ma-pressure ako sa pag-aaral. Minsan hindi ko na kinakaya ‘yong pressure na binibigay nila sa akin pero nilalabanan ko na lang. Gusto kase nila, lagi akong mataas o ‘di kaya naman. Perfect sa paningin nila at sa paningin ng lahat pero hindi nila alam, sila ang magiging dahilan ng pagkamatay ko kung sakali mang natuloy ‘yong araw na ‘yon.”
Huminga siya ng malalim, samantalang ako ay gulat sa mga sinasabi niya.
“Alam kong mas masakit at malalim ang nararanasan mo sa kamay ng parents mo pero tulad mo, gusto ko na rin tapusin ang buhay ko no’ng araw na ‘yon. Habang pinapanood kita no’n, na realize ko. Sasaya siguro ang buhay ko kung makikilala kita. Nakatingin lang ako sa’yo no’n pero nakaramdam na agad ako ng kakaibang pakiramdam. Parang may kung ano’ng gumagalaw sa t’yan ko at may nag-uudyok sa akin habang pinagmamasdan ka, na nakatingin lang sa kawalan. No’ng una, hindi ko maintindihan ‘yong sarili ko kung ano’ng klaseng pakiramdam ba ‘yon dahil namulat na lang ako sa isang bagay na pinipilit kong gustuhin kahit hindi ko naman talaga gusto. Si Alexis? Ang totoo niyan ay pinilit ko lang ‘yong sarili ko na gustuhin siya dahil gusto siya ng parents ko para sa akin, kaya ayon. Nasanay na lang siguro ako na lagi siyang nasa tabi ko kaya siguro nagustuhan ko na rin siya sa huli.”
“Pero sa’yo? Laking pasasalamat ko kasi, dumating ang araw na ‘yon. Pina-realize mo sa akin na p’wede pala akong magkagusto sa isang tao na walang halong pamimilit o sapilitan. ‘Yong totoong pagkagusto at walang halong lokohan para sa sarili. No’ng araw na ‘yon, pinaramdam ko agad sa’yo na gusto kita. Na gusto kitang makuha at mapasaakin,” mahaba niyang pagsasalaysay.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niyang ‘yon. Nakatulala lang ako habang nakikinig sa kaniya. Para ba akong nakalutang sa langit at nakahiga sa ulap. Sobrang sarap mapakinggan ang pag-amin niya sa akin, parang musika sa tainga na masarap ulit-ulitin. Walang tigil sa pagtibok ng mabilis ‘yong puso ko. Kaunti na lang ata at malapit na akong ma-heart attack at baka ang maging cause of death ko pa ay ang pagka-sobra sa kilig.
Oo, kinikilig ako hanggang ngayon nang dahil kay Carmein Padilla. Natahimik kami ng ilang segundo bago ako lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
“Alam mo ba kung ano ang nararamdan ko ngayon?” mahinahon kong tanong sa kaniya.
“Ano?”
“Pakinggan mo ang tibok ng puso ko at ikaw na ang magsabi kung ano ang nararamdan ko ngayon.”
Kinuha ko ang kanang kamay niya at inilagay ko ‘yon sa dibdib ko kung nasaang gawi ang puso ko.
“Ang lakas ng tibok Lea, pero hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam niyan. Ako rin,” pag-amin niya at kinuha niya rin ang isang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.
Ramdam ko ang malakas na kalabog ng puso niya para sa akin. Napangiti ako nang dahil do’n.
“Para sa akin ba ‘yan?” natutuwa kong tanong.
“Sa’yo ko lang naman ‘to naramdaman. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng ganito at wala ng iba.”
“Talaga?” natutuwa kong tanong.
Tumango naman siya sa akin habang may ngiting iginawad sa akin.
“Oo.”
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa magtagpo ang mga labi namin. Mas lalo atang bumilis ang tibok ng puso ko na parang sasabog nang dahil kay Carmein. Napangiti ako nang tugunan niya ang bawat galaw ng labi ko sa labi niya.
Marahan lang ang halik namin na parang sumasabay sa ritmo ng musika. Ngayong alam ko na, na parehas lang kami ng nararamdaman para sa isa’t isa. Alam kong mag-uumpisa na rin ang laban namin sa pagitan ng aming mga magulang dahil alam namin ni Carmein na magiging tutol ang mga ito kapag nalaman nila ang namamagitan sa aming dalawa.
Ako ang unang huminto sa halik na pinagsasaluhan namin. Ngumiti ako sa kaniya at gano’n din ang tinugon niya sa akin.
“Alam kong ngayon lang tayo lubos na nagkakilala pero handa akong magsakripisyo sa kung ano man ang namamagitan sa atin ngayon.”
“E ‘di itodo na natin ‘to adi, will you be my girlfriend?” tanong niya sa akin.
“Seryoso?” gulat kong tanong.
“Mukha ba akong nagbibiro Lea? Mahirap na, baka paglinggat ko lang sandali mapunta ka pa sa iba. Kaya hangga’t maaga pa, tatanungin na kita. Will you be my girlfriend?”
“If I say no, ano ang gagawin mo?” pang-aasar ko.
“Aba, isang Carmein Padilla na ang nag-ooffer sa’yo tatanggihan mo pa ba?” mahangin niyang sabi habang natatawa kaya natawa na rin ako.
“Sige na nga, girlfriend mo na ako,” kunwaring napipilitan kong sagot.
“Aba naman Miss Montemayor! May gana kapang mapilitan sa lagay na ‘yan e, ikaw nga ang unang umamin sa ating dalawa.”
Lalo akong natawa sa naging reaksyon niya dahil pati pisngi niya ngayon ay namumula na.
“Pero ikaw naman ang unang na in love. Biro lang, ‘wag kang masyadong high blood nagiging kamukha mo si Anabelle,” pang-aasar ko.
“Ah gano’n? Ang lakas mo ring mang-asar e ‘no?” inis niyang sabi at pinalo niya ako sa braso. “Gusto mo bang bawiin ko--”
“Biro lang adi. Gusto kita,” panglalambing ko.
“Tse! Tigilan mo ‘ko,” nakanguso niyang sabi at inirapan ako. Nag-cross-arm na rin siya at halatang pikon. “Gusto rin kita.”
Tumawa ulit ako dahil sa pagiging marupok niya. Pinisil ko siya sa magkabilang pisngi at pinanggigilan.
“Ang cute naman ng girlfriend ko,” natatawang sabi ko.
Pinalo niya ang kamay ko.
“Bitawan mo ang pisngi ko. Masakit,” masungit niyang sabi.
“Ang sungit ah, tara! Kain na lang ulit tayo,” paanyaya ko sa kaniya.
Tumango naman siya sa akin at nag-umpisa na kaming kumain ng sitsiriya.
“A-aray!”
Nanlaki agad ang mga mata ko sa pag-aalala at agad ko siyang dinaluhan.
“Bakit? Ano’ng nangyari?” agad kong tanong sa kaniya.
“Kumikirot lang ‘yong ulo ko, nahihilo ako.”
“Gano’n ba? Oh, sige. Magpahinga ka muna sandali tapos uuwi na tayo para makainom ka agad ng gamot at makapagpahinga. Masyado ka na atang na stress sa mga school works mo kaya ka nahihilo.”
“Siguro nga.”
“Uminom ka muna ng tubig.”
Inabutan ko siya ng tubig at agad naman siyang uminom.
“Thank you.”
“Ako naman ngayon ang mag-aalaga sa’yo pag-uwi natin sa bahay,” sambit ko sa kaniya at hinalikan siya sa noo.