Chapter 13

HALOS hindi ko mahanap ang boses ko. Sabay silang tumingin sa akin at kitang-kita ang pagbalatay ng sakit sa mga mata ni Carmein nang tingnan niya ako. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

“Mom, k-kapatid ko si Carmein?”

Hindi sinagot ni Mom ang tanong ko bagkus ay nagsalita siya ng mas ikinadurog ng puso ko.

“Itigil niyo kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa. Nagpaimbestiga ako at nalaman ko na may namamagitan sa inyong dalawa Azalea.”

Binalewala ko ang sinabi niya bagkus ay napasigaw ako. Sunod-sunod ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko at ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko lalo na ang kamay ko.

“Mom, answer me! Kapatid ko ba si Carmein?”

Ilang segundo niya ako tinitigan sa mata bago siya nag-iwas ng tingin sa akin at saka siya tumango.

“M-magkambal kayo.”

“Oh my God!” Bulong ni Carmein at napatakip sa sariling bibig gamit ang palad.

Nagkatinginan kami ni Carmein at parehas kaming nasaktan sa mga nalalaman namin ngayon. Nagtiim ako ng panga habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Nag-iwas ako ng tingin at padarang kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. Tumingin ulit ako kay Mom habang nagtitiim ng panga.

“Paano kami maniniwala? May ebidensya ka bang magpapatunay na anak mo talaga si Carmein?” mariin kong tanong kahit sobrang hirap hawakan ng emosyon.

Para akong dinudurog at unti-unting pinapatay sa mga nalalaman ko. Hindi na rin ako makatingin ng diretso kay Carmein. Hindi na nagsalita pa si Mom at ibinigay na lang sa akin ang kulay brown na envelope. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ‘yon at binuksan. Kinuha ko ang papel na nasa loob at nabasa ko ang buong katotohanan.

Pabagsak akong napaluhod sa sahig. Agad akong nilapitan ni Carmein. Kinuha niya sa kamay ko ‘yong papel at binasa ang nakalagay do’n.

“No! Hindi p’wede ‘to!" Nanginginig niya ring sigaw.

Tumayo ulit siya at hinarap si Mom. Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa. Nakayuko ako habang umiiyak. Naikuyom ko ang dalawa kong kamao. Ito ang pinaka masakit na nangyari sa buong buhay ko. Ang malaman na ang babaeng pinaka mamahal ko ay kapatid ko pala, hindi lang basta kapatid kundi. Kambal.

“Nagsisinungaling ka! Fake lang ang result ng DNA na ‘to! You are not my mother! Hindi ko kapatid si Lea! Hindi! Hindi! Hindi!” Galit niyang sigaw kay Mom.

“Totoo ang resulta ng DNA na ‘yan. Naalala mo no’ng humiram ako sa’yo ng suklay sa restroom ng mall? Bago pa kayo magkakilala ni Azalea ay alam ko na na anak kita.”

“Paanong nangyari ‘yon? Paanong napunta ako sa parents ko ngayon, kung ikaw naman talaga ang tunay kong ina?!"

“Alam ko sa sarili ko na dalawa ang iniri kong sanggol noong panahong ‘yon pero ayon sa record ng hospital ay isa lang ang baby ko. Kasabay ko siyang manganak sa parehong hospital noon at pina-imbestiga ko ang mag-asawa at nalaman ko na namatay pala ang totoo nilang anak dahil sa panganganak ni Cristine. Binayaran ni Carlos ang doctor ko at ang nurse na nag-aasikaso sa mga sanggol para ibigay ka sa kanila. Nilayo ka nila sa akin anak. Maniwala ka sa akin, anak kita Carmein. Matagal na kitang gustong lapitan at mayakap.”

“Hindi ako naniniwala sa’yo!”

“Ayaw mo lang paniwalaan ang katotohanan dahil kay Azalea. Alam kong naguguluhan pa kayo kaya hindi niyo pa matanggap.”

Pinilit kong makatayo. Hindi na ako tumingin sa kanila dahil para na akong lasing na dumiretso sa motor ko’t pinaharurot sa kung saan.

“Lea!”

Narinig ko pang tinawag ako ni Carmein pero hindi ko alam kung bakit ayoko muna siyang makita. Sobra-sobra akong nasasaktan. Kung tutuusin ay parehas lang kaming biktima ni Carmein pero bakit pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng lahat?

Sumigaw ako ng malakas habang mabilis kong pinapatakbo ang motor. Ramdam ko pa rin ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa secret house. Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko na malayang nakarating na pala ako.

Mabilis akong bumaba at sa motor at pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng beer na in-stock ko no’n. Diretso kong ininom ‘yon baka sakaling mawala ang sakit na lumulukob sa puso ko at makalimutan ang buong katotohanang nalaman ko. Ramdam ko ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko.

Napahikbi ako habang umiinom ng alak. Pumunta na ako sa sala at naupo sa sahig malapit sa lamesa. Hindi ko na alam kung nakakailang beer na ba ako at wala na akong pakialam do’n. Naghubad ako ng damit at itinira ko lang ang panty at bra ko. Kinuha ko ang lumang litrato at tinitigan ‘yon habang umiinom.

Hindi ko inabalang tumingin sa kung sino man ang dumating. Abala pa rin ako sa pag-inom ng alak.

“Lea.”

Parang piniga ‘yong puso ko nang marinig ko ang boses ni Carmein. Nag-umpisa na namang mangilid ang mga luha ko. Naramdaman ko ang mga bisig niya na yumakap mula sa likuran ko.

“Nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan ‘di ba?” nanginginig niyang tanong. “Hindi ako naniniwalang magkapatid tayo. Hindi ka naman din naniniwala ‘di ba?”

Hindi ako kumibo kaya humarap na siya sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinuhuli niya ang tingin ko.

“Adi, sagutin mo ako. Hindi ka naman naniniwala ‘di ba?” pagmamakaawa niya.

Hindi ako sumagot ng ilang sandali bago ako nagsalita na nagpasakit lalo sa puso ko lalo na’t kitang-kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mata ni Carmein.

“Should we end this relationship, Carmein?”

“W-wait, what? Gano’n na lang ‘yon adi? Gano’n na lang kadali sa’yong tapusin ang relasyong ‘to? ‘Di ba na ngako tayo sa isa’t isa? ‘Di ba? B-bakit naman gano’n?”

“Magkapatid tayo Carmein, hindi lang basta kapatid kundi magkbal. So, ano ba ang dapat nating gawin? Ang ipagpatuloy ang namamagitan sa ating dalawa? Hindi ka ba nandidiri--”

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong sinampal ng malakas. Napahikbi na ako ng malakas, hindi dahil sa sampal na ibinigay niya sa akin, kundi ang sampal ng katotohanan.

“Kahit kailan, hindi ako mandidiri dahil totoong pagmamahal ang ibinigay ko sa’yo Lea. Biktima tayo ng kasinungalingan na ‘to. Hindi natin kasalanan kung nangyari ang mga bagay na ‘to!” Sigaw niya sa akin habang umiiyak.

Napahilamos ako ng mukha at hindi ko na rin alam ang gagawin pero sa huli ay bumigay na rin ako. Hindi ko pala kayang pakawalan si Carmein dahil siya ang buhay ko.

“I’m sorry,” pabulong kong sabi at niyakap siya habang umiiyak.

“Hindi ako naniniwala Azalea. Pagkatiwalaan mo naman ako oh, gagawa ako ng paraan para malaman natin ang buong katotohanan. Sa k’wento pa lang ng Mommy mo, may kulang sa istorya niya kaya nakikiusap ako sa’yo . . . ‘wag mo naman akong bitawan agad. Please Lea, please. Please!”

Hinagod ko ang likuran niya at hinaplos ang buhok. “Shh . . . tahan na, naniniwala ako sa’yo. Sorry sa mga nasabi ko, sorry.”

ILANG araw na ang lumipas pero hindi pa rin kami bumabalik sa Las De Vaña. Pinalitan muna namin ni Carmein ang SIM card naming dalawa para hindi kami matawagan.

“Uminom ka na ng gamot?” tanong ko sa kaniya.

Sumasakit na naman kase ang ulo niya at napapadalas na rin ‘yon kaya nag-aalala na rin ako.

“Tapos na.”

“Samahan na kaya kitang magpa-check up?”

“‘Di ba napag-usapan na natin ‘to?”

Bumuntong hininga ako ng malalim.

“Bakit ba kasi ayaw mong magpa-check up? Sasamahan naman kita at para na rin malaman natin ang kalagayan mo.”

“Ayos lang ako Lea. ‘Wag mo akong intindihin. Ang intindihin na lang natin ay kung paano natin haharapin ang katotohanan.”

“P’wede ba, kahit ngayong araw lang. Kalimutan muna natin ang mga problema natin?” mahinahon kong tanong sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin ng tipid. Bago niya hinaplos ang pisngi ko na nagpabigay na naman ng paruparo sa t’yan ko.

“Mabuti pa nga.”

“I love you, Carmein.”

Kinuha ko ang kamay niya at dinala ‘yon sa mga labi ko para halikan.

“Mahal na mahal din kita Lea.”

Ngumiti ako sa kaniya.

“Gusto mo bang mamasyal muna tayo ngayon?”

“Sige, gusto ko ‘yan! Tapos kain tayo ng mga street foods. Sakto, 4:30PM na. Maraming nagbebenta ng street food sa bayan.”

Lumabas na kami ng secret house at pumuntang bayan gamit ang motor ko. Para na rin kaming nag i-stroll. Kinalimutan muna namin pansamantala ang mga problema at in-enjoy ang bawat minutong kasama siya.

Nang makarating kami sa bayan ay masaya kaming kumain ng mga street food. Nagkukulitan at masayang nagku-k’wentuhan. Kahit isang araw lang ay naramdaman ko ang totoong saya at ang tunay na kaligayahan na walang kapantay.

Kapag kasama ko si Carmein lahat ng problema ko ay nawawala panandalian. Napapagaan niya palagi ang pakiramdam ko at masaya ako na hindi niya ako hinayaang bumitaw sa relasyong mayroon kami ngayon.

Kung hindi dahil sa kaniya. Paniguradong hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin ako sa isang tabi at pino-problema ang lahat at mas lalong masasaktan.

Nangangako akong hindi ko siya bibitawan hangga’t nasa tabi ko siya. Hangga’t kasama ko siya at hangga’t hindi niya pa ako binibitawan. Hindi ako bibitaw kahit ano pa ang mangyari.