Chapter 11

Nang mapansin ni Estelle na papasok ng showroom si Leandro, agad siyang napatungo. Kunwari busy siya sa kaniyang tinitingnang papeles. Hindi niya makayanang makipag-eye-to-eye contact sa binata pagkatapos ng nangyari noong weekend.

“Hindi ka ba nahiya? Boss mo pala ‘yong naghatid sa ‘yo dahil tinawagan mo?”

Naalala niyang pahayag ng ina habang binibigyan siya ng pagkain sa hapag-kainan. Brunch na iyon dahil late siyang lumabas ng kuwarto. Ipinagluto pala siya nito ng pagkaing may sabaw para daw sa hangover niya.

“’Di ko po matandaan kung bakit ko ‘yon ginawa, ‘Nay,” ang tanging mahinang sagot niya.

“Buti na lang mabait ‘yong boss mo. Siya pa ang nagbuhat sa ‘yo, ano? Kahiya ka, ‘nak!”

Nalaglag tuloy ang panga niya. Hindi niya ma-imagine ang sarili sa mga bisig ng lalaki. Sobrang nakakahiya nga, tama ang ina.

Parang hindi siya makahinga ngayon. Napansin niyang tumigil ang lalaki sa harap ng kaniyang desk pero hindi pa rin siya nag-angat ng mukha at damang-dama niyang lalong tumitindi ang pag-iinit ng kaniyang dalawang pisngi.

“I want to discuss something with you, Estelle,” marahang sabi nito pagkatapos ng ilang saglit.

Ngayon ay dahan-dahan na siyang napatingala para tingnan ito sa mukha. He looked serious. Well, business-type serious. Iyon ang nahalata niya. May nagawa kaya siyang pagkakamali sa trabaho o ano?

Tumango siya. “Yes, sir,” mahinang wika niya at natuyuan ng lalamunan.

“Meet you at the huddle room,” utos nito bago siya tinalikuran.

‘Leche! Seryoso ba talaga siya?’ sa loob-loob pa niyang napakagat-labi.

Nakita niyang napasulyap sa kaniya ang ibang mga sales representatives na nakita ang eksena nila ng binata pero binalewala niya ang mga ito. Marahan siyang tumayo para sumunod sa binata sa huddle room. Naka-locate iyon sa tapat ng HR office kung nasaan ang office ng binata. Kalimitang ginagamit lang ang huddle room kapag may job interview o teleconference o kaya naman ay personnel meeting or training.

“Give me a list of proposals, wherein you can bring in more clients to the showroom,” bungad kaagad ni Leandro nang pumasok siya sa huddle room. Nakaupo ito sa dulo ng parihabang conference table.

Isinara niya ang pinto kahit nag-aalinlangan siya. Paano kasi ito ang unang pagkakataong mapag-isa silang muli pagkatapos ng halik na iyon noong isang linggo. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakakalimutan iyon.

“I-iyan lang ba ang pag-uusapan natin, sir?” pormal niyang tanong.

“May iba pa,” maikling tugon nito. Napatitig ito sa kaniya.

Umupo si Estelle sa tapat ng binata at nagkunwaring abala sa pagte-take notes sa dala niyang notepad. Naghihintay siyang magsalitang muli ang binata pero nanatili itong tahimik. Ilang minuto pa ay hindi na niya nakayanan ang katahimikang namagitan sa kanila.

“Akala ko ba… may iba pa tayong idi-discuss… sir?” untag niya.

“Do you hate me, Estelle?” mahinang tanong nito.

Napakurap-kurap siya. Hindi niya inasahan ang tanong na iyon mula rito. Kung may inasahan man siya, baka ang itanong nito ay kung bakit niya ito tinawagan noong gabi ng weekend. O kaya naman ay kung may nangyari sa pagitan nila ng boyfriend niya kaya siya naglasing. Malamang may nabanggit na si Mindy sa lalaki nang pumunta ito sa bar para sunduin siya at ihatid sa kanila.

“I… think that question is irrelevant,” iwas na aniya. “We’re at work⸺”

Tumayo ito. Marahan itong humakbang papalapit sa kaniya habang nakapamulsahan sa suot nitong dark gray slacks. As usual, naka-three-piece suit ang binata. Umupo ito sa mesa, malapit sa kaniya.

“Alam mo bang naiintindihan kita kung bakit galit ka nang sinabi mong inagawan kita ng trabaho?”

Napalunok siya. Nakatingala pa rin sa lalaki. He was so close for comfort, she realized. Langhap na langhap niya ang pabango at ang unique scent nito na tila sadyang kumakalabit sa bawat hibla ng katawan niya. Hindi niya matindihan kung bakit ganito na lang ang nadarama niya para dito. It was all new to her, somehow.

“It was made clearer to me when I spoke with your father, when I sent you home. Not that your father knew about our clash and your explosion because I got your job. And believe me, I like your father.”

Napababa siya ng tingin. ‘Just as you like me?’ anang isipan niya. Halos hindi niya napansing napahigpit na ang pagkakahawak niya sa ballpen.

“May mga sinabi siya sa ‘kin kaya mas naiintindihan kita, Estelle,” patuloy nito. Naramdaman na lang niyang hinawakan nito ang kaniyang baba. “How about I give you this job? Would you give me a chance or even consider having a passionate relationship with me then?”

Napamaang siya rito. Kumunot ang noo niya. Itinabig niya ang kamay nito.

“Ano? Iniisip mo bang magiging kabayaran ang posisyon mo para lang… para lang…” Hindi niya ito maituloy-tuloy.

Napangiti ito nang tila nang-aasar sa kaniya. “You asked me how to let your desires go wild and how to set your passion free, remember?”

Nalaglag ang panga niya. Iyon nga mismo ang mga salita niya. Gusto niya tuloy durugin ang bibig niya. Bakit niya kasi iyon itinanong sa binata? Bakit niya kasi ito tinawagan? Ano bang pumasok sa utak niya?

‘Lasing lang ako kaya gano’n,’ palusot niya.

Uminit talaga ang magkabilang pisngi niya dahil dito. Narinig niya ang mapanuyang halakhak ng binata.

“Of course, your reaction does not come as a surprise to me. You were drunk at the time.” Inilapit nito ang mukha sa kaniya nang dumukwang ito. Ang isang kamay ay nakahawak sa likod ng kaniyang inuupuang computer chair habang ang isa ay nasa ibabaw ng mesa. “Pero… paminsan-minsan kung hindi man madalas, ang mga salita ng lasing ay may bahid na katotohanan. So, tell me. Ano ba talaga ang nararamdaman mo, Estelle?” Ipinihit nito ang upuan niya para makaharap siya rito nang husto. “Do you really think you’re not a passionate woman? Do you really think you have no desires? Do I really have to make peace with myself that you don’t feel anything for me?”