Chapter 12
Parang gustong lumabas ng puso ni Estelle mula sa kaniyang dibdib dahil sa gahiblang layo ng kanilang mukha. Langhap niya ang mabango nitong hininga. Tuloy ay hindi siya makahinga nang normal. Pinilit din niyang lumunok ng laway dahil sa biglang tumuyong lalamunan.
Marahan siyang napababa ng tingin sa ilong nito, pababa sa mga labi ni Leandro. Naalala na naman niya kung paano iyon kasarap halikan na para bang ayaw na niyang tumigil at hinding-hindi niya pagsasawaan. Subalit nagawa rin niyang pigilan ang sarili na huwag magpapadala sa kaniyang nararamdaman. Pero ngayon… hindi niya alam. Halu-halo ang emosyon niya. Ang matindi pa ay gusto na naman niyang matikmang muli ang mga labi at halik nito.
Napapikit siya ng mga mata nang gumalaw itong papalapit nang papalapit sa mukha niya… hanggang sa maramdaman niya ang pagdampi ng mga labi nito sa labi niya. Tila tumigil ang kamay ng orasan nang mga sandaling iyon. At first, he was coaxing her. Slowly. He was gentle. Pero nang maglaon ay naging mapusok iyon na tila uhaw na uhaw at nais nitong mapawi iyon sa ganitong paraan.
Naramdaman niya ang mga kamay nitong humawak sa magkabila niyang balikat. Pinatayo siya nito upang iupo lamang sa ibabaw ng mesa. Napatukod ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng mesa habang nakahawak ang isang kamay nito sa kaniyang baywang at ang isa naman ay nakapatong sa isang hita niya. Ewan niya pero nananabik siya sa susunod nitong gagawin. Ramdam niya pa ang pamamasa sa bandang pinakagitna ng kaniyang katawan. Bawat parte ng kaniyang pagkababae ay sumisigaw na angkinin siya nito. Ngunit tama ba ito?
Tila kapwa sila nagkaintindihan nang wala man lang salita at marahan silang napatigil sa paghalik sa isa’t isa. Nagkatitigan silang dalawa habang kapwa habol-habol ang kanilang hininga. Nakikita niya ang nag-aapoy na pagnanasa sa mga mata nito na may halong pagsusumamo. Ibinaba nito ang paningin sa kaniyang mga labi.
“Send me the proposals tomorrow morning,” sabi nito sa namamalat na boses, hinihingal.
Para iyong haplos sa kaniyang puso sa kabila ng mga salitang iyon na bumalik sa pagiging opisyal at walang personalan.
Tumikhim siya. “Noted, sir,” aniyang marahang bumaba ng mesa at pumormal din.
Ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang dalawang pisngi. Nahuli pa niya ang pagngiti nito. Nagmamadali siyang umalis ng huddle room at lihim ding napangiti sa sarili. Ewan ba niya. Ang saya lang ng pakiramdam niya.
Ilang sandali pa ay napaisip siya nang nasa kaniyang mesa na siya.
‘Bakit ‘di ko man lang nagawang sampalin ang lokong ‘yon? Bakit sinuklian ko ang halik niya? Nababaliw na yata ako. Iniisip kaya niya ngayon na gusto ko rin siya?’ Napangiwi tuloy siya sa hiya, hindi lang sa sarili kundi kay Leandro rin.
“Miss Estelle, magbibigay na raw po ang kliyente ng down payment para sa Subaru Impreza,” untag ng isang sales representative na babae. Nakangiti ito sa kaniya at nasa likuran ang isang kustomer na foreigner.
“Sure,” aniya sa kasamahan bago bumaling sa kliyente. “Please, have a seat,” aniya sa foreigner nang nakangiti.
***
Tiningnan ni Leandro ang kaniyang company email. Nasa inbox na niya ang proposals na hiningi niya mula sa dalaga. Ni-review niya ang mga ito: Una, iminungkahi nitong i-display sa labas ang kanilang bestseller na models. Pangalawa, magre-redecorate sa kanilang windows sa showroom. Pangatlo, ia-adjust ang down payment ng ilang modelo ng sasakyan pati ang monthly payments at i-advertise iyon. Pang-apat, ipakita ang signs ng ilang percent off na kanilang offer lalo na’t papalapit na ang kanilang anniversary, so may anniversary sale sila. Pang-lima, magbibigay sila ng loyalty rewards sa kanilang customers. Pang-anim, dapat magiging active sila sa social networks. Kailangan nila ng social media pages at presence sa iba’t ibang platforms. At ang pang-pito nitong proposal, ang telemarketing sa mga nakaraan at potential customers na nag-iwan ng numero sa kanila.
Bilang showroom manager, agad siyang sumang-ayon sa mga ito. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit hindi naka-implement ang iba sa mga ito gaya ng company page sa social media gayong lahat ng mga bagay ngayon ay nasa internet naman na. Ang mga bestsellers naman ay dapat hindi lang nakatago sa kung saan para maibenta ang iba. Dapat talaga nasa harap iyon at agad na nakikita ng mga kliyente.
Hindi niya naman akalaing mabilis makapag-isip si Estelle para mas lalo pang mapaunlad ang kanilang pang-aakit ng kliyente sa showroom. Sigurado siyang effective ang mga ito.
Kinausap niya ang kanilang GM at inilahad ang proposals ng dalaga.
“These are good. Ang galing mo talaga, Leandro,” satisfied na anang general manager.
“Actually, mga proposals ito lahat ni Estelle, sir. I really think your branch has a gem. In just a few months of being here and working with her, I observed she would make a great showroom manager, and she deserves the position.” Napangiti siya rito.
“So, ito ba ang ultimate reason kung bakit ikaw ang ipinadala ng taga-HQ natin? Para malaman mo kung sino ang dapat na ipo-promote sa branch na ito?”
Ngumiti siyang muli. “I’m actually the company’s in-house consultant. But… if you don’t mind, I’d like it if we keep this just between ourselves.”
“Of course! Sa totoo lang, Estelle was my first choice para pumalit sa resigning showroom manager. Just that, may sudden changes mula sa HQ kaya wala akong nagawa, and it turns out na ito pala ang plano ng main branch. Of course, I’ll be happy if you do recommend her as the showroom manager for this branch. Matagal na rin siyang naninilbihan sa kumpanyang ‘to. I just want to see her being motivated nonstop and remain to be loyal.”
Napatango-tango siya nang nakangiti. Pagkatapos ay nag-shake hands silang dalawa ni Mr. Intog.
“That’s a good call, sir,” wika niya rito.